1. Ano ang pagkakaiba o pagkakapareho ng konsepto ng nasyon at ng
estado? A. Ang nasyon ay konseptong pulitikal habang ang estado ay konseptong lahi. B. Ang nasyon ay konseptong lahi habang ang estado ay konseptong pulitikal. C. Ang nasyon at estado ay parehong konseptong lahi. D. Ang nasyon at estado ay parehong konseptong pulitikal. 2. Anong katangian ang dapat taglay ng mga mamamayan sa isang estado? A. Karunungan B. Kasipagan C. Pagkakaisa D. Pagsasarili 3. Kailan itinuturing na estado ang isang bansa? A. Kapag ito ay maraming mamamayan. B. Kapag ito ay may malawak na teritoryo. C. Kapag ito ay mayroong kalayaan. D.Kapag ito ay may soberanya. 4. Ang soberanya ay tinatawag di na pagkamakapangyayari o pagsasarili. Mayroon itong mga katangian. Ano ang nagpapatunay na ang soberanya ay walang taning ang panahon ng kapangyarihan? A. Ang kapangyarihan ng estado ay para sa mamamayan at teritoryong nasasakop nito. B. Ang kapangyarihan ng estado ay may bisa hanggang sa darating na panahon. C. Ang kapangyarihan ng estado ay hindi maaaing isalin o ibigay kaninuman. D. Lahat ng nabanggit ay nagpapatunay na ang soberanya ay walang taning ang panahon ng kapangyarihan. 5. Anong uri ng pamahalaan mayroon ang Pilipinas sa pamumuno ni Benigno Aquino III? A. Mobokrasya B. Tyranny C. De facto D. Demokrasya 6. Ang pamahalaang komunismo ay pinamumunuan ng isang pulitikal na partido. Ito ay ideya ng pilosopong Aleman na si Karl Marx. Anong bansa ang hindi pinamumunuan ng pamahalaang komunismo? A. Switzerland B. Silangang Germany C. Russia D. Hilagang Korea 7. Ito ang salitang Latin na pinagmulan ng pamahalaan. A. Gobernaculum B. Constituto C. Timon D. Rudder 8. Ang Vatican City ay isang siyudad na matatagpuan sa Rome City, isa ring siyudad. Dito naninirahan ang ating Santo Papa na ngayon ay si Santo Papa Benedict XVI. Ang batas na sinusunod sa Vatican ay umaayon sa doktrina ng Simbahang Katolika. Anong uri ng pamahalaan mayroon ang Vatican City? A. Teokrasya B. De Facto C. Electibo D. Military Junta 9. Ang bansang Suwisa o Switzerland ay matatagpuan sa Europa. Ang mga tao rito ang namamahala sa kanilang sarili sa pamamagitan ng lantarang pagpapahayag ng kanilang saloobin. Anong uri ng pamahalaan mayroon ang Switzerland? A. Di-tuwirang Demokrasya B. Tuwirang Demokrasya C. Parlyamentaryo D. Pampanguluhan 10. Kailan nagiging mobokrasya ang isang demokratikong pamahalaan? A. Kapag kaunti ang mamamayan ng estado. B. Kapag puno ng korupsiyon ang pamahalaan. C. Kapag gahaman ang mga opisyal ng pamahalaan. D. Kapag ang mga mamamayan ay hindi nagkakaisa sa isang layunin.
11. Si Matthew ay 21 taong gulang na at isa siyang Amerikano. Siya ay
ipinanganak sa Pilipinas at nakapanirahan na siya rito ng limang taon na walang patlang. Dumaan siya sa proseso ng naturalisasyon. A. Siya ay mamamayang Pilipino. B. Siya ay HINDI mamamayang Pilipino. 12. Si Gemma ay ipinanganak noong ang kanyang ina ay nasa eroplano mula Pilipinas papuntang Hawaii. Limang milya nalang papuntang Hawaii nang manganak ang ina ni Gemma. A. Siya ay mamamayang Pilipino. B. Siya ay HINDI mamamayang Pilipino. 13. Si Sarah ay isang Pilipino. Nakapangasawa siya ng isang Amerikano. Sumunod siya sa pagkamamamayan ng kanyang asawa. A. Siya ay mamamayang Pilipino. B. Siya ay HINDI mamamayang Pilipino. 14. Si John ay isang dayuhang Muslim. Siya ay dumaan sa proseso ng naturalisasyon. Kailanman ay hindi siya naniniwala sa ating mga tradisyon. A. Siya ay mamamayang Pilipino. B. Siya ay HINDI mamamayang Pilipino. 15. ANG SALIGANG BATAS ay: Maaring nakasulat o di-nakasulat A. Katotohanan B. Kabulaanan 16. ANG SALIGANG BATAS ay: Pangalawang batas ng ating bansa A. Katotohanan B. Kabulaanan 17. ANG SALIGANG BATAS ay: Pinagtitibay ng mga mamamayang 15 taong gulang pababa A. Katotohanan B. Kabulaanan 18. Sinasabing nagaganap sa pagitan ng isang tao at ilang malalapit sa kanya. Ang solusyon sa isang isyung personal ay nasa kamay ng indibiduwal. Maituturing ang isyung ito na pribadong bagay na nararapat solusyunan sa pribadong paraan. A. Isyung Personal B. Isyung Panlipunan C. Isyu ng Buhay D. Isyung Panlahat 19. Isang pampublikong bagay. Karaniwang kaugnay ito ng krisis o suliranin sa mga institusyong panlipunan. Mga suliranin ito na nakakaapekto hindi lamang sa isang tao kundi sa lipunan sa kabuuan. A. Isyung Personal B. Isyung Panlipunan C. Isyu ng Buhay D. Isyung Panlahat 20. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng ugnayan ng isyung personal at isyung panlipunan? A. Ang makalat na bakuran ay isang halimbawa ng isyung personal subalit kung ang isang barangay o bayan ay magiging makalat dulot ng kawalan ng maayos na sistema ng pagtatapon ng basura, ito ay maituturing na isyung panlipunan B. Ang kawalang ng disiplina ng mga mamamayan ay isyung personal subalit kung ang isang kumunidad ay bulagsak sa paggasta ay maituturing na isyung panlipunan C. Ang kahirapan dala ng bagyo ay matituturing na isyung personal subalit matutukoy na isyung panlipunan kung ito ay naghihirap ang buong kumunidad D. Korapsyon ang nagiging isang isyu dahil sa pangangamkam ng mga opisyal ng pamahalaan sa kaban ng bayan 21. Ito ay tawag sa pangyayari o ilang suliraning bumabagabag o gumagambala at nagpapabago sa kalagayan ng ating pamayanan, bansa o mundo sa kasalukuyang panahon. A. Isyung Personal B. Isyung Panlipunan C. Isyu ng Buhay D. Kontemporaryong isyu 22. Alin sa mga sumusunod na tema ng kontemporaryong isyu ang hindi kasali sa pangkat? A. Lipunan B. Politika C. Kapaligiran D. Sarili 23. Ang mga sumusunod na sitwasyon o pahayag naglalarawan sa kontemporaryong isyu, alin ang hindi? A. Mahalaga at makabuluhan sa lipunang ginagalawan B. May malinaw na epekto o impluwensiya sa lipunan o sa mamamayan C. Nagaganap sa kasalukuyang panahon o may matinding epekto o impluwensiya sa takbo ng kasalukuyang panahon D. Layunin nitong busisiin ang mga pansariling kuro-kuro 24. Ipinakikita sa larawan ang pagpapaalala sa isang patakaran. Ang paglabag sa patakarang ito ay nakapaloob sa anong elemento ng kultura? A. Paniniwala B. Pagpapahalaga C. Norms D. Simbolo 25. Ano ang bahagi ng mga mamamayan sa pagharap sa mga isyu at hamong panlipunan? A. Pilitin ang pamahalaan na tuparin ang kanilang mga responsibilidad sa mamamayan B. Maging mulat sa mga isyu at hamong panlipunan na nararanasan sa sariling komunidad C. Maging aktibong kabahagi sa pagbuo ng solusyon sa mga isyu at hamong panlipunan D. Iwasan na maging isa sa mga sanhi ng isyu at hamong panlipunan 26. Isang organisadong sistema ng ugnayan sa isang lipunan. A. institusyon, B. social groups C. status (social status) D. gampanin (roles) 27. Tumutukoy ang __________ sa dalawa o higit pang taong may magkakatulad na katangian na nagkakaroon ng ugnayan sa bawat isa at bumubuo ng isang ugnayang panlipunan. A. institusyon B. social groups C. status (social status) D. gampanin (roles) 28. Mga totoong pahayag o pangyayari na pinatutunayan sa tulong ng mga aktwal na datos. A. Katotohaan B. Opinion C. Kuro-kuro D. Haka-haka 29. Alin sa mga sumusunod ang hindi tunay na kahalagahan ng pagiging mulat sa mga kontemporaryong isyu? A. nakakatulong sa pagpapayabong ng kaalaman at katalinuhan bilang mag-aaral B. paghubog ng pagkatao bilang responsableng mamamayan ng bansa C. pagkakaroon ng pagmamalasakit at pagmamahal sa bansa at mas nagiging mapagmatyag, matalino at produktibong mamamayan D. wala sa nabanggit
Panuto: Punan ang mga patlang ng tamang kasagutan.
______________1. tumutukoy sa anumang pangyayari, ideya, opinyon, o paksa sa kahit anong larangang may kaugnayan sa kasalukuyang panahon. ______________2. tumutukoy ang mga ito sa “kapanahon”. ______________3. halalan, terorismo, at rasismo. ______________4. sobrang katabaan, kanser. ______________5. mga polusyon. ______________6. Mga problemang kinahaharap ng pamayanan. ______________7. Ang mga suliraning pambansa. ______________8. Ang mga usaping tumatawid sa isa o higit pang bansa. ______________9. Ito ang ahensiyang namamahala sa kamalayang pangkalikasan. ______________10. Ito ang tumutukoy sa mga problemang kinakaharap ng isang pamayanan. ___________________11. Ang pagkakaroon ng sanga-sangang magkakamag-anak na nanunungkulan sa pamahalaan sa iba’t-ibang kapasidad. ___________________12. Hango sa pinaikling kataga ng mga unang pantig ng terminong “traditional politician”. ___________________13. Binuo ito bilang tugon sa kawalan ng transparency at accountability sa pamahalaan. ___________________14. Tungkulin ng ahensiyang ito na bawiin ang hindi maipaliwanag na yaman ni dating pangulong Marcos, kaniyang mga kaanak at pamilya at mga kaibigan. ___________________15. Maanomalyang paggamit ng pera ng gobyerno para sa pansariling kagustuhan.