You are on page 1of 22

Paunang Pagtataya

Sa inyong kwaderno ay sumulat ng


talahayan na mayroong dalawang kolum. Sa
unang kolum ilagay ang mga kilos (makikita sa
susunod na slide) nagpapakita ng paggalang
sa buhay at sa pangalawa naman ay ang mga
kilos na hindi nagpapakita ng paggalang sa
buhay.
• Paninigarilyo
• Pagkasugapa sa alak
• Pagpapatiwakal
• Pagkain ng junk foods
• Pag-inom ng 8 basong tubig bawat araw
• Pagkakaroon ng 8 oras na tulog bawat araw
• Pagkain ng masusustansiyang pagkain
• Pagkitil ng sariling buhay
• Pag-eehersisyo tuwing umaga
• Paggamit ng bawal na gamot
Kwarter 3 : Modyul 10

Paggalang sa Buhay
March 6 – 10 , 2023
Layunin:

10.1 Natutukoy ang mga paglabag sa


paggalang sa buhay.
Gawain 1
Panuto: Magbigay ng mga ideya o
kaisipan. kung bakit ito nagpapakita ng
kawalan ng paggalang sa buhay.
1. Pagkitil sa buhay
2. Paglaglag ng bata sa sinapupunan
3. Pagtrato nang hindi tama sa isang tao
4. Paghalay sa mga kababaihan, kabataan o
kalalakihan
5.Pag-alipin o pag-alis ng karapatang mabuhay ang tao
Sa iyong palagay, bakit may mga taong
pinipiling gawin ang mga kilos na
lumalabag sa paggalang sa buhay?
Sang-ayon ka ba sa kanila? Ipaliwanag.
“Paggalang” – salitang latin na “respectus” na ang
ibig sabihin ay “paglingon o pagtinging muli”

- Ang ibig sabihin ay naipapakita ang paggalang


sa pamamagitan ng pagbibigay ng halaga sa isang
tao o bagay
Ang pagsasaalang-alang ng tao sa
kapakanan ng iba, 'di lamang ng sarili ay isang
palatandaan ng ating pagsunod sa kalooban ng
Diyos upang maisulong ang tunay na kaganapan
ng buhay.
5 Paglabag sa Paggalang sa
Buhay
1. Pagkitil ng buhay
Ang pagpatay ng buhay
ay isang paglabag sa buhay.
Sinabi ng Diyos na ang
buhay na kanyang ibinigay
ay hindi kailanman pwedeng
bawiin ng tao. Nakalagay ito
sa sampung utos ng Diyos.
2. Paglaglag ng bata sa
sinapupunan
Ang paglaglag ng bata sa
sinapupunan ay isa ring uri
ng pagpatay at isa sa
paglabag sa karapatang
mabuhay. Ang tao ay nilalang
ng Diyos dahil mayroon
siyang misyon sa buhay at
wala tayong karapatang
patayin ito o pigilan siyang
mabuhay.
3. Pagtrato nang hindi
tama sa isang tao.
Halimbawa nito ay ang
hindi tamang pagbibigay at
pagkontrol ng ikinikilos
nito sa pamamagitan ng
pagiging alipin.
4. Paghalay sa mga
kababaihan, kabataan o
kalalakihan
May mga taong ginagawa
itong negosyo o kaya naman
ay sinasadyang gawin ito
upang manira ng buhay.
5. Pag-alipin o pag-alis
ng karapatang mabuhay
ang tao
Hindi pagbibigay ng
sahod at hindi binibigyan
ng tamang serbisyo para
mabuhay nang maayos.
Mahalagang maunawaan natin ang
kahalagahan ng buhay. Kinakailangan nating
isabuhay ang mga gawaing kanais-nais at tama
upang tayo ay mapabuti. Ito rin ay ang isang
paraan upang maipakita natin na ating
iginagalang ang buhay.
Ano ang maari mong gawin upang
maiwasan ang mga paglabag sa
paggalang sa buhay?
Ano ang iyong natuklasan sa iyong
sarili patungkol sa paggalang sa
buhay?
Gawain 2
Panuto: Gumawa ng 5 hakbang kung saan
iyong isasaad kung paano ka magiging
isang huwarang indidibwal sa
pagsasabuhay ng paggalang sa buhay.
Pagtataya
Panuto: Tukuyin ang paglabag sa paggalang
sa buhay sa mga sumusunod na sitwasyon.
Isulat ang iyong sagot sa papel.
1.Hindi pagbibigay ng sapat na sahod sa mga
OFW ng kanilang mga amo.
2.Pag-inom ng mga bawal na gamot ng isang
buntis.
3. Pagbaril sa sarili dahil sa labis na
problema.
4. Paggamit ng labis na kapusukan sa isang
babae kahit hindi ito pumayag.
5. Pagbibigay ng labis na trabaho sa isang
empleyado.
Takdang-aralin:
Gumawa ng isang poster sa isang bond paper
na nagpapakita ng paglabag sa paggalang sa
buhay.
Nilalaman 50%
Pagkamalikhain 25%
Orihinalidad 15%
Kalinisan at kaayusan 10%

You might also like