You are on page 1of 1

Mauban North Elementary School I

FILIPINO VI
Pangalan:_______________________________ Pangkat:______________Pag. blg._______

Guro: Bb. Laniebel T. Calucin Petsa:________________Iskor:__________

A. Piliin sa hanay B ang wastong kahulugan ng mga salita o parirala na nasa hanay A. Isulat ang letra sa patlang.

HANAY A HANAY B
________1. pikit-mata a. kinagisnang buhay
________2. imbitasyon b. kilala
________3. nakatakda c. pilit
________4. kinalakhang paniniwala d. bulag
________5. set-ap e. paanyaya
________6. pangunahing sikolohista f. nakatadhana
________7. katayuang pinansyal g. nakatakdang kaayusan
________8. positibong pananaw h. walang pakialam
________9. sunud-sunuran i. hindi nag-iisip/ tagagawa lamang ng
_______10. pangunahing kinatatakutan kahit anong sabihin o iutos
j. pangit na pangitain sa buhay
k. kalagayang pangkabuhayan
l. magandang atityud
m. ayaw na ayaw maranasan

B. Isulat sa patlang kung karaniwan o di-karaniwan ang ayos ng mga sumusunod na pangungusap.

_______________________1. Ang Maynila ay lubog na sa tubig kapag umuulan.


_______________________2. Ang mga bata ay masayang lumalangoy.
_______________________3. Dapat panatilihing malinis ang paligid.
_______________________4. Nanalo kami sa Palarong Pinoy.
_______________________5. Si Carlo ay mahusay maglaro ng balibol.
_______________________6. Sina Star at Riel ay magkasinggulang.
_______________________7. Nagsimba kami sa Antipolo noong Mayo.
_______________________8. Malapit nang dumating si Rodolfo.
_______________________9. Masipag mag-aral si Jely.
_______________________10. Ang araw ay malapit nang lumubog.

C. Gawing di-karaniwan ang ayos ng mga pangungusap na nasa karaniwang ayos.

1. Maganda at maputi si Carmela Bianca.


________________________________________________________________________________________
2. Inutusan ako ng nanay sa palengke.
________________________________________________________________________________________
3. Sino ba ang sasama sa akin?
________________________________________________________________________________________
4. Maganda ako sa paningin ni nanay.
________________________________________________________________________________________
5. Tumawag sa akin si Salome kagabi.
________________________________________________________________________________________
6. Maglalaro kami sa plasa bukas.
________________________________________________________________________________________
7. Makapal ang dapat isuot papuntang Baguio.
________________________________________________________________________________________
8. May dalang lason ang polusyon sa hangin.
_________________________________________________________________________________________
9. Dumating ka nang maaga bukas.
_________________________________________________________________________________________
10. Magsimba kayo sa darating na Linggo.
_________________________________________________________________________________________

You might also like