You are on page 1of 1

Ang Alamat Ng Saging

Sa isang malayong lugar ay my dalawang mag kasintahan na tunay na nag iibigan sila si Aging
at Juana ngunit sa kabila nito ay tutol ang magulang ni Juana na si mang Juan, kayat lihim
lamang siyang nakiki pag tagpo ky Aging.

Ngunit minsang nakipag tagpo siya ky Aging ay nasundan siya ni mang juan kayat ng makita ni
mang Juan ay nag siklab siya sa galit, at bigla niyang binunot ang itak na nasa kanyang tagiliran
at sinugod ni mang Juan si Aging at sa pagka bigla ay hindi agd na gawang umiwas ni aging
kaya inabot ng itak ni mang Juan ang braso ni aging at naputol.

Sa sobrang takot ni Aging ay napatakbo siya papalayo sa mag amang Juana, at


labis ang kalungkutan ni Juana dahil sa mga pang yayari ngtunit ala na siyang
magagawa dahil ala na si aging. Kayat pinulot nalang niya ang naputol na braso
ni Aging at inilibing sa kanilang bakuran.

At sa paglipas ng mga araw ay wala parin si Aging ni wala na siyang balita kung
ano na ang nangyari ky aging, subalit sa pag labas ni mang Juan sa kanilang
bahay ay napansin niya ang isang uri ng halaman na noon lamang niya nakitya
kayat dali daliniyang tinawag si juanana at itinanong kung uri ba ng halam iyon.

At Laking gulat ni Juana nang makita niya ang tinutukoy ng kanyang ama, dahil
sa lugar mismo ng pinag libingan niya ng braso ni Aging tumubo ang halaman.
At itoy kulay luntian, my mahahaba at malalapad na dahon, my bunga itong
kulay dilaw na animo'y isang kamay na my daliri ng tao.

Kayat naalala nanaman niya ang kanyang kasintahan, at nasambit niya ang
pangalang Aging. At sinabi niya na iyan si aging, kaya mula noon ay aging ang
tinawag nila sa halamang iyon. At sa paglipas ng panahon ay nabago na ang
Aging at itoy naging Saging...

You might also like