You are on page 1of 4

Jesus the Nazarene Academy of Binmaley

(A Binmaley Catholic School, Inc. Annex)


Dulag, Binmaley, Pangasinan
Elementary Department
S. Y. 2018 - 2019

Unang Mahabang Pagsusulit


sa
ARALING PANLIPUNAN 2

Pangalan: ______________________________LRN: ____________________Petsa: __________


Baitang at Pangkat: __________________________________________Marka: _____________

Pamantayan ng Pagkatuto: Natutukoy ang mga bumubuo sa isang komunidad.

I. Maraming Pagpipilian
Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pahayag o katanungan at piliin ang sagot mula
sa mga pagpipilian. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Siya ang lalakeng magulang at tinatawag na “Haligi ng Tahanan”.
A. Tatay B. Kuya C. Lolo
2. Ang tawag sa panganay na kapatid na lalake.
A. Lolo B. Kuya C. Tatay
3. Siya ang babaeng magulang at tinatawag na “Ilaw ng Tahanan”.
A. Ate B. Lola C. Nanay
4. Ang tawag sa panganay na kapatid na babae.
A. Ate B. Nanay C. Lola
5. Sila ang nangangalaga sa mga anak ng isang pamilya.
A. Konduktor B. Magulang C. Pamahalaan

II. Tama o Mali


Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pangungusap kung ito ay wasto o di – wasto.
Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay wasto at MALI naman kung ito ay di – wasto.
Isulat ang sagot sa espasyong nakalaan.
_____________________1. Bata, matanda, babae, lalake, mayaman o mahirap ang kasapi
sa komunidad.
_____________________2. Ang mga paaralan, pamilihan, simbahan at ospital ang
makikita sa isang komunidad.
_____________________3. Ang mga dyip, traysikel, pedicab, at bus ang mga ginagamit
sa paglalakbay sa ating komunidad.
_____________________4. Ang doktor ang nagtuturo ng mga kaalaman sa paaralan.
_____________________5. Ang mga bahay sa komunidad ay yari sa semento, bato, at
kahoy.
_____________________6. Ang iba’t ibang uri ng wika sa komunidad ay Pangasinan,
Ilocano at Tagalog.
_____________________7. Ang Guro ang namumuno sa isang barangay.
_____________________8. Sa Kanluran lumulubog ang araw.

1
_____________________9. Sa Silangan sumisikat ang araw.
_____________________10. Ang Hilaga ay makikita sa ibaba ng mapa.
III. Pagkilalala
Panuto: Tukuyin ang hinihingi ng mga sumusunod na pahayag. Pumili sa kahon ng
pagpipilian at isulat ang sagot sa espasyo bago ang bilang.

Mangingisda Magsasaka Guro

Bumbero Pulis Karpentero Doktor

Nars Pari Tindero Komunidad

_____________________1. Sila ang nagtatanim ng halaman upang pagkunan ng pagkain.


_____________________2. Nagtuturo sa mga mag-aaral upang matuto sa iba’t ibang
asignatura at kagandahang asal.
_____________________3. Sila ang kumukuha ng mga isda sa mga palaisdaan upang
kainin.
_____________________4. Ang nagpapanatili sa kapayapaan at kaayusan sa komunidad.
_____________________5. Ang tumutulong sa pagsugpo ng apoy sa mga nasusunog na
bahay at gusali.
_____________________6. Ang nagmimisa sa simbahan at nagpapalaganap ng salita ng
Diyos.
_____________________7. Ang gumagamot sa mga taong may sakit.
_____________________8. Ang tumutulong sa mga doktor sa pangangalaga ng mga may
sakit.
_____________________9. Ang nagbebenta ng mga pagkain sa pamilihan.
_____________________10. Ang nag-aayos ng mga bahay, gusali at iba pang tirahan ng
mga tao.

IV. Pagtatapat-tapat
Panuto: Pagtapatin ang mga pahayag na magkaugnay. Isulat ang letra ng sagot sa
patlang.
A B
______1. Nagpapatupad ng batas A. Pamilihan
______2. Nagtuturo ng mga kaalaman B. Pook-Libangan
______3. Nagbibigay ng libreng gamot C. Simbahan
______4. Pinagkukunan ng isda D. Palaisdaan
______5. Nangangaral ng mabuting asal E. Pamilya
______6. Nabibili ang mga bagay na kailangan F. Paaralan
______7. Nagbibigay ng mga pangangailangan G. Ospital
______8. Nagbibigay ng pagkataong magkapaglibang H. Pamahalaan
______9. Pinagkukunan ng palay I. Tahanan
______10. Tirahan ng anak at magulang J. Palayan
K. Komunidad

2
V. Ilustrasyon
Panuto: Iguhit ng wasto ang apat ng pangunahing direksiyon (5 puntos).

Good Luck and God Bless!

Inihanda ni:

G. Louie Andreu C. Valle


Guro

Inaprubahan ni:

Gng. Venus V. Erasquin


Akademik Koordinaytor

3
ARALING PANLIPUNAN 2

KEY ANSWERS (40 Puntos)

I. II.
1. A 1. Tama 6. Tama
2. B 2. Tama 7. Mali
3. C 3. Tama 8. Tama
4. A 4. Mali 9. Tama
5. B 5. Tama 10.Mali

III.
1. Magsasaka 6. Pari
2. Guro 7. Doktor
3. Mangingisda 8. Nars
4. Pulis 9. Tindero
5. Bumbero 10.Karpentero

IV.
1. H 6. A
2. F 7. E
3. G 8. B
4. D 9. J
5. C 10.I

V.
Hilaga

Silangan Kanluran

Timog

You might also like