You are on page 1of 2

KASUNDUAN NG PAGPAPAUPA

ALAMIN NG LAHAT:

Ang kasunduang ito ay ginawa at pinagtitibay nina :

LUCIANA INFANTE TORRES na, sapat ang gulang, Pilipino at naninirahan sa


Poblacion 4, Blk 44 Lot 3, Gen. Mariano Alvarez, Cavite, dito ay makikilala bilang UNANG
PANIG,

at

_________________________ , sapat ang gulang, Pilipino, at naninirahan sa


_____________________________________ , dito ay makikilala bilang IKALAWANG PANIG.

PINATUTUNAYAN:

Na ang UNANG PANIG ay siyang nagmamay-ari ng Commercial Space na


matatagpuan sa Brgy. Poblacion 4, Blk 44 Lot 2 , Gen. Mariano Alvarez, Cavite;

Na ang IKALAWANG PANIG ay nagnanais na upahan ang isang bahagi (Unit ___)
ng naturang Commercial Space upang gamitin bilang isang ________________;

NGAYON DAHIL DITO, ang magkabilang PANIG ay pumasok sa kasunduang ito sa


ilalim ng mga sumusunod na kondisyon:

1. Na ang kasunduang ito ay magkakabisa lamang sa loob ng isang (1) taon, o mula
____________ , 2019 hanggang ______________ , 2020, na maaring muling
buhayin sa parehas na panahon sang ayon sa pagkakasunduan ng dalawang PANIG,
tatlumpong (30) araw bago matapos ang kasunduang ito..

2. Ang IKALAWANG PANIG ay magbabayad ng buwanang upa na nagkakahalaga ng


Sampung Libong Piso (P10,000.00) na babayaran tuwing ika- _____ ng buwan (o sang
ayon sa napagkasunduang petsa).

3. Ang IKALAWANG PANIG bukod sa buwanang paupa ay kailangang magbigay sa UNANG


PANIG ng halagang P10,000 (Ten Thousand Pesos) . Ito ay katumbas ng isang (1)
buwan na “ deposit” at papasok bilang “SECURITY DEPOSIT” na gagamitin sa mga kulang
at masisira kapag di tumupad sa kasunduan ang IKALAWANG PANIG at hindi maaring
gamitin ang naturang deposito bilang kabayaran sa buwanang upa. Kung ang IKALAWANG
PANIG ay umalis at ibakante ang naturang lugar bago matapos ang kasunduang ito, ang
nasabing deposito ay mawawalang bisa.

4. Ang Commercial Space na uupahan ay maaari lamang gamitin bilang ________________


at sang-ayon sa napagkasunduan lamang. Ang anumang pagbabago sa paggamit nito ay
maaari lamang gawin na may kaukulang pahintulot ng UNANG PANIG.

5. Na sa anumang panahon na kailanganin na ng UNANG PANIG ang nasabing lugar,


ipapaalam nito sa IKALAWANG PANIG animnapung (60) araw bago ang pagkawalang bisa
ng kasunduang ito .
6. Na ang IKALAWANG PANIG ang siyang mananagot sa pagbabayad ng kuryente, tubig, at
iba pang utilities (halimbawa; masira na gripo , magbara na lababo ) at sa mga pang araw
araw na kasiraan sa lugar na kanyang inuupahan

7. Na tinitiyak ng ng IKALAWANG PANIG na siya ay hindi gagawa ng anumang pagbabago, at


pagsasaayos sa lugar ng walang pahintulot ang UNANG PANIG; na anumang pagyayaman
at pagbabagong kanyang gawin ay tanging sa sarili niyang gugol at walang anumang
pananagutan ang UNANG PANIG.;

8. Na ipinangangako ng IKALAWANG PANIG na ang lugar na kanyang inuupahan ay


pananatilihing niyang malinis ang loob at labas nito , hindi nakakapinsala sa iba, at maayos
na kondisyon at ito ay gagamitin lamang niya na naaayon sa isinasaad ng kasunduang ito,
mga umiiral na batas at mga kautusang bayan.

9. Ang hindi pagtupad sa sa alinmang kondisyon na nakasaad sa itaas ay mangangahulugan


ng “automatic” na pagwawalang-bisa ng kasunduang ito.

SA KATUNAYAN NG LAHAT, ay inilagda ng magkabilang panig ang kanilang mga pangalan


at lagda sa ibaba, ngayong ika _____ ng __________, taong 2019 sa Gen. Mariano Alvarez
Cavite.

Unang Panig Ikalawang Panig

You might also like