You are on page 1of 15

MGA

TALASALITAAN
SA
FLORANTE
AT
LAURA
Ipinasa nina: ROSSELLE CABAUATAN
SHEKINAH SOPHIA JUGUIAD
HURRY JAY BARTOLOME
Ipinasa kay: ma’am jerilyn odhong
A
Alibugha-masagana at mapagwaldas.
Alindog-kapangyarihan o kalidad ng pagbibigay kaluguran o pagpukaw paghanga.
Alingawngaw-ang pagkalat o paglaganap na ulat sa kapaligiran.
Alipusta-Inaapi,pinapahirapan,inaalipin
Amain-tumatayo o gumaganap bilang pangalawa mong ama
Asal-ang pagkilos ng naaayon bilang isang tao

B
Babahaginan-bibigyan katulad ng bibigyan ko sya ng pagkain.
Baguntao--ang kahulugan ng baguntao ay mag bagong buhay
Balatkayo-isang katagang Filipino na tumutukoy sa pagiging mapagkunwari,
mapagkaila, at mapangloko ng isang tao sa pamamagitan ng pagsusuot ng maskara,
paglilitaw ng ugaling hindi naman tunay, at pagkakaroon ng iba pang pekeng
katangian.
Banayad- tumukoy sa dahan-dahan o mahinahon na paraan ng isang tao sa
pagsasalita o sa pagsasagawa ng isang bagay.
Bantog-nangangahulugan ng sikat, kilala, o tanyag.
Batalya-labanan
Binibini-dalaga at wala pang asawa.
Bumalisbis- dumadaloy.
C

D
Dakila- pagiging tanyag o bantog dahil sa pambihirang nagawa
Dalamhati -ay lungkot, pighati, lumbay. Ito ay nagpapahiwatig ng matinding
kalungkutan na karaniwang sanhi ng pagpanaw ng isang minamahal.
Dalampasigan-ang anyo ng lupang mabuhangin na katabi ng katawang tubig ng
dagat.
Dalita-hirap, pasakit o dusa.
Dawag -tumutukoy sa grupo ng mga halaman na matinik.
Di-maapula-di- mapigil o di-matiis
Di-manaw sa isip-hindi makalimutan sa isip.
Di-taglay sa dibdib-hindi galing sa puso,,hindi gusto ng puso
Di-taksil-hindi kaaway o mapagtitiwalaan
Diwa’y lumilipad-wala sa sarili.
Doradong buhok-makintab na buhok
E
Esposo-lalaking asawa

G
Galak-pagiging maligaya
Gerero--Paladigma, mapanghimagsik, palahamok.
Ginoo-binatang lalaki o lalaki
Ginugunam-gunam-ang pag-iisip sa mga bagay na dapat gawin o ang pagwawari.
Gugulin--Ito ay tumutukoy sa pagbibigay o paglalaan ng katungkulan o karangalan sa
isang bagay.
Gunita--Pag-alala sa isang pangyayari na naganap sa iyong buhay o pangyayari sa
buhay ng ibang tao.
Guni-guni- isang halimbawa nang supernatural na nasasaisip tuwing may naririnig na
parang wala.
H
Hibik--ang pagtanong ng pagmamakaawa o pakiusapan mo.
Hilahil-dusa; dalita
Hindi bukal-parang hindi seryoso
Himutok-hinaing, daing, tampo o pagdaramdam. Kalimitan sa ating mga Pilipino
ginagamit ang salitang himutok pag tayo ay may tampo sa kapwa natin.
Hirang-itinangkilik; pinili
Hubad kong isip-May malawak na pang unawa
Hukbo-pangkat or organisasyon ng mga mandirigma
Humilig-nakasanayan, nakahiligan
Huwag malilingat-huwag kang malilibang na tumingin sa ibang bagay baka
mapabayaan mo ang ilang bagay na importante sayong buhay
Huwaran- isang modelong tinutularan dahil sa mabubuting katangian nito

I
Iluluwalhati-kaligayahan, glorya, kasiyahan o kagalakang ganap
Ipinagsaysay-isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na
kuro-kuro ng may-akda.
Itinulot-itinuloy
J

K
Kababayan-isang tao mula sa parehong bansa o rehiyon bilang ibang tao.
Kahambal-hambal-isang pang-uri na tumutukoy sa isang sitwasyon na kaawa-awa.
Kalatas-sulat o letter
Kalinga-pagmamahal sa mga mahal sa buhay
Kalis-ay isang uri ng espada.
Kamandag-lason
Kapos-hindi sapat
Kapurihan-karangalan , dangal at paunlak
Katoto-sinisinta
Kinalag-kinalas o kaya tinanggal.
Kinasuklaman-kinamumuhian, kinaiinisan, may galit
Kisapmata-pagkurap ng mata
Kiyas-tindig or tikas
Kuta-balwarte, pook taguan o muog
L
Lapastangan-walang hiya
Liksi--Matulin o mabilis
Lingapin-tignan or pansinin
Lipos-linggatong-punong-puno ng pag-aalala.
Liyag-mahal, giliw, sinta
Lugami-tumutukoy sa posisyon ng isang tao na parang nakaupo, karaniwang dahil
may dinadalang napakabigat na damdamin o sugat.
Lunas-gamot
Lumulan-sumakay, umangkas sa isang sasakyan

M
Mababata-ang ibig sabihin ay matitiis, o matatanggap.
Mabini-mapitagan, maingat, mabait, modest
Maestro-tagapagturò;
Mag-asal hayop---ugaling hindi maka-tao o masama.
Magaso-sutil o kaya naman ay galawgaw
Magbubo-matunaw
Magkakabaka-magkaaway o magkakalaban
Magunita- alaala
Mahinhin-mabagal kumilos o malumanay
Makitil-Mapatay,patayin,tugisin, lupigin at sugpuin.
Makukutya-nang aasar, nang lalait, at nang huhusga
Malaking habag-ang pagdama ng tunay at malaking awa para sa isang tao.
Malamlam na sinag-madilim na sinag o mapanglaw na sinag
Malata-pagod, Kung sa pagkain o prutas ito ay maputla
Mamulat-Magising o Makita
Mapaknit-Maalis at Mahiwalay.
Mapanglaw -isang katagang Tagalog na maaaring gamiting panglarawan sa isang
tao, bagay, o pangyayari na kulang sa sigla, ilaw, o saya.
Marangal-kapuripuri
Marapa-madapa, matisod
Masukal - ay madumi, makalat, magulo, o di kaaya-aya. Ito ay tumutukoy din sa
maruming paligid, madamong bakuran, at mabahong lugar.
Masangsang -Ang salitang masangsang ay nagangahulugan ng mabaho o
nakakasulasok na amoy.
Matuwid-hindi nagkakamali, Hindi baliko, Sakto
Maulila-namatayan ng mga Magulang o wala nang magulang na gagabay sa kanila.
May gayak-may pag-ibig
May kupkop-inaalagaan; pinoprotektahan
Munti-Kakarampot o kakaunti

N
Nababagabag-nalilito
Nagdadalamhati-nagluluksa
Nagdaralita-naghihirap, naghihikahos sa buhay
Nagisnan-Kinalakihan o kinasanayan
Nagniningas-nag-aalab; nasusunog; nagliliyab;apuyin
Nagpanayam-nag-usap sa paraang nagtatanong yung isa para sa makakuha ng
impormasyon.
Nagsisila- kumagat sila.
Nagtatahan-kasalukuyang naninirahan, or nakatira.
Nakatalastas-Nakasabi o nakasaysay
Nakubkob-napalibutan o napaligiran
Nanlisik-umirap o nanlaki ang kanyang mata
Napahiyaw-napasigaw o nabigla
Napakarawal-napakalungkot
Naririmarim-nakakadiri o hindi kanais-nais.
Nasalag-naiwasan o nakapanangga
Natarok-nalaman o nabatid
Nawalang diwa-nawalan ng isipan
Nuno-matanda o matandang lalaki

P
Paggapas-pag-ani
Pagkadayukdok-Makintab na buhok
Pagkitil-pagpatay
Paglayag- ekspedisyon o paglalakbay sa dagat
Paglililo-Pagtataksil, hindi pagiging tapat
Paglingap-Pagkandili, pagkalinga o pagkupkop
Pagpanaw-pagkawala o pagkamatay
Pain-bitag
Pakay-sadya o kailangan mo
Palasong liham-ang liham na may dalang napakasama at nakakalungkot na balita.
Palutong-tipon ng mga tao na nagkakampihan
Pamimiyapis-pagdaluhong, pag-atake
Pamuksa-pamatay o panlaban
Panaghoy-pagsubok
Panambitan-ay nangangahulugan ng panalangin,kahilingan, panawagan o
pamimighati.
Pangahas-mapanghimasok.
Pangamba-panganib
Panibugho-tumutukoy sa isang tao na maramdamin at may pakiramdam na matindi
tungo sa isang tao o sa isang bagay.
Parlas na batok-libag sa batok
Pasan-buhat
Patas-pantay, pareho
Pinahimpil-pinatigil o pinahinto
Pinapangalisag-pinatindig
Pita -Ang pita ay tumutukoy sa mababang bahagi ng isang lugar kung kaya't palagi
itong basa.
Pitagan-paggalang, seremonya , pagkamangha
Pupugutan-tatamggalan ng ulo o puputulan ng leeg
Putong-Ang korona ay isang uri ng putong sa ulo na isinusuot ng hari, reyna, o ng
isang maharlika o monarka.
Q

S
Saad-tugon o tura
Sawi---ay ang pagkabigo ng isang tao mula sa nais niyang makamtan o makuhang
bagay
Sindak-Natakot o Nagulat
Soldados-sundalo
Sugo-mensahero o tagapagpadala ng isang mensahe upang maipahayag sa ibang panig
na maaring bansa, tao, atbp.
Sukab--ay nangangahulugan ng Taksil, palamara, lilo, traydor
Sumapayapa-sumakabilang-buhay o patay
T
Tabak-isang mahaba at matalim na piraso ng metal na ginagamit bilang pamputol
Taksil--ay tumutukoy sa isang tao na nagtraydor o gumawa ng katraydoran laban sa
kanyang kaibigan, kamag-anak, kakampi, o kakilala.
Talas ng isip-ang walang minamatawid sa iba kundi ang sarili niyang pag iisip
lamang.
Talastas-nangangahulugang batid. Ito ay tumutukoy sa kakayanang intindihin ang
isang bagay.
Tangan-ay nasa kamay o hawak-hawak.
Tarok-- alam, batid o unawa
Tatarok-ay isang malalim na katagang Tagalog na siyang nangangahulugan ng maisip,
malaman, maintindihan, o mawari, at iba pang kawangis na salita nito.
Tikas-ay isang pangngalan na may kinalaman sa panlabas na anyo ng tao. Ito ay
nangangahulugang tindig, kisig, itsura, pustura.
Tinampal-sinampal
Tinulutan-pinayagan o binigyan ng pahintulot.
Tinunton-hinanap
Trahedya-kapahamakan , sakuna, kalunusan, malungkot na pangyayari
Tulin-bilis
Tumagistis-umaagos
U
Umakay-mga hakbangin sa isang aksyon o isang halimbawa para sa iba upang sundin.
Umayon-gumusto,sumang ayon at hindi sumalungat.
Umid-Tahimik o hindi makapag salita

X
Y
Yuyurakan-ay aapakan o ang gawang pagsira ng puri, karangalan, at pangalan ng
isang tao.

You might also like