You are on page 1of 2

“SWERTE”

Hindi pa sumisikat ang araw, bago pa man magsimula ang bukang


liwayway, gising na ang isang ina na si sally. Suong ang batyang puno ng
damit na babanlawan niya lawa. Kagabi pa niya natapos sabunin sa kamay
ang bawat piraso ng damit na pinalabhan sa kanya ng kanilang kapitbahay.
Ang perang kinikita niya sa kanyang pinaglalabhan ay ipinagdaragdag sa
kita ng asawang nagtratrabaho bilang isang karpintero, hindi na niya muna
ginigising ang mga anak na mahinbing na natutulog upang Upang siya
sana’y Samahan patungo sa lawa. Kasalukuyan pa lamang balot ng dilim
ang paligid at ito’y may kalayuan sa kanilang bahay na kanyang lalakarin.
Nakakahanga ang kanyang katapangan upang suungin ang tubig at
banlawan isa-isa ang mga damit. Bago pa man sumikat ang araw,
naisampay na niya ang mga damit. At pagkatapos ay ipagluluto naman na
niya ang kaniyang mga anak para sa kanilang umagahan. At mag-aasikaso
sa mga anak patungong paaralan. Kung makapapasok ang kanilang mga
anak, ay kanyang lilinisan ang kanilang bakuran. Pagkatapos ang kanyang
pag-eekstra sa isang maliit na karinderia sa tapat ng eskwelahan. Pero
madalas siyang manikurista, sa katunayan isa siya sa kilala sa kanilang lugar
at marami-rami na rin siyang sinerbisyohan hanggang sa karatig barangay.
Hindi lang iyan ang kanyang trabahong kayang gawin. Nagsisilbi rin
siyang isang mananahi ng mga ibat-ibang damit na kanyang nagging
trabaho noong sinubok niya ang trabaho sa maynila. Kung saan niya nakilala
ang kanyang naging asawa at nagbunga ng kanilang tatlong anak. Araw-
araw na ganito ang kanilang Gawain at upang mas lalong siya’y magsikap
para sa kanyang asawa’t mga anak. Minsan siya’y napapa-isip, na sana’y
kanila rin matamasa ang kaginhawaan balang araw. At upang hindi na
muling maranasan ng kanyang pamilya ang kanilang dinaranas ngayon.
Isang araw nagawi sa bayan si sally para sa kanyang serbisyo. At
walang ano-ano’y tila ba’t parang may humila sa kanya papalapit sa lotto
play station ng walang pakundangan, sa hindi maipaliwanag na dahilan. Si
sally ay tumaya nga ng lotto upang magbakasakali na Manalo.
Ang sabi ni sally sa kanyang sarili “ano pa nga ba’t panginoon kung
akong inyong pagbibigyan na Manalo dito. Upang aking matulungan ang
aking kapwa at aking pamilya” ang kanyang tanging sambit. Sa una’y siya’y
hindi pinalad na Manalo. Ngunit siya’y sumubok ng sumubok.
Hanggang isang araw sa hindi inaasahang pangyayari ang kanyang
asawa ay ang nasawi sa trabahong kanyang pinapasukan. Labis ang
pagdadalamhati ni sally sa mga araw na iyon. Hindi niya mawari ang
kanyang sarili , kung ano ang kanyang gagawin. Siya’y naguguluhan kung
ano na lang ang magyayari sa kanyang tatlong anak, na ngayo’y
kasalukuyang nag-aaral pa. ano na nga lang ang kanyang gagawin
sapagka’t magisa na lang nyang itataguyod ang kanyang mga anak.
Pagkalipas ng isang buwan mula ng mamatay ang aknyang asawa.
Patuloy paring nagdarasal si sally sa panginoon na “oh aking panginoon
mangyaring sana’y ibigay mo sa akin ang swerteng aking inaasam-asam sa
araw-araw.’ Ganito palagi ang kanyang ipinagdarasal. Sobra ang awa ng
mag kanyang kapit-bahay kay sally ng mga panahong iyon, ngunit sa kabila
ng lahat marami parin ang tumutulong sa kanyang pamilya.
Isang araw habang abala si sally sa kanyang sangkatutak na labada.
May hindi inaasahang balita ang sa kanya ay makakarating. Habang abala
si sally tumatakbong pumunta ang kanyang kumara sa kanya dala ang
magandang balita na siya ay nanalo sa lotto. Gulat siya ng marinig ang
‘kumare nalaman mo na baa ng sambit ng kanyang kumare. “ang alin
kumare’ sagot ni sally” “ikaw ay nanalo sa lotto”. At sa puntong iyon di ano
ano’t si sally ay humandusay sa lupa sa di makapaniwalang balita.
Pagkagising niya may mga ingay na sa labas ng kanilang bahay ay
nagmumula.”ang swerte naman ni sally” ang kanilang sambit. Agad na
lumabas si sally upang itoy tignan. Nagpalakpakan ang kanyang mga kapit-
bahay, akala ni sally panaginip lang ang lahat subalit totoo na pala.
“Panginoon salamat sa biyayayng inyong ibinigay sa amin. Anot-ano’y
malaking bagay ang 100 milong piso na para sa amin” ang kanyang naiisip.
Pagkakuha ng malaking halaga na kanyang napanalunan. Gaya ng
kanyang panalangin tinulungan niya ang kanyang mga kapit-bahay sa
pamamagitan ng pagpapatayo ng isang pabrika ng damit. At ang kanyang
mga trabahador ay magmumula sa kanyang barangay. Laking tuwa ng
kanyang mga kabarangay ng nabalitaan ang tungkol ditto. Talaga namang
pinagpapala ang mga taong masikap ang tanging sambit ni sally.
Pagdaan nga ng maraming taon patuloy na lumago ang negosyo ni
sally, patuloy na tumutulong sa mga mahihirap

You might also like