You are on page 1of 3

NASIPIT NATIONAL VOCATIONAL SCHOOL

Bayview Hill, Nasipit, Agusan del Norte

3rd Quarter Examination


ESP 9

Pangalan: _____________________________________ Taon at Seksiyon: _______________


Guro: Mayshell G. Mendoza Petsa: ________________________

I.Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang pinakaangkop
na sagot at isulat ang titik nito sa patlang.

A.

___1. Ano ang katarungan?

a. Paggalang sa sarili. b. Pagsunod sa batas. c. Pagtrato sa tao bilang kapwa. d. Lahat ng nabanggit.
___2. Ano ang tamang pagpapatupad sa katarungan?
a. Ikulong ang lumabag sa batas. b. Patawarin ang humingi ng tawad.
c. Tumawid sa tamang tawiran. d. Bigyan ng limos ang namamalimos.
___3. Sino ang may tungkuling ipatupad ang batas?
a. mamamayan b. pamahalaan c. pulis d. Lahat ng nabanggit.
___4. Bakit kailangan ng mga batas?
a. Upang matakot ang mga tao at magtino sila. b. Upang magabayan ang mga tao sa tamang
pagkilos. c. Upang parusahan ang mga nagkakamali. d. Lahat ng nabanggit.
___5. Alin sa mga sumusunod ang hindi makatarungan?
a. Ang pagbibigay ng bagsak ng grado sa hindi nakakatupad sa mga kakailanganin sa klase.
b. Ang pagpatay sa mga nahuling kargador ng droga sa Tsina
c. Ang pagbigay ng limos sa namamalimos sa kalye d. Wala sa nabanggit.
___6. Alin sa mga sumusunod ang pagpapamalas ng katarungan?
a. Pagsumbong sa guro ng kaklaseng nangongopya. b. Pagpapautang ng 5-6.
c. Pagturing sa mga fixer ng lisensya bilang kapwa-naghahanap-buhay. d. Wala sa nabanggit.
___7. Ang mga sumusunod ay mga panukalang makatarungan maliban sa:
a. “Mata sa mata, ngipin sa ngipin.” b. “Kunin mo lamang ang kailangan mo.”
c. “Walang sala hanggat hindi napapatunayang nagkasala.” d. “Tulungan ang lahat ng nanghihingi
ng tulong.”
___8. Ang katarungang panlipunan ay:
a. ideyal lamang at hindi mangyayari sa talaga. b. ukol sa parehong komunidad at sarili.
c. pinatutupad ng pamahalaan. d. Wala sa nabanggit.
___9. Nagsisimula ang katarungang panlipunan sa:
a. sarili. b. pamahalaan. c. lipunan. d. Diyos.
___10. Nakapaloob sa katarungang panlipunan ang mga sumusunod:
a. batas, kapwa, sarili. b. Diyos, pamahalaan, komunidad.
c. baril, kapangyarihan, rehas. d. batas, konsensya, parusa.
B.
___1. Maganda ang pagkakagawa ng mga bag na yari sa tetra pack ng juice ng pamilya nina Suzanne.
Mabenta ang mga ito lalo na yung mga bag na may iba’t ibang kulay at disenyo. Alin sa mga
sumusunod na pahayag ang nagsasabuhay o nagpapakita sa kagalingan ng tao sa paggawa?
a. Nagiging malikhain ang tao sa paggamit ng kanyang mga kakayahan
b. Nakagagawa ng paraan ang tao upang iangat ang kanyang pamumuhay
c. Nagkakaroon ng pagkakataon ang tao na magsama-sam sa mithiin ng lipunan
d. Nagkakaroon ng kadahilanan ang tao upang mabuhay
___2. Inilunsad ng isang kilalang kumpanya ng softdrinks in can ang proyektong “Ang latang naitabi mo,
panibagong pamatid uhaw ang dala nito sa iyo” upang makaipon ng maraming lata na ido-donate
sa Tahanang Walang Hagdan. Ang programang ito ay tumutugon sa mga pagpapahalagang
mayroon ang pagawaan o ang kumpanya sa paglikha ng isang produktong may kalidad at
nakikibahagi sa lipunan, lalo na sa mga may kapansanan. Kung ikaw ang lilikha ng produkto alin sa
mga sumusunod ang dapat mong isaalang-alang?
a. Gumawa ng produktong kikita ang tao b. Gumawa ng produktong makatutulong sa tao
c. Gumawa ng produktong magpapabago sa buhay ng tao
d. Gumawa ng produktong ayon sa kalooban ng Diyos
___ 3. Laging pagod si Katrina sa trabaho niya bilang tagaluto at tagahugas ng plato sa pinapasukang
karinderya pero hindi ito nagrereklamo at nagpapabaya sa kanyang tungkulin. Paano
isinasabuhay
ni Katrina ang kagalingan niya sa paggawa?
a. Ginagawa niya nang may kahusayan ang kanyang tungkulin
b. May pagmamahal at pagtatangi siya sa kanyang katrabaho
c. Ang kaganapan nang kanyang pagiging mabuting manggagawa ay kaganapan ng kanyang
pangarap
d. Ang pagnanais na magkaroon ng karagdagang benepisyo sa trabahong ginagawa
___4. Sa pagreretiro ni Mang Rene binigyan siya nang mga benepisyong hindi niya inaasahan ng
pabrikang kanyang pinaglingkuran ng mahigit sa 40 taon, bukod dito binigyan din siya nang plake
ng pagkilala bilang natatanging manggagawa ng pabrika. Ang pagtanggap ba nang benepisyo at
pagkilala ni Mang Rene ay palatandaan ng kagalingan niya sa paggawa?
a. Oo, sapat na basehan ang 40 na taon niyang paglilingkod
b. Hindi, binibigay talaga ang parangal at benepisyo sa isang manggagawa sa oras na siya ay
magretiro bilang bahagi nang kanyang karapatan bilang isang manggagawa
c. Oo, hindi ibibigay ng isang kumpanya ang pagkilala at benepisyo sa manggagawang hindi
nararapat bigyan o gawaran nito
d. Hindi, binigay lang ang parangal upang maging masaya si Mang Rene dahil sa edad na mayroon
siya
___5. Hindi natapos ni Baldo ang kanyang kolehiyo dahil sa hirap ng buhay. Sa kabila nito siya ay
matagumpay dahil sa negosyong kanyang itinayo at pinaunlad. Naging madali ito para sa kanya
dahil ito ay ayon sa kanyang gusto at hilig. Ano ang katangian ang mayroon si Baldo?
a. Masipag, madiskarte at matalino b. May pananampalataya, malikhain, may disiplina sa sarili
c. Maganda ang relasyon niya sa Diyos, may pagpapahalaga sa sarili, kapwa at bansa
d. May angking kasipagan, pagpupunyagi at tiwala sa sarili
___6. Malapit na ang pasko, abala na ang mga gumagawa ng mga palamuti dekorasyong siguradong
mabenta. Ano ang magandang motibasyon na dapat isaalang- alang nang gumagawa ng mga ito?
a. materyal na bagay at pagkilala ng lipunan b. personal na kaligayan na makukuha mula dito
c. pag-unlad ng sarili, kapwa at bansa d. kaloob at kagustuhan ng Diyos
___7. Pinalitan ni Lesie ang nagretirong punong-guro ng kanilang paaralan. Marami ang nagsasabing
hindi niya kayang higitan ang kabutihang nagawa at tagumpay na narating ng huli. Alin sa mga
sumusunod ang dapat niyang linangin upang mapatunayan na siya ay karapat-dapat sa posisyong
ibinigay sa kanya?
a. Magpakumbaba at ipagpatuloy ang mga programang nasimulan ng dating punong- guro
b. Gamitin ang ganda, angking karisma, talino at kasipagan
c. Maging masipag, masigasig at malikhain sa pagsasabuhay nang kanyang trabaho
d. Sundin ang payo at gusto ng mga matatandang guro upang maging maganda ang relasyon
___8. Bata pa lang si Juan Daniel pinangarap na niyang maging isang guro tulad ng kanyang mga
magulang. Alin sa mga sumusunod ang dapat niyang isaalang-alang upang maging madali sa kanya
na upang maabot ang pangrap at sa huli’y magkaroon ng kagalingan sa paggawa?
a. Maging masipag, magpunyagi at magkaroon ng disiplina sa sarili
b. Magkaroon ng sapat na kaalaman sa paghawak ng pera at paraan ng paggastos
c. Maging matalino, marunong magdala ng damit, magaling makipag-usap
d. Magkaroon ng kakayahang kontrolin ang sarili sa lahat ng pagkakataon
___9. Hindi naging madali kay G. Sandy Javier ang pagpapaunlad ng Andok’s, sa kabila nito
napagtagumpayan pa rin niya ito. Paano kaya tinignan ni G. Javier ang pagkabigong dinanas kaya
ito nagtagumpay?
a. Itinuring niya itong hamon na kailangang malampasan
b. Pinag-aralan ang sitwasyon at pinag-isipan ang gagawing hakbang
c. Ang pagkabigo ay paraan ng pagsusulit sa kanya
d. Ang pagkadapa ay hindi senyales upang tuluyang malugmok
___10. Maganda ang binitawang hamon ng Tagapagsalita sa mga mag-aaral na magtatapos sa taong ito
bilang susi upang maiangat ang sarili, pamilya, kapwa at bansa sa kabuuan. Alin ang maaaring
maging instrumento upang maisabuhay ito?
a. Gumawa ng produkto o gawaing para sa tao at sa Diyos
b. Gumawa ng produkto o gawaing na pagkakakitaan
c. Gumawa ng produkto o gawaing makatutulong sa tao at bansa
d. Gumawa ng produkto o gawaing magiging intsrumento ng kapayapaan
C.
___1. Mula sa saknong ng isang tula “Marami ang nagtuturing mahirap daw itong buhay, Araw- araw ay
paggawang tila din walang humpay; Datapuwat isang pantas ang nagbadya at nagsaysay;
Tagumpay ay nakakamit kapag tao ay masikhay”.
a. Mahirap ang buhay kaya’t ang tao ay kinakailangan na magtiis.
b. Kahit mahirap ang buhay ang tao ay dapat na maging marangal.
c. Sa kabila ng kahirapan, ang tao ay kinakailangan na maging masipag.
d. Mahirap man ang buahay ang tao ay hindi dapat mawalan ng pag-asa.
___2. Ang mga sumusunod ay kahulugan ng kasipagan maliban sa:
a. Ito ay pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain na mayroong kalidad.
b. Ito ay pagtingin ng kasiyahan at positibo sa isang gawain
c. Nakatutulong ito sa tao sa kaniyang pakikipagrelasyon sa kaniyang gawain, kapwa at lipunan.
d. Tumutulong ito sa tao na malinang ang mabubuting katangian tulad ng tiwala sa sarili,
mahabang pasensya, katapatan at disiplina.
___3. Si Rony ay sadyang masipag, hindi siya nagmamadali sa kaniyang mga gawain at sinisiguro niya na
magiging maayos ang kalalabasan nito. Ano kayang palatandaan sa kasipagan ang taglay ni Rony?
a. Hindi umiiwas sa anumang gawain b. Ginagawa ang gawain ng may pagmamahal
c. Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa d. Hindi nagrereklamo sa ginagawa
___4. Ang isa sa palatandaan ng taong nagtataglay ng kasipagan ay hindi umiiwas sa anumang Gawain
Alin sa mga halimbawa ang nagpapakita nito?
a. Si Marife ay hindi na kailangan pang utusan ng kaniyang ina sa gawaing bahay. Siya ay
gumagawa ng mayroong pagkukusa.
b. Si Jazmine ay palaging nagbibigay ng kaniyang malasakit sa anumang gawain na ipinapagawa
sa kaniya ng kaniyang ina.
c. Masipag na mag-aaral si Hans, sa tuwing siya ay nag-aaral ay ibinibigay niya ang kaniyang
panahon at oras dito ng buong husay.
d. Sa tuwing gumagawa ng proyekto sa paaralan si Marianne ay hindi niya ginagawa ito basta
lamang matapos, kundi naghahanap siya ng perpeksyon dito.
___5. Ito ay pagtitiyaga na maaabot o makukuha ang mithiin o layunin sa buhay na may kalakip na
pagtitiyaga, pagtitiis, at determinasyon.
a. Kasipagan b. Katatagan c. Pagsisikap d. Pagpupunyagi

II. Bigyan ng kahulagan ang sumusunod na salita. At ipaliwanag kung gaano ito kahalaga.

1. KATARUNGAN
2. KASIPAGAN
3. PAGPUPUNYAGI
4. PAGTITIPID AT WASTONG
PAMAMAHALA SA NAIMPOK

Inihandi ni:

Gng. Mayshell G. Mendoza

You might also like