You are on page 1of 6

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon I
Dibisyon ng Pangasinan II
Binalonan

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8
S.Y. 2016-2017

Name:_____________________________Seksyon:_________ Petsa:___________
Skore:__________
I. Maramihang pagpili. Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Piliin ang angkop na sagot sa bawat bilang.
Isulat ang titik ng wastong sagot sa bawat patlang.
_______1. Ito ay nagbibigay palatandaan sa ibang tao ng tunay mong nararamdaman
a.)ang ating mga opinion b) ang ating mga kilos o galaw c) ang ating ugnayan sa kapwa d) ang mabilis
na pagtibok ng ating puso.
_______2. Paano ka makakaiwas sa pananakit ng taong dahilan ng iyong galit?
a)Suntukin na lamang ang pader b) kumain ng paboritong pagkain c) huwag na lamang siyang kausapin
muli
d) isipin na lamang na sadyang may taong nakasasakit ng damdamin ng iba.
_______3. Natututuhan ng isang bata ang pagsunod at paggalang sa pamamagitan ng sumusunod maliban sa:
a) Pagmamasid sa mga taong nasa paligid kung paano maging magalang at masunurin. c) Pagsangguni sa
mga taong kapalagayan niya ng loob at nakauunawa sa kanya. d) pakikinig at pagsasabuhay ng itinuro aral
ng mga magulang tunggkol sa paggalang at pagsunod.d) Pagkakaroon ng disiplina at pagwawasto ng mga
magulang at nakatatanda.
_______4.Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng nakasanayang gawi o ritwal sa pamilya?
a)Nagpapatibay ito ng presensiya ng pamilya. b) Naipagpapatuloy nito ang tradisyon ng pamilya
c)Nagbubuklod nito ang mga henerasyon. d) Naiingatan nito ang pamilya laban sa panganib.
_______5. Ano ang tamang pagpapakita ng pasasalamat? a) Paggawa ng kabutihang-loob sa kapwa kahit
naghihintay ng kapalit. b) Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa at pagsasabi ng pasasalamat
c) Pagpapahalaga sa kabutihan ng kapwa kahit alam mong ginagawa lang niya ang trabaho nito d) Pagsasabi
ng pasasalamat ngunit salat sa gawa..
_______6.Si Manuel ay isa sa kinikilalang mag-aaral na magaling sa pasulat na pagsusulit. Minsan nahuli siyang
may kodigo sa pagsusulit at nalaman ito ng kaniyang mga kamag-aral.An ang maaring bunga nito kay Manuel
kaugnay ng pagtingin sa kaniya na isang magaling na mag-aaral? a)Hindi siya pagbibigyang makakuha ng
pagsusulit b)Mas lalakas ang loob ng iba na mangodigo upang maging magaling na mag-aaral c)Hindi siya
paniniwalaan at pagtitiwalaan d)Hindi na siya kakaibiganin ng mga kamag-aral.
_______7. Paano mo mas higit na maipapakita ang paggalang sa mga taong may awtoridad? a)Unawain na
hindi lahat ng pagpapasya at mga bagay na dapat sundin ay magiging kaaya-aya para sa iyo. b) Ipaglaban
ang iyong karapatan lalo na kapag ikaw ay nasa katwiran. c) Ipahayag ang iyong pananaw upang maiwasto
ang kanilang pagkakamali
d) Suportahan ang kanilang mga proyekto at programa
_______8. Ano ang entitlement mentality? a)Ito ay paggawa ng ng titulo o parangal sa isang tao.. b)Ito ay
isang paniniwala o pag-iisip na anumang inaasam mo ay karapatan mo na bigyan ng dagliang pansin. c)Ito ay
ang pag-aabuso ng mga mamamayan sa kakayahan ng pamahalaan na tustusan ang kanilang pangangailangan.
d)Ito ay ang pagbibigay ng pangunahing pangangailangan ng mga tao.
_______9. Ang birtud ng pasasalamat ay gawain ng: a)kalooban b)isip c)damdamin d)konsensiya
_______10. Alin ang hindi kasama sa tatlong antas ng pasasalamat ayon kay Santo Tomas Aquinas?
a)Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa b)pagpapasalamat c)paggawa ng kabutihan sa ibang tao
bilang
pagbabalik sa kabutihang ginawa sa iyo. d)pagpapakita ng pagpapahalaga sa kapwa sa abot ng makakaya.
_______11. Alin sa sumusunod ang hindi magandang dulot ng pasasalamat sa kalusugan? a) Nagiging mas
pokus ang kaisipan at may mababang pagkakataon na magkaroon ng depresyon. b) Naghihikayat upang
maging maayos ang sistema ng katawan sa pamamagitan ng pagkakarron ng mas malusog na preyun ng dugo
at pulse rate. c)Nakapanghihina ng katawan dahil laging nag-iisip kung paano magpasalamat. d)
Nakapagdadagdag ng likas na anitibodies na responsible sa pagsugpo sa mga bacteria sa katawan.
_______12. Ang sumusunod ay mga pakinabang na dulot ng pasasalamat, maliban sa: a) Pagkakaroon ng
kagalakan dahil sa kinikilala mo ang mga kabutihang kaloob ng kapwa. b) Gumagaan ang pakiramdam sa
kabila ng pagsubok dahil nagiging positibo ka sa pananaw sa buhay. c) Pagkakaroon ng maraming kaibigan
dahil ipinakita mo ang pasasalamat sa kanila. d) Pagiging maingat sa mga material na pagpapala buhat sa
ibang tao.
_______13. Ang maagang yugto na ito ang pinakakritikal dahil kapag napabayaan, magtutulak ito upang
makasanayan na ang pagsisinungaling at magiging bahagi na ito ng kanyang pang araw araw na buhay.
a)edad 3 hanggang apat b) edad apat hanggang 5 c)edad anim hanggang pito d) lahat ng nabanggit
_______14. Ano ang isang halimbawa ng entitlement mentality? a) Ang hindi pagbabayad ng buwis ng mga
mamamayan kung hindi nakukuha ang sapat na serbisyo. b) Ang hindi pagbibigay ng pasasalamat ng mga
anak sa kanilang magulang c) Ang pagiging abusado sa kapwa sa paghingi ng tulong d) Ang kawalan ng
utang-na-loob sa taong tumutulong.
_______15. Ang sumusunod ay pagpapakita ng kawalan ng pasasalamat, maliban sa: a) Kawalan ng
panahon o kakayahan upang matumbasan ang tulong na natatanggap sa abot ng makakaya.
b) Pagpapasalamat nang hindi bukal sa puso. c) Hindi pagkilala o pagbibigay-halaga sa taong gumawa ng
kabutihan.
d) Paghingi ng suporta sa mga pangunahing pangangailangan dahil menor de edad
_______16.Alin ang tanda ng taong may pasasalamat? a) Si Maria ay kuntento sa kaniyang buhay kahit
simple lamang dahil alam niyang pahalagahan ang mga mabubuting natatanggap niya mula sa iba at sa Diyos.
b) Sa kabila ng mga pagpapalang natatanggap ni Rey, marunong pa rin siyang tumingin sa kaniyang
pinanggalingan. c) Nag-aaral nang mabuti si Jojo upang marating niya ang kaniyang pangarap. d) Laging
nagpapasalamat si Janet sa mga taong tumutulong sa kaniya kahit hindi bukal sa kaniyang kalooban.
_______17. Naipakikita ang paggalang sa pamamagitan ng _________. a) pakikibahagi sa mga gawaing
nakasanayan, b) pakikipag-ugnayan sa mga taong nakakahalubilo. c) pagbibigay ng halaga sa isang tao.
d) pagkilala sa mga taong naging bahagi ng buhay.
________18. Kung pagkatapos ng edad na tatlo hanggang apat, nagsisimula nang mahubog ang kilos-loob ng
isang bata, ang bata ay______. a) madaling makasunod sa mga ipinag-uutos ng kaniyang mga magulang,
b) nagkakaroon ng pagkilala sa kahalagahan ng pagsunod sa kaniyang buhay. c) nagkakaroon ng pag-
unawa sa kahalagahan ng mga tuntuning itinakda. d) kumikilos ayon sa mga ipinatutupad na utos ng
kaniyang mga magulang.
________19. Hinahangaan ni Jay si Danny sa taglay niyang kagalingan sa pamumuno. Nang si Danny ang
naging lider ng kanilang grupo, lahat ng sabihin ni Danny ay kaniyang sinusunod at ginagawa nang wlang
pagtutol, kahit pa minsan ay napapabayaan na niya ang kaniyang sariling pangangailangan. Ang kilos ni Jay ay
nagpapakita ng ______.
a) katarungan b) kasipagan c) pagpapasakop d) pagsunod
________20. Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag na, “Ang pagsunod ay pagkilos sa pagitan ng katwiran at ng
kakayahang magpasakop?” a)Ang marapat na pagsunod ay naipapakita sa pamamagitan ng pagsakop,
b) Kailangang sumunod at magpasakop dahil ito ang makatwiran at nararapat. c)Maipakikita sa
pamamagitan ng pagsuko ng sarili ang marapat na pagsunod sa mga ipinag uutos. d)May pagkakataon na
kailangang sumunod at magpasakop at may pagkakataong di kailangang magpasakop at sumunod

Para sa bilang 21-24. Tukuyin kung anong uri ng pagsisinungaling ang isinasabuhay ng mga
tao sa sumusunod na sitwasyon. Piliin ang pinakaangkop na sagot mula sa sumusunod na
pagpipilian. Isulat ang titik ng tamang sagot.
a. Pagsisinungaling upang pangalagaan o tulungan ang ibang tao
b. Pagsisinungaling upang isalba ang sarili upang maiwasan na mapahiya, masisi o
maparusahan
c. Pagsisinungaling upang sadyang makasakit ng kapwa
d. Pagsisisnungaling upang protektahan ang sarili kahit makapinsala ng ibang tao

_______21. Pumunta kayo sa kaarawan ng isang kaklase kasama ang inyong mga kaibigan. Hindi
nakapagpaalam sa kaniyang mga magulang ang iyong matalik na kaibigan dahil alam niya na hindi siya
papayagan. Ngunit dahil napasarap sa pakikipagkuwentuhan, hindi niya namalayan na gumagabi na pala. Alam
na pagagalitan siya ng kaniyang mahigpit na ama. Kung kaya kinausap ka niya upang magsinungaling sa mga
ito upang sabihin na ginabi kayo dahil ayaw mong mapahamak ang iyong kaibigan.
_______22. Ipinagkakalat ni Flor na ampon ang kanyang kaklase kahit na ito ay hindi naman totoo. Naiinggit
kasi siya rito dahil maraming tao ang nais na makipagkaibigan sa huli.
_______23. Kilala si Angelo sa kaniyang labis na pagiging madaldal sa klase. Madalas na nahuhuli siya ng
kaniyang guro na hindi nakikinig sa klase at sa halip ay kinakausap at ginagambala ang kaniyang kaklase.
Kapag siya ay nahuhuli ng guro, sinasabi niya na nadadamay lamang siya dahil palagi siyang kinakausap ng
kaklase.
_______24. Pinatawag sa paaralan ang magulang ni Joey dahil sa paglabag sa panuntunan sa paaralan. Sa
takot na mapagalitan, humanap siya ng ibang kakilala na magpapanggap na magulang niya.
_______25. Ang sumusunod ay mga dahilan sa pagsasabi ng totoo, maliban sa:
a) Mas magtitiwala sa iyo ang iyong kapwa. b) Ang pagsasabi ng totoo lamang ang magtutulak sa iyo upang
makaramdam ng seguridad at kapayapaan ng kalooban. c) Ang pagsasabi ng totoo ang magsisilbing
proteksyon para sa isang tao hindi upang masisi, maparusahan at masaktan d) Hindi mo na kinakailangang
lumikha pa ng maraming kasinungalingan para lamang mapanindigan ang iyong nilikhang kuwento.
Para sa bilang 26-29. Tukuyin kung anong pamamaraan ng pagtatago sa katotohanan ang
ipinakikita sa sumusunod na sitwasyon. Piliin ang pinakaangkop na sagot mula sa sumusunod na
pagpipilian. Isulat ang titik ng tamang sagot.
a. Pag-iwas c. Pagtitimping Pandiwa /mental reservation
b. Pananahimik d. Pagbibigay bg salitang may dalawang ibig sabihin o kahulugan

_______26. Kahit nasasaktan dahil sa pamimilit ng hindi kilalang tao na sabihin niya ang lugar kung nasaan ang
kaniyang ama ay hindi pa din nagsasalita si Alvin.
_______27. Iniiba ni Leo ang usapan sa tuwing tatanungin siya sa tunay niyang damdamin para sa kaniyang
mga magulang na matagal na nawala at hindi nakasama. Mas ipinararamdam na lang niya rito ang tunay niyang
nararamdaman.
_______28. Hindi tuwirang sinagot ni Ramil si Rene nang tanungin siya nito kung may gusto siya kay
Charmaine. Sa halip ay sinagot niya ito na magdadala kay Rene na mag-isip nang malalim at ang kaniyang sagot
ay maaring mayroong dalawang kahulugan.
_______29. Sinabi ni Joy sa kaniyang ina na pupunta siya sa bahay ng kaniyang kaibigan ngunit hindi niya
sinabi rito na malayo ang tirahan ng mga ito dahil alam niyang hindi siya papayagan ng mga ito.

II. Piliin ang wastong sagot mula sa hanay ng salita sa ibaba at isulat sa patlang ng bawat bilang ang wastong
sagot.

turo ng mga magulang kapwa ugnayan sa kapwa kaligayahan Kalooban Kanduli


Sinadya sa halaran utang na loob Islam Gratitude Pagtitimping Pandiwa
nakatatanda

30. Para kay Aristoteles, isang Griyegong Pilosopo, ang “ultimate end” o huling layunin ng tao ay
ang_____________.
31. Ang kabutihan o kagandahang loob ng indibidwal ay tunay na nag-uugat sa ______________.
32. Ang tao upang maging makatao ay nararapat na tunay na mabuti sa ______________.
33. Ang _______________ ay nagbibigay palatandaan sa ibang tao ng tunay mong nararamdaman.
34. Ang birtud ng pasasalamat ay gawain ng________________.
35. Ang _____________ay nangangahulugang paglalagay ng limitasyon sa tunay na esensiya ng impormasyon.
36. Ayon kay Fr. Albert E. Alejo, S.J., ang ______________ ay lumalalim kapag ang tumatanggap ng biyaya o
pabuya mula sa sinuman ay nakadarama ng matinding pananagutang mahirap tumbasan lalo na sa panahon ng
kagipitan.
37. Ang relihiyong __________________ay ipinakilala ng isang arabong misyonaro sa mga Pilipino sa Mindanao.
38. Isang pagpaparangal sa Birhen ng Immaculate Concepcion dahil sa mga biyayang natanggap ng Probinsya
ng Capiz at Siyudad ng Roxas.__________________
39. Parangal para kay Shariff Kabunsuan ng mga kapatid nating Muslin sa Mindanao.________________
40. ___________a sign of noble souls”
41. .Isa sa napakagandang bahagi ng kulturang Pilipino ay ang paggalang sa ________________.

III. Binagong tama o mali. Isulat sa patlang kung ang pangungusap ay nagsasaad ng katotohanan at palitan ng
wastong sagot ang salitang nasalungguhitan kung ito ay mali.

__________42. Sa kulturang Pilipino, mayroong kani-kaniyang pamamaraan ng pasasalamat sa mga


pagpapalang natatanggap.
__________43. Ang pasasalamat ay hindi lamang pinakadakilang birtud, ngunit magulang ng lahat ng mga
Birtud.
__________44. Ang kahihiyang tinataglay ng pamilyang nagbibigay dito ng awtoridad na dapat kilalanin ang
awat kasapi nito.
__________45. Ang pagpapakatao ay nag uugat sa kalikasan niyang magpakatao at ang kilos ng may
layunin.
__________46. Ang kagandahang loob ay pinag-uugatan ng mabuti at magandang pag-iisip, damdamin at
gawa ng tao habang namumuhay ito ng matiwasay.
__________47. Anumang uri ng pagsisinungaling ay kaibigan katotohanan at katapatan.
__________48. Ang pagsasabi ng kasinungalingan ang magtutulak sa iyo upang makaramdam ng seguridad
at kapayapaan.
__________49. May mga pangyayari na nagbubunsod sa tao upang itago ang katotohanan.
__________50. Mas binibigyang halaga ang gawa kaysa sa salita.
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon I
Dibisyon ng Pangasinan II
Binalonan

3rd PERIODIC TEST-EsP8


Key answer:

1. B 36. Utang na loob


2. D 37. Islam
3. A 38. Sinadya sa Halaran
4. A 39. kanduli
5. B 40. Gratitude
6. c 41. nakatatanda
7. a 42. Tama
8. B 43. Tama
9. A 44. karangalan
10. D 45. Tama
11. A 46. Tama
12. B 47. kaaway
13. C 48. katotohanan
14. B 49. Tama
15. D 50. Tama
16. A
17. C
18. C
19. C
20. D
21. A
22. C
23. D
24. B
25. D
26. B
27. A
28. D
29. C
30. Kaligayahan
31. Turo ng mga magulang
32. Kapwa
33. Ugnayan sa kapwa
34. Kalooban
35. Pagtitimping Pandiwa
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon I
Dibisyon ng Pangasinan II
Binalonan

TABLE OF SPECIFICATION
3rd PERIODIC TEST-EsP8

PAKSA Kaalaman Pag-unawa Paglalapat Pagsusuri Bilang Bahag Bilang


ng dan ng
Araw Aytem
Modyul 1:
Mga Angkop
at
Inaasahang
Kakayahan at 16,17,18,19 21,22, 1,2,3 4,38 6 30 15
Kilos sa 24,26, 27,29
Panahon ng
Pagdadalaga/
Pagbibinata

Modyul :2
Talento Mo,
Tuklasin, 11,20 23,28, - 5,6,7,31,32,33,34,35 5 25 13
Kilalanin at 30
Paunlarin

Modyul 3:
Pagpapaunla 40,41,42,43,44,45
d ng mga 12 - 46,47,48,49,50 5 25 12
Hilig

Modyul 4:
Ang Aking
Tungkulin 8,9,10,35,36,39
Bilang 13,14,15 25 - 4 20 10
Kabataan

Kabuuan 10 10 3 27 20 100 50

Inihanda ni:

MA.ANGELITA V. CORPUZ
MT-I, DRECMNHS
Pinatunayan nina:

BIENVENIDO Z. REYNO LEILANI GRACE M. REYES


HT-III, CPPNHS HT-III, SQNHS
Pinagtibay ni:
EMETERIO F. SONIEGA Jr., Ph. d
Education Program Supervisor
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon I
Dibisyon ng Pangasinan II
Binalonan

TABLE OF SPECIFICATION
3rd PERIODIC TEST-EsP8

PAKSA Kaalaman Pag-unawa Paglalapat Pagsusuri Bilang Bahag Bilang


ng dan ng
Araw Aytem
Modyul 1:
Mga Angkop
at
Inaasahang
Kakayahan at 16,17,18,19 21,22, 1,2,3 4,38 6 30 15
Kilos sa 24,26, 27,29
Panahon ng
Pagdadalaga/
Pagbibinata

Modyul :2
Talento Mo,
Tuklasin, 11,20 23,28, - 5,6,7,31,32,33,34,35 5 25 13
Kilalanin at 30
Paunlarin

Modyul 3:
Pagpapaunla 40,41,42,43,44,45
d ng mga 12 - 46,47,48,49,50 5 25 12
Hilig

Modyul 4:
Ang Aking
Tungkulin 8,9,10,35,36,39
Bilang 13,14,15 25 - 4 20 10
Kabataan

Kabuuan 10 10 3 27 20 100 50

You might also like