You are on page 1of 6

HOLY CROSS OF DAVAO COLLEGE

Sta. Ana Avenue Corner C. De Guzman Street, Barangay 14-B, Davao City, Philippines
Other Campuses: Camudmud (IGaCOS) and Bajada (SOS Drive

I- LAYUNIN

Inaasahang pagkatapos ng 50 minuto, maipamalas ng 40 sa 50 mag-aaral ang mga sumusunod na kaalaman,


kakayahan at pag-unawa:

a. Napangangatwiranan na mahalaga ang buhay dahil kung wala ang buhay, hindi mapapahalagahan ang
lumikha ng buhay.
b. Nakabubuo ng mapaninindigang posisyon sa isang isyu tungkol sa paglabag sa paggalang sa buhay ayon
sa moral na batayan, sa pamamagitan ng pagbibigay ng pansariling pananaw tungkol sa mga paglabag sa
buhay.
c. Napapahalagahan ang sariling buhay at buhay ng kapwa, sa pamamagitan ng pabibigay repleksyon sa
kung gaano kahalaga ang buhay.
d. Nakakalikha ng advocacy campaign na tumatalakay sa importansya ng paggalang sa buhay.

II- PAKSANG ARALIN

A. Paksa: Paggalang sa Buhay


B. Sanggunian:

Fr. E. P. Hontiveros / S.j. Pananagutan: mula sa https://www.google.com/search?q=pananagutan&rlz ABS-CBN


News. Murder o Homicide. https://news.abs-cbn.com/life/07/27/17/murder-o-homicide-mga-krimen-sa-pagpatay-
ng-tao-may-pinagkaiba-ba

Brian P. David. New Christian Bible Study. https://newchristianbiblestudy.org/bible/tagalog- 1905/genesis/2/17

Apologies. Huwag Kang Papatay-Isang Pag-aaral sa Turo ng Simbahan.


https://thesplendorofthechurch.com/2017/01/18/huwag-kang-papatay-isang-pag-aaral-sa-turo-ng-simbahan-by-
juan-catolico/ ,
Culture of Death. Friday, February 26, 2021 https://opinion.inquirer.net/95444/a-culture-of-
death#ixzz6naH9CNgC

Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012. https://www.biblegateway.com/passage/?


search=Roma%2013&version=MB BTAG

Mga Kagamitan: PowerPoint Presentation (Kailanan ng Panghalip Panao at Paari), Kartolina at Manila
Paper, White Board Marker at Quiz Sheets
Mga Kagamitan: PowerPoint Presentation (Kailanan ng Panghalip Panao at Paari), Kartolina at Manila
Paper, White Board Marker at Quiz Sheets
C. Mga Kagamitan: PowerPoint Presentation, Quiz Sheets

III- PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtukoy sa lumiban
4. Balik- aral
B. Paganyak

GAWAIN 1: PAGTATAYA.
Panuto:
 Bumuo ng limang grupo na binubuo ng sampung mimyembro.
 Pag-aralan ang mga sumusunod na katanungan.
 Ang unang grupong, makasagot ay magkakaraoon ng dagdag na dalawang puntos sa
pagsusulit mamaya.

A. Hazing F. Libel
B. Homicide G. Due Process
C. Murder H. Attempted Murder
D. Extra Juducial Killing I. Exodo 13:20
E. Exodo 20:13 J. Sagrado ang Buhay

1. Kung ang pagpatay ay walang intensiyong gawin ito.


2. Ito ay nangyayari kapag ang kamatayan ay humantong sa komplikasyon dahil sa pagpapahirap sa
katawan ng biktima.
3. Kapag ang pagpatay ay may klarong intensiyong gawin ito, sinadya at may layunin.
4. Ito ay pagpaslang o pagkitil ng buhay ng isang tao nang walang hustisya, hindi lehal na
pamamaraan na ginawa mismo ng may mga kaukulan sa batas, nasa posisiyon ng gobyerno o
mga awtoridad.
5. Pinakadahilan upang tutulan at gumawa ng aksyong mapigilan ang pagpatay.
6. Ito ay paraang nagpapakita ng pagpapahalaga sa buhay datapwat ito ay nagbibigay ng karapatang
magpapatunay ng pagka inosente sa ilalim ng batas.

GAWAIN 2. PAGNINILAY.

Panuto:

 Sa inyong grupo, pagnilayan ang mga sumusunod na katunungan.


 Gumuhit ng simbolo bilang sagot sa mga sumusunod na katanungan.

1. Bakit may buhay ang tao? Ano ang dahilan ng pagbibigay buhay ng tao?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_____________________
2. Sa iyong opinyon, sino ang nagbigay ng iyong buhay? Magbigay katwiran.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_____________________
3. May karapatan ba ang isang taong kumitil ng buhay ng kapwa tao?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_____________________

4. Sino ang may karapatang kumuha o kumitil ng buhay? Bakit?


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_____________________

C. PAGTATALAKAY
a. Pagpapahalaga ng buhay ay paggalang ng buhay.
 Hidi mabigyang paggalang ang isang buhay kung hindi ito unang bigyang
pagpapahalaga.

b. Pagpapahalaga sa buhay ay pagmamahal sa Diyos

 Ang paggalang sa buhay ay tumutukoy sa halagang ipinapakita sa mismong buhay at


sa pinagmumulan nito. Nararapat lamang na maramdaman ng bawat isa na ito ay
isang sagradong regalo kung kaya nasisiyahan siyang gamitin, ipagpasalamat at
pakinabangan ito. Biniyayaan tayo ng buhay na may mga kakayahan upang
magampanan natin ang misyon at maipadama ang pagmamahal sa kapwa at sa
Diyos sa pamamagitan ng paggalang at paggamit ng ating talino at kakayahan para
sa ikabubuti natin, ng ating pamilya, lipunan at ng mundo. Kung kaya, nararapat
lamang na itoy pahalagahan at galangin.

c. Ibig sabihin ng paggalang sa buhay.

 Ang paggalang sa buhay o paggalang sa sarili ay nangangahulugan ng respeto at


pagmamahal mo sa iyong sarili, ang pagapahalaga mo sa iyong buhay na biyaya ng
panginoon. Kung may pagmamahal ka sa iyong sarili laging tama ang gagawin mo at
laging sa ikabubuti mo. Kung may paggalang ka sa iyong sarili di malayong igagalang
at rerespetuhin mo rin ang buhay ng iba. Ang paggalang sa buhay ay napakahabang
usapin, ito ay pagbbigay importansya o pagpapahalaga sa iyong sarili at sa iba, pag-
iwas sa paggawa ng mga bagay na makakasama, at ito ay paggawa ng mga bagay
na makakabuti sa sarili at sa kapwa.

d. Mga paglabag sa paggalang sa buhay. (Mga Isyu ng Paggalang ng Buhay)


 Murder o pagpatay – Ayon kay Atty. Noel del Prado, maituturing na homicide and
pagpatay kung ang pagpatay ay sinadya, pinagplanohan at may klarong layunin.
 Extra Judicial Killing (EJK) - Maituturing na “extrajudicial killing” ang pagpatay kung
ito ay isinagawa ng taong may katungkulan sa gobyerno sa isang taong hindi nilitis sa
korte o hindi ipinag-utos ng korte.
 Hazing - tumutukoy sa proseso ng pagtanggap sa isang tao sa “fraternity, sorority” o
kaya ay pagkakapatiran na madalas ay may kasamang pambubugbog sa tao para
masukat kung hanggang saan ipaglalaban ang sinalihang grupo.
 Pagbibisyo (Paninigarilyo, Pag-inom, Pagdudruga) – Ito ay unti-unting pagpatay ng
sariling buhay dahil sa pag-aabuso sa paggamit nito, na siyang maging sanhi ng
komplikasyon sa katawan.
 Pagpakamatay (Suicide)- Ito ay tumutukoy sa pagkitil mismo ng sariling buhay.
Sinasabi sa isang sarbey na ito ay pangalawang sanhi ng kamatayan ng mga
kabataan sa ngayon.
 Pagpapalaglag (Abortion) - Ang paglaglag ng bata sa sinapupunan ay isa ring uri ng
pagpatay at isa sa paglabag ng karapatang mabuhay. Ito ay pagkitil ng isang
inosenteng nialang sa loob ng sinapupunan.
IV. APLIKASYON
GAWAIN 1. Panuto: Ibigay ang pansariling pananaw kung bakit paglabag sa batas at itinuturing krimen sa Pilipinas
ang mga sumusunod:

PAGLABAG SA BUHAY SARILING PANANAW

1. Hazing

2. Abortion

3. Pagbibisyo

4. Pagpapakamatay

5. Pagpatay

Pamprosesong Tanong:

1. Ano-ano ang mga naging batayan mo sa mga sagot na iyong naitala sa kahon?

2. Ano-ano ang iyong naging pagpapasya o repleksyon habang nagbibigay pananaw sa iba’t-ibang
itinuturing krimen sa ating bansa?

GAWAIN 2. Panuto: Isulat sa patlang ang tamang sagot.

__________ 1. Nagsasabing maituturing na homicide ang krimen kung ang pagpatay ay walang intensiyong gawin
ito. Samantala, murder' naman ang tawag kung sinasadya o may layunin ang pagpatay.

__________ 2. Ang may-akda ng buhay— siya lamang ang may karapatan na gumawa at bawiin ito.

__________ 3. Ito’y isang pamamaraan ng pagpatay sa isang tao o sa isang grupo ng tao na hindi dinaan sa
proseso o paglilitis ng korte.

__________ 4. Ibang tawag sa prosesong dumadaan sa paglilitis.

__________ 5. Pagkakapatiran na madalas ay may kasamang pambubugbog sa tao para masukat kung hanggang
saan ipaglalaban ang sinalihang grupo.

__________ 6. “Sinumang manakit at makapatay sa kanyang kapwa ay dapat ring patayin.”

__________ 7. Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway at ipanalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo, upang kayo'y
maging tunay na mga anak ng Ama na nasa langit.

__________ 8. Bilang tao.tayo ay nilikha sa imahe ng Diyos at ang ating katawan ay bahay ng _________ kung kaya
ito ay nangangailangan ng paggalang at pag-alaga.

__________ 9. “Huwag kang papatay.”


__________ 10. Itinuturo ng lahat ng may pananampalayaya na ang buhay ay _______.

V. EBALWASYON

GAWAIN 3. Panuto: Sumulat ng sanaysay na nagtatalakay sa mga maling naidudulot sa pagsali ng gang o fraternity.

GAWAIN 4: Panuto: Maging tapat sa pagsagot ng mga sumusunod na pahayag.

1. Ano-ano ang aking nagawa bilang pagpapahalaga sa aking buhay?

2. Ano-ano ang aking nagawa bilang pagpapahalaga sa buhay ng aking pamilya at kaibigan?

3. Ano-ano ang aking nagawa bilang pagpapahalaga sa buhay ng aking kapwa?

VI. TAKDANG ARALIN

Sa inyong grupo, magsagawa ng Advocacy Campaign laban sa paglabag ng paggalang ng buhay. Ito ay
gagawin sa pamamagitan paggawa o pag-ayos ng isang bulletin board na nagpapakita ng importansya ng paggalang
sa buhay at kahalagan sa pag-iwas sa mga gawaing lumalabag nito. Maari ring gumawa ng isang video presentation
na may kaparehong layunin sa nabanggit.

You might also like