You are on page 1of 4

Research Instruments: Screaning test

Basahin ang mga pangungusap ng tahimik. Intindihin ng mabuti ang katanungan at isulat
ang titik ng tamang sagot sa inyong sagutang papel.

1. Alin sa mga sumusunod ang magpapakita ng soberanyang panloob?


a. Pagpapatupad ng sariling batas
b. Pag-alis sa bansa
c. Pakikialam sa suliranin ng Tsina
d. Pag-angkin sa teritoryo ng karatig-bansa

2. Paano mo ilarawan ang panlabas na soberanya?


a. May kapangyarihan ang estado na pasunurin ang lahat ng mga tao at pamahalaan.
b. Ang estado ay hindi nakadependi o kinokontrol ng ibang estado dahil sa kalayaan nito.
c. Walang taning ang panahon
d. Ito ay kapangyarihang tumutukoy sa pagbigay ng restriksiyon at pambublikong interes.

3. Sino ang naatasang mangalaga sa soberanya, magtanggol sa teritoryo ng Republika ng


Pilipinas laban sa lahat ng mga kaaway, banyaga man o local?
a. AFP- Armed Forces of The Philippines
b. ASEAN- Association of Southeast Asian Nations
c. OCD- Office of Civil Defense
d. PNP- Philippine National Police

4. Bakit ipinatupad ang Filipino First Policy?


a. Upang una munang makapaglakbay ang mga Pilipino
b. Upang unang mabigyan ng hanapbuhay ang mga Pilipino
c. Upang unang mabigyan ng perang magagasta ang mga Pilipino
d. Upang unang bibigyan ng pagkakataon ang mga Pilipino sa pagpapaunlad ng
kabuhayan.

5. Sino ang pangulo na ang pangunahing layunin ang mapalapit ang pamahalaan sa mga
mamayan, kaya itinatag niya ang Presidential Complaints and Action Committee (PCAC)
a. Pangulong Diosdado P. Macapagal
b. Pangulong Ferdinand E. Marcos
c. Pangulong Ramon F. Magsaysay
d. Pangulong Carlos P. Garcia

6. Sino ang Pangulo sa Ikatlong Republika na nagsabi nito “ This Country will be Great
Again”?
a. Pangulong Diosdado P. Macapagal
b. Pangulong Ferdinand E. Marcos
c. Pangulong Ramon F. Magsaysay
d. Pangulong Carlos P. Garcia

7. Ano ang epekto ng “Colonial Mentality” pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?


a. Naging ugali ang pagtangkilik sa mga produktong gawa sa United States at
napabayaan ang sariling atin.
b. Yumaman ang mga Pilipino dahil gumamit sila ng produktong amerikano
c. Naging Malaya an gating bansa sa pananakop ng amerikano
d. Naging maayos ang pamumuhay ng mga Pilipino
8. Bakit nagkaroon ng Kolonyal o colonial mentality ang mga Pilipino sa Panahon ng
Amerikano?
a. Dahil mas tinatangkilik ng mga Pilipino ang kultura at mga produkto ng mga dayuhan
kaysa sarili nating yaman
b. dahil mas mahal ng Pilipinas ang Amerikano kaysa kapwa Pilipino
c. Dahil kaaway ng mga Pilipino ang mga Amerikano
d. Dahil marami na ang naitulong ng mga Amerikano sa ating bansa

9. Ano ang masamang epekto ng colonial mentality sa ating bansa?


a. Hindi magkaintindihan ang mga Pilipino at Amerikano
b. Naapektuhan ang industriya ng Pilipinas, nagkaroon ng matinding kompitensya mula sa

mga produktong galling abroad.


c. Hindi tinatangkilik ng mga Pilipino ang produkto ng mga Amerikano
d. Lahat ng mga Pilipino ay marunong magsalita ng Ingles

10. Ano ang Parity Rights?


a. Isang malasariling Pamahalaan na itinatag sa Pilipinas
b. Batas na nagbabawal sa mga Pilipino na magtayo o bumuo ng samahan at kilusang
makabayan.
c. Isang tadhana sa Batas Bell na nagbibigay ng karapatan sa mga Amerikano sa
pagpapaunlad ng lahat ng lupang agricultural at likas na yaman ng Pilipino.
d. Ito ay nagbabawal sa paggamit o paglabas ng lahat ng bandila o sagisag ng katipunan.

11. Sila ang tagabantay ng teritoryo ng ating bansa. Alin sa mga ito ang nangangalaga ng
katahimikan ng ating himpapawid?
a. Hukbong Katihan ng Pilipinas o Philippine Army
b. Hukbong Himpapawid ng Pilipinas o Philippine Air Force
c. Philippine National Police
d. Philippine Marine

12. Alin ang nagpapaliwanag ng kahulugan ng panlabas na soberanya ng ating bansa?


a. Aasa sa mga bansang makapangyarihan
b. Ang kabuhayan at pamahalaan ng bansang my panlabas na soberanya ay hindi
maaring pakialaman ninuman.
c. Ang Pilipinas bilang isang bansang malaya ay maaring diktahan ng ibang bansa.
d. Ang bansa ay may kapangyarihan isakatuparan ang batas.
13. Ano ang wikang ginagamit sa pagturo sa mga paaralan noon panahon ng mga
Amerikano?
a. Ingles
b. Tagalog
c. Pilipino
d. Espanyol

14. Ano ang Pamahalaang unang itinatag ng Estados Unidos sa Pilipinas?


a. Militar
b. Sibil
c. Makasarili
d. Demokratiko

15. Anong Hukbong Sandatahan ng bansa na ang misyon ay ang pagsagawa ng mabilis at
tuloy-tuloy na operasyon panlupa at ipagtanggol ang ating bansa sa panahon ng digmaan?
a. Hukbong Katihan ng Pilipinas o Philippine Army
b. Hukbong Himpapawid ng Pilipinas o Philippine Air Force
c. Philippine National Police
d. Lahat ng nabanggit

16. Saan matatagpuan ang pamhimpapawid na Base-Militar ng mga Amerikano sa Pilipinas?


a. Baguio City
b. Pasig City
c. Clark Pampanga
d. Sangly point

17. Sa kaninong pamumuno itinatag ang Rehabilitation Finance Corporation?


a. Roxas
b. Quirino
c. Garcia
d. Macapagal

18. Sino ang unang pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas?


a. Ramon F. Magsaysay
b. Manuel A. Roxas
c. Ferdinand E. Marcos
d. Diosdado Macapagal

19-20 Buhuin ang graphic organizer .Isulat ang wastong pagkasunod-sunod ng mga pangulo

sa ikatlong Republika ng Pilipinas.Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon sa ibaba.

Mga Pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas

1st 2nd 3rd 4th

Ferdinand E. Marcos Ramon F. Magsaysay

Carlos P. Garcia Elpidio R. Quirino

Manuel A. Roxas

You might also like