You are on page 1of 7

24 ORAS NEWS CASTING SCRIPT (TAGALOG)

24 Oras Express

M.E : Live mula sa GMA Network Center, ito ang 24 oras.

M.E : Magandang gabi Luzon! Magandang gabi Visayas! Magandang


gabi Mindanao!

: Sa kaniyang pagsabak sa “Commute Challenge”, inabot po ng


halos 4 na oras ang biyahe ni Presidential Spokesperson
Salvador Panelo mula Marikina hanggang Malacañang.

A.A : Nasa labing-anim na kilometro lang po ang distansiyang


tinahak ni Panelo pero kinailangan niyang mag-apat na
sakay ng jeep at umangkas sa motorsiklo.

V.M : Bukod sa siksikan at traffic naranasan rin niyang mapaupo


sa estribo at magkaaberya ang tricycle na sasakyan sana
niya.

: Narito po ang pagtutok ni James Agustin.

*Video footage of Panelo*

J.A : Sineryoso ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo


ang pagkasa niya sa “Commute Challenge” ng mga commuter
at militante.

: Bago magalas-sinko imedya ng madaling araw nagselfie pa


si Panelo bitbit ang dyaryo ngayong araw. Sa pagsisimula
ng kaniyang biyahe nagselfie siya sa loob ng jeep at
makikitang madilim pa ang paligid.

: Dakong 6:45 ng umaga nakunan siya ni Rya Ducusin sa


Concepcion,Marikina na nag-hihintay ng jeep. Nakaputing
longsleeves, puting sombrero at bilog na shades si
Panelo. Sabi ni Ducusi sa kaniyang post, tinanong pa raw
siya ni Panelo kung araw-araw siyang nagcocommute.
Narinig din daw niya ang isang pulis na nagtanong kung
sasakay ng taxi ang kalihim. Ang sagot niya, “magjejeep
daw siya patungong Sta.Mesa.” Nakuhanan din siya roon ng
netizen na si Melvin Defensor
*Melvin Defensor and GMA News Convo on phone*

M.D :“Mga 6:30 am po kasi nandu‟n na siya. Nu‟ng


dumating kasi ako, may mga pulisya na po talaga. Hindi ko
alam kung sinamahan siya or what.”

G.N :“Pero ano ginawa ng mga pulis? Tinulungan siyang sumakay?”

M.D :”Oo, parang inalalayan siya kung saan sasakay.”

: Nung una dapat nga, aanuhin nila „yung mga tao na


sasakay. Pero pinigilan ni Sir Panelo na „wag harangan
„yung mga sasakay. Nakasakay siya mga 6:57 A.M.

*end of convo*

J.A : Nagselfie siya ulit sa puntong ito. Ito na raw ang


kaniyang pangatlong sakay ng jeep.

: Nakuhanan din siya ni Jaydie Santos sa jeep na papunta sa


Aurora Boulevard. Pero pagdating ng jeep sa may LRT 2
Station sa Cubao dakong 7:50 A.M marami na ang nakaabang
na media. Umakmang bababa si Panelo, pero muling umupo sa
estribo at nagbabye sa media. Pero naabutan siya muli ng
Super Radio DZBB.

: Bandang 8 ng umaga dumating sa Aurora Boulevard malapit


sa LRT 2 Guilmar Station si Panelo. Bumaba siya sa jeep
pero muling sumakay. 8:20 A.M ay na-traffic siya sa area
ng Pureza sa Sta.Mesa Maynila.

: Kasabay niya sa biyahe sa jeep mula Cubao ang mga


kinatawan ng kilusang Mayo Uno, Anak Bayan, at Kilusang
Manggagawa.

Rep : Nag-alala pa nga kami kasi baka maano siya eh. Nagtry
siyang bumaba ah dun sa Cubao pero umabante „yung jeep ,
balik ulit siya. Kitang-kita naman dahil medyo maedad na
rin si Sec. Panelo, nag-alala kami na baka madapa. Ang
punto lang naman namin, maranasan talaga ni Sec. Panelo
„yung hirap na nararanasan namin araw-araw, nung ating
mga kababayan, manggagawa‟t estudyante.

J.A : 8:30 A.M nasa Sta. Mesa Maynila pa rin si Panelo .

: 8:36 A.M nakarating siya sa Jose Laurel Street papasok ng


Malacanang Compound.

S.P : Nandito na ko sa ano, nadito na ko sa gate ng Malacanang.


Magta-tricyle na ko.

J.A : May nagmagandang loob na motorcycle rider at iniangkas na


lang si Panelo papasok ng Malacanang.

: 8:45 A.M o matapos ang 3 oras at 30 minuto at matapos ang


4 na sakay ng jeep, isang naudlot na tricycle ride, at
isang pag-angkas sa motorsiklo. Nakarating din sa
Malacanang ang kalihim.

: James Agustin, nakatutok, 24 oras.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

I AM READY ( Weather Forecast)

M.T : Pinag-iingat na ang marami sa bansang Japan dahil sa


inaasahang landfall doon ng bagyong may international
name na Hagibis.

M.T : Bukas ng gabi posibleng tumama ang bagyo malapit sa


Tokyo. Base sa forecast track ng U.S Joint Typhoon
Warning Center, muling nakita ng PAG-ASA ang mata ng
bagyo sa layong 1,810 kilometers East, Northeast ng
extreme Northern Luzon. May lakas ito na hangin na
hanggang 165 kilometers per hour.

M.T : Hindi apektado ng bagyo ang ating bansa pero may umiiral
na Northeasterly Surface Windflow sa Luzon. Dahil diyan
magiging maalon ang hilagang baybayin ng Ilocos Norte at
mga dagat sakop ng Cagayan Valley Region at Aurora.
Pinapayuhang „wag munang pumalaot ang maliliit na
sasakyang pandagat. Sa darating na weekend asahan ang
pag-ulan, ang MIMAROPA Region at malaking bahagi ng
Visayas at Mindanao. May tiyansa rin ng ulan o
thunderstorm sa Metro Manila.
: „Yan ang latest mula sa GMA Weather! Magplano para
sigurado, I am ready, serbisyong totoo ng GMA News.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

TIMEOUT (Sports)

I.A : Sa sport na power lifting kung saan isa sa mga kailangan


ay lakas. 2 babae ang hindi nagpapahuli sa katatapos lang
na international competition, nakapag-uwi sila ng
medalya. Maki-timeout muna tayo kay Chino Trinidad.

C.T : Edad 11 ng magdesisyon na maging power lifter gaya ng


kaniyang Ama si Jessa. Ngunit nagalangan pa noon ang
kaniyang Ama dahil sa kaniyang pangangatawan.

*Jessa’s*

J : Gusto kong sumali sa gantong sports. Tapos sabi niya,


“Hindi ka pwede kasi bata ka pa tsaka ang payat mo para
diyan sa mga sports na „yan.” Tas sabi ko “ Hindi naman
ata naaayon sa payat „yun eh naaayon naman yata sa lakas
„yun.

C.T : Ngunit pursigido si Jessa at kahit ayaw ng Ama ay


pasimpleng pinag-aralan ang basic ng power lifting.

J : Nagtatago ako sa training ganun. Di ko pinapakita sa


Tatay ko. Hanggang sa , ano, isang araw pumunta yung
Tatay ko sa gym na binabantayan naming. Nakikita niya po
kong bumubuhat tas sabi niya sakin, “Sigi kung desidido
kang sumali sa ganyang sports, tuturuan kita.”

C.T : Ang first year criminology student na si Vanessa ay power


lifting ang daan para makakuha ng libreng aral dito sa
Maynila sa pamamagitan ng Sports Scholarship.

*Vanessa’s*

V : May goal po ako na makapagtapos ako ng pag-aaral. Ito


„yung gusto ng Mama ko kasi „yung dati di naman siya
nakapag-aral kasi wala pang pera.
-

C.T : Sa katatapos na International Power Lifting Federation


Sub Junior and Junior Championships ay walong medals,
isang gold, anim na silvers, at isang bronze ang inuwi
mula sa Canada ng Two Woman Power Lifting Team ng Jose
Rizal University.

: Ang dating patpatin na si Jessa ay nakagold medal sa


bench press at nagtala ng bagong 47 kg Asian sub junior
record sa death lift. Kasama rin ang isang bagong record
sa total weight lifted para sa kaniyang weight category.

: Chino Trinidad nakatutok, 24 oras.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
CHIKA MINUTE (Showbiz)

I.A : Tuloy pa rin ang fun adventures at new learnings kasama


ang nag-iisang kapusong biyahero at aking hubby na si
Drew Arellano. Muli kasi siyang pumirma ng kontrata sa
GMA Network. Maki-chika kay Lar Santiago.

L.S : Mapa-bundok o dagat man, sikat man o hindi pa gaanong


napupuntahan. Nabisita na yata ang mga „yan ng nag-
iisang kapusong biyahero na si Drew Arellano. At ang
kaniyang exciting na page-explore sa Biyahe ni Drew. At
paghahatid ng kaalaman with fun sa AHA!

: Magpapatuloy pa sa muling pagpirma ni Drew ng kontrata


sa GMA Network. Lumagda para sa GMA ang Chairman and CEO
na si Atty. Felipe Gozon, SEB for News and Public
Affairs, Marissa Flores at First Vice President for
Public Affairs, Nessa Bandelion.

: Kasamang pumirma ni Drew ang kaniyang Management Team sa


pangunguna ni Rowela Salido, Chief Operating Officer ng
Asian Artist Agency.

*Drew Arellano’s*
D.A : I‟m so blown away after 14 years. It‟s not just the trust
but there‟s you know, there‟s that huge responsibility.
You know what they say eh. If you love your job it
doesn‟t seem like a job.

*Felipe Gozon’s*

F.G : Naandito siya sa atin ng 14 years. It‟s well appreciated


at isa naman siya sa magagaling nating talents sa Public
Affairs.

L.S : Nasa contract signing din ang staff at crew ng Biyahe ni


Drew at AHA.

: Hanga at todo puri rin sila sa sipag at dedikasyon ni


Drew sa pagtatrabaho.

*Program Manager’s*

M.I : Bukod sa pagiging host, team player siya. As in alam


niya „yung needs nung mga programs niya at nededeliver
niya „yon. Magaan siya katrabaho.

*Drew Arellano’s*

D.A : I‟m giving all pretty much most of the credit to my team
because they‟re really the backbone of the show. I‟m just
a host.

L.S : Sa gitna pa nga ng aming interview kay Drew, hindi nawala


ang kaniyang kakwelahan.

*Drew Arellano’s*

D.A : Nakashorts ako tapos ngayon nakablazer kaya ako


pinapawisan. *D.A laughs*

: Ahhh okay kasi talaga „tong blazer eh no. Pati „yung


sweater pahiram mamaya. *media laughs*
L.S : Lar Santiago updated sa showbiz happening.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

ENDING

I.A : And that ends our week long chikahan. Happy weekend mga
kapuso.Ako po si Iya Arellano. Sir Mike, Ma‟am Vicky,
Atom.

M.E : At „yan po ang mga balita ngayong Biyernes mga kapuso. 75


araw na lang pasko na. Ako si Mike Enriquez.

A.A : Ako po si Atom Araullo.

V.M : At ako po si Vicky Morales. Ito ang GMA, walang


kinikilingan, walang pinoprotektahan.

A.A : Walang kasinungalingan, serbisyong totoo lamang.

V.M : At dahil hindi natutulog ang balita.

M.E : Nakatutok kami 24 Oras.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Newscasters I AM READY (Weather)


M.E – Mike Enriquez M.T – Mang Tany
A.A – Atom Araullo
V.M - Vicky Morales TIME OUT (Sports)
I.A – Iya Arellano
24 Oras (News) C.T – Chino Trinidad
M.D – Melvin Defensor J – Jessa
Rep – Jerome Adonis V - Vanessa
S.P – Secretary Panelo
J.A – James Agustin

CHIKA MINUTE (Showbiz)


I.A – Iya Arellano F.G – Felipe Gozon
L.S – Lar Santiago D.A – Drew Arellano
M.I – Mildred Irum

You might also like