You are on page 1of 3

Group 5: Pagsulat ng Komposisyon

1. Ito ay isang payak na paraan ng pagsusulat tungkol sa natatanging karanasan, pagbibigay


interpretasyon sa mga pangyayari sa kapaligiran at puna sa mga nabasang akda o napanood
na pagtatanghal.
A. Diskurso C. Lathalain
B. Alusyon D. Komposisyon

2. Ito ay uri ng komposisyon na may layuning maglahad ng makatotohanang impormasyon.


A. Anapora C. Impormatibo
B. Ekspositori D. Fallacy

3. Ito ay uri ng komposisyon na may layuning maglahad ng proposisyon/panig.


A. Nanghihikayat/persuasive C. Ekspositori
B. Argumentatibo D. Diskurso

4. Ito ay uri ng komposisyon na may layuning mangumbinsi/manghikayat ng mga


mambabasa.
A. Prosidyural C. Nanghihikayat/persuasive
B. Impormatibo D. Naratibo

5. Isang uri ng komposisyon kung saan ang manunulat ay nagsasalaysay.


A. Prosidyural C. Impormatibo
B. Naratibo D. Diskriptibo

6. Uri ng komposisyon kung saan ang manunulat ay inilalarawan niya ang paksang kaniyang
napili.
A. Impormatibo C. Ekspositori
B. Fallacy D. Diskriptibo

7. Ang uri ng komposisyong ito ay naglalahad ng wastong pagkasunod-sunod.


A. Prosidyural C. Alusyon
B. Idyoma D. Impormatibo

8. Ito ay uri ng komposisyon kung saan ang manunulat ay naglalahad ng malinaw, sapat at
walang pagkiling na pagpapaliwanag.
A. Impormatibo C. Naratibo
B. Ekspositori D. Epipora

9. Ito ay isang aktibong gawain na hindi basta na lamang nangyayari.


A. Pagbabasa C. Pag-awit
B. Pagsayaw D. Pagsulat

10. Ang pagsulat ay maaaring maging gawaing pang-isahan.


A. Kolaboratib na gawain C. Pisikal na gawain
B. Solitari na gawain D. Mental na gawain
11. Ang pagsulat na sa halip na paisa-isa ay sama-samang gumagawa ng likha ang mga
manunulat.
A. Pisikal na gawain C. Kolaboratib na gawain
B. Mental na gawain D. Konsyus na gawain

12. Ginagamit dito ang pisikal na kakayahan ng manunulat.


A. Konsyus na gawain C. Mental na gawain
B. Sabkonsyus na gawain D. Pisikal na gawain

13. to ay isang ehersisyo ng pagsasatitik ng mga ideya ayon sa isang tiyak na metodo at istilo
ng grammar na naaayon sa mga tuntunin ng wikang ginamit.
A. Konsyus na gawain C. Mental na gawain
B. Pisikal na gawain D. Pangkatuwaang gawain

14. Ang gawaing ito ay nagsasangkot ng labis na partisipasyon at kaalaman sa proseso.


A. Komposisyon C. Pag-awit
B. Pagsulat D. Pagbasa

15. Ang isang manunulat ay patuloy-tuloy na sumusulat ng walang pagtatangi sa spelling,


grammar at hindi gumagawa ng pagwawasto.
A. Mental na gawain C. Konsyus na gawain
B. Pisikal na gawain D. Sabkonsyus na gawain

16. Ang proseso ng pag-iisip ng isusulat ay ginagawa ng ating sabkonsyus na kaisipan.


A. Sabkonsyus na gawain C. Kolaboratib na gawain
B. Solitari na gawain D. Konsyus na gawain

17. Ito ay malayang pagsusulat.


A. Konsyus na gawain C. Mental na gawain
B. Pisikal na gawain D. Kolaboratib na gawain

18. Binubuo ng isang pangungusap o lipon ng mga pangungusap.


A. Talata C. Komposisyon
B. Pangungusap D. Pagsulat

19. Uri ng talata na ginagamit upang pag-ugnayin ang diwa ng dalawang magkasunod na
talata.
A. Talatang Pabuod C. Talatang Paglilipat-diwa
B. Panimulang Talata D. Ugnayang Talata

20. Uri ng talata na ang layunin ay ilahad ang paksa ng koposisyon.


A. Talatang Pabuod C. Talatang Ganap
B. Panimulang Talata D. Paksang Talata

21. Uri ng talata na tungkuling idebelop ang pangunahing paksa.


A. Talatang Pabuod C. Talatang Ganap
B. Panimulang Talata D. Talatang Dumedebelop
22. Lahat ay katangian ng mabuting talata maliban sa isa.
A. May tatlong paksang diwa C. May wastong paglilipat-diwa
B. May kaisahan ng diwa D. May kaayusan

23. Ayon sa kanya, ang proseso sa pagsulat ay kinasasangkutan ng ilang lebel na gawain na
nagaganap nang daglian at maaaring kaugnay o kasalungat ng bawat isa.
A. Donald Murray C. Ross Winterowd
B. Ben Lucian Burman D. Charlie Lewis

24. Ayon sa kanya, and pagsusulat ay isang eksplorasyon patuklas sa kahulugan, pagtuklas sa
porma, at ang manunulat ay nagtatrabaho nang pabalik-balik. “Writing is rewriting.”
A. Donald Murray C. Ross Winterowd
B. Ben Lucian Burman D. Charlie Lewis
25. “I am a demon on the subject of revision. I revise, revise, revise, until every word is what
I want,” ayon kay ______________.
A. Donald Murray C. Ross Winterowd
B. Ben Lucian Burman D. Charlie Lewis

26. Proseso ng pagsulat kung saan matatagpuan ang pagsulat ng simula, katawan, at wakas.
A. Pre-writing C. Revising Techniques
B. Writing D. Finalizing

27. Ito ay proseso ng pagsulat na sinisimulan sa pangangalap ng impormasyon.


A. Pre-writing C. Revising Techniques
B. Writing D. Finalizing

28. Dito nagdaragdag/nagbabawas o nagwawasto ang isang manunulat.


A. Pre-writing C. Revising Techniques
B. Writing D. Finalizing

29. Lahat ay kabilang sa pre-writing maliban sa isa.


A. eksperiment C. pananaliksik
B. imersyon D. pagsasagot

30-50. Ilista ang mga uri ng komposisyon at ibigay ang kahulugan ng mga ito.
 Impormatibo – Naglalahad ng makatotohanang impormasyon
 Argumentatibo – naglalahad ng proposisyon/panig
 Nanghihikayat/Persuasive – nangungumbinse/nanghihikayat
 Naratibo – nagsasalaysay
 Diskriptibo – naglalahad ng katangian
 Prosidyural – naglalahad ng wastong pagkasunod-sunod
 Ekspositori – naglalahad ng malinaw, sapat at walang pagkiling na pagpapaliwanag

You might also like