You are on page 1of 5

Talomo National High School

Talomo Davao City

Position Paper

In Partial Fulfillment of the Requirement in


Edukasyon sa Pagpapakatao 10

Mga Paglabag sa Paggalang sa Buhay

Submitted by: Denver Aiken H. Potestas


Angelica Lat Sumbaquil

Submitted to: Mrs. Edylen T. Villejo

April 17, 2023


I.

EUTHANASIA

II. Panimula
A. Pagpapakilala ng Paksa

Ang eutanasya ay ang pagpapatiwakal ng isang indibidwal na


nagnanais ng wakasan ang sariling buhay sa tulong ng ibang tao. Ito ay
maaaring makatulong sa isang indibidwal na wala ng pisikal na kapasidad na
isagawa ang pagpapakamatay dahil sa matinding karamdaman. Ang
karaniwang tumutulong sa pagsasagawa ng isang eutanasya ay isang
miyembro ng pamilya o doktor(kung ito ay legal sa isang bansa). Ang
“pagpatay dahil sa awa” o “mercy killing” ay ang “pagpapabaya sa isang tao
o hayop na mamatay ng walang nadaramang sakit o sa pamamagitan ng hindi
pagbibigay ng kaukulang serbisyong medikal, kadalasan ay dahil sa isang
sakit na wala ng lunas.”
Ang pagpatay dahil sa awa o mercy killing ay tinatawag din sa salitang
ingles na “euthanasia.” Ang salitang Griyegong euthanasia ay maaaring isalin
sa salitang “magandang kamatayan” na katulad din ng salitang “pagpatay
dahil sa awa” at ginagawang katanggap-tanggap ng mga terminolohiyang ito
ang ‘pagpatay’ sa gitna ng isang mahirap na sitwasyong medikal. Kung
nakadarama ng sobrang sakit, pagkawala sa sarili o iba pang mahirap na
kundisyong medikal ang isang tao, likas sa atin na pagaanin ang pakiramdam
ng taong iyon sa anumang kaparaanan lalo na kung ito ay isang miyembro ng
pamilya o malapit na kaibigan. Napakalakas ng pagnanais na ito na maibsan
ang sakit ng naghihirap na kadalasan ay umaabot sa punto na pinababayaan
ng mamatay ang isang tao sa halip na mabuhay.

B. Ang Sariling Pananaw sa Isyu


Ang euthanasia o mercy killing sa tingin ko ay hindi masama kung gagamitin sa
tamang paraan at hindi sa walang kabuluhang dahilan. Mercy Killing ay ang
pagpapatiwakal ng isangindibidwal na nagnanais ng wakasan ang sariling buhay sa
tulong ng ibang tao. Ito ay maaaringmakatulong sa isang indibidwal na wala ng
pisikal na kapasidad na isagawa ang pagpapakamataydahil sa matinding
karamdaman. Ang karaniwang tumutulong sa pagsasagawa ng isang eutanasyaay
isang miyembro ng pamilya o doktor. Kamatayan na may dignidad’ binabanggit ng
iba na ang bawat tao ay may karapatan sa isang mapayapang kamatayan.

III. Mga Argumento sa Isyu

A. Buod ng mga Argumento


Ayon sa Bibliya hindi na bago sa sangkatauhan ang paglalaban sa
pagitan ng pagnanais na tapusin na ang pagdurusa at pagnanais na
mabuhay. Sa katotohanan, sinasabi sa isa sa pinakaunang kuwento sa
Bibliya sa aklat ni Job ang pagnanais ni Job na mamatay na sa gitna ng
kanyang paghihirap. Nagdalamhati si Job para sa kanyang buhay,
hanggang sa punto na hilingin na niya sa Diyos na kunin na ang kanyang
buhay sa halip na hayaang magpatuloy ang kanyang nararanasang sakit -
sa emosyonal, pisikal at espiritwal (Job 6:8-11).
Sinabi ni Job, “Na anopa't pinipili ng aking kaluluwa ang pagkainis, at
ang kamatayan kay sa aking mga butong ito. Aking kinayayamutan ang
aking buhay; di ko na ibig mabuhay magpakailan man: bayaan akong
magisa; sapagka't ang aking mga kaarawan ay walang kabuluhan” (Job
7:15-16). Sinasang-ayunan ba ng Bibliya ang damdamin ni Job? Kinikilala
ng Bibliya na umiiral ang ganitong damdamin ng sangkatauhan. Sa
kanilang desperasyon, may iba pang mga karakter sa Bibliya na hiniling na
maagang matapos ang kanilang buhay kabilang si Elias (1 Hari 19:4) at
Saul (1 Cronica 10:4). Kinikilala ng Kasulatan ang emosyon at maging ang
lohika na maaaring sumuporta sa ideya ng “pagpatay dahil sa awa.”
Gayunman, hindi tayo nabubuhay sa pamamagitan ng emosyon o
lohika kundi sa pamamagitan ng pananampalataya (Roma 1:17). Hindi
natin mauunawaang lubos ang plano at karunungan ng Diyos. Siya ang
Tagapagbigay at Tagapagingat ng buhay (Nehemias 9:6), at wala tayong
karapatan na pangunahan ang Kanyang desisyon. Sa pagtatapos ng
kuwento ng buhay ni Job, binalaan siya ng kanyang kaibigang si Elihu,
“Ikaw ay magingat, huwag mong lingunin ang kasamaan; sapagka't ito'y
iyong pinili sa halip ng kadalamhatian” (Job 36:21). Wala tayong karapatan
na magdesisyon kung kailan o sa kung paanong paraan tayo mamamatay.
Ang “pagpatay dahil sa awa” o “mercy killing” ay kasalanan laban sa
Diyos at paglaban sa Kanyang plano at kapangyarihan. Isang teologong
Aleman na nagngangalang Dietrich Bonhoeffer ang personal na dumaan
sa sobrang pagdurusa. Nabilanggo siya at sa huli ay pinarusahan ng
kamatayan ng Third Reich noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Habang nasa bilangguan, isinulat niya sa kanyang aklat na may titulong
Ethics na nalathala pagkatapos niyang mamatay: “Ang karapatan na
tapusin ang buhay ay para sa Diyos lamang dahil ang Diyos lamang ang
nakakaalam ng layunin ng buhay ng bawat tao. Kaya, Siya lamang ang
may karapatang bumawi o magpahaba sa buhay ng tao.”

You might also like