You are on page 1of 3

Ang Kasaysayan ng Pinagmulan ng Komunidad na Tiwi

Sa aming ginawang pagsaliksik at pag-interbyu,


noong unang panahon ang tawag sa ating komunidad na
Tiwi ng mga prayle o mga Espanyol na pari ay Tigbi,
napalitan din ito ng Tivi at paglipas ng panahon ito ay
naging Tiwi. Ang ating bayan ay dating baryo o sakop ng
Malinao na ating karatig-bayan bago ito naging isang
pueblo o maliit na bayan noong 1696. Bilang isang
pueblo ito ay pinamumunuan ng isang gobernadorcillo
bilang punong bayan o kapitan. Ito ay mayroong
katolikong parokya na pinamumunuan ng isang sekular
na pari na siyang nagpapatakbo ng buong parokya.
Mayroon na rin noon na mga sinaunang komunidad
kagaya ng mga bahay, simbahan, maliit na paaralan at
sementeryo. Sa Kagnipa, ngayon ay Barangay Baybay
itinayo ang unang konkretong simbahan na tinatawag na
Sinimbahanan. Ito ay pinatayo ng mga Franciscano sa
pamumuno ng isang pastor ng Malinao na si Fray Pedro
de Brosas. Ang mga pangunahing hanap-buhay ng mga
residente noon ay ang pangingisda, pagtatanin ng mga
palay, gulay, mais at namumungang mga punongkahoy,
paghahabi at paggawa ng mga palayok.
Ano po ang unang tawag sa ating bayan na Tiwi
noong unang panahon? Paano po ninyo nalaman ito?
Ang sabi po ni Teacher Anne sa amin ang bayan
natin ay dating sakop ng bayan ng Malinao noon. Totoo
po ba ito?
Kailan po naging isang pueblo o bayan ang Tiwi? Sino
naman ang namumuno dito?
Ang mga residente po ba ng Tiwi noon ay mga
katoliko na rin? Mayroong simbahan na po ba noon? Sino
po ang nagpapatakbo ng parokya?
Anu-ano po ang mga sinaunang komunidad noon?
Ayon po sa kuwento ng aking lolo sa Baybay daw
mayroong itinayong unang konketong simbahan noon.
Ano po ang tawag sa simbahan na iyon?
Anu-ano po ang ikinabubuhay ng mga residente ng
Tiwi noong unang panahon?

You might also like