Professional Documents
Culture Documents
EsP 2nd Periodical Tests Grade 9
EsP 2nd Periodical Tests Grade 9
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
DIVISION OF IMUS CITY
Toclong I-C, City of Imus, Cavite
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO GRADE 9
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT
SY 2014-2015
I. Knowledge Total
_____ 1.Ang mabuti ay:
a. paggawa ng tama c.pagbuo ng sarili
b. pagsunod sa batas d.pagsunod sa Diyos
_____ 2. Ang likas na batas na moral ay:
a. nilikha ni Tomas de Aquino c.inimbento ng mga pilosopo
b. nauunawaan ng tao d.galing sa Diyos
_____ 3. Tama ang isang bagay kung:
a. ito ay ayon sa mabuti c. makapagpapabuti sa tao
b.walang nasasaktan d. magdudulot ito ng kasiyahan
_____ 4. Ang tama ay pagsunod sa mabuti:
a. sa lahat ng panahon at pagkakataon
b. ayon sa sariling tantya
c. angkop sa pangangailangan at kakayahan
d. nang walang pasubali
_____5. Ano ang totoo para sa karapatan, kasunduan, kabutihan at kawanggawa?
a. Ito ay mga bagay na pansarili lamang
b. Ito ay mahahalagang bagay para sa lahat ng nilalang
c. Ito ay mahalagang bagay na nararapat na mayroon ang bawat tao
d. Ito ay magdudulot ng pagkakapantay-pantay sa tao
_____6. Ang pagiging may pananagutan, mapagpalaya at may pagpapahalaga sa dignidad ay ____.
a. Inaasahang magawa at maisakatuparan ng tao para sa sarili at sa lipunang kanyang
ginagalawan
b. Maaaring maging hadlang upang maging isang mabuting mamamayan
c. Magpapatunay na ikaw ay karapat-dapat na mabuhay
d. Ang magdadala nang isang masaganang pamumuhay
_____7. Ano sa mga sumusunod ang hindi gaanong importanteng batayan ng pagkatao at halaga ng
tao?
a.konsensya b.dignidad c.katwiran d.kilos-loob
_____8. Ang ____ ay mga prinsipyong gumagabay sa pananaw ng tao tungkol sa pagtrato ng
kaniyang kapwa, at sa dignidad niya bilang tao.
a. katwiran b. konsensya c. karapatang pantao d.karunungan
_____9. Ang lahat ng tao’y isinilang na____ at pantay-pantay sa karangalan at mga karapatan.
a. Malaya b.may kilos-loob c.konsensya d.may katwiran
_____10. Alin sa mga sumusunod ang hindi nangangahulugan ng salitang paggawa?
a. isang bagay na hindi matatakasan at kailangang harapin sa bawat araw.
b. isang gawain ng tao na nangangailangan ng orihinal, pagkukusa at pagkamalikhain.
c. isang pagkilos nahindi nababatay sa kaalaman
d. malaking bahagi ng pagkatao na kailangang isagawa nang may pananagutan.
_____11. Siya ang may akda ng Laborem Ezrcens na nangangahulugan na ang paggawa-pangkaisipan
man o manwal, anoman ang kaniyang kalikasan o kalagayan, na makatao ay nararapat
para sa tao bilang anak ng Diyos.
a. Pope John Paull II c. Pope John XXIII
b. Max Scheler d. St. Augustine
Page 1 of 6 / EsP 9 / 2nd Grading / SY 2014-2015
_____12. Isang organisasyong pinasimulan ni Tony Meloto na naglalayong tumutulong sa pagbibigay
ng bahay na matitirhan para sa mga mahihirap.
a. PAGIBIG Funds c. Gawad Kalinga
b. Housing Foundation Inc. D. Tahanan Para sa Lahat
_____13. Ang mga sumusunod ay layunin ng paggawa maliban sa isa:
a. maipagmalaki ang kakayahan at karunungan
b. kumita ng salapi na kailangan upang matugunan ang pangunahing pangangailangan
c. makapag-ambag sa patuloy na pag-angat at pagbabago ng agham at teknolohiya
d. maiangat ang kultura at moralidad ng lipunang kinabibilangan.
_____ 14. Ang mga sumusunod ay kahulugan ng pakikilahok maliban sa:
a. Ang pakikilahok ay maaring tawaging bayanihan, damayan o kawanggawa.
b. Ang pakikilahok ay tumutulong sa tao upang maging mapanagutan sa kapwa.
c. Ang pakikilahok ay isang tungkulin na kailangang isakatuparan ng lahat na mayroong
kamalayan at pananagutan tungo sa kabutihang panlahat.
d. Ang pakikilahok ay isang malayang pagpili. Hindi maaring pilitin o pwersahin ang tao upang
isagawa ito.
_____ 15. Ito ay nangangahulugang pagiging karapat-dapat ng tao sa pagpapahalaga at paggalang
mula sa kaniyang kapwa.
a. Bolunterismo b. Dignidad c. Pakikilahok d. Pananagutan
_____ 16. Alin sa mga sumusunod ang benepisyo ng bolunterismo?
a. Nagkakaroon ng kasiyahan ang isang tao kapag siya ay naglilingkod.
b. Nagkakaroon siya ng panahon na higit na makilala hindi lamang ang iba kundi pati na ang
kanyang sarili.
c. Nagkakaroon siya ng personal na paglago.
d. Lahat ng nabanggit.
_____ 17. Anu-ano ang dapat Makita sa isang tao na nagsasagawa ng pakikilahok at bolunterismo?
a. Kayamanan, Katanyagan, Talento
b. Pagkakawang-gawa, Pagkakaisa, Pagmamahal
c. Panahon, Talento, Kayamanan
d. Pagkamalikhain, Talento, Pagmamahal
II. Process/Skills
_____23. Nakita mo ang iyong nakatatandang kapitbahay na pinapalo ang kanilang pusa sa
kadahilanang itinakbo nito ang pagkain nila na nasa hapag- kainan.
a. Kukuhanin ko ang pusa at kakalingain ko ito sa aming tahanan.
b.Kukuhanan ko nang video ang pangyayari at ia-upload sa Youtube.
c. Aawatin ko ang aming kapitbahay bago pa niya lalong masaktan ang pusa.
d. Papanoorin ko lang ang pangyayari.
“Ang buhay na walang patutunguhan ay walang katuturan at ang paggawa ang nagbibigay ng katuturan dito.”
(Anonymous)