You are on page 1of 1

Ang mga sumusunod ay halimbawa ng malikhaing panghihikayat.

1. Patalastas 5. Print ad
2. Islogan 6. Book fair
3. Pangangampanya
4. Road signs

MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGSASAGAWA NG


MALIKHAING PANGHIHIKAYAT O BOOK FAIR

Magkaisa ang buong klase kung ano ang magiging tema ng


isasagawang book fair. Halimbawa: “Panitikan ng Timog-Silangang
Asya: Isang Pagbabalik-tanaw, Isang Paglalakbay.”

Hatiin ang klase sa limang pangkat. Magpalabunutan kung anong


akdang pampanitikan ang itatanghal sa book fair.

Kailangang maipakita sa isasagawang book fair ang kultura,


pagkakakilanlan, at kaugnay na kasaysayan ng bansang
kinabibilangan ng akdang napili upang mas makilala pa ng mga
mambabasa ang bansang ito.

Maaaring magdagdag ng iba pang saling akdang pampanitikan sa


Timog-Silangang Asya na isasama sa book fair.

Bahagi ng isasagawang gawain ang pagkakaroon ng visual


presentation sa pamamagitan ng eksibit ng mga larawan, detalye
tungkol sa nilalaman ng akda at mga trivia at mahuhusay na output
sa isinagawang mga gawain sa mga akdang pinag-aralan.

Maging malikhain upang mahikayat ang mga mambabasa na


tangkilikin ang akdang itinatampok. Maaaring langkapan ng
teknolohiya ang presentasyon para sa book fair.

Magsasagawa rin ng malikhaing pagkukuwento (story telling),


pagbigkas ng tula (poetry reading), tagisan ng talino (quiz bee), o laro
upang mahikayat pang lalo ang mga mambabasa.

You might also like