You are on page 1of 3

Aralin

Mga Isyung Moral Tungkol sa Buhay


3

Kasanayang Pampagkatuto:
Natutukoy ang mga paglabag sa paggalang sa buhay. (EsP10PB-IIIc-10.1)

Nasusuri ang mga paglabag sa paggalang sa buhay. (EsP10PB-IIIc-10.2)

Alamin
I. Paksa
Mga Isyung Moral Tungkol sa Buhay

II. Layunin
Natutukoy ang mga paglabag sa paggalang sa buhay. (EsP10PB-IIIc-10.1)
Nasusuri ang mga paglabag sa paggalang sa buhay. (EsP10PB-IIIc-10.2)

III. Nilalaman
Tungkol saan ang aralin na ito?
Maituturing mo ba na ang iyong BUHAY ay ang pinakamahalagang kaloob sa iyo ng Diyos? Bakit
kaya sagrado ang buhay ng tao?
Sa pamamgitan ng aralin na ito, inaasahan na makamit ng kabataang tulad mo ang malalim na
pag-unawa sa iba’t ibang pananaw kalakip ng mga isyu sa buhay na sa huli ay makabuo ng
pagpapasiyang papanig sa kabutihan. Inaasahan rin na matukoy at masuri mo ang mga gawaing taliwas
sa Batas ng Diyos at sa kasagraduhan ng buhay.

IV. Pamamaraan

Buhay
- Ayon sa aklat na “Perspective: Current Issues in Values Education” (De Torre, 1992), ang
buhay ng tao ay maituturing na pangunahing pagpapahalaga.

- Tungkulin ng tao pangalagaan, ingatan at palaguin ang sariling buhay at ng ating kapuwa.

Mga Isyu Tungkol sa Buhay

ISYU KAHULUGAN
Ang Paggamit ng - Ito ay isang estadong sikiko (psychic) o pisikal na pagdepende sa isang
Ipinagbabawal na mapanganib na gamot na nangyayari matapos gumamit nito nang paulit-ulit
gamot at sa tuloy-tuloy na pagkakataon. (Agapay, 2007)
- Dahil sa droga, ang isip ng tao ay nagiging blank spot. Nahihirapan ang isip
na iproseso ang iba’t ibang impormasyon na dumadaloy dito.
Alkoholismo - Ang labis na pagkonsumo ng alak.
- Ito ay unti-unting nagpapahina sa enerhiya ng tao, nagpapabagal ng pag-iisip
at sumisira sa kapasidad na maging malikhain.
Aborsyion - Ang pag-alis ng fetus o sanggol sa sinapupunan ng ina.
Pagpapatiwakal - Ang sadyang pagkitil ng isang tao sa sariling buhay na naaayon sa sariling
kagustuhan.
Euthanasia - Ito ay isang gawain kung saan napadadali ang kamatayan ng isang taong
(Mercy Killing) may matindiat wala nang lunas na karamdaman.
- Tinatawag din itong assisted suicide.

V. Mga Gawain
A. Gawain 1:
Panuto: Sa sariling pananaw, bigyang kahulugan ang salitang “buhay”. Gumamit ng hiwalay na papel.

B. Gawain 2:
Panuto: Suriin ang mga larawan. Tukuyin kung anong isyu tungkol sa buhay ang inilalarawan ng mga
ito. Isulat sa loob ng kahon ang kasagutan. Gumamit ng hiwalay na papel.

1. 2. 3. 4.

Ang Paggamit ng
Ipinagbabawal na gamot Pagpapatiwakal Alkoholismo Euthanasia
5.

Aborsiyon

C. Gawain 3:
Panuto: Punan ang talahanayan sa ibaba. Tukuyin ang maaring maging epekto ng pagsasagawa ng mga
sumusunod na isyu. Gumamit ng hiwalay na papel.
Mga Gawain Epekto
1. Ang Paggamit ng Halimbawa:
Ipinagbabawal na gamot Nahihirapan ang isip na iproseso ang iba’t ibang impormasyon na
dumadaloy dito.
2. Alkoholismo

3. Aborsyion

4. Pagpapatiwakal

5. Euthanasia (Mercy Killing)

D. Gawain 4:
Panuto: Gumawa ng isang “Slogan” na
naglalayong mabigyang kahalagahan ang Ang BUHay ay ating pahalagahan,
paggalang sa buhay. Ilagay sa hiwalay na papel
ang kasagutan. Gumamit ng hiwalay na papel. KASAgrADUHannito’y ating
Tignan ang halimbawa. pangalagaan at ingatan.
VI. Pagtataya
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot. Gumamit ng hiwalay na papel.

C 1. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa sadyang pagkitil ng


isang tao sa sariling buhay na naaayon sa sariling kagustuhan?
A. Euthanasia
B. Aborsiyon
C. Pagpapatiwakal
D. Alkoholismo

D 2. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa labis na pagkonsumo ng alak?


A. Euthanasia
B. Aborsiyon
C. Pagpapatiwakal
D. Alkoholismo
A
3. Ang pisikal na pagdepende sa isang
mapanganib na gamot na nangyayari matapos gumamit nito nang
paulit-ulit at sa tuloy-tuloy na pagkakataon ay tumutukoy sa
A. paggamit ng ipinagbabawal na gamot.
B. euthanasia.
C. alkoholismo.
D. aborsiyon..

B 4. Ang isa pang katawagan sa euthanasia ay .


A. suicide
B. assisted suicide
C. aborsiyon
D. alkoholismo

B 5. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa pag-alis ng fetus o


sanggol sa sinapupunan ng ina?
A. Euthanasia C. Pagpapatiwakal
B. Aborsiyon D. Alkoholismo

VII. Pagninilay
Ano ang natutuhan mo sa aralin? Ipaliwanag sa limang pangungusap
o higit pa. Gumamit ng hiwalay na papel.

VIII. Mga Sanggunian


• Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 10 Modyul para sa Mag-aaral,
Kagawaran ng Edukasyon, Republika ng Pilipinas, 2012
• https://www.legacyhealing.com/top-10-illegal-drugs-and-their-effects/
• https://tl.controversyextraordinary.com/2015/12/stop-ang-
pagpapatiwakal-ay-hindi-kailanman- solusyon-period.html
• https://theconversation.com/as-nz-votes-on-euthanasia-bill-here-is-a-
historical-perspective-on-a- good-death-126580

Inihanda ni:
Julius M. Jupia
CAA National High
School-Annex

You might also like