You are on page 1of 8

Anino

Magkaibigang-pagkit sina Maki at Waldo. Si Maki ay isang


kambing at si Waldo naman ay isang usa. Ngayo’y kapwa na sila
nasa kasibulan subalit walang nabago sa kanilang samahan
hanggang sa dumating ang panahong may napansin si Maki. “
Waldo bakit habang tumatagal ang sungay mo ay nagkakaroon
ng sanga?”tanong ni Maki. “Ganyan daw kaming mga usa
parang puno ang mga sungay” sabi ni Waldo.
Kailangang kong gumawa ako ng sarili kong paaan upang ako ay
mapansin sumpa ni Maki sa sarili. Habang tumatagal ay unti-
unting nagkakaroon ng inggit sa puso si Maki, laging si waldo
nalang ang pinapansin ng lahat lalo na ang mga kadalagahan.
Nagsawa ng makinig si Maki sa kanyang mga magulang,
nagpakalayo-layo siya hanggang sa pusod ng gubat sa
pagbabakasakaling doon matatagpuan niya ang engkantanda na
palaging naririnig sa mga kwento. Pagod, gutom ang
naramdaman , naidlip siya sa isang tuyong puno. Tanghali na
nang siya’y magising, biglang nanlaki ang kanyang mga mata sa
nakita.” Malago na ang sungay ko !” paulit-ulit niyang sigaw.
Walang pagsidlan ng tuwa sa nangyari. Subalit pansamantala
lang pala ito.Habang tumatagal lumalayo sa kanyang ulo ang
malagong sungay. Muntik na siyang mahulog sa bangin ng pilitin
niyang itapat ang ulo sa inakala niyang sanga-sangang sungay.
Bumahid ang lungkot sa kanyang mukha. Ngayo’y nalaman
niyang anino lang pala ng punong sinasandalan niya ang
pinangarap na sungay.,muwi siyang malungkot subalit puspos
ng pagkakababa. “Ako’y isang kambing dapat kong tanggapin
ang katotohanan”, naging payapa na ang kalooban ni Maki
,nang makita at matanggap niya ang katotohanan. Bumabalik
ang dati nilang samahan ni Waldo kahit pa sila’y magkaiba.
Sagutin ang mga tanong
1. Sinu-sino ang tauhan sa akda?
2.Paano naging magkaibigan sina Maki at Waldo?
3.Bakit nagkaroon ng problema si Maki?
4.Ano ang kanyang ginawa upang mabigyang kasagutan ang kanyang
mga tanong sa buhay?
5.Paano siya ginabayan ng kanyang nanay?
6.Nagtagumpay ba siyang magkaroon ng katulad na sungay ni Waldo
sa kagubatan? Paano niya natanggap ito?
7.Kahit ikaw si Maki at nakahihigit ng katangian ang iyong kaibigan na
popular, maraming nagkakagusto, at mas matalino, ano ang gagawin
mo? Ibigay ang iyong sariling opinion/reaksiyon?
8.Kung ikaw naman si Waldo at napansin mong naiingit sa iyo ang iyong
kaibigan, ano ang gagawin mo?
9.Bakit kaya nasabi ni Maki ang “Ako’y isang kambing, dapat kong
taggapin ang katotohanan?”
10.Ikaw, ano ang sasabihin mo sa inyong sarili upang matanggap mo
kung ano ka at kung anong mayroon ka?
Pagtatalakay
Pansinin ang mga pangungusap sa ibaba:
 Sina Maki at Waldo ay lumaking nakabuhol ang pusod.
 Kapwa na sila nasa kasibulan ng buhay subalit walang nabago sa
kanilang samahan.
 Pumunta si Maki sa pusod ng gubat upang makita ang
engkantada.
 Tiyak ba ang kanilang mga kahulugan?
 Sabihin: Ang mga sinalungguhitan ay mga salitang patalinhaga
 na karaniwang ginagamit sa araw-araw. Ito ay nagbibigay ng di-
tiyakang kahulugan ng salitang isinasaad ito.
Halimbawa:
Itaga sa bato (tandaan)
Mababa ang loob (maawain)
Gawin Natin
Panuto: Piliin ang mga sawikain sa pangungusap.

1. Parang aso’t pusa ang mga anak ni Aling Azon; lagi na lamang
nagbabangayan.
2. Mahilig sa kompyuter at cellphone ang mga bagong dugo.
3. Madaling mapapansin ang bagong salta sa magulong lunsod.
4. Laging may ngiti sa kanyang mga labi tuwing naiisip niya ang bakas
ng lumipas.
5. Balat-sibuyas ka pala. Biniro ka lang ay nagdamdam ka na agad.
6. Sayang lang ang pakiusap mo, bato ang kalooban ng taong iyan.
7. Mahal niya ang babaeng iyon kaya bigay na bigay siya sa lahat ng
hilingin nito.
8. Bukas na aklat ang buhay ng ating mga bayani.
9. Mga kasamang driver, konting ingat, may butiki sa poste sa
bandang kaliwa ng susunod na kanto.
10. Gamitin ang kokote sa pagtatrabaho nang maiwasan ang
pagkakamali at nang hindi mapagalitan

Pagtataya
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga sawikaing nakasalungguhit. Piliin
ang sagot sa loob ng panaklong.
1.Si Andres Bonifacio ay isang anak-pawis. ( mayaman, maramdamin,
mahirap)
2.Mahilig kumanta tuwing umaga ang kapitbahay mo, e boses palaka
naman. (sintonado, palaka ang tinig, maganda ang boses)
3.Hawak sa ilong ang lahat ng pulis sa nais ng kanilang alkalde.
( hinawakan ang ilong, sunud-sunuran, may sariling paninindigan)
4.Bakit kaya lagi na lang butas ang bulsa ng kapitbahay kong
negosyante? Parati na lang sinasabing wala siyang pera tuwing ako’y
manghihiram.
5.Kinain ng abo ang malaking bahay na katatayo pa lamang na pag-aari
ng mag-asawang drug-lord na taga Pasil, Cebu City.
6.( may abo ang bahay, nasunog, pinagnakawan)
TAKDANG ARALIN:
Panuto: Ibigay ang
kahulugan ng mga
sumusunod na
sawikain. Pagkatapos
gamitin sa
pangungusap.

1.may gatas pa sa labi


2.hulog ng langit
3.maykaya sa buhay
4.magsunog ng kilay
5.nag-agaw buhay
Mga Sawikain o Idioma

Ang sawikain o idioma ay salita o grupo ng mga salitang patalinhaga ang gamit. Ito'y ay
nagbibigay ng di tuwirang kahulugan.

HALIMBAWA:

1. ahas----taksil; traidor
Halimbawa:
Sa kabila ng mga kabutihan niya sa kanyang pamangkin, si Gavina ay isa pa lang
ahas.
2. anak-dalita---mahirap
Halimbawa:
Magsikap kang mag-aral kahit ikaw ay anak dalita.
3. alilang-kanin---utusang walang batad, pakain lang, pabahay at pakain ngunit
walang suweldo.
Halimbawa:
"Mga anak, huwag kayong masyadong maging masungit sa katulong natin. Alam
naman ninyo na siya ay alilang-kanin lang."
4. balitang-kutsero---balitang hindi totoo o hindi mapanghahawakan.
Halimbawa:
Huwag kayong magalala, hindi basta naniniwala ang Boss namin sa mga balitang-
kutsero.
5. balik-harap---mabuti ang pakikitungo sa harap ngunit taksil sa likuran.
Halimbawa:
Mag-ingat sa mga taong balik-harap. Sila'y hindi magiging mabuting kaibigan.
6. Bantay-salakay---taong nagbabait-baitan
Halimbawa:
Sa alinmang uri ng samahan, may mga taong bantay-salakay.
7. basa ang papel---bistado na
Halimbawa:
Huwag ka nang magsinungaling pa.Basa na ang papel mo sa ating prinsipal na si
Ginang Matutina.
8. buwaya sa katihan---ususera, nagpapautang na malaki ang tubo
Halimbawa:
Maging masinop ka sa buhay, mahirap na ang magipit. Alam mo bang maraming
buwaya sa katihan na lalong magpapahirap kaysa makatulong sa iyo?
9. bukal sa loob---taos puso tapat
Halimbawa:
Bukal sa loob ang anumang tulong na inihahandog ko sa mga nangangailangan.
10. busilak ang puso---malinis ang kalooban
Halimbawa:
Dahil busilak ang puso ng batang si Arnel, siya ay p
inarangalan at binigyan ng medalya ng pamunuan ng Cebu.
di madapuang langaw---maganda ang bihis
Halimbawa:
Wow!Parang di madapuang langaw si Terso sa suot nitong toxedo.

di makabasag-pinggan---mahinhin
Halimbawa:
Sa tingin palang, tila di makabasag-pinggan ang kapatid ni Nestor na si Nena.

hampaslupa---lagalag, busabos
Halimbawa:
Lagi kang lamam ng lansangan, para kang hampaslupa.

haligi ng tahanan---ama

ilaw na tahanan---ina
Halimbawa:
Ang ama, bilang haligi ng tahanan ay dapat natin igalang. Ang ina naman, ay itinuturing na ilaw ng tahanan, ay dapat
nating mahalin.

isang kahig, isangtuka---kakarampot na kita na hindi makasapat sa ibang pangangailangan


Halimbawa:Karamihan sa ating kababayan ay isang kahig, isang tuka ang kalagayan ng buhay.

itaga sa bato---tandaan
Halimbawa:
Ang masasamang bagay na ginawa mo sa itong kapwa,gaano man kaliit, ay muling babalik sa iyo sa ibang paraan, itaga
mo sa bato.

itim na tupa---masamang anak


Halimbawa:
Sa isang tahanan may pagkakataong isa o dalawang anak ang nagiging itim na tupa.

kalapating mababa ang lipad---babaing nagbibili ng aliw, babaing puta


Halimbawa:
Maraming kalapating mababa ang lipad ang nakatayo sa gilid ng sinehan ng Odeon sa Sta. Cruz, Manila.

kakaning-itik---walang gaanong halaga, hindi maipagpaparangalan


Halimbawa:
Talagang mahirap ang walang pinag-aralan. Tumanda na sa pagtratrabahoang anak ni Mang Julio ngunit kakaning-itik pa
rin ang kinikita.

kapit-tuko---mahigpit ang hawak


Halimbawa:
Kapit-tuko ang secretarya sa kanyang posisyon kahit na nalulugi ang kompanya at malapit ng magsara.

kidlat sa bilis---napakabilis
Halimbawa:
Ang action star na si Cesar Montano ay kidlat sa bilis kung ang pinag-uusapan ay ang nga ginagawa niyang action movies.

kilos-pagong---makupad,mabagal
Halimbawa:
Mahuhuli na tayo sa General Meeting kilos pagong ka kasi.

luha ng buwaya---hindi totoong nag-dadalamhati, pakitang taong pananangis


Halimbawa:
Huwag kang maniwala sa kanyang pananangis sa kamatayan ng mayaman ngunit masakitin niyang bana. Iyan ay luha ng
buwaya.

(Ang "bana" ay salitang Cebuano na ginagamit na ngayon sa Wikang Filipino na ibig sabihin ay "mister o asawang lalaki")

Mahangin ang ulo----mayabang


Halimbawa:
Mula nang manalo sa Lotto ang dating hardinero ay naging mahangin ang ulo ng mga anak nitong lalaki.

matalas ang ulo---matalino


Halimbawa:
Matalas ang ulo ni Cristina kaya nagtapos siya nang may karangalan Valedictorian at Magnacum Laude.

mahina ang loob---duwag


Halimbawa:
Ang taong mahina ang loob ay kailangan umiwas sa mga kaguluhan upang hindi manganib ang buhay.

malakas ang loob---matapang


Halimbawa:
Malakas ang loob nung pulis na lumaban at nakapatay ng apat na holdaper sa loob ng pampasaherong dyip.

makapal ang bulsa---mapera


Halimbawa:
Kilalang matagumpay na negosyante ang ama ni Renan kaya hindi nakapagtataka kung si Renan ay laging makapal ang
bulsa.

makapal ang palad---masipag


Halimbawa:
Makapal ang palad ni Eduardo kaya umunlad ang kanyang buhay. Isa na siyang milyonaryo.

magdilang-anghel---magkatotoo sana
Halimbawa:
Hinahangad mong sana'y magwagi ako ng unang gantimpala, magdilang-anghel ka sana.

pagputi ng uwak---walang maaasahan, walang kahihinatnan


Halimbawa:
Singil ka ng singil kay Aling Greta. Babayaran ka niyan pagputi ng uwak.

pagiisang dibdib---kasal
Halimbawa:
Ang pag-iisang dibdib nina Adila t Conrado ay gaganapin sa Oktubre 18 sa darating na taon.

pusong-bakal---hindi marunong magpatawad


Halimbawa:
Ganyan ba ang sinasabi ninyong relihiyosa at maawain gayong may pusong-bakal naman at mapagtanim ng galit sa
kapwa?

tinik sa lalamunan---hadlang sa layunin


Halimbawa:
Tinik sa lalamunan ang kanyang tiyuhinna lagi nang nakaayon sa kalabang pulitiko.

tulak ng bibig---salita lamang, di tunay sa loob


Halimbawa:
Huwag mong asahan ang pangakong binitawan ng kongresman... iyun ay tulak ng bibig lamang, alam mo naman ang mga
pulitiko.

bungang-tulog---panaginip

maamong kordero---mabait na tao


Halimbawa:
Ang anak ni Aling Agnes ay tila maamong kordero kaya laging pinupuri ng kanyang guro.

butas ang bulsa---walang pera

mababaw ang luha---iyakin


Halimbawa":
Masyadong mababaw ang luha ng aking kaibigan, kahit drama sa radyo o pelikula ay iniiyakan.

kabiyak ng dibdib---asawa

mabigat ang dugo---di-makagiliwan


Halimbawa:
Aywan ko kung bakit mabigat ang dugo ng Lady Boss namin sa baguhang si Norma na isang probinsiyana.
maaliwalas ang mukha---masayahin,taong palangiti

maitim ang budhi---tuso, masama ang ugali


Halimbawa:
Maitim ang budhi ng lalaking iyan kung kaya't labas-masok sa bilibid sa loob ng sampung taon.

mahabang dulang---kasalan

malikot ang kamay---kumukuha ng hindi kanya kawatan


Halimbawa:
Mag-ingat kayo sa lalaking iyan na kilalang malikot ang kamay. Mahirap na ang magsisi sa bandang huli.

namamangka sa dalawang ilog---salawahan

makitid ang isip---mahinang umunawa, walang gaanong nalalaman


Halimbawa:
Mahirap makipagtalo sa taong makitid ang isip. Walang mararating ang anumang katwiran mo.

nagbibilang ng poate---walang trabaho

malawak ang isip---madaling umunawa, maraming nalalaman


Halimbawa:
Malaking karangalan ang makausap ang taong malawak ang isip. Marami kang matututunan, marami kang malalaman.

nakahiga sa salapi---mayaman

mapurol ang utak---bobo


Halimbawa:
Talaga yatang mapurol ang itak ng aking pamangkin. Natapos niya ang elementarya sa loob ng siyam na taon.

nagmumurang kamatis---matandang lalaking nag-aayos binata,matandang babae nag-aayos dalaga

masama ang loob---nagdaramdam


Halimbawa:
Halatang masama ang loon ni Miss Gan dahil hindi siya nasali sa mga nabigyan ng parangal.

naniningalang-pugad---nanliligaw

matalas ang tainga---madaling makarinig o makaulinig


Halimbawa:
Matalas ng tainga ng aking ama kahit na siya ay 93 taong gulang na.

sira ang tuktok---gago, luko-luko


Halimbawa:
Sira ng tuk-tok ng taong iyon, kanina pa sayaw nang sayaw sa tabi ng daan.

takaw-tulog---mahilig matulog
Halimbawa:
Paano kang aasenso sa trabaho mo gwardiya kung ganyang lagi kang takaw-tulog?

You might also like