You are on page 1of 2

Ang mga unang tao sa Kalinga sa Luzon

SENTRO ng atensiyon kamakailan ang Pilipinas sa larangan ng siyensiya sa


buong mundo nang ianunsiyo ng paleonthologists mula sa France National
Museum of Natural History ang pagkakadiskubre sa ebidensiya na tinatayang
noong nakalipas na 700,000 taon, nanirahan ang mga unang tao sa Kalinga,
sa Cordillera ng Luzon.

Una rito, ang pinakalumang ebidensiya ng buhay ng tao sa Pilipinas ay ang


buto ng paa ng tao na natagpuan sa bulubundukin ng Sierra Madre, na
sinasabing 67,000 taon gulang. Ngayon, ayon kay Thomas Ingicco, ang
pangunahing sumulat ng pag-aaral sa France, natagpuan sa Kalinga ang
buto ng rhinoceros, na may mga bakas ng paghiwa mula sa isang
kasangkapan na ginamit ng tao upang tanggalin ang karne, kuhanin ang
marrow nito at gawing pagkain.
Sa mga nakalipas na dekada, inakala ng mga siyentista na ang pinakaunang
tao tao sa daigdig ay unang lumitaw sa Africa 150,000 taon na ang
nakalilipas, at nagsimulang maglakbay sa iba’t ibang bahagi ng mundo
60,000 taon na ang nakararaan. Gayunman, sa bagong pag-aaral sa Israel,
nadiskubre ang buto sa panga ng isang Homo Sapiens na sinasabing
177,000 at 194,000 taon na— dahilan upang tumulak pabalik ng ilang daang
libong taon ang ebolusyon ng tao.

Ang bagong nadiskubre sa Cordillera ay kabilang sa mga natuklasan na


nagpapakita na ang mga tao ay mas matagal nang naninirahan sa mundo
kaysa ating inaakala. At ilan sa mga naunang tao ay nakarating o nanirahan
sa Luzon, mula sa labi ng buto ng rhinoceros na may mga marka mula sa
isang kasangkapan ng tao. Tinatayang 631,000 at 777,000 taon na ang buto
ng rhino, panahong kilala bilang ‘Pleistocene.’

Walang nakitang direktang bakas ng tao na nag-iwan ng marka at kung


paano ito nakarating ng Luzon mula sa Asya. Ilan sa pinapalagay ay ang
pagkakaroon ng tulay na lupa noon na nagdurugtong sa isla ng Pilipinas sa
mainland. Ayon sa mga Pranses na may-akda ng pag-aaral, duda silang
gumamit ang mga naunang tao ng sasakyang pandagat upang makarating
dito.
Hindi maisasantabi ng ilang pamilyar sa tradisyon ng ating mga ninuno ang
ganitong posibilidad. Lalo’t kilala ang mga unang Pilipino na naglalakbay
noon gamit ang mga balangay sa mga karagatan sa iba’t ibang bahagi ng
mundo. Sila ang mga ninuno ng daang libong Pilipinong seaman na
nagpapatakbo ng mga barko sa maraming bansa sa mundo ngayon.

Umaasa tayo na mas marami pang matuklasan at pag-aaral sa mga tao at


ang lupain ng tinatawag ngayong Pilipinas. Ngayon lang natin nasisimulang
malaman kung anong mayroon sa ating mga isla bago pa man dumating ang
mga Espanyol at Amerikano. Ngayon, itinutulak natin pabalik ng mas malayo
ang sinaunang-panahon kung saan unang dumating ang mga tao at nakikita
natin na bahagi tayo ng malaking kasaysayan ng ebolusyon ng tao.

You might also like