You are on page 1of 2

TAGUBILIN SA PULONG

Hulyo 6, 2019 (SABADO)

1. PAGPAPALAGANAP:
 Hulyo 2- Setyembre 15, 2019 (75 araw) - Lahat ng nagdodoktrina ay dapat magpatala ng 50 aktibong
sumasamba na bagong dinudoktrinahan at sinusubok. Ang resulta nito ay aanihin sa 1 st quarter ng 2020
kung saan ay pasado ang lahat ng nagdodoktrina at ang buong distrito. Sisiyasatin ito ng mga STAFF ng
distrito sa tuwing magdadalaw o mangangasiwa sa lokal.
 Ang pagmimisyon sa bawat lokal ay isasagawa sa bahay ng mga MS o madalang sumamba. Lunes, martes
at byernes.
DAKO PETSA ARAW ORAS
ENDAB RES. JULY 8, 2019 LUNES 6:30PM
RONNIE BALSIMO RES. JULY 9, 2019 MARTES 5:30PM
R. ARDON RES. JULY 12, 2019 BYERNES 6:30PM
SENINA RES. JULY 15, 2019 LUNES 6:30PM
FLORA RES. JULY16, 2019 MARTES 6:30PM
DUGOS RES. JULY 19, 2019 BYERNES 6:30PM
SABELLANO RES. JULY 22, 2019 LUNES 6:30PM
CANAYAN JULY 23, 2019 MARTES 2:00PM
LADAN RES. JULY 26, 2019 BYERNES 6:30PM
1. Hulyo 7 (Linggo) - Pagdalaw at pagtatagubilin sa mga kapatid na pagdadausan ng pagmimisyon sa
pamamagitan ng katiwala sa grupo at purok.
2. Sila ang maghahanda ng kasangkapang gagamitin katulad ng pulpito, mesa na may puting tela na
pansapin, mga upuan, laptap/TV at refreshments.
3. Pangunahan ang panalangin at maayos ang kanilang kasuotan. Lahat ng miyembro ng pamilya ay
nakabihis at nakagayak sa pangunguna ng mga katiwala.
4. Umpisa ng pagmimisyon. 7 tao ang maximum na bisita at 5 tao ang minimum. Kung medyo malilit ang
bahay ng kapatid ay kahit 10 kapatid. Ang iba ay sa labas subalit ay nasa kaayusan pa rin.
5. Hulyo 28 (Linggo) - Sabay-sabay na Pamamahayag sa lahat ng lokal. Ipagpanata ito at paghandaan. Ito ay
isasagawa sa KABLACAN,7:00PM.
6. Lahat ng mga DD at SS na hindi nakadalo sa TP ay kakausapin ng Destinado at Manggagawa.

2. PANGANGALAGA:
 Tiyakin ng mga KATIWALA na patuloy na isagawa ang panata ng bawat sambahayan sa grupo. Kunan ng
picture ang mga panata sa grupo at magkaroon ito ng attendance. Ipadala sa telegram ang picture sa mga
panata na isinagawa.
 Sa Bataresang pagdadalaw na isinasagawa sa bawat lokal ay doon titipunin sa bahay ng mga MS ang mga
kapatid sa grupo upang tiyak na makadalo at makausap ng mga Ministro na magdadalaw ang mga MS at
TS sa lokal.
 Hulyo 6 at 7 (Sabado at Linggo) ay magsasagawa ng maiksing pagpupulong sa mga kapatid pagkatapos ng
pagsamba para sa Maramihang Recruitment. Magpayo at basahin ang I Corinto 12:31 MB. Huwag nang
palabasin ang mga kapatid. Pagkatapos ng pag-awit ng labasan ay isunod agad ang huling panalangin ng
mga tumupad saka isagawa ang maikling pagpupulong.
 Hulyo 15-16 (Lunes-Martes)- ang submission ng mga papeles at kahilingan ng mga bagong recruit na MT.
 Hulyo 14 (Linggo) alas 5 hapon- Tanging Pagtitipon ng mga Choir sa kapilya ng Gensan.
1
 Agosto 11 (Linggo) – TANGING PAGTITIPON ng lahat ng mga maytungkulin sa buong distrito sa Gym ng
Lagao. Bawat lokal ay magsumite ng talaan ng mga pangalan ng mga maytungkulin sa lokal na aktibo pang
tumutupad.

3. PANANALAPI:
 Paghandaan ang Pasalamat sa pagdiriwang ng ika-105 ng pagkakatatag ng Iglesia Ni Cristo. Magsagawa ng
pagdadalaw at pagpupulong ukol dito. Kumuha ng sobre ang lahat ng kapatid upang maihanda ng maaga
at sagana ang paghahandog. Gawin 105% ang attendance ng pagsamba sa Tanging Okasyong ito. Tiyakin
na sumulong ang lahat ng lokal sa paghahandog
 Ang simula ng panata ay JULY 13.
- LUMASAL EXT. – 12:00NN
- KABLACAN – 6:00PM
 Hulyo 7 (Linggo) - alas 2 hapon - mayroong Pulong Seminar ang lahat ng mga Ministro, Pamunuan at mga
maytungkulin sa Pananalapi bago ang Pasalamat sa mga sumusunod na dako: Kiamba.
 Agosto 25 - TANGING PAGTITIPON ng mga maytungkulin sa Pananalapi na pangangasiwaan ni ka. Ernesto
Suratos sa Kapilya ng Gensan.

4. MEHORAS:
 Paigtingin ang Pagbabantay 24/7 sa Gusaling Sambahan. Tiyakin na maayos ang masuotan ng mga
nagbabantay.
 Patuloy na isagawa ang Weekly General Cleaning sa Kapilya at sa palibot nito na sponsored ng bawat
purok..
 Lahat ng mga MT at mga kapatid na masisigla ay MANUNUMPA sa buwan ng Agosto, 2019 bilang mga
Misyonero/ra para makatuwang lalo sila at matali sa mga darating na mga kilusan para sa pinaigting na
gawaing pagpapalaganap. Ang ibubunga nito ay para sa taong 2020. Magsimula na ng pagpapasa ng
kahilingan w/ salaysay at R2-01 hanggang katapusan ng July, 2019.
 Maaari nang magbalik-loob kung nalunasan ang suliranin ng natiwalag kahit hindi pa umabot ng 1 taon.
 Lahat ng mga maidagdag na bagong sinusubok mula sa kasalukuyang dinudoktrinahan ay kakausapin
muna ng Staff ng distrito bago ipasok na SS.

You might also like