You are on page 1of 3

Aralin 10: (SEX AND GENDER) AT MGA TUNGKULING KAAKIBAT NITO

Bilang ng Araw : 1

Batayang Kasanayan

a. Natutukoy ang pinagkaiba ng SEX sa GENDER


b. Natutukoy ang mga salik na nakaka-impluwensya sa GENDER IDENTITY at GENDER
ROLES
c. Natatalakay kung paano nabibigyang diin ng (pamilya, midya, relihiyon,
paaralan, at pamayanan ang GENDER ROLES)
d. Nakapagbibigay ng mga halimbawa kung paano nagbabago ang GENDER
ROLES

Kaalaman para sa Guro

SEX – ay tumutukoy sa byolohikal na pagkakaiba ng lalaki at babae tulad ng pagkakaiba ng


chromosomes, hormonal profiles, panloob at panlabas na ari.
GENDER – naglalarawan ng mga katangian ng lalaki at babae na kung saan ang kultura,
tradisyon at paniniwala ng isang lipunan ang nagdidikta ng pagka-lalaki o pagkababae ng isang
tao.
GENDER IDENTITY – ay tumutukoy sa pananamit, pagkilos, at pag-iisip ng isang lalaki , babae o
transgender batay sa kanyang sariling paniniwala at kasiyahan.
GENDER ROLES – ay tumutukoy sa mga kaugalian, kaisipan, responsibilidad at gawain ng mga
lalaki at babae batay sa idinidikta ng kultura, tradisyon at paniniwala ng isang lipunan.

Bakit nga ba nagkakaroon ng pagkaka-iba ang mga ginagampanang tungkulin ng mga lalaki at
babae?

MGA SALIK NA NAKAKAIMPLUWENSYA SA GENDER IDENTITY AT GENDER ROLES

1. PAMILYA. Sa loob ng pamamahay unang-unang natutunan ng isang bata ang lahat ng bagay
na may kinalaman sa kaniyang sarili at kanyang mga tungkulin sa pamilya. Dito unang hinuhubog
ang mga bata sa pamamagitan ng mga itinakdang obligasyon sa kanila ng kanilang mga
magulang tulad ng:

a. Pag-iigib ng tubig para sa mga lalaki at paghuhugas naman ng mga pinggan sa mga babae, at
b. Pagtulong ng lalaking anak sa kaniyang tatay sa pagkukumpuni ng mga sirang kagamitan sa
bahay habang ang mga babae naman ay tumutulong sa kanilang nanay na maglinis ng mga
kagamitan sa bahay.

2. MIDYA. Ang panunuod ng telebisyon ay isa sa libangan ng buong pamilya sa tahanan. Dito,
ang mga bata ay nagkakaroon ng mga makabagong ideya na nakadaragdag sa pagkabuo ng
kanilang pagkatao. Anuman ang mapanuod ng mga bata sa telebisyon ay maaari nilang tularan,
taglayin at angkinin upang maging basehan nila ng kanilang mga ikikilos na magiging katanggap-
tanggap sa lipunan.

3. RELIHIYON. Ang iba’t-ibang relihiyon ay may kani-kaniyang alituntunin na sinusunod. Sa


kadahilanang ito, ito rin ay nagdidikta sa mga tao kung ano ba ang dapat at hindi dapat upang
maging katanggap-tanggap sa paningin ng kanilang kinabibilangang relihiyon.

4. PAARALAN. Ang paaralan ang nagsisilbing pangalawang tahanan ng mga bata. Dito ay
marami na silang mga nakakasalamuhang kapwa nila mga bata at ang kanilang guro na
gumagabay sa kanila sa lubusang pagkilala nila sa kanilang mga sarili at sa kanilang mga
tungkulin na dapat gampanan sa lipunan.
Pamamaraan
A. Pag-usapan Natin

Bakit tayo nagkaiba?

Ipasuri ang mga larawan na matatagpuan sa LM at pasagutan ang mga tanong na kaakibat nito
sa pahina ___
___
TANONG:

1. Ano-ano ang iyong mga napansin sa mga larawan?

2. Ano ang pinagkaiba ng bawat larawan sa isa’t-isa?

3. Sang-ayon ba kayo sa mga larawan na ito?

B. Pag-aralan Natin

Ipabasa ang talata sa LM.


C. Pagsikapan Natin

Pasagutan ang tsart na matatagpuan sa LM

D. Pagyamanin Natin

Bumuo ng isang dayalogo na nagpapakita ng mga tipikal na sitwasyon sa pamilya,


simbahan, paaralan, at pamayanan.

RUBRICS
5 pts – (90–100%) - Naipahayag sa dayalog ang isang tipikal na sitwasyon sa pamilya,
simbahan, paaralan, at pamayanan. Naisulat nang malinis ang dayalog.
3 pts – (70–80%) - Hindi malinaw na naipahayag ang isang tipikal na sitwasyon sa pamiya,
simbahan, paaralan, at pamayanan. Hindi gaanong malinis naisulat ang dayalogo.
1 pt – (50-60%) - Hindi nakatapos sa pagsulat ng dayalog. Maraming bura (erasure) ang
pagkakasulat ng dayalogo.

E. Pagnilayan Natin

Ipasagot ang pagnilayan Natin sa LM.

F. Takdang-aralin

Kapanayamin ang inyong mga magulang o mga lolo at lola tungkol sa kanilang mga
tungkuling ginagampanan noong kanilang mga kapanahunan. Isulat ang mga ito sa inyong
kwaderno.
MGA SANGGUNIAN

http://www.med.monash.edu.au/gendermed/sexandgender.html

https://s-media-cache-ak0.pinimg.com/236x/ab/67/fa/ab67fa9e4b44bd2e470537c70358cd0a.jpg

http://mrsguillory.weebly.com/uploads/3/7/8/0/37804717/8836981_orig.jpg

http://bcchspatriotpost.com/wp-content/uploads/2015/01/GenderNeuutral1.jpg

http://herzimbabwe.co.zw/wp-content/uploads/2015/07/social-norms-3.jpg

http://thumbs.dreamstime.com/z/man-chopping-wood-29081163.jpg

http://thumbs.dreamstime.com/z/%E5%B1%88%E6%9B%B2%E8%82%8C%E8%82%89%E7%
9A%84%E7%88%B1%E5%A5%BD%E5%81%A5%E7%BE%8E%E8%80%85%E5%89%AA%
E5%BD%B1-46469256.jpg

https://havematwilltravel.files.wordpress.com/2011/01/gender-identity2.gif

You might also like