You are on page 1of 3

ANO ANG RETORIKA?

- Ang retorika ay isang mahalagang kaalaman sa pagpapahayag na tumutukoy sa kaakit-akit and


magandang pagsasalita at pagsulat.

- Pinag-aaralan ditto ang ukol sa mga tuntunin ng malinaw, mabisa at kaakit-akit na pagpapahayag.

- Ito ay sining ng pakikipag-usap at pagsulat.

- Ito ay nagmula sa salitang Griyego na rhetor na nangangahulugang guro o isang mahusay na


orador/mananalumpati.

- Ito ay pag-aaral upang magkaroon ng kasiningan at kahusayan ang isang indibidwal sa pagpili ng mga
salitang gagamitin sa kanyang pagsusulat o pagsasalita.

- Galing sa salitang “rhetor” (Salitang Griyego) na nangangahulugang “guro” o mahusay na


oradr/mananalumpati

- Susi sa mabisang pagpapahayag na nauukol sa kaakit-akit, kaiga-igaya at epektibong pagsasalita o


pagsulat.
- Pag-aaral kung paano makabubuo ng isang kaisipan sa pamamagitan ng mga piling salita at wastong
ayaw-ayaw ng mga ito upang maiangkop sa target ng awdyens at matamo ng manunulat ang kanyang
layunin.

- Ang kasanayang ito ay natututunan o napagaaralan.

- Ito ay isang sining o teknik ng panghihikayat na kadalasan ay sa pamamagitan ng wika.

- Ito ay ang masining na pagpapahayag. Ito ay binibigyang-tuon ang kalinangan at kasanayan ng pagsulat
at pagsasalita. Hinuhubog ang kagalingan natin sa pagsasalita at pagsulat. At ito naman ay nakakatulong
sa atin upang tayo ay matuto sa pagpapahayag na ginagamitan ng lohikal at kritikal na pag-iisip.

- Ang sayusay o retorika ay isang uri ng sining na naipapakita sa pamamagitan ng paggamit ng wika sa
paraang pasulat o pasalita. Ito rin ay maihahambing sa linggwistikal na pananaw kung saan ito ay
maaaring maipakahulugan bilang isang pag-aaral patungkol sa kaalaman ng tao sa mga salita, o sa mas
malawak na pagtukoy, lenggwahe. Ginagamit ng isang indibidwal ang retorika upang maayos at mabisa
nitong maipahayag ang kanyang saloobin patungo sa kanyang tagapakinig na siyang nakatakdang
tumanggap ng mensaheng ipinababatid. Bukod pa rito, ang retorikal na paggamit ng wika ay mainam
upang maipakita ng isang tao ang kanyang kagila-gilalas na kasanayan sa pakikipagtalastasan.

- Ayon sa mga impormasyon na nakalap mula sa iba't-ibang aklat, isang mahalagang kaalaman ng
pagpapahayag ang retorika sapagkat tinutukoy nito ang angking abilidad na tumutugaygay sa pagsusulat
o pagsasalita ng isang tao, bagay na humuhulma sa mga pangunahing kasanayan sa larangan ng
komunikasyon. Maaaring rin itong maisambit bilang isang punla ng kahusayan ng isang nilalang sa
pagpili ng mga salitang nais niyang iparating. Kung kaya't ito ay isang epektibong paraan ng
pakikipagdayalogo.

- Ang isang taong may kahusayan sa retorika ay kadalasan nagkakaroon ng isang magandang impresyon
sa kaniyang mga audience o tagapakinig. Halimbawa na lamang ay ang paborito mong awtor ng libro
tagapagbalita sa telebisyon. May kasanayan sila na kung saan sila ay ating hinahangaan at maging
tinatangkilik ng mga tagapanood.Samakatuwid, ang layunin ng retorika ay maging kaakit akit at epektibo
ang isang pahayag.

- Ito rin ay may kinalaman sa panghihikayat sa publiko at sitwasyong pampulitika gaya ng mga
asembleya at mga hukuman. Dahil dito, umunlad o nakilala ang retorika sa mga demokratikong lipunan
na may karapatan sa malayang pamamahayag, malayang pagtitipon at pagpapatanggap sa pagbabagong
politikal. Ngayon ang retorika ay inilalarawan bilang malawak na sining o kasanayan sa panghihikayat sa
pamamagitan ng kahit na anumang anyo o sistemang simboliko, lalo na sa paggamit ng wika. Ginagamit
din ito sa kasalukuyan kapag gustong alamin ng sinuman ang pagkakaiba ng hindi makabuluhang mga
salita at mga gawa o ang mga totoo at tamang impormasyon sa mga maling impormasyon, propaganda
at iba pang anyo ng huwad o hindi tunay na pangangatwiran.

You might also like