You are on page 1of 1

Ano ang merkantilismo?

Ang Merkantilismo ay isang sistemang pang-ekonomiya na naniniwalang ang bansa ay mapayayaman sa


pamamagitan ng pagpigil sa pang-angkat at pagsuporta sa pag-export. Sumikat ito noong 16th century
sa Western Europe. Ang layunin ng Merkantilismo ay magkaroon ng balance sa pangangalakal na
magdadala ng ginto at pilak sa bansa at magpapanatili ng domestic employment.

Dahil dito, naging napakayaman ng mga mangangalakal at producer tulad ng British East India Company
na pinrotektahan ng estado sa mga layunin at aksyon nito.

Ang merkantilismo ay sistemang pang-ekonomiya na naghahangad ng pagkakaroon ng maraming ginto


at pilak bilang tanda ng kapangyarihan at kayamanan. Ito ay lumaganap sa Europa na kung saan noong
panahong iyon, mas naging mahalaga ang pera o salapi na bilang tanda ng kapangyarihan kaysa sa pag-
aari ng ng lupa.

Ang mga bansang sumunod sa sistemang ito ay higit na mas marami ang iniluluwas na produkto kaysa
inangkat na produkto sa mga bansang kolonya o sinakop nito.

Ito ay umiral na prinsipyo sa europe na pang-ekonomiya na kung maraming ginti o pilak ay may
pagkakataon na maging makapangyarihan at mayaman sa isang bansa

Ang merkantilismo ay sistemang pangkabuhayan na nagbibigay diin sa akumulasyon ng ginto at pilak,


pagtatag ng mga kolonya at regulasyon ng kalakalang panlabas upang pakinabangan ng bansang
mananakop.

You might also like