You are on page 1of 30

Florante at Laura

saknong 19-68
Talasalitaan
1. Pita - ay tumutukoy sa mababang bahagi ng isang lugar kung kaya't palagi itong basa.
Halimbawa:
Ayoko sa lugar ng lolo ko dahil nasa pita ang bahay niya at halos hindi natutuyo ang lupa doon.

2. Taksil - ay kasingkahulugan ng traydor, sukab o lilo. Ito ay tumutukoy sa isang tao na nagtraydor o
gumawa ng katraydoran laban sa kanyang kaibigan, kamag-anak, kakampi, o kakilala.
Halimbawa:
“Hindi ko akalain na siya pa ang nagtaksil pagkatapos ng lahat ng pinagsamahan namin”; “Taksil ka!
Ipinagkatiwala namin ang lahat ng impormasyon na iyon dahil akala namin magkakampi tayo!”

3. Tatarok - ay isang malalim na katagang Tagalog na siyang nangangahulugan ng maisip, malaman,


maintindihan, o mawari, at iba pang kawangis na salita nito.
Halimbawa:
Sa lalim ng mga salitang iyong ibinulong sa hangin, may pagkakataon kaya ang Diyos na ito ay
matarok? Kung sa langit ay ganiyan ang aking tanong, paano’t sa lupa sino ang tatarok ng mga
binaggit mo.

4. Mababata – ang ibig sabihin ay matitiis, o matatanggap.


Halimbawa:
“Kung tunay mang si Leonora’y nahandugan ng pagsinta, nguni’t di ko mababatang kay Don Pedro’y
malayo pa.”
5. Hilahil - dusa,dalita, kalungkutan.
Halimbawa:
Naghihilahil ng mga tao dahil sa tradehdyang nangyari sa kanilang lugar.
6. Paglililo - pagtataksil,hindi pagiging tapat.
Halimbawa:
Hindi, hangga ngayo’y iyong-iyo ang aking pananalig, hindi pa sumasagi sa aking
gunita ang paglililo.

7. Mapaknit - maalis, matanggal, mahiwalay.


Halimbawa:
Hindi mapaknit sa aking alaala ang mga araw ng nagdaan.

8. Dalita - ay kasingkahulugan ng hirap, pasakit o dusa. Ito rin ay ang salitang-ugat


ng maralita na ang pakahulugan ay mahirap, pobre o dukha.
Halimbawa:
Sa kabila ng hirap at dalita, mananatili akong nakatayo at tutuparin ang aking mga
pangarap.

9. Papamilantik - ito ay nangangahulugan na pagpaltik, pagpitik, o paglabtik.


Halimbawa:
Ipapamilantik ni Lisa ang kanyang mga daliri sa kanyang pag-sayaw.

10. Gunamgunam- ang ibig sabihin ng gunam gunam ay pagwawari o pag-iisip. Ito
ay ang pag-iisip sa mga bagay na dapat gawin o ibig mangyari.
11. Hapis - ang ibig sabihin ng hapis ay pagdaramdam o nalulungkot.

12. Nalungayngay - nabitin, naluyloy, nalaylay, nalupaypay.

13. Kapilas - ang salitang lugami ay tumutukoy sa posisyon ng isang tao


na parang nakaupo, karaniwang dahil may dinadalang napakabigat na
damdamin o sugat. Maaari din itong tumutukoy sa isang taong payat na
payat na dahil sa matinding gutom o kaya ay sakit.

14. Kapilas - Kaparte o parte ng isang nahahawakan (tangible) na bagay


gaya ng papel.
Halimbawa:
"Kapilas ng mapa itong napulot ko sa basurahan."

15. Koleto - ang koleto ay isang kasuotang katad. Ang salitang ito ay
nabanggit sa kwento nina Florante at Laura.
Halimbawa:
Napakaganda ng koletong suot mo ngayon at ito'y bagay an abagay sa
iyo.
17. Apuhap- Kinapkap, kumapa, kinapa, hipo,
humipo.

18. Gurlis- Ang ibig sabihin ng gurlis ay galos o


kaya ay guris o harhar. halimbawa: May gurlis
ka sa iyong binti.

19. Niri – isang bagay na malapit sa iyo; ngayon


palang nangyayari ang isang bagay.

20. Kalis - ang kalis ay isang uri ng tabak o


espada na may talim sa magkabilang bahagi.Ito
ay mas mahaba at malaki kesa sa kris na isang
punyal.

You might also like