You are on page 1of 8

ANG MUNTING BARILES

Isang lalaking matangkad at matalino


Negosyanteng Jules Chicot ay talaga namang tuso
Sa unang tingi'y aakalain mong maginoo
Ngunit may itinatago palang masamang plano

Kaniyang nais na makuha


Lupang pagmamay-ari ng isang matanda
Ngunit si Magloire ay nanindigan
Hindi niya ipagbibili lupang kaniyang sinilangan at kinalakihan

Subalit si Chicot ay talaga namang pursigido


Hindi titigil hangga't di nakukuha ang kaniyang gusto
Ilinatag ang isang alok na talaga namang mahirap tanggihan
Matanda'y napaisip kung ito'y dapat pagkatiwalaan

Ang matanda'y nahulog sa patibong sa huli


Sa kaniyang desisyon ay nagkamali
Jules Chicot ay nagtagumpay sa pandaraya
Sa matandang Magloire ay hindi na naawa

Dapat sana'y sa kabutihang ipinapakita ay wag agad magtitiwala


Dahil baka pakay pala nito ay iba
Mag-ingat sa mga nagbabalat-kayo lamang
Dahil sila'y sakim at sa kapwa'y nais lang manlamang

Ang aral nito'y, sa mga inaalok ay wag basta-bastang maakit


At baka lahat ng ito'y may kapahamakang kapalit
Maging mapanuri at magsiguro
Upang sa huli'y hindi maloko.
ANG MUNTING PRINSIPE

May isang pilotong nasiraan ng eroplano


Bumagsak ito sa isang disyerto
Nagkakilala sila ng Munting Prinsipeng napadpad dito
Munting Prinsipeng naglalakbay sa iba't ibang planeta at mundo

Munting Prinsipe ay Planetang B-612 ang pinagmulan


Labis niya itong minamahal at iniingatan
Pagtubo ng puno ng baobab ay binabantayan
Upang hindi mawasak ang planetang tahanan

Isang araw, isang rosas ang tumubo


Ito'y kaniyang inalagaan ng husto
Ngunit sila'y nagkaroon ng di pagkakaunawaan
Dahil sa kasinungaling natuklasan

Munting Prinsipe ay nagbalak lumayo


Maglakbay ang kanyang gusto
Rosas ay humingi ng paumanhin
Pinatawad siya ngunit Munting Prinsipe ay hindi nagpapigil sa balak gawin

Naglakbay siya sa iba't ibang planeta


Maraming mga tao'y kaniyang nakilala
Mga taong kakaiba sa isa't isa
Mga taong sa pananaw niya ay abala sa mga bagay na walang halaga

Sa kanyang paglalakbay, isang alamid ang natagpuan


Alamid na may taglay na kahiwagaan
Sa pamamagitan rito'y kaniyang napagtanto
Na natatangi ang rosas niya sa mundo
Sa alamid ay nabatid niya
Na sa pamamagitan lamang ng puso nakikita ang mga bagay na mahalaga
Tanging sa puso ito'y madarama
At hindi nasusukat sa nakikita ng mga mata
SI PELE ANG DIYOSA NG APOY AT BULKAN

Masaya at tahimik ang pamumuhay


Iyan ang pamilya nina Haumea at Kane Milohai
Sila'y naninirahan sa isang maganda at masaganang lupain
Islang Tahiti kung tawagin

Subalit si Namaka at Pele ay hindi nagkaunawaan


Dahil dito'y nawala ang kapayapaan sa kanilang tahanan
Mag-asawa'y pinilit ayusin ang di pagkakasunduan
Ngunit sadyang matindi ang kanilang alitan

Sa apoy ay naakit si Pele


Simula ng ito'y kaniyang madiskubre
Ayaw niyang lumayo rito at matigas ang ulo
Kahit pa sabihin ng inang mapanganib ito

Isang araw ay nagkaroon ng aksidente


Nasunog ang kanilang tahanan na kagagawan ni Pele
Nagalit si Namaka
Kaya't pamilya ay napilitang lumayo muna

Sa wakas, pagkatapos ng paglalakbay na mahaba


Napadpad sila sa isang isla
Islang kakaunti palang ang taong nakatira
Dito rin bunsong si Hi'iaka ay napisa

Si Hi'aka ay diyosa ng mananayaw at hula


Sa ganda nilang magkapatid ay marami ang humahanga
Gayundin mga taong naiinggit sa kanilang dalawa
Dahil dito'y pamumuhay nila sa isla ay hindi naging payapa
Sa huli'y nakahanap ng ligtas na lugar ang pamilya
Sa isang bundok na tinatawag na Mauna Loa
Subalit hindi basta sumuko ang galit na si Namaka
Kaya't ginamit ni Pele ang apoy upang iligtas ang pamilya

Ang pusod ng bundok ay pinagliyab niya


Nanalo siya sa labanan nila
Ngunit siya rin ay nanghina
Sa huli'y namatay ang kaniyang katawang-lupa
MACBETH

Magkaibigang Macbeth at Banquo ay pauwi na


Matapos manalo sa isang pakikidigma
Nakasalubong nila'y tatlong manghuhula
Mga magkakaibigang may nakakatakot na itsura

Ang tatlo ay magalang na binati siya


Binati siya bilang Thane ng Glamis at Thane ng Gawdor na labis niyang ipinagtaka
Ng maglaho ang manghuhula'y naiwan silang di makapaniwala
Maya-maya'y dumating mga tauhan ng hari ipinadala

Bumagabag kay Macbeth ang sinabi ng mga manghuhula


Napaisip siya kung ito'y magkakatotoo nga ba
Iniisip niyang kung ito'y kusang mangyayari sa kanya
O kung ito'y magaganap kung gagawa siya ng masama

Ngunit tunay nga ang sabi ni Banquo


Nagsasabi ng kalahating katotohanan ang demonyo
Upang tao'y maakit na gumawa ng masama
Gumawa ng mga bagay na magpapahamak sa iba at sumira

Pinaslang niya ang Haring Duncan


Kawawang haring sa kaniya'y gumawa ng kabutihan
Isinagawa ang karumal-dumal na pagpatay
Upang plano ay magtagumpay

Kaniyang ambisyon ay nakuha


Ngunit mayroon pa ring nagsuspitsa
Dumating ang karma
Kahit anong gawing pakikipaglaban ay sa huli napatay siya.
ANG KUWENTO NG ISANG ORAS

Lahat ay buong pag-iingat ang ginawa


Upang sabihin kay Ginang Mallard ang balita
Ang balitang ang asawa'y pumanaw na
Dahil sa isang nangyaring sakuna

Ang babae ay umiyak ng matindi


Sa pagkawala raw ng asawa'y nagdalamhati
Kaniyang hiniling na mapag-isa
Pumasok sa kwarto ng nagluluksa

Siya'y nagmumuni-muni
At may maririnig na mahinang paghikbi
Ngunit umusbong ang isang matalinong kaisipan
At nakaramdam ng kalituhan

Unti-unti niyang nakilala


Ang damdaming pilit na kumakawala
Naapuhap niya ang isang salita
At paulit-ulit na ibinulong: "Malaya, malaya, malaya!"

Alam niyang siya'y mapapaluha


Kapag nakita na ang mukha ng kaniyang asawa
Ng taong taging pag-ibig lang ang iniukol sa kaniya
At ang mga mabubuti at mapagpalang kamay na ngayo'y malamig na

Ngunit sa kabila ng mapait na gunita


Natatanaw na niya
Ang paparating na mga taong kaniyang-kaniya na
Mga taong walang-sinumang pag-aalayan pang iba
Tumayo siya at binuksan ang pinto
Lumabas siya ng silid at hinarap muli ang mundo
Kasama ang kapatid ay bumaba siyang may sigla
Nadatnan si Richard na naghihintay sa kanila

Maya-maya ay dumating ang kaniyang asawa


Lahat ay nagulat at natulala
Si Ginang Mallard ay napatili
Ikinamatay ang sakit sa puso at natapos ang buhay na maikli.

You might also like