You are on page 1of 3

1. SAAN-SAANG LUGAR PUMUNTA SI DREW SA CORON?

PAANO ILALARAWAN
ANG MGA ITO BATAY SA NAKITA SA VIDEO? PANO SIYA NAKAPUNTA SA MGA
LUGAR NA NABANGGIT?
Ilan sa mga magagandang destinasyong napuntahan ni Drew sa loob ng Coron,
Palawan ay ang isang resort na ika nga niya’y makakatipid ka at maginhawa sa
makatwirang presyo. Sa Kalachuchi Beach na ayon nga sa pangala’y binubuo ng mga
bulaklak na Kalachuchi at ang lugar na ito’y nagisisilbing “resting spot o picnic place” sa
tuloy-tuloy at sunod-sunod na pag-island hopping. Sumunod naman ay ang Kayangan
Lake, isang sagradong lugar na ayon daw sa mga lokalidad ay binabantayan ng isang
diwata kaya’y itinawag na sagrado. Sa sobrang liwanag ng tubig, kitang-kita ang mga
buhagin sa ilalim ng lawa. Hinding-hindi mawawala ang mga beaches sa pagpunta sa
iba’t-ibang lugar, narito ang Pass Island na kinapapalooban ng mga mapuputing buhangin
tulad ng sa Boracay. Base sa bidyong pinanood, ang huling destinasyon na pinuntahan
ni Drew ay sa restaurant ng isang Amerikano. Inilarawan ni Drew ang kanyang mga
napuntahan sa pamamagitan ng dalawang paraan, ang una’y ang paggamit ng sariling
imahinasyon, sa pag-isip na kunware’y nandoon ka sa mga lugar na kanyang
pinpuntahan. Ang ikalawa naman ay ang labis na paglarawan sa kagandahan at
magagandang aspeto sa mga tanawin at lugar sa loob ng Coron. Ginamit niya ang
kanyang paningin sa pagbibigay deskripsyon sa mga ito. Lahat ng lugar ay kanyang
napuntahan dahil sa iba’t-ibang uri ng transportasyon tulad ng mga bangka sa katubigan
at mga jeep at kotse sa kalupaan.

2. ANO-ANO ANG KINAIN NI DREW SA CORON? PAANO ILALARAWAN ANG


MGA ITO BATAY SA NAKITA SA BIDYO AT PAGLALARAWAN NI DREW?
Iilan lamang ang kinain ni Drew sa loob ng kanyang pakikisalamuha sa Coron,
Palawan, isa na rito ay ang isang patok na putahe sa lugar na tinatawag na sikad-sikad.
Ang sikad-sikad ay isang uri ng kabibe na pangunahing pinagkukunang yaman at
paboritong pagkain ng mga local, ginagamitan ito ng gata upang mas bigyang lasa pa
ito. Sa pagbisita niya sa isang restaurant na pagmamay-ari ng isang Amerikano, binigyan
siya ng espesyal na pagkain na tinatawag nilang St. Patrick’s Burger na ayon daw sa
kanya nanggaling pa daw sa ibang bansa ang sangkap, partikular ang laman sa Estados
Unidos. Gamit ng panlasa ni Drew naihatid niya kung anong lasa ang natitikman niya sa
mga putaheng kanyang kinain. Inilarawan niya ito gamit ng expresyon sa mukha upang
mapatunay kung gaano kasarap ang mga pagkain ito na matatagpuan sa Coron, Palawan.
3. SINO-SINO ANG NAKASALAMUHA NI DREW SA PAGLILIBOT NI DREW SA
CORON? SINO-SINONG MGA TAO ANG NAGPAKILALA SA CORON BATAY SA
BIDYO? PAANO ILALARAWAN ANG MGA TAO NG IPINAKITA BATAY SA
PINANOOD?
Sa sunod-sunod at tuloy-tuloy na pagbisita ni Drew sa iba’t-ibang lugar sa loob ng
Coron, Palawan may iilang tao ang kanyang mga nakasalamuha kung saan natutunan
niya ang kanilang mga kwento, karanasan, at mga kultura sa loob ng Coron. Partikular
na rito ay ang mga tribo ng mga Tagbanua, na mula unang panahon pa ay naninirahan
na sa loob ng Palawan. Sila ang nagsilbing tagapangalaga ng nasabing lugar sa loob ng
mahabang lugar at hanggang ngayo’y mapapansin pa rin ang pagganap nila sa kanilang
mga gampanin. Nang makausap ni Drew ang mga Tagbanua pinakita at napansin niya
ang mga kulturang kay tagal na nilang isinasagawa. Isa na rito ay ang sayaw na tawag
ay Suring, na ayon sa kanila ay isinasayaw sa mga espesyal na okasyon. Isinisayaw
lamang daw ito ng isang pares, isang lalake’t babae na sumasayaw na mala ibona ang
galaw. Bilang pagrespeto sa kanilang kultura, nakisama si Drew sa kanilang pagsayaw.
Ipinarinig naman sa kanya ng isang awitin na base sa kanilang lenggwahe na pinasa rin
sa kanila ng kanilang mga ninuno. Patay-patay nga raw ayon sa kanya dahil daw ito ay
patungkol sa isang babae na iniwan ng lalake na patawang ikinakanta sapagkat
nakakatawa nga ito kung isasalin sa wikang Tagalog. Nakipagkwentuhan din siya sa isang
Amerikanong nagmamay-ari ng isang restaurant na di umano’y naninirahan na sa Coron
sa loob ng pitong taon, nakapagasawa ng isang Pilipina kaya’t nagtayo ng sariling
negosyo. Itinanong ni Drew sa kanya kung bakit hindi na lamang siya nanirahan sa
kanyang bayan kung bakit kailangan dito pa mismo sa Coron. Sagot ng Amerikano ay
nabighani siya sa kagandahan ng Coron at di lamang daw iyon kundi mismong buong
Pilipinas. Maipagmamalaki niya ang ubod ng ganda sa paninirahan dito sa kanyang mga
kabababayan. Naibahagi din ng Amerikano ang masarap nilang pagkain na tinatawag na
St. Patrick’s Burger. Mapapansing lahat ng taong inilarawan sa bidyo ay binigyang galang
at respeto dahil sa mabuting pagtrato nila kay Drew. Isinaad ni Drew na lahat ng tao rito
ay mabait, marunong makisama, mapagmalasakit at higit sa lahat magiliw.

4. ANO-ANO ANG MGA GINAWA NI DREW HABANG NASA CORON? ISALAYSAY


O IKWENTO. MAGKANO ANG KANYANG GINASTOS DOON?
Sobra-sobra at napakarami ang isingawa ni Drew sa loob ng Coron, Palawan, iilan
dito ay ang pag-scuba-diving, island hopping, paglangoy, pagsubok ng iba’t-ibang
putahe, pakikisalamahuha sa mga tao, pagsayaw ng kanilang kultura, paglakbay sa loob
ng kweba, paggamit ng bangka at siyempre sa kalagitnaa’t kaduluhan ay ang
pamamahinga ng taimtim sa pamamagitang ng pag-sightseeing sa sobrang ganda ng
lugar. Bagama’t di binanggit ang presyo na ginastos ni Drew, masasabing swak at sulit
pa rin ang magiging adventure ng isang indibidwal sa loob ng Coron, Palawan. Ang
mahalaga rito ay mga karanasan at kasiyahang matatagpuan sa pagbisita ng Coron. Kung
magiging partikular maaaring umabot ng 15,000 pesos ang kanyang nagastos dito.

You might also like