You are on page 1of 19

Ano ang tula?

1. Ang tula ay anyo ng panitikan at ito ay binubuo ng taludtod.

Ang tula ay isang anyo ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin ng isang tao. Ito ay binubuo
ng mga saknong at ang mga saknong ay binubuo ng mga taludtud.

Ang tula ay pagpapahayag ng magagandang kaisipan at pananalita sa pamamagitan ng mga


taludtod. Ang kalipunan ng mga taludtod ay tinatawag na taludturan o saknong.

Ang tula ay nagpapahayag ng damdamin, kaisipan, gamit ng marikit na salita.

ISANG PAMPANITIKANG NAG BIBIGAY DIIN SA RITMO , NAG PAPAHAYAG NG


DAMDAMIN AT NAG BIBIGAY KAHULUGAN SA MGA SALITA.

Panulaan

Ang panulaan o tula ay isang uri ng sining at panitikan na kilala sa malayang paggamit ng wika
sa iba't ibang anyo at estilo. Pinagyayaman ito sa pamamagitan ng paggamit ng tayutay. Ang
mga likhang panulaan ay tinatawag na tula.

Binubuo ang tula ng saknong at taludtod. Karaniwan itong wawaluhin, lalabindalawahin,


lalabing-animin, at lalabing-waluhing pantig. Matalinghaga at ginagamitan din ng tayutay. May
tugma at sukat. Kung minsan ay maiksi o kaya naman ay mahaba.

Mga anyo ng tula

 Malayang taludturan
 Tradisyonal
 May sukat na walang tugma
 Walang sukat na may tugma

Mga uri ng tula

 Liriko o pandamdaming tula


o Awit/Kanta - tungkol sa pag-ibig; hal.kundiman
o Dalit/Hymno - tungkol sa pagpapala sa Diyos, sa pagawit na pamamaraan.
o Elihiya - mapanglaw; tungkol sa kamatayan o kalungkutan
o Oda - matayog na damdamin o kaisipan (paghanga o pagbibigay parangal)
o Soneta - binubuo ng 14 taludtod o linya; nangangailangan ng mabigat o matinding
pagkukuro-kuro
 Nalalarawan - naglalahad ng pangyayari
 Naratibo o nagsasalaysay
 Padula/Drama
 Tulang may aral - nagbibigay ng pahayag kung anong dapat mong gawin; halimbawa: balagtasan
 Pampagkataon - may tiyak na pagdiriwang
 Balagtasan
 Duple

Elemento ng tula

 Saknong - isang grupo ng mga salita sa loob ng isang tula na may dalawa o higit pang taludtod.
 Sukat - bilang ng pantig ng tula.
 Tugma - pinag-isang tunog sa hulihan ng mga taludtod.
o Hindi buong rima (assonance) - paraan ng pagtutugma ng tunog na kung saan ang salita
ay nagtatapos sa patinig.
o Kaanyuan (conssonance) - paraan ng pagtutugma ng tunog na kung saan ang salita ay
nagtatapos sa katinig.
o Nagpapaganda sa diwa ng tula ang alin mang paraan ng pagtutugma:
 Mga salitang nagtatapos sa b, k, d, g, p, t, s ay nagtutugma ang dulumpatig
 Mga nagtatapos sa l,m, n, ng, w, r, y
 Sining o kariktang - paggamit ng pili, angkop at maririkit na salita. Nagbibigay ng pangkalahatang
impresyon sa bumabasa.
 Talinghaga - tumutukoy ito sa paggamit ng matatalinhagang salita at tayutay.
o Tayutay - paggamit ng pagwawangis, pagtutulad, pagtatao ang ilang paraan upang
ilantad ang talinghaga sa tula
 Anyo - porma ng tula.
 Tono/Indayog - diwa ng tula.
 Persona - tumutukoy sa nagsasalita sa tula; una, ikalawa o ikatlong panauhan

Kinuha mula sa "http://tl.wikipedia.org/wiki/Panulaan"

ELEMENTO NG TULA

SUKAT - tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod. Ang karaniwang sukat ng isang tula ay
wawaluhin at lalabindalawahin.

TUGMA - tumutukoy sa pagkakapareho ng huling tunog o titik ng salita sa bawat taludtod. May
dalawang uri ng tugma. Ito ay ang tugmang ganap at di-ganap. GANAP, kapag magkakapareho ang tunog
at titik ng huling salita sa bawat taludtod. DI-GANAP, kapag magkapareho lamang ng tunog ang huling
salita sa bawat taludtod.

TAYUTAY - ito ay sadyang paglayo sa paggamit ng mga pangkaraniwang salita upang maging kaakit-akit
at mabisa ang pagpapahayag.

LARAWANG-DIWA (IMAGERY) - mga salitang binabanggit sa tula na nag-iiwan ng malinaw at tiyak na


larawan sa isipan ng mambabasa.

SIMBOLISMO - salita sa tula na may kahulugan sa mapanuring isipan ng mambabasa.


Mga Elemento ng Tula:
1. Sukat
2. Tugma
3. Tayutay
4.Ritmo

a. Pagtutulad
b. Pagwawangis
c. Pagsasatao

d. Pagmamalabis
e. Pagpapalit saklaw
f. Balintunay
4. Karigtigan
5. Symbolo

Tulang Pambata
Tipunin natin ang mga katutubong tulang pambata mula sa iba't-ibang panig ng Pilipinas upang
matiyak nating ang di matatawarang yamang ito ay maipamana pa natin sa susunod na
salinlahing Pilipino. Sumali at maging kasapi! (Let's collect Filipino children's rhymes & poems
from the different regions of the Philippines to ensure that we can bequeathe this priceless wealth
to the next generations of Filipinos. Join us, be a member!)

Espadang Bali-bali
Espadang bali-bali
Nahulog sa pusali
Kunin mo sandali
Uupahan ng kahati

Lagari
Lagari!
Lagari!
Simbahan sa Paete
'Pag hindi nayari
Magagalit ang pari
Sa batang bungi!

Penpen de sarapen
Penpen de sarapen
De kutsilyo
De almasen
Bawbaw de kalabaw
Batuten
Sipit namimilipit
Gintong pilak namumulaklak
Sa tabi ng dagat
Sayang pula, tatlong pera
Sayang puti, tatlong salapi

Pongpong
Pong...
pong...
pong....
Galapong!

(This is recited to infants 5 months and older, while holding their hands and feet together. A good gentle
stretch for the babies!)

Haba, haba
Haba, haba,
Parang bangka!

Bilog, bilog,
Parang niyog!

(Recited to an infant 4 months old and up, while gently touching the body from shoulder down to the
legs. A good gentle massage!

Tulang Palaka
Ako'y tutula,
Tulang palaka,
Ako'y uupo,
Tapos na po.

Ulan! Ulan!
Ulan! Ulan!
Pantay kawayan!
Bagyo! Bagyo!
Pantay kabayo!
Tugmaang pambata
Isang mag-ina sa loob ng silid-tulugan ng isang bata. Nagbabanggit ang ina ng isang tugmaang pambata
para sa kanyang anak, bago ito tuluyang makatulog.

Ang tugmaang pambata, rimang pambata, o tulang pambata ay mga tula, berso, kanta, o
awiting kinawiwilihan ng mga bata dahil sa pagkakaroon ng mga ito ng nakasisiyang mga
tugmaan ng tinog, tinig, at mga salita. Isang halimbawa nito ang Pen-pen de Sarapen. Sa
Kanluraning Mundong nagsasalita ng Ingles, nalalaman ng mga bata ang tinatawag nilang mga
rima ni Inang Gansa o Mother Goose.[1]

Karamihan sa mga tugmaang pambata ang hindi naman talaga layuning maging para sa mga
bata, sapagkat mayroon sa mga ito ang may pinagmulang mga balada o awiting kinakanta ng
mga matatanda. Mayroon din namang may impluho ng mga bugtong. Mayroon din namang ukol
sa mga kaganapang pampulitika sa ilang pook ngunit naging bahagi ng panitikang pambata.
Nang awitin ang mga ito ng mga ina at narinig ng mga batang inaalagaan nila, natandaan ng mga
bata ang mga nakaaakit sa pandinig na mga koro o parirala.[2]

Kabilang sa mga tangi o talagang pambatang mga tugmaan o rima ang mga inaawit ng mga ina
para sa mga bata tuwing oras na ng pagtulog, ang mga panghele o oyayi. Pati na ang mga tulang
nagtuturo sa mga bata ng pagbilang at pagbigkas ng abakada o alpabeto. Kasama rin ang mga
tugmaang ginagamit ng mga ina at mga anak sa tuwinang naglalaro sila habang magkakapiling.[2]

May mga tugmaang pambata ang bawat bansa. Naglalaman ang mga ito ng kasaysayan at ng
kaugalian ng mga mamamayan ng bansa.[2]

Mga katangian

May mga dahilan kung bakit nagugustuhan ng mga bata ang makinig at magsambit ng mga
kataga ng mga tugmaang pambata. Naging bantog ang mga ito sa mga bata dahil sa mga
katangian nito. Sari sari ang mga paksa ng mga panulaang pambata, katulad ng mahaharot na
mga bata, mga taong may masasamang mga ugali o gawi, matatandang mga kababaihan, mga
hari, mga reyna, at mga hayop. Naglalahad ang iba ng mga kuwentong pambata na kalimitang
may sigla at nakasisiyang pakinggan. Mayroon namang labis ang pagiging nakakatawa, bagaman
mayroon ding malulungkot. Siyempre, mayroon itong tiyak na tugmaan ng mga tunog at salita,
kahit na walang saysay ang mga nilalaman o mensahe. May mga himig ang mga ito na
naaangkop sa bawat damdaming nakakaantig sa mga isipan, pandinig, at puso ng mga bata.
Isang tanyag na makata at mandudula si Francisco Balagtas. Florante at Laura
ang tanyag na nobelang patulang kanyang isinulat. Isa ring awitin ito. Maraming
dakilang Pilipino, kabilang na si Rizal, ang naimpluwensyahan ng nasabing tula.
Kinikilalang Ama ng Panulaang Tagalog si Balagtas.

Hindi lamang isang magaling na makata at nobelista si Lope K. Santos.


Maituturing siyang isang dalubwika dahil sa kanyang mga naiambag na akda hinggil
sa balarila ng wikang pambansa. Dahil dito, tinagurian siyang Ama ng Balarila ng
Wikang Pambansa.

Jose Corazon de Jesus

Isa pang pangalan ni Jose Corazon de Jesus ay Huseng Batute. Tulad nina
Balagtas at Rizal, marami siyang sinulat na mga tula. Naging isang kolumnista siya sa
pang-araw-araw na pahayagang Taliba. Nasa anyong patula ang kanyang kolum.
Dalawa sa kanyang mga kilalang tula ang "Manok Kong Bulik" at "Isang
Punongkahoy."

Isinulat ni Severino Reyes ang "Mga Kuwento ni Lola Basyang" sa magasing


Liwayway. Kinilala rin siyang Ama ng Dulang Pilipino. Pinakakilalala sa kanyang
mga dula ang sarsuwelang "Walang Sugat" ma pumapaksa sa kagitingan ng mga
Katipunero.

Jose dela Cruz

Si Jose dela Cruz o Huseng Sisiw ang binigyan ng karangalang Hari ng mga Makata sa
katagalugan. Isinilang siya sa Tundo, Maynila noong Disyembre 20, 1746. Hindi siya nakapag-
aral ngunit sa sariling pagsisikap ay natuto ng Katon at Cartilla, Doctrina Cristiana, Pilosopiya
Cit Teolohiya.

Kinilala siya sa kahusayang sumulat ng mga tula kaya marami ang nagpaturo sa kanya ng
pagtutugma ng mga salita. Ikinapit sa kanya ang taguring Huseng Sisiw dahil kung may
nagpapagawa sa kanya ng patulang liham ng pag-ibig, ang hinihingi niyang kabayaran ay sisiw.
Siya ang guro ni Balagtas sa pagtula.
Isa ang kanyang pangalan sa tatlong pangalang kakabit ng Korido sa kasaysayan ng Panitikan.
Ang dalawa niyang mga kasama ay sina Francisco Balagtas at Ananias Zorilla.

Mula sa kanyang panulat ang mga koridong Clarito, Adela at Florante, Flora at Clavela, Doce
Pares de Francia, Rodrigo de Villas, at ang popular na Historia Famoso de Bernardo Carpio.
Tulang Bayan

Introduksiyon

Ang tulang Pilipino, sariling atin o hiram na panitikan. Ang kasaysayan ng tulang Pilipino ay
nababahagi sa limang importanteng mga panahon. Una, ang Matandang Panahon. Ang
panahong ito ay nagsimula noong unang pagdating ng mga Negrito o Aeta hanggang sa taong
1521. Pangalawa, ang Panahon ng mga Kastila na nagmula noong taong 1521 hanggang sa
taong 1876. Pangatlo, ang Panahon ng Pambansang Pagkamulat. Ito ay panahon ng
himagsikan. Pang-apat, ang Panahon ng mga Amerikano na nag-umpisa noong taong 1898
hanggang sa pagkatapos ng panahon ng digmaan. At ang huli'y ang Panahong Patungo sa
Pambansang Krisis.

Ang Matandang Panahon

Tulad ng maraming dayuhang kabihasnan ang panitikan ng Pilipinas ay nagmula sa mga


magkakaibang lipon ng tao na may panahong pagkaka-agwat.na dumating. Ang mga unang tao
na dumating sa Pilipinas ay ang mga Negrito o Aeta. Sumunod naman ang grupong Indones at
mga Malay. Dahil dito ang sinaunang kabihasnan ay may sarili nang sistema ng pagsulat at
pasalita. Ang unang ebidensiya na mayroon nang sariling panitikang pagsulat ang mga pilipino
bago pa dumating ang mga dayuhang taga-kanluran ay ang Baybayin na binubuo ng tatlong
patinig at 14 na katinig. Ang mga simbolong ito ay nakasulat sa mga dahon at balat ng mga
punong-kahoy na ang gamit naman sa pag-ukit ay ang mga matutulis na bato at kahoy din.
Mayroon na ring panitikan na pasalita ang mga sinaunang tao. Ang panitikang pasalita ay may
anyong panulaan, tuluyan, at dula.
Ang panulaan ay binubuo ng mga bugtong, salawikain at kasabihan, tanaga, tulang pambata,
bulong, awiting bayan, at epiko. Ang mga ito'y nakasulat din ngunit ng dumating ang mga
Kastila marami ang sinunog na mga literatura at saka dahil marami ang nakasulat sa mga kahoy
at dahon ito ay natunaw pagkalipas ng maraming taon. Bagamat magkakaiba ang lengguaheng
gamit ng mga sinaunang tao ang kanilang panitikan ay may iisang mensahe at layunin.
Ang Bugtong. Ang unang layunin ng bugtong ay magbigay kasiyahan sa mga tagapakinig at ng
mga manlalaro. Kahit simple ang estraktura dito nasusukat ang talino at kaalaman tungkol sa
bayan.

Halimbawa:
Baston ni Kapitan
Hindi mahawakan Ahas
Bumili ako ng alipin
Mataas pa sa akin Sumbrero

Hindi lapis
Hindi ballpen
Nagsusulat ng eleven Sipon

Ang Salawikain at Kasabihan. Ang salawikain at ang kasabihan ay nagpapakita ng asal,


moralidad, at pag-uunawa sa ating mga ninuno. Ang salawikain ay nagbibigay aral at ang
kasabihan ay nagbibigay unawa sa mga pang-araw araw na gawain (Talindaw, p.3).
Halimbawa: Salawikain
Ang hindi lumingon sa pinanggalingan,
Hindi makakarating sa paroroonan.

Ang taong nagigipit,


Sa patalim man ay kumakapit.

Kasabihan

Saan mang gubat


Ay may ahas.

Kung ano ang itinaas-taas,


Siyang binaba-baba sa pagbagsak.

Ang Tanaga. Ang tanaga ay naglalaman ng pangaral at payak na pilosopiyang ginagamit ng


matatanda sa pagpapagunita sa mga kabataan (Talindaw, p.3). Ito ay may estrukturang apat na
taludtod at pitong pantig sa iisang saknong. Halimbawa:

Magdalita ang niyog,


Huwag magpakatayog;
Kung ang uwang ay umuk-ok
Masasaid pati ubod.

Ang Tulang Pambata. Ito ay nagsisilbing pag-unawa noong kamusmusan ng ating mga
ninuno. Ito rin ay nagpapahayag at nagpapa-alala sa mga maliligayang karanasan noong sila'y
bata pa. Halimbawa:
Putak, putak!
Batang duwag!
Matapang ka't nasa pugad!

Ang Bulong. Ang ating mga ninuno ay naniniwala rin sa mga di nakikitang espirito gaya ng
mga lamang lupang espirito tulad ng mga duwende. Ang ating mga ninuno ay humihingi ng ng
pasintabi at paumanhin sa mga ito upang hindi sila mapahamak sa mga masasamang pangyayari.
Halimbawa:
Tabi, tabi po, Ingkong
Makikiraan po lamang.

Bari-bari Apo
Umisbo lang ti tao. (Ilokano)

Ang Awiting-Bayan. Marahil sa lahat ng mga tula ang awiting bayan ay may pinakamalawak
na paksa at uri. Ang mga paksa nito'y nagbibigay hayag sa damdamin, kaugalian, karanasan,
relihiyon, at kabuhayan. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng ibaít ibang uri nito, isa ang
talindaw. Ang talindaw ay awit sa pamamangka. Ikalawa, ang Kundiman ito ay awit sa pag-
ibig. Ikatlo, ang Kumintang ito ay awit sa pakikidigma. Ikaapat, ang Uyayi o Hele ito ay awit
na pampatulog ng sanggol. Nabibilang rin dito ang Tigpasin, awit sa paggaod; ang Ihiman, awit
sa pangkasal; ang Indulain, awit ng paglalakad sa lansangan at marami pang iba. Halimbawa:
Talindaw

Sagwan, tayoy sumagwan


Ang buong kaya'y ibigay.
Malakas ang hangin
Baka tayo'y tanghaliin,
Pagsagwa'y pagbutihin.

Oyayi o Hele

Matulog ka na, bunso,


Ang ina mo ay malayo
At hindi ka masundo,
May putik, may balaho.

Ang Epiko. Ang epiko ay mahabang tula na inaawit o binibigkas. Ito ay tungkol sa
mahiwagang pangyayari at kabayanihan ng isang mamamayan. Ang katangian na makikita sa
epiko ay ang pagkakaroon ng kaisahan na banghay, mabilis na aksiyon, paggamit sa mga
istorying kababalaghan, at ng nakatitinag-damdamin at dakilang paksa (Talindaw,p.6). Ang
ating mga ninuno ay naglayong gamitin ang epiko para pangritwal. Ipangaral sa mamamayan
ang kani-kanilang mga tungkulin sa sambayanan. Ang mga sumusunod ay mga iba't ibang
epikong galing sa iba't ibang tribo: una; ang epikong Biag ni Lam-ang ay galing sa mga Ilokano.
Ang epikong ito'y akda ni Pedro Bukaneg na taga-Abra na naging dalubhasa sa samtoy (Ilokano)
at Kastila. Pangalawa; ay ang Maragtas na galing sa Panay. Ito ay kasaysayan ng 10 datung
Malay na tumakas sa Borneo (dahil sa kalupitan ni Sultan Makatunaw) at ng mga unang araw
nila sa Panay na kanilang binili kay Haring Marikudo ng mga Aeta. At ang pangatlo'y ang Alim
ng mga Ipugaw. Dito itinutukoy and pagkakasal ng magkapatid na Bugan at Wigan na siyang
pinagmulan ng kagalitan at patayan sa daigdig bilang tala ng sumpa ng Bathalang si
Makanungan.
Sa pangkabuuan mapapansin at mapapag-aralin natin na ang mga tula noong mga matandang
panahon ay nagpapakita kanilang kahirapan, pagkakawagi laban sa mga kasamaan at digmaan,
kasaganaan sa bukid, kaligayaan, katapatan, at iba pang malapit sa kanilang buhay at kapaligiran.

Ang Panahon ng mga Kastila

Ang Pilipino ay may sarili nang tula na mayaman sa uri, paksa, at estraktura bago
pa dumating ang mga dayuhang Espanyol. Subalit nang dumating ang mga Espanyol
ang tulang Pilipino ay nagkaroon ng maraming pagbabago at karagdagan lalo na sa
uri at paksa. Noong nag-settle ang mga dayuhan sa ating bansa karamihan nilaíy mga
maimpluensiyang prayle. Ang mga prayleng ito ay hindi lang nagpe-preach kundi
sila rin ay mga iskolar ng lengguaheng Espanyol kayaíy madali nilang nai-spread ang
Kristianismo at ang kulturang espanyol. This was possible since ang mga dayuhan ay
nagpakitang tao sa pamamagitan ng willingness to pagkatuto at pag-unawa sa ating mga
katutubong kultura, baybayin, sining, pulitika,at panitikan. Nang mapailalim tayo sa kanilang
mga kamay ang ating mga pusoít isipan ay sumunod din. Dahil dito ang mga katutubong
Pilipino o ang mga Indio na madaling silang tawagin ay madali na nilang nabago ang anyo ng
mga katutubong tula. Ang mga pagbabago ay pagdaragdag sa mga paksang panrelihiyon,
pangmoralidad, etika, panlibangan, pangwika, at pangromansa. Mga katangiang abundant na sa
Europa. Ang mga uri namang dinagdag sa katutubong panulaan ay ang mgaTugma, Pasyon,
Dalit, at ang Awit at Korido.
Ang Tugma. Ang tugma ayon sa depinisyon ay ang huling saknong ng tulang ito ay
magkakatugma. Actually, ang uring ito ay ginagamit na nang mga Indio noon ngunit ang mga
Espanyol ay nagdagdag ng isa o marami pang saknong. At saka, ang dapat na nilalaman o paksa
ay ayon sa bagong pananampalataya sa Panginoong HesuCristo. Halimbawa:
Quintilla

Umulan man sa bundoc


houag sa dacong laot,
aba si casampaloc
nanao nang dico loob
ualang bauonang comot.

Ang Pasyon. Ang pasyon ay marahil ang pinaka-famous na anyong tula noong panahon ng
,mga Kastila dahil dito sinasalaysay ang buod ng buhay ng Panginoong HesuCristo. Ito ay
ikinakanta at nagsasalaysay ng kaniyang buhay mula noong siyaía ipinanganak, dakpin, ipinako
sa krus hanggang sa kaniyang muling pagkabuhay. Isang halimbawa ng pasyon sa isang
saknong o taludtod:
O Diyos sa kalangitan
Hari ng Sangkalupaan
Mabait, lubhang maalam
At puno ng karunungan.

Ang Dalit. Ang dalit gaya ng pasyon ay inaawit din nguanit itoíy nagsasalaysay sa buhay ni
Birheng Maria. Dahil ang Birheng Maria ay simbolo ng kalinisan ng puri siya ay hinahandugan
tuwing buwan ng Mayo. Ito ngayon ay tinatawag na flores de Mayo.
Ang Awit at Korido. Ang mga tulang ito ay may paksang tungkol sa pangromansa. Ang Korido
ay salaysay sa pakikipag-ibigan at pakikipagsapalaran ng isang tauhang malabayani na punung-
puno ng kababalaghan. Ang awit namaíy salaysay sa pakikipag-ibigan at pakikipagsapalaran
ngunit ang mga tauhan at walang sangkap na kababalaghan.
Sa kapanahunang ito seguro walang hihigit pa sa gawain ni Francisco "Balagtas"
Baltazar. Siya marahil ang mga unang makata na nag-expose laban sa mga
koloniyalistang kultura. Ang kaniyang subversive work ay sa anyong Florante at
Laura. Ang Florante at Laura ay isang mahabang pasalaysay na tula na naglalaman
ng mga mensahe laban sa mga Kastila. Nakatakas ito sa mgas censura dahil
nagbalat-kayo na ang mga unang panauhin ay ang mga Kastila. Ngunit sa mga
totoong mambabasa ito'y may maraming tema una laban sa Kristiyanismo at
pangalawa ang laban sa im espanya.periyalismong
Ang Panahon ng Pambansang Pagkamulat

Maiksi man ang panahong ito ang mga tulang nasasailalim ay marahil pinaka-importanteng
mga literary works. Dahil ang mga paksang ipinapahayag sa mga mambabasa ay mapa-free
from koloniyalismong mentalidad, at I-expose ang mga promlema buhat ng pagkasakop ng mga
Indio sa mga Espanyol. Ang mg katangian ng mga paksa sa panahong ito ay naglalaman ng
paksang makabayan, paglalarawan sa mga kapaligiran gawa ng mga dayuhang sumakop.
Ang panahong ito ay nahahati sa dalawang maimpluensiyang grupo, pangpropaganda at
panghimagsikan. Ang unang layunin ng propaganda ay naglalayong humihingi ng reporma na
manggagaling sa mga Espanyol. Ang pinakakilalang propagandista ay ang ating bayabing si Dr.
Jose Rizal. Si Dr. Rizal ay naghangad na mapasigla ang mga tao upang labanan ang mg sakitt ng
lipunan at ang mga mabaluktoo na paghahari ng mga Kastila. Sinulat niya ang popular na tulang
pinamagatang Mi Ultimo Adios. Dalawa pang pangunahing propagandista ay sina Graciano
Lopez-Jaena at si Antonio Luna.
Nang hindi makamtan ng grupong Pangreporma ang kanilang layunin at demands sa Espanya
at ng mga Kastilang namumuno sa Pilipinas nabuhay o kayaíy nabuo ang bagong kilusang
Panghimagsikan. Ang kilusang Panghimagsikan ay naglalayong gumamit ng dahas upang
makamtan na ng ating Inang Bayan ang hinihinging kalayaan sa mga Kastila at iba pang mga
oppressors ng ating bayan. Ang pangunahing pinuno ng kilusang himagsikan ay si Andres
Bonifacio.

Ang Panahon ng mga Amerikano

Ang panulaang Pilipino noong panahon ng mga amerikano ay ang makikitang paggamit ng
tatlong wika. Ang wikang kastila, tagalog, at ingles. Ang mga Amerikano ay lumayon na
bigyan ng kalayaan ang mga makata at manunulat tungkol sa mga paksang makabansa,
demokrasya, relihiyon, sosyalidad, at pampulitika. Ang kinikilalang makata sa panahong ito ay
si Jose Corazon de Jesus. Siya ay kilala rin sa pangalang Batute. Si Batute ay isa sa mga unang
makata na gumamit at lumayo sa mga tradisyong anyo ng pagsusulat.Si Batute ay masasabing
kampeon ng mga taong mabababa ang kalagayan sa pamayanan. Ang kaniyang mga gawain ay
makabayan matimbang sa kaniyang isip and kapakanakan ng mga maliliit at ang kalayaan sa
kamay ng mga dayuhan (Walong Dekada ng Makabagong Tulang Pilipino, p. 36). Ang mga
tulang siya'y kinikilala ay ang Bayan Ko at Ang Pamana.

Ang Panahong Patungo sa Pambansang Krisis

Krisis sa pulitika ang pangunahing paksa sa panahong ito na buhat ng ating pagkakaloob sa
mga Amerikano at ang pagpapatuloy na pag-angkin sa koloniyalismong mentalidad na minana
natin sa mga Kastila. Ngunit ang mga pangunahing taga-panglaban ay ang mga kilusan ng mga
kabataang mag-aaral. Sila ay nagbibigay kritisismo sa taong may pera at kapangyarihan tungkol
sa kanilang pamamalakad ng gobyerno. Ang kanilang hinihingi ay reporma na mapabago ang
lipunan dulot ng kapitalismo, imperyalismo, at piyudalismong paraan ng pamumuno. Si Amado
Hernandez ang kinikilalang makata sa panahong ito at ang kaniyang tulang "Kung Tuyo na ang
Luha Mo, Aking Bayan" ay naghahayag ng mga makikitang sakit ng lipunan.
Apat na Tulang Pampamilya
Ni Dr. Paulina Flores-Bautista February 26, 2000
Guhit ni Joanne de Leon

Ama Good-bye, Charles

Kay raming butil sa malawak na dalampasigan Our Turn


Kay raming sigay sa malalim na karagatan
Kay raming patak ng ulan mula sa dibdib ng kalangitan New JI Writers
Kay raming dahon sa damong luntian
Kay raming hamog, dala ng hanging amihan Apat na Tulang Pampamilya
Kay raming puno sa mayabong na kabundukan
Kay raming katutubong kogon na di inaalagaan
Kay raming bituin sa maliwanag na kalangitan
Ngunit isang-isa lamang ang buwan sa kalawakan
Tulad ng aking kaisa-isang Ama na aking hinahangaan!

Ina
Siya ang pagkain kung ako'y gutom
Siya ang higaan kung ako'y pagod
Siya ang kumot kung gabi'y maginaw
Siya ang damit kung ako'y hubad
Siya ang katabi kung ako'y maysakit
Siya ang balikat na sandalan sa kadiliman
Siya ang pusong nagmamahal
Siya ang dibdib na pampuno sa aking kakulangan
Siya ang puhunan na tag-sulong ng buhay
Siya ang kayumangging lupa na nagtatanim ng kabutihan.

Siya ang pakpak upang ako'y makalaya


Siya ang aking guro
na nagtuturo
na ako'y lumakad ng taas-noo
na animo'y daigdig ay iyong-iyo.

Siya'y aking Ina


na nag-aalay ng kanyang
sarili
kalinga
pagmamahal
na walang inaasahang
kapalit
kabayaran
alinlangan!

Ako
I
Ako'y bahagi ng pamilya
na may mga kapatid, Ama't Ina
bigkis ng pagsusunuran
pagtutulungan at paguunawaan.
Tapat kaming magkakapatid
sa aming magulang na matitipid
kung minsan kami'y nag-aaway
mga magulang namin and di sumusuway.

II
Ako'y bahagi ng paaralan
kung saan mga guro'y pangalawang magulang
mga kamag-aral ko'y kaibigan
kami'y masayang nagdedebatihan.

Ang paaralan ay templo ng karunungan


na humuhubog sa aming musmos na kaisipan
ito'y gabay sa aming kabataan
tungo sa magandang kabukasan.

III
Ako'y bahagi ng pamahalaan
kung gayo'y diringgin ko
ang payo ng aking mga magulang,
susundin ko ang tuntunin ng aking paaralan.

Sisikapin kong maging tunay na Pilipino


sa isip, sa salita, sa gawa;
gagamitin ko ang sariling wika,
aawitin ko ang sariling awit at diwa.

IV
Ako'y bahagi ng simbahan
kung saan aking namulatan
na ako'y nilikha ng Diyos
kaya dapat buhay ko'y maayos.

Sa landas ng aking buhay


Diyos ay aking alalay
kaya ako'y nagninilaynilay
nang ako'y ituwid sa lahat ng bagay.

Disiplina ng Lola sa Apo


Ang matatag na lola
na may mga apo na kasama
ay iyong
nagtatakip ng mata
nagpapasak ng bulak sa tainga
nagsisiper ng labi niya.

Kung baga, di nakikialam


sa Ina o Ama sa pagdidisiplina
ng mga mahal na apo niya.

Nakikialam lang siya


kung payo 'y hinihingi sa kanya
at dapat ito'y bihira
upang pagsasama'y di masira.
Si Dr. Bautista ay isang premyadong manunulat para sa mga bata. Madalas
lumabas ang kanyang mga tulang pambata dito sa Junior Inquirer.

Si Joanne ay miyembro ng Ang Ilustrador ng Kabataan. Magaling siyang


tumugtog ng gitara.

Inside ACO's Poetic Mind

Kapatid Ko

mabuti nga't
hiniwalayan
mo na siya
at di na
pinagtagal pa
ang kanyang
pagdurusa.

batid ko
ang tunay
mong
damdamin
na kailanma'y
di mo siya
maaaring ibigin
sapagkat ang
ibig mo'y
kapwa mo
lalaki rin.

sitwasyon
nati'y
magkatulad
nararamdama'y
pilit na
isinasantabi
ikinakaila
hanggang sa
umabot sa
punto
ng pagtatago
at panggagamit
sa kapwa.

panakip-butas
ay wag na
nating hanapin
'pagkat ito'y
walang buting
idudulot sa atin
manapa'y ating
buong tapang
na harapin
ang pagkatao
natin.

kapatid ko
tayo na't
humarap sa
Silangan
ating
salubungin
ang pagsikat
ng araw
paglaya natin!

Paano?

Nag-usap
tayo ng
lihim
tungkol
sa isang
usapin
masakit
mang
isipin
tila yata
wala
itong
tunguhin.
Gipit tayo
sa
panahon
bakit nga
ba lagi na
lang
ganon?

Paano
na?
simpleng
tanong
pero
hanggang
ngayon
nananatili
pa ring
isang
tanong.
Walang
maisagot
walang
masabi
o baka
naman
ayaw
lang
talagang
sagutin.

Paano na
nga ba?
Ewan ko.
Hindi ko
alam.
Ayoko
nang
alamin
dahil wala
itong
tiyak na
tunguhin.

Paano
nga ba
natin
aaminin
na isa't
isa'y
mahal
natin?

Paglaya

Ako'y bilanggo ng nakaraan


buhay na patay sa mundong
ginagalawan sa kasalukuyan
dahil sa pangako ng puso
na aking pinangangatawanan.

Maraming pagkakataon
ang aking pinalampas
mga relasyong disin sana'y
bigkis ng pagmamahalan.

Ngunit alaala ng pangako


ang siyang humahadlang
tila ba isang anino na lagi
sa aking likuran.

Ako'y nabubuhay sa nakaraan


di kaylanman umusad
at namuhay sa kasalukuyan.

Nais ko ngayo'y umigpaw


mula sa nakaraan
harapin ang kasalukuyan
palayain ang bilanggo kong puso,

Lumaya at muling mabuhay!

Paligsan Alang Tula


(Dennis Capistrano)
(Decembre 12, 1997)

Hilig ko itula, gusto ka isipa, ay kasabihan na puno


Gawing arian bilang maka-nganib ang tula laban sa kapwa,
Ay di kanaisnais

Sa pakay ng paligsan alang tula, buholan din ang datdatan


Matingkad. Kahit lang ayon sa yayang panauhin, ay
Tambayan sa sabongan, hangad sa palarong me talim .

Mahal-Mahalan
(Dennis Capistrano)
(Decembre 15, 1997)

Mahal mahalin ang pagmamahal ng


Nagmamahal, kung magmahal sya ng
Mahal na mahal na mahal, na minahal na
Na mamamhalin sa mahalang minamahal, na
Mahal-mahalan lang .

You might also like