You are on page 1of 2

FILIPINO 6 – WEEK 9

Pangalan: __________________________________ Petsa: ______________________ Iskor: ______

Panuto: Salungguhitan ang salitang kilos sa bawat pangungusap. Isulat sa patlang ang
tamang bilang batay sa aspekto ng salitang kilos.
1 = salitang kilos na ginawa na
2 = salitang kilos na ginagawa pa
3 = salitang kilos na gagawin pa lang

_____ 1. Hihiramin ko ang laruan ni Felix.


_____ 2. Si Justin ang bumili ng pagkain para sa aso.
_____ 3. Sumasakay ako sa dyip sa tamang lugar.
_____ 4. Ang aklat na ito ay binabasa ko.
_____ 5. Babantayan ko ang mga bata habang wala kayo.
_____ 6. Ako ang nagluto ng adobong manok.
_____ 7. Si Luisa ang nagsulat ng liham na ito.
_____ 8. Tatawid tayo kapag berde na ang ilaw.
_____ 9. Ang costume ay dadalhin ko bukas.
_____ 10. Nakikinig ako sa guro namin.

Aspekto ng Salitang Kilos

A. Lagyan ng tsek sa patlang ang mga salitang kilos na ginawa na.

____ 1. pupunta
____ 2. tumawa
____ 3. magsusuklay
____ 4. sumayaw
____ 5. nagalit
____ 6. umaawit
____ 7. umiyak
____ 8. isusuot
____ 9. nagbigay
____ 10. humiga

B. Lagyan ng tsek sa patlang ang mga salitang kilos na ginagawa pa.

____ 1. dumadaan
____ 2. dadalhin
____ 3. natulog
____ 4. nagdidilig
____ 5. gumagalaw
____ 6. naglalaba
____ 7. hinihila
____ 8. kakatok
____ 9. makikita
____ 10. kumagat

C. Lagyan ng tsek sa patlang ang mga salitang kilos na gagawin pa lang.

____ 1. tatalon
____ 2. sasabihin
____ 3. natakot
____ 4. nagtatanim
____ 5. tutulong
____ 6. nawala
____ 7. tatawid
____ 8. uupo
____ 9. nagtuturo
____ 10. tinatawag

You might also like