You are on page 1of 4

Daraga National High School

Daraga, Albay

Proyekto Sa Araling Panlipunan

Antas Siyam (9)

Ipinasa ni: Creziel Base Bien

Ipinasa kina: Mr. Joel Mesa


at
Bb. Hazel Bercasio

Agosto 11, 2015


Talakayan:

Sa agham pangmundo at heolohiya, ang anyong lupa o pisikal na katangian ay binubuo ng isang

heomorpolikal na yunit, at kadalasang nagkakaroon ng kahulugan sa kanyang anyo sa ibabaw at lokasyon

sa tanawin, bilang bahagi ng kalupaan, at dahil sa katangiang iyon, kinakatawan ang isang elemento ng

topograpiya. Kabilang din sa anyong lupa ang tanawing dagat at katangian ng mga bahagi ng tubig sa

karagatan katulad ng look, tangway, dagat at iba pa, kabilang ang mga kalupaang nasa tubig, katulad ng

bulubundukin at bulkang nakalubog, at malalaking palanggana ng karagatan na nasa ilalim ng manipis na

tubig, para sa buong daigdig lalawigan at dominyo ito ng heolohiya.

Bulubundukin — matataas at matatarik na bundok na magkakadikit at sunud-sunod. Ang Himalaya, ang

pinakamataas na bulubundukin sa buong mundo, kung paano nakikita mula sa kalawakan. Sa Pilipinas ang

Lalawigang Bulubundukin (opisyal na pangalan: Mountain Province) ay isang lalawigan sa Pilipinas sa

Cordillera Administrative Region sa Luzon. Bontoc ang kapital nito at napapaligiran ito ng Ifugao,

Benguet, Ilocos Sur, Abra, Kalinga, at Isabela.

Mountain Province ang buong pangalan ng lalawigan at kadalasang pinapangalan ng mali bilang

Mountain lamang ng mga ibang banyagang reperensiya. Madalas din na maling dinadaglat ng mga lokal

na mamamayan ito bilang Mt. Province, na kadalasang binabasa ng mga katutubong Ingles bilang "Mount

Province". Ipinangalan ang lalawigan ng ganito dahil matatagpuan sa bulubundukin ng Cordillera sa

hilangang gitnang Luzon. Ang Mountain ay Ingles para sa bundok.

Pangalan din ang Mountain Province ng makasaysayang lalawigan na kinabibilangan ng karamihan sa

mga kasalukuyang mga lalawigan ng Cordillera. Naitatag ng mga Amerikano ang lumang lalawigan na

ito noong 1908 at nahiwalay sa kalunan noong 1966 at naging Mountain Province, Benguet, Kalinga-

Apayao at Ifugao

You might also like