You are on page 1of 2

Filipino 6

Pangalan:____________________________________________________________
Petsa:__________________

Isulat ang P sa patlang kung ang pandiwang may salungguhit ay pandiwang palipat (transitive
verb). Isulat ang K kung ito ay pandiwang katawanin (intransitive verb).

____ 1. Bumili ng pandesal si Totoy mula sa tindahan sa kanto.


____ 2. Ang presyo ng gasolina ay bababa nang bahagya.
____ 3. Si Juanito ay nagbiyahe patungong Cavite.
____ 4. Naghuhugas ng mga pinggan at kubyertos si Ate Mila.
____ 5. Ang batang pilyo ay sumisigaw nang napalalakas.
____ 6. Ang may-akda ay nagsusulat ng isang nobela.
____ 7. Humingi ng saklolo ang babaeng ninakawan.
____ 8. Ang tren ay tumirik bago ito makarating sa istasyon.
____ 9. Maraming malalaking industriya ang gumagamit ng uling at petrolyo.
____ 10. Ang mga mag-aaral ay pumapasok nang maaga.
____ 11. Si Tatay ay nagtatrabaho mula Lunes hanggang Sabado.
____ 12. Kami ay nakaisip ng proyektong pantahanan na mapakikinabangan natin.
____ 13. Ang uhaw na atleta ay uminom ng malamig na tubig.
____ 14. Mag-isip ka muna nang mabuti bago ka sumagot.
____ 15. Dapat tayong magsakripisyo kung ito ay para sa ikabubuti ng nakararami.

Aspekto ng Salitang Kilos


A. Lagyan ng tsek sa patlang ang mga salitang kilos na ginawa na.

____ 1. pupunta ____ 2. tumawa ____ 3. magsusuklay


____ 4. sumayaw ____ 5. nagalit ____ 6. umaawit
____ 7. umiyak ____ 8. isusuot ____ 9. nagbigay
____ 10. humiga ____ 11. lumangoy ____ 12. sumali
____ 13. magtatrabaho ____ 14. sumisigaw ____ 15. umakyat

B. Lagyan ng tsek sa patlang ang mga salitang kilos na ginagawa pa .


____ 1. dumadaan ____ 2. dadalhin ____ 3. natulog
____ 4. nagdidilig ____ 5. gumagalaw ____ 6. naglalaba
____ 7. hinihila ____ 8. kakatok ____ 9. makikita
____ 10. kumagat ____ 11. humingi ____ 12. nanonood
____ 13. kinukuha ____ 14. sinasabi ____ 15. sumunod

C. Lagyan ng tsek sa patlang ang mga salitang kilos na gagawin pa lang.


____ 1. tatalon ____ 2. sasabihin ____ 3. natakot
____ 4. nagtatanim ____ 5. tutulong ____ 6. Nawala
____ 7. tatawid ____ 8. uupo ____ 9. nagtuturo
____ 10. tinatawag ____ 11. uubusin ____ 12. magwawalis
____ 13. bibili ____ 14. pumapalakpak ____ 15. Inulit

Bilugan ang pandiwa sa pangungusap. Isulat sa patlang kung tahasan o balintiyak ang tinig nito.

_____________1. Bumiyahe ang mga mag-aaral para sa palarong pambansa.


_____________2. Dinarayo ng mga turista ang kanilang lugar.
_____________3. Ang matanda ay tinulungan ng mga pulis.
_____________4. Hinuli ng mga sundalo si Jose Rizal.
_____________5. Ang mga diyaryo ay inayos ni Beth kanina.
_____________6. Gumawa ng sariling Bangka ang mga mag-aaral.
_____________7. Ang mga pagkain ay inihain nila sa mesa.
_____________8. Pinadalhan niya ng pera ang kaniyang mga anak.
_____________9. Pinutulan niya ang kuko ng kanyang alagang pusa.
_____________10. Lagyan mo ng pangalan ang iyong papel.
Gawing tahasan ang pandiwang nasa balintiyak at gawing balintiyak ang pandiwang nasa
tahasang tinig. Bilugan ang pandiwa.
1. Tinamnan ni nanay ng mga bulaklak ang aming hardin.

________________________________________________________________________

2. Masangsang ang amoy ng isdang binili ni ate kanina.

________________________________________________________________________
3. Si lola ay binilhan ng regalo ni kuya.

________________________________________________________________________

You might also like