You are on page 1of 4

Pagsusuring Pamapanitikan

I. Panimula

Ang maikling kwentong ating susuriin ay ang kwentong “Lugmok na ang Nayon” ni Edgardo M. Reyes.
Ang paksa nito ay ang pagiging matulungin ng mga taga-nayon o probinsya kahit na sila ay hikahos sa
buhay ay handa silang tumulong o magbigay ng tulong sa mga humihingi sa kanila.. Maganda ang
kwentong ito sapagkat ang kwento ay tumutukoy sa pagiging mainit sa pagtanggap sa mga bisita kahit
na nasa nayon kayong nakatira.

II. Pagsusuring Pangnilalaman

a. Paksa

Ang tema ay ang paksa ng kwento. Dito umiikot ang mga kaganapan sa kwento at ito ang mismong ideya
ng kwento. Ang paksa ng kwentong ito ay ang mainit na pagtanggap ng mga tao, o sa pangkalahatan ang
pagiging mainit na pagtanggap ng mga Pilipino sa kanilang mga panauhin at gagawin nila ang lahat
mapasaya lamang ang kanilang mga nagiging bisita kahit na hikahos sila sa buhay.

b. Simbolo (Simbolismo)

1. Simbolismo ng mga bagay na binanggit sa akda

Ang ilan lamang sa mga simbolismo ng mga bagay na binanggit sa akda ay kalahating kabang bigas na
Milagrosa, isang litsuning baboy, dalawang kambing, isang kilong manok, walong pato, dalawang pabo
at dalawang bayong ng sari-saring gulay. Simbolo ito sa mga pinapabaon natin sa ating mga bisita sa
tuwing sila ay uuwi na. Tradisyon na ito sa atin lalo pa’t kung may mga handaan ay mga pabaon pa
tayong pinapadala sa kanila. Maaari rin itong gamiting simbolo sa pagiging matulungin nating mga
Pilipino. Madalas na tumutulong tayo lalo sa mga masalanta at inaabutan natin sila ng kahit magkano
man lang para lang kahit paano’y makatulong tayo sa kanila.

2. Simbolismo ng mga tauhan o karakater na binanggit sa akda


Naging simbolismo ng mga tauhan sina Vic ng mga karakter o tauhan sapagkat naging simbolo sila ng
mga nagiging mga bisita nating mg Pilipino na kung minsa’y bumibisita sa atin at pinagsisilbihan natin sa
abot ng ating makakaya upang maging komportable sila sa ating kinalalagyan.

c. Uri

Ang “Lugmok na ang Nayon” ay uri ng maikling kwento ay Realismo sapagkat sumasalamin ito sa tunay
na buhay natin. Totoo na kung tayo ay pumupunta sa mga nayon o probinsya man natin ay
pinagsisilbihan tayo at ang pinakamagaganda lang ang ipinapakita sa atin ng mga tao roon kahit hikahos
sila.

d. Magandang Pahayag

Ang magandang pahayag sa kwento ay ang linyang “At sa Sabado, ito’y pagpapasasaan at bubundat sa
maraming taga-lungsod”. Magandang pahayag ito sapagkat magkakaroon ng handa ang kapatid ni Vic na
ikakasal sapagkat nagtulong-tulong ang mga kamag-anakan nina Vic upang mabigyan manlang ng kahit
panghanda sina Vic. Kahit maliit na tulong lamang ito sa kanila, nakikita ng nagsasalaysay na malaking
tulong ito sapagkat hindi naman siya kadalasang nakakakita ng pagbibigayan ng ganoon kalaki.

III. Pagsusuring Pangkaisipan

A. Mga Pahiwatig at mga Kahulugan nito

1. “Ang araw ay mahapdi sa balat at ang hangin ay tila hininga ng isang nilalagnat”. Ang ibig sabihin
nito ay parang ang nayon na kanilang pinuntahan na kilala sa tawag na Sapang Putol ay malayo sa
kasarinlan, at naghihirap ang mga taong nakatira rito. Mainit na rin ang sikat ng araw sapagkat
tanghaling tapat na noon at matagal na rin silang nagpapabilad-bilad sa araw.

2. “At sa Sabado, ito’y pagpapasasaan at bubundat sa maraming taga-lungsod”. Sa sobrang dami ng


kanilang natanggap mula sa mga taga-Sapang Putol ay sobra-sobra na ito sa magiging panghanda ng
kapatid ni Vic para sa kasal nito at sinasabi niya ring marami itong mabubundat sapagkat maraming tao
nag mapapakain nito.

B. Mga Aral at Implikasyon


1. “Kapag may tiyaga, may nilaga.” Naranasan ito ng kaibigan ni Vic at siya ring nagsasalaysay sa
kwento sapagkat noong una ay naaasar na siya sa sobrang layo ng Sapang Putol. Nasisikipan rin siya sa
bahay ng tiyo ni Vic pero sa pagtitiis nila ay marami silang natanggap mula sa mga ito.

C. Kalakasan at Kahinaan ng Pagsulat

1. Ang kahinaan ng kwento ay may mga parte ng kwento na nakakabagot.

2. Hindi ipinakilala ang nagsasalaysay kung anong pangalan niya. Oo, sinabi nga yung kaibigan siya ni
Vic pero kulag ang impormasyong ibinigay ng manunulat sa kanya.

3. Ang ganda ng tema ng kwento.

4. Kahit mahaba ng kaunti yung kwento ay Masaya naming basahin.

5. Nagpapakita ng mga katangian ng tao sa pagiging maasikaso sa mga bisita nila.

7 Comments

Erica Biscocho10/12/2013 03:09:33 pm

Salamat po dito! Big Help po sa project :D

Reply

Huli10/5/2014 04:12:11 pm

Nakatutuwang basahin ang iyong pagsusuri sa panitikang Lugmok na ang Nayon....

Reply

hahalink8/11/2015 11:21:52 pm

dfd
Reply

anonymous12/6/2015 07:37:47 am

Nasaan ang buod?

Reply

DYOSA link11/16/2017 02:53:16 am

big help!!! thanks ng marami.....love you na....

Reply

ganda9/8/2018 02:48:05 am

pwede po ba makuha yung buong bersyon ng maikling kwento?

Reply

jushua9/26/2018 06:55:41 pm

pwede ba full story ng kwento????????????

Reply

Leave a Reply.

You might also like