Sa Pilipinas, ang rehiyon ay isang subdibisyong administratibo na
nagsisilbi upang isaayos ang mga lalawigan ng bansa para sa madaling pamamahala. Noong 2015, mayroon nang labimpitong (17) rehiyon at ang mga ito ay nahahati sa walumpu't dalawang (82) lalawigan. Nabuo ang mga rehiyon upang pangkatin ang mga lalawigan na may pareparehong katangiang kultural at etnolohikal.
Ang mga lalawigan ang pangunahing subdibisyong politika. Ang mga
ito ay napapangkat bilang rehiyon para madaliang pamamalakad. Karamihang tanggapan ng pamahalaan ay naitatawag bilang tanggapang pangrehiyon sa halip na paisa-isang tanggapang panlalawigan, at karaniwan sa lungsod na hinirang bilang kabisera ng rehiyon.
Orihinal na Binalak na maging awtonomo ang Cordillera
Administrative Region (CAR) o Rehiyong Pampangasiwaan ng Cordillera ngunit dahil sa di matagumpay na dalawang plebisito para gawing awtonomo ang CAR, naging regular na rehiyong administratibo na lamang ito. Ngayong 2018 nadagdagan ng 1 at ito ay tinatawag na philiregion(region 18) sa bahaging pinakadulong baba ng pilipinas. Nagayon 18 na ang rehiyon sa bansa natin.