Tayutay

You might also like

You are on page 1of 2

Tayutay (Figures of Speech)

Aliterasyon – Ang unang titik o unang pantig ay pare-pareho.


Halimbawa:
1 Iniinganyo, inaakay, inaanod ang inang inapi ng inyong inpong.

2 Mababakas sa mukha ng isang mabuting mamamayan ang marubdob niyang pagtatangi sa mahal niyang bayan

3 Palabiro na palaboy sa pamayanan kaya kilala siya ng kanyang pamlya.

4 Minabuti ng magulang na mapagmahali siya nang sagayon mahalin siya ng maraming mamayan.

5 Kasing bait ng kalabaw ang kanyang kapitbahay dahil sa siyay kinagigiliwan ng lahat.

Anapora – Pag-uulit ng isang salitang nasa unahan ng isang pahayag o ng isang sugnay.
Halimbawa:
 Ang bagay ay gawa ng lahat,para sa lahat at galling sa lahat .
 Mas makapangyarihan ang pamahalaan ,kontrolado ng pamahalaan at dapat kang sumunod sa pamahalaan.
 Ang lahat ay may halaga,kahit anung liit nito ay may halaga kaya pahalagahan natin kahit kaunti man basta may
halaga.
Anadiplosis – Paggamit ng salita sa unahan at sa hulihan ng pahayag o sugnay.
Halimbawa:
 Kamatayan ko man siyay aking puriin.
Puriin ko ng siyay angkinin;

Angkinin ko ng siyay mahalin,

Mahalin ko ng kami ay magsaya.

 Kailangan kong gawin ng itoy baguhin


Baguhin koman ng itoy magisnan;

Magisnan ng lahat ng matalino,

Matalino ang mas nakakaalam.

 Ang lahat na bagay ay siyasatin


Siyasatin ang pinakamahalagang sundin;

Sundin moman na walang gawiin,

Gawiin ang nakakapagpalinaw sa lahat.

Epipora – Pag-uulit naman ito ng isang salita sa hulihan ng sunud-sunod na taludtod.


Halimbawa:
 Ang bagay ay gawa ng lahat,para sa lahat at galling sa lahat .
 Mas makapangyarihan ang pamahalaan ,kontrolado ng pamahalaan at dapat kang sumunod sa pamahalaan.
 Ang lahat ay may halaga,kahit anung liit nito ay may halaga kaya pahalagahan natin kahit kaunti man basta may
halaga.
Empanodos o Pabalik na Pag-uulit – Pag-uulit nang pagbaliktad ng mga pahayag
Katapora – Paggamit ng isang salita na kadalasang panghalip na tumutukoy sa isang salita o parirala na binanggit sa hulihan.
Halimbawa:
Siya ang nanalo sa patimpalak, sapagkat pinag handaan ito ni Daniel

Ang araw na iyon ay totoong maswerte sa akin. Lunes din nang ako’y gawaran ng unang gantimpala sa pag-awit

Pasukdol o Klaymaks – pataas na paghahanay ng mga salita o kaisipan ayon sa kahalagahan nito mula sa pinakamababa
patungo sa pinakamataas na antas.
Halimbawa:
 Nararamdaman na namin ang malamig na simoy ng hangin,ingay ng mga nangangaroling tuwing gabi,at makikita na
ang mga napakaliwanag na mga ilaw sa kalye na nagsisimbulong malapit na ang pasko.
 Biglang nawala ang liwanag na sikat ng araw, dumilim ang kapaligiran,na nagsisimbulong paparating na ang bagyo.
 Biglang naliliwanagan,nabigyan ng pag-asa ang madilim na kahapon sa isang nabiktimang bagyong Ondoy
Antiklaymaks- paggamit ng mga inihanay na pahayag ng damdamin kaisipan na may maliwanag na impresyon ng pagbaba ng
tindi ng kahulugan o ng ideya.
Halimbawa:
1. Alaala nya tila lumayo, nawala at napawi.
2. Nakipaglaban hanggang sa nawalan ng pag-asa.
3. Pagsisikap ng magulang napawi sa pariwarang anak.
Pagtanggi o Litotes – gumagamit ng katagang “hindi” na nagbabadya ng pagsalungat o di-pagsang-ayon. Ito’y may himig na
pagkukunwari, isang kabaligtaran ng ibig sabihin.
Halimbawa:
1 Siya ay hindi isang kriminal.
2 Hindi niya magawang magsinungaling sa panahon ng kagipitan.
3 Ang aking kapatid ay hindi isang taong walang dangal.

Pagsalungat - Isang pagpapahayag na kabaliktaran sa ibig ipahiwatig.

Hal :
Ang bait niya sana ay kunin na siya ni Lord.
Ang haligi ng tahanan ang siyang nagsilbing ilaw na nagsabog ng liwanag sa gitna ng kadiliman.

Pagtanggi
Halimbawa:
1. Hindi ko sinasabing mabagal ka magsulat, pero bakit hindi ka pa tapos.

MGA HALIMBAWA NG PAGLILIPAT-WIKA

 Masaya ang kulay ng kanyang damit.


 Nag-alay siya ng mga bulaklak sa ulilang libingan ng kanyang ina.
 Nanghihingi na ng kapalit ang kangyang kaawa-awang sapots.

You might also like