You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

Region X
DEPARTMENT OF EDUCATION
Division of Cagayan de Oro City
CAGAYAN DE ORO NATIONAL HIGH SCHOOL
28th Sts., Nazareth, Cagayan de Oro City
SY: 2017 – 2018

Isa sa mga suliraning panlipunan ngayon ay ang lumalalalang isyu ng unemployment sa


bansa. Karamihan sa mga Pilipino ay walang mapasukang trabaho. Kahit patuloy na
umuusbong ang ekonomiya ng Pilipinas, tumaas pa rin ang bilang ng mga walang trabaho.

Karamihan sa mga walang trabaho ay mga nakapagtapos lamang ng high school, mga hindi
natapos ang kolehiyo at pati na rin ang mga nagtapos ng kolehiyo .

Isa sa mga dahilan kung bakit maraming walang trabaho sa Pilipinas ay dahil sa hindi
pagtatapos ng pag-aaral. Dahil sa hirap ng buhay sa Pilipinas, nahihirapan ang mga
pamilyang Pilipino na mapagaral ang kanilang anak.

Maraming maaaring gawing solusyon ang pamahalaan para mabawasan ang pagdami ng mga
walang tranaho sa Pilipinas.

Una, bigyang pansin ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas upang sila ay makalinang ng mga
matatalino at magagaling na mga manggagawa. Sa paraang ito, maraming mga institusyon
ang maaaring tumanggap sa mga nakapagtapos ng pag-aaral.

Pangalawa, paunlarin ang ekonomiya ng Pilipinas at magbukas ng mga kumpanya upang


maraming mapasukan ang mga manggagawa.

Ikatlo, ang pamahalaan sa tulong ng pribadong sektor, ay dapat ipagpatuloy ang


pagsasagawa ng job fare upang mabilis na makahanap ng trabaho ang mga manggagawa
ayon sa kanilang kalakasan o kakayahan.

Ang isyu ng kawalan ng trabaho ay repleksyon ng kalagayan ng ating bansa. Maraming mga
tao ang maghihirap kung wala silang trabaho. Makatutulong ng malaki ang mga solusyon na
aking inilatag, hindi man nito lubusang matigil ang isyu ng kawalan ng trabaho, malaki ang
magiging epekto nito sa pagbawas ng bilang ng mga walang trabaho o mapasukang trabaho
sa bansang Pilipinas.

Joel Q. Calubia
Ipinasa ni:
Grade 10-Lyra
Section
Marybeth P. Cultura
Ipinasa kay:

You might also like