You are on page 1of 1

Euthanasia: Katwiran ba?

Nangagahulugang “good death” sa Griyego, ang ibig sabihin ng Euthanasia ay ang pagsasagawa ng sinasadyang
pagtatapos ng buhay na naglalayong mapawi ang sakit at pagdurusa ng pasyente. Ang paksang ito ay nagdulot ng
matinding debate sapagkat ang mga tao ay nahahati sa pagsuporta rito o hindi. Tayo ay naniniwala na ang
pinakamahalagang layunin ng medisina ay ang kaluwagan ng sakit at pagdurusa, ngunit ang sadyang pagpatay ng
pasyente ay katanggap-tanggap bang tawaging lunas?

Binanggit ni Nick Boston sa kanyang matagumpay na sanaysay na “Why I want to be a Posthuman when I Grow
Up” na ang hangaring mabuhay ay palaging mas matibay kaysa sa hangaring mamatay. Ayon kay Claire Wallerstein
(1997), noong si Fidel Ramos pa yung presidente, isinaalang-alang ng Senado ng Pilipinas ang Euthanasia Bill, ngunit
hindi ito natuloy. Ang tagapagsalita ng Catholic Bishops’ Conference ng Pilipinas na si Monsenyor Pedzro Quitorio ay
nagsabing, “An act or omission which, of itself or by intention, causes death in order to eliminate suffering, constitutes
murder gravely contrary to the dignity of the human person and to the respect due to the living God, his Creator.”
Matindi ang pagtatalo tungkol sa euthanasia lalo na noong isinaalang-alang ang mga paniniwala ng mga tao.

You might also like