Professional Documents
Culture Documents
PAG
PAG
PAG-USBONG NG NASYONALISMO
SA TIMOG ASYA
“Nasyonalismo sa India”
- Ang pananakop ng mga Ingles sa India, ang
nagbigay-daan upang magising ang diwa ng
nasyonalismo dito. May ibat- iba mang wika
at relihiyon ang mga Indian ay kumilos at
nagkaisa upang umunlad at makabuo ng isang
malayang bansa.
- Si Mohandas Gandhi ang nangunang lider
nasyonalista sa India, ang nagpakita ng
mapayapang paraan sa paghingi ng kalayaan.
- FEMALE INFANTICIDE - pagpatay sa
mga batang babae upang hindi maging
suliranin at pabigat sa mga magulang
pagdating ng panahon na ito’y mag-asawa.
- SUTTEE - ang pagpapatiwakal ng mga
byudang babae at pagsama sa libing ng
namatay na asawa.
- REBELYONG SEPOY - ito ang pag-aalsa
ng mga Sepoy o sundalong Indian sa mga
Ingles bilang pagtutol sa pagtatangi ng lahi o
racial discrimination.
- AMRITSAR MASSACRE – maraming
mamamayang Indian ang namatay sa isang
selebrasyon dahil sa pamamaril ng mga
sundalong Ingles. Sa kaganapang ito ay
namatay ang may 400 katao at mayroong
1200 na mga nasugatan
- Nagkaroon naman ng hiwalay na pagkilos ang
mga Indian dahil sa kanilang magkakaibang
pananampalataya. Naitatag ang ALL
INDIAN NATIONAL CONGRESS sa
panig ng mga Hindu na ang layunin ay
matamo ang kalayaan ng India.
- Naitatag naman ang All Indian Muslim
League noong 1906. Pinangunahan ito ni Ali
Jinnah na kung saan ang interes ng mga
Muslim ang binigyangpansin. Layunin ng
mga kasapi nito na magkaroon ng hiwalay na
estado para sa mga Muslim.
“NASYONALISMO SA
KANLURANG ASYA”
- Ang nasyonalismo sa Kanlurang Asya ay
hindi katulad ng nasyonalismong naipakita ng
mga bansa sa Timog Asya. Hindi agad
naipakita ng mga bansa sa Kanlurang
Asya ang nasyonalismo dahil karamihan sa
mga bansa dito ay hawak ng dating
malakas at matatag na imperyong
Ottoman, bago pa man masakop ng mga
Kanluraning bansa noong 1918.
- Matapos bumagsak ang imperyong
OttomanM masakop at mapasailalim sa mga
Kanluraning bansa, naipatupad sa mga bansa
sa Kanlurang Asya ang sistemang mandato.
Nagsumikap ang mga bansa sa Kanlurang
Asya na unti-unting makamtan ang kalayaan
mula sa Imperyong Ottoman at mga
Kanluraning bansa. Ang nasyonalismo sa
Kanlurang Asya ay pinasimulan ng mga
Arabo, Iranians at mga Turko bago pa man
ang Unang Digmaang Pandaigdig.
- Ang Kuwait ang isa sa mga bansa na unang
lumaya sa Kanlurang Asya noong 1759.
Natamo naman ng Lebanon ang kanyang
kalayaan mula sa imperyong Ottoman noong
1770, at noong 1926 ito ay naging ganap na
republika sa ilalim ng mandato ng bansang
France. Isa ang bansang Turkey, na humingi
ng kalayaan sa pamumuno ni Mustafa Kemal
na nagsulong sa pagkakaroon ng isang
republika. Sa pamamagitan ng Kasunduang
Lausanne noong 1923 naisilang ang
Republika ng Turkey.
- Taong 1926 din ipinahayag ni Abdul ang
sarili bilang hari ng Al Hijaz, matapos niyang
malipol ang lahat ng teritoryo ay
pinangalanan niya itong Saudi Arabia.
- Ang Iraq naman ay naging protektado ng
England noong 1932.
- HOLOCAUST - ito ang sistematiko at
malawakang pagpatay ng mga Nazi German
sa mga Jew o Israelite.
- SISTEMANG MANDATO –
nangangahulugan ito na ang isang bansa na
naghahanda upang maging isang malaya at
nagsasariling bansa ay ipapasailalim muna sa
patnubay ng isang bansang Europeo.
- Zionism - Ang pag-uwi sa lupain ng Palestine ng
mga Jew mula sa iba’t ibang panig ng daigdig.
*AYATOLLAH ROUHOLLAH
MOUSARI KHOMEINI
• isinilang noong Setyembre 24, 1902, lumaki sa
pangangalaga ng kaniyang ina at tiyahin,
matapos
mamatay ang kaniyang ama sa kamay ng mga
bandido.
• Noong 1962 nagsimula si Ayatollah na maging
aktibo sa larangan ng politika.
• Namatay si Ayatollah noong Hunyo 3, 1989 sa
gulang na 70 taon.
• Kinikila siya bilang isa sa mga malupit na lider
ng ika-20 siglo.
*IBN SAUD
• Si Ibn Saud ang kauna-unahang hari ng Saudi
Arabia.
• Isinilang noong Nobyembre 24,1880 sa Riyadh,
anak ni Abdul Rahman Bin Faisal.
• Ang kaniyang pamilya ay kabilang sa mga
pinunong tradisyunal ng kilusang wahhabi ng
Islam (ultra orthodox).
• Taong 1924-1925 napabagsak ni Ibn Saud si
Husayn at iprinoklama ang kaniyang sarili bilang
hari ng Hejaz at Nejd.
Timog Asya
India at Pakistan
- Sa Timog at Kanlurang Asya, higit na naging
malaki ang impluwensiya ng demokrasya sa mga
kilusang nasyonalista. Sa India, sa ilalim ng
pananakop ng mga British, maraming Indian ang
naging aktibo sa muling pagbuhay ng kaisipan at
tradisyong Hindu. Hindi matanggap ng mga
Indian ang pagbalewala at pag-alis sa kanilang
mga nakagisnang kultura.
Sri Lanka at
Maliliit na Estado sa Timog Asya
-Pinamunuan ng Great Britain ang Sri-Lanka at buong
sub-kontinente ng India sa loob ng isa’t kalahating
dantaon(1796-1947).
-Noong 1915, itinatag nila ang Ceylon National
Congress na unang partidong pulitikal. Namuno ito
upang ipaglaban ang kasarinlan ng bansa. Pagkaraan ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig, pinamunuan ni Don
Stephen Senanayake, ang itinuturing na “Ama ng
Kasarinlang Sri-Lanka, ang pakikipaglaban para sa
kasarinlan.
Kanlurang Asya
Israel
-Natagpuan ng mga Hudyo ang kalayaan at oportunidad
sa pamamagitan ng United States. Naging instrumental
ang pamahalaan ng US sa pagtulong sa mga Hudyo.
Iraq
-Pagkaraan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig,
Ang Iraq at Palestine ay napailalim sa pamamahala
ng Great Britain. Dahil sa di-maayos na pamumuno
at kapabayaan ng mga Ottoman, sumibol ang mga
kilusang makabayan noong huling bahagi ng ika-19
na dantaon. Sumiklab ang nasyonalistang pag-
aalsa sa Baghdad at nahirapang ang mga hukbong
British sa paggapi sa mga ito.
Saudi Arabia
-Dahil sa kalupitan at labis na paniningil ng buwis,
naghangad ng kasarinlan ang mga Arab mulasa mga
Turk. Noong 1744, nagsanib ang puwersa nina
Muhammad ibn Saud, isang pinunong Arab at
Muhammad ibn Abd-al-Wahhab, isang kleriko upang
makapagtatag ng alyansang politikal. Ito ang nagging
pundasyon ng dinastiyang namumuno ngayon sa Saudi
Arabia.