You are on page 1of 1

Ang Parabula ng Ama, Anak at Kalabaw

Isang mapagmahal na pamilya ang nakatira sa isang bundok. Ang ama’y magsasaka
samantalang mabuting may-bahay ang ina. Isang lalake ang anak ng mag-irog na naninirahan sa
bundok. Pitong na taon na ngayon ang kanilang anak.

Nang minsang bumaba sa bukid ang ama ay isinama niya ang kanyang anak upang
makatulong kahit papaano at nang malibang na rin. Dala rin nila ang kalabaw na siyang mag-aararo
sa lupang tatamnan. May kalayuan ang pinag-aanihang bukid ng ama. Kinakailangang dumaan ng
apat na baryo bago marating ang bukid.

Masayang-masaya ang batang lalake habang tinutulungan ang kanyang ama sa pagtatrabaho
sa bukid. Nanghuhuli rin siya ng maliliit na langgam at ng luntiang tipaklong sa pagkakataong nag-
aararo ang ama. Maligaya naman ang ama habang pinagmamasdan ang kanyang anak.

Magdidilim na at pagod na ang ama. Tumigil na rin ang kalabaw sa paggawa dahil sampung
kwadro na ang binungkal nito. Kaya naisipan na ng ama na umuwi at niyaya na nga ang anak.

Habang sila’y naglalakad patungo sa bundok na kanilang tinitirhan ay napadaan sila sa isang
baryo. Hapung-hapo ang ama kaya naisip ng anak na ang ama na lang ang ipasakay sa kalabaw sa
halip na siya. Hawak ng bata ang lubid na nakatali sa kalabaw na kinasasakyan ng ama. Napansin
nilang nag-uusap ang ilang ale sa isang banda ng baryo. Narinig na lamang nila: “Hay naku, anong
klase ama ‘yan? Kabata-bata ng anak inaalila nang ganyan. At siya, komportableng nakasakay sa
kalabaw.”

Napahiya ang ama sa kanyang narinig. Kaya bago tumawid sa sunod na baryo ay bumaba na
ito at ibinuhat ang anak pasakay sa kalabaw. Hapung-hapo sa paglalakad ang ama habang hawak
ang lubid ng kalabaw. Ngunit nakarinig na naman sila ng mga komento mula sa mga tagabaryo. “Ano
ba naman iyang batang ‘yan? Nakita na ngang pagud na pagod ang ama sa pag-aaro nang buong
araw sa bukid hinayaan pa ang ama na maglakad. Napakawalang utang na loob sa amang
kumakayod para sa pamilya.” Kaya bago tumungo sa ikatlong baryo ay ibinaba ng ama ang anak.

Magkahawak kamay ang mag-ama habang naglalakad kasama ang kalabaw. Nang maabot ang
ikatlong baryo, nanghina ang mag-ama sa narinig mula sa isang tagaroon: “Katangahan naman ang
ibinigay sa mag-amang ito. Ang layo ng bukid na pinanggalin. Pagod pa sa paggawa roon. Naglakad.
Hindi man lamang naisip sakyan ang kalabaw. Ano pa ang silbi nito? Tsik...tsik...” Sumakay sa
kalabaw ang dalawa. Sakay sila ng kalabaw hanggang maabot ang ikaapat at panghuling baryo.

“Kawawa naman ang kalabaw. Maghapong nag-araro sa bukid, napapagod din ‘yan. Siguro
kung nakapagsasalita lamang ang kalabaw na iyan siguradong magrereklamo na ‘yan. Itong mag-
ama, napakalupit! Wala man lang konsiderasyon sa kalagayan ng hayop. Kahit hayop, napapagod at
may pakiramdam din.” Narinig na lamang nilang sabi ng isang lalake habang lumalagok ng tuba sa
tindahang nadaanan.

Nang makarating ng bahay, hindi maintidihan ng babae sa itsura ng kanyang mag-ama.

You might also like