You are on page 1of 15

Ang Halaga ng Pakikipagkapwa-Tao sa Pagiging Moral

Pambungad

Isang malaking ambag ang teorya ni Immanuel Kant ukol sa moralidad. Hindi lamang sa
pilosopiya, kung hindi pati na rin sa kamulatan ng maraming palaisip ang kaustusang walang-
pasubali (categorical imperative) bilang batayan kung paano kumilos nang moral. May tatlong
pormulasyon ang batayan ni Kant. Ito ay ang unibersal, “end-in-itself,” “autonomy” o
awtonomiya. Sa papel na ito, nais kong bigyang linaw ang halaga ng kapwa-tao sa pagkakaroon
ng angkop na kilos sa pamamagitan ng pakikipagkapwa-tao. Sinabi ni Kant na “Kumilos sa
pamamaraan na palaging tratuhin ang sangkatauhan, kahit na sa sarili mong katauhan o sa
katauhan ng iba, hindi lang simpleng kasangkapan, kung hindi bilang isang pakay,”1 at ito ang
ipinapaliwanag sa pangalawang pormulasyon. Bagamat marami pa, pero ito lamang sa ngayon
ang nakita ko sa kanyang mga sinabi na may pagbigkas o mas malapit sa kilos ng
pakikipagkapwa-tao o may ugnayan sa kapwa-tao. Hindi masyadong malinaw ang sinabi ni Kant
sa pakikipagkapwa-tao, ngunit hihimay-himayin natin hanggat makikita natin kung may sinabi
nga siya sa pakikitungo sa kapwa-tao, lalong lalo na sa kanyang pangatlong purmolasyon.

Babanggitin ko sa papel na ito si Emanuel Levinas hindi para ilahad ang kanyang buong
pamamaraan, kundi nais ko lamang bigyang hugis ang halaga ng kapwa gamit ang pag-uunawa
niya bilang pangsalo sa mga katanungang bumabagabag sa pag-uunawa ko kay Kant. Kung ang
layunin ni Kant sa kanyang kautusang walang pasubali ay maging batayan sa angkop na kilos
para sa pangkalahatan, kay Levinas naman ay may pagtukoy sa indibidwal. Gayunpaman, mas
tututokan ko lamang ang halaga ng kapwa o ang relasyon ng ako at ang kapwa-tao. At kung
gayo’y hindi ko lubusang gagamitin si Levinas sa kabuohan ng papel na ito. Isa lang itong
pagsusumubok linawin ang mga katanungang bumabagabag sa pag-uunawa ko sa teorya ni
Kant. Ang halaga ng ugnayang loob-sa-loob ay hindi gaanong nabigyang diin ni Kant dahil tutok

1
Act in such a way tha you always treat humanity, whether in your own person or in the person of other, never
simply as ameans, but always at the same time as an end. J.B. Schneewind, Autonomy, obligation, and virtue: An
overview of Kant’s moral philosophy, (Groundwork 4:429/96), Paul Guyer, The Cambridge Comapnion to Kant, p.
322.

1
lamang siya sa sariling kakayahan at sa kilos na maging moral, na tinutukan naman ni Levinas.
May pagbanggit nga sa kapwa ang kanyang pangalawang pormulasyon, pero hindi pa rin
gaanong malinaw o nabigyang hugis ang kapwa-tao bilang tao mismo na nakakaranas ng
kasiyahan, kalungkutan o bilang tao na may imosyon dahil sa ating pakay mismo o linalayon na
natin ang kapwa upang magkaroon ng kilos moral. Para sa akin, ang nangyayari sa pamamaraan
ni Kant ay, nawawala na ang halaga din mismo ng sitwasyon, isang sitwasyon na may
inaangkupan ang ating sarili, dahil inuunahan na tayo sa pagkakaroon ng kilos moral.

Kung gayon, susubukan ko sa papel na ito na bigyan ng hugis ang halaga ng kapwa-tao
gamit ang batayan ni Kant sa moralidad, ang kanyang kautusang walang pasubali lalong-lalo na
nag pangalawang pormulasyon: awtonomiya, at ang partikular o indibidwal na batayang moral
ni Levinas. Ilalahad ang posibilidad ng dalawang batayang moral na ito upang gamitin sa ideya
ng pakikipagkapwa-tao.

Katawan

Kung titingnan natin ang na sinabi ni Kant ayon sa nakalap ko, tanging ‘kilos’ lamang ang
pumapagitan sa akin at sa aking kapwa. Ang nangyayari dito ay ang ako na mismo ang nagiging
batayan sa pakikitagpo sa kapwa, sa madaling salita, nagiging paraan lamang ang kapwa sa
paggawa ng mabuti at angkop na kilos, ako bilang pumapataw sa angkop na kilos para sa kapwa
dahil sa pagnanais kong naisin din ng iba ang ninanais ko. Pero inaamin nga ni Kant na ang
moralidad ay nangangailagan ng antropolohiya para magamit sa tao (qtd. In Louden), na kahit
nga nasa sarili mismo ang batayang moral, ngunit nabanggit din niya na nangangailangan din ng
pag-aaral tungkol sa tao o sa antropolohiya upang maisagawa ang teoryang ito. Upang lubos
nating maunawaan ang kautusang walang-pasubali (categorical imperative) ni Kant, mas ilahad

pa natin ang mga argumentong sumusuporta sa teorya niya. Nabanggit niya ang maxim2 bilang
prinsipyong palaging sinusunod, basehan sa kautusang walang-pasubali na mapasalahat o
nanaisin din ng lahat ang ninanais natin. Sa bahaging ito, mas lahad na ang salitang kapwa
bilang paraan upang maisagawa ang maxim, upang mapasalahat ito. Sa hindi maitatangging

2
The categorical imperative requires an individual to obet a maxim which can, without contradiction, be willed to
be a rule for everyone, Theodore denise, Sheldon Peterfreund and Nicholas White, p. 48.

2
usapan, may posibilidad na matatanggalan ng halaga ang tao. At kung sisisirin pa natin ang
usaping ito, hindi ba ninanais sa kilos na ito na nanaisin ng kapwa ang ninanais mong mabuti?
Ibig sabihin, ginagawa na rin sa puntong ito ang kapwa bilang ako na sumunod sa ninanais ko sa
hindi masyadong hayag na pamamaraan. Ang punto dito, ang batayan ay nakadepende lahat sa
akin, sa sarili, at sa pag-iral o presensya ng kapwa pinapataw ang batayang ito.3 Sa madaling
salita, may pagbanggit pa rin sa kapwa ang pamamaraan ni Kant. Dagdag pa nito ay ang sinabi
ni Louden na empirikal o antropolohikal na kaalaman ay palaging kinakailangan kung gagamitin
natin ang teoryang moral sa buhay ng tao, at sa maraming pagkakataon hindi lang sa partikular
na tao, kundi pati rin sa partikular na pangyayari.4 Kung uunawain pa natin ang sinabi ni Louden
na nangangailangan ng empirikal o antropolohikal na kaalaman, tumataliwas na ang
purmolasyon ni Kant, ang awtonomiya, na nasa mismong sarili ang batayang moral. At heto
nga, lumalabas na may pagkagat pa rin ang teorya niya sa mga pangaraw-araw na pangyayari sa
buhay ng tao, sa katalagahan. Kung may pag-amin nga siyang hiwalay sa kapwa ang batayan
niya, pero bagkos, hindi ito maisasagawa kung wala ang pag-alam sa antropolohikal o emperikal
na katayuan ng tao. Hindi ko pinapakita na mali ang pamamaraan ni Kant, ngunit hindi
maiiwasan na sangkot ang kapwa upang ipataw ang teoryang ito. Hindi lang tao sa tao, kundi
pati na rin sitwasyon ay kailangan sa paggawa ng angkop na kilos.

Hindi maikakaila na isang maayos ang teorya ni Kant, at mas katanggap-tanggap nga ito
dahil hindi hiwalay sa natura ng tao ang mga katangiang sangkot dito; ang kakayahang mag-isip
ang kumilos sa angkop na pamamaraan. Ngunit nawawalan pa rin ng indibidwal na halaga ang
kapwa sa pamamaraang hindi gaanong hayag sa kamalayan ng kapwa-tao. Paano kung
mayroong nadapa malapit sa akin? Sa ganitong sitwasyon, mas magandang sabihin na umiikot
ang pamamaraang ito sa salitang “If” at “then” o sa salitang tagalog ay “kung” at “kaya.” Parang
tinutukoy dito na, kung tutulong ako sa kapwa, nanaisin ko din na ang pagtulong ko ay gawin
din ng iba o tumulong sa ganitong uri ng sitwasyon. Kaya sa madaling salita, tutulungan ko ang
taong nadapa. Ngunit sa pagkakataong ito, naiiba na ang pagtingin natin sa kapwa. Nagiging
isang pamamaraan na lamang ang kapwa sa paggawa ng mabuti. Nagiging tulay na lamang ang

3
Robert B. Louden, Did Aristotle and Kant Produce Moral “Theories”?, p. 102.
4
Robert B. Louden, Did Aristotle and Kant Produce Moral “Theories”?, p. 103.

3
kapwa sa aking ninanais, ang pagnanais na kumilos ng mabuti at angkop. Paano naman ang
sitwasyong kinakailangan kong tumulong dahil ito ang hinihingi ng sitwasyon? Kinakailangan ko
pa bang unawain ang isang sitwasyon upang tumulong o kinakailangan ko pa bang sa lahat ng
ginagawa kong mabuti ay may pagnanais na naisin din ito ng kapwa? Ang nangyayari dito ay
minamanipula na natin ang kapwa upang ganapin ang pagpapakamoral. Parang nag-aanyong
bulag ang ako na pumaptaw sa kapwa. Bakit bulag? Dahil hindi ko na kinakailangang pang
tumingin sa kapwa ko tao para maging moral, basta lang magawa ko ang tungkulin ko at
magkaroon ng kilos na moral, at nagiging bulag ang sarili nito. Ang tanging gagawin ko lang ay
mag-isip at magpakamoral. Parang gumagawa ako ng eksperemento, at paano ko ito
mapapatunayan na gagana ang eksperemento ko? Sa kapwa-tao! Sa pamamagitan ng kapwa,
sinusubukan kong paganahin ang aking eksperemento. Ang inutukoy ko dito ay ang mismong
daloy ng kautusang-walang pasubali. Maaaring maging paraan na lamang ang kapwa-tao sa
panggawa ng mabuti o kilos moral, dahil nauunahan na tayo sa layuning kilos moral.

Sa isang banda, isang maayos na pamamaraan ang kautusang walang-pasubali ni Kant,


dahil nagiging totoo ang tao sa kanyang sarili sa pakikitungo niya sa kapwa. Ngunit ang kilos
pagpapakamoral na ito ay isa na ring hindi pagbaling sa halaga ng indibidwal maliban sa ako.
Ang tanong, nasan na ang pagpapahalaga, sa kilos moral na ito, sa indibidwal dito o sabihin na
lang natin kapwa-tao na siyang palaging nakikitagpo sa atin araw-araw? Nababahiran na ng
intensyong magpakamoral ang ating kilos, at kung ganito ang pamamaraan ng kautusang
walang-pasubali na ako na ang sentro, ang sarili kong batayang moral para sa pangkalahatan at
walang pagtukoy sa partikular na sitwasyon o partikular na tao, indibidwal. Parang sinasabi na
rin dito na hindi ko na kailangan ang kapwa-tao para maging moral, pero ayon nga, palaging

sangkot ang presensya ng kapwa sa sistemang moral na ito o sa pagpataw ng teoryang5 ito.
Ayon nga kay J.B. Schneewind,

5
One thing that antitheoriests mean by theory is an intellectual project that is preoccupied with highly abstract,
universal rules and principles, one that, as a result, fails to take seriously both the particular perceptions of
individual moral agents and the local practices of moral communities, Robart B. Louden, Morality and Moral
Theory, Pp. 88-89.

4
“Kung ang kahustuhan ng kautusang walang pasubali sa relasyon ng dalawang tao ay
mahirap tiyakin, paano pa kaya kung ito ay gagamitin sa pangmalakihang soyal na paksa.
Inakala ni Kant na ang paggawa ng indibidwal na desisyon ay makakapatnuaby sa mga
tao sa ugnayang kilos para sa pangkalahatang kapakanan. Ito ay labis na nakakapagtaka.
Hindi ito sumusunod, gayonpaman, na wala ng paraan na baguhin ang Kansyanong
prinsipyo para ito ay makapaghawak ng anomang paksa sa pamamaraang mapanatili
ang kahulugan ng pormulasyon ni Kant.”6

Hindi sapat ang sariling batayan o ang makasariling batayang moral na walang gaanong
pagbaling sa kapwa na siyang maging batayan din upang mapasalahat ito. Maaari nating
titignan ang usaping ito na, “Oo, nag-iisip ako at nauunawaan ko kung ano ang mabuti at hindi
mabuti sa pakikitungo ko sa kapwa,” pero ayon nga sa mga nabanggit ko, nawawalan ng halaga
ang kapwa tao dahil sa pagnanais nating maging moral o nauunahan na tayo sa layuning maging
moral. Kung ating iisipin, paano tayo nakakaunawa kung tama ba o mali ang ating ginagawa?
Dahil may kapwa-tao o nakabatay ang ating nakasanayang pag-uunawa ng tama at mali sa ating
pakikitungo sa kapwa-tao at sa lipunan. Mali bang pumatay ng halaman, kahoy o hayop kung
kinakailangan ang mga ito upang mabuhay tayo? O tama bang pangalagaan ang kalikasan dahil
nabubuhay din sila? Sa tao lamang tayo nakakaunawa o natatauhan kung ano ang tama o mali,
kaya nga maraming palaisip na nakabuo ng samot-saring teoryang moral upang ipaliwanag ang
halagang ugnayang tao sa tao. Hindi ko sinasali ang usaping etika ng kalikasan dito, nais ko
lamang linawin at ipakita ang kalaliman ng ugnayan natin sa kapwa-tao. Pero ang mahalagang
punto dito ay kabit na kabit sa pakikitagpo natin sa kapwa-tao ang tinatawag nilang moralidad,
at ito ang nagpapanatili sa maayos na pakikitungo sa bawat isa.

Nakikita natin ang kautusung walang pasubali ay may sosyal na implikasyon. Dapat
nating tratuhin ang lahat na taong umiiral bilang layunin mismo, hindi kasangkapan lamang

6
If the adequacy of the categorical imperative for csaes involving only relations between two people is hard to
determune., its adequacy for helping settle large-sacle social issues is even more so. Kant thought that individual
decision making would be able to guide people to coordiante action on matters of general concern. This seems
extremely doubtful. It does not follow, however, that there is no way of recising the Kantian principle so that it
might handle such issues in a way that preseves the intent of Kant’s own fo0rmulation. J.B. Schneewind,
Autonomy, obligation, and virtue: An overview of Kant’s moral philosophy, p. 325.

5
para sa layunin. Sa madaling salita, kinakailangan nating respetuhin ang lahat ng tao na walang
pinapanigan, at iwasang gamitin ang sino man ayon ni Theodore.7 Ngunit hindi natin kayang
manipulahin ang kapwa-tao sa paraang respesto. Ang kautusang walang-pasubali ay isang uring
pagpapalagay na gawin din ng kapwa-tao ang mabuti mong ginagawa. Mas malapit nga ang
pangalawang purmolasyon ni Kant sa pakikipagkapwa-tao, pero inuunahan pa rin ng pagnanais
ng mabuti upang ito ay mapasalahat. Ang pangalawang pormuasyon niya, ang end-in-itself ay
pagpapalagay na hinding-hindi kailaman mapanghahawakan ang kapwa-tao, ayon nga sa
kanyang nabanggit bilang pamamaraan sa layunin o pakay. Oo, nakikita pa rin sa aktong ito ang
respeto, pero isang kilos na lamang ang respeto. Bumababaw na ang kahulugan ng salitang
respeto, at hindi na ito nadadama, kundi nakikita na lamang. Para bagang ang nangyayari ay
nerirespeto kita dahil may hangarin ako, hangaring maging mabuti at mapasalahat ito. O di
kaya’y nerirespeto kita dahil kahit anong gawin ko; magpakabuti, magpakamoral sa harap mo,
kailanman ay hinding-hindi ko mapanghahawakan o mapapasaakin ang loob (will) mo, kaya
marapat lamang na respetohin kita. Sa madaling salita, nagiging pamamaraan na rin ang
respeto natin sa kapwa upang maging moral. Kung titignan natin ang lahat ng pakikitungo sa
kapwa, maaaring ang respeto8 ang siyang isang pumapagitan sa pagkakaroon ng angkop na kilos
o moral na kilos. Kahit nga sabihin natin na nasa mismo sarili ang batayang moral, pero hindi pa
rin hiwalay ang katangiang ito sa pakikitungo natin sa kapwa-tao. Ang kilos na ito ay hindi lang
basta-basta pinapataw, kundi may kaakibat din itong pagtingin sa kapwa. Kung atin pang
sisisirin ang salitang respeto, hindi ba’t may kaugnayan ito sa mismong kapwa? Hindi ka lang
basta-basta rumirespeto dahil gusto mo o dapat, kundi may tinutugunan ka. Kabit na kabit din
ito sa pakikitungo natin sa kapwa-tao. At dito din natin unti-unting mauunawaan kung bakit
ganito ang ating pakikitungo sa kapwa-tao. Hindi lang sarili mo ang nagdidikta para kumilos ng
mabuti, kundi kabit ito sa kapwa. Ayon nga kay J.B. Schnewind na kung ganito ang pamamaran
ng kautusang walang-pasubali na sa pamamagitan ng respeto natin sa kapwa-tao, inaakay dito
si Kant na mag-isip na kung kikilos ako sa anomang motibo (motive) na hindi bumabaling sa
respeto, gumagawa lang ako ng anomang bagay na gusto ko. Ang kilos ko ay maaaring mabuti,
pero ito’y isang walang katiyakan. Kahit na wala akong ispesyal na pagtingin sa moralidad kung

7
Theodore denise, Sheldon Peterfreund and Nicholas White, Great Tradition in Ethics, p. 194.
8
Respect is a concern not for the ends or goods of action, but for the form, J.B. Schneewind, p. 326.

6
napapakilos ako nito sa sarili kong kagustuhan, at naipakita ito sa mabuting kilos sa hindi
motibong moral, mas nagkakasundo pa ang interes ko at moralidad. Kaya nga wala akong
karapatang tumanggap ng papuri maliban kung kikilos ako mula sa respeto. Ang kilos mula sa
respeto ay nag-iisang uri na kilos nagpapakita ng tunay na pagtingin sa moralidad.9 Dito mas
lumilinaw na hindi layunin ang respeto natin sa kapwa-tao sa pagpapakamoral. Ayon nga sa
unang nabanggit ko, hindi sangkap ang respeto sa pagpapakamoral, dahil kung ganito
dumadaloy ang pamamaraan ni Kant, lubhang nawawalan ng diwa ang respeto natin sa kapwa-
tao. Sa bahaging ito, lumalapit tayo sa usaping pakikipagkapawa-tao.

Ang panghuling purmolasyon ni Kant ay ang otonomiya10 na ibig sabihin ay galing sa


sarili mismo ang batas moral. Isang batas na nasa sarili, na ako mismo ang bumobuo. May
dalawang bahagi ang batayang ito. Una ay ang pagiging makasarili na walang panglabas na
kapangyarihang pangangailangan na mag-utos sa atin upang magpakamoral at ang pangalawa
ay ang sariling pamamahala, at sa mabisang paraan, kaya nating kontrolin ang ating sarili.11
Naging malaking impluwensya ang batayang ito sa panahon ng kaliwanagan, at nabuksan ang
kakayahan ng taong umunawa sa lebiral na pamamaraan. Sa madaling salita, nagbunga din ito
ng hindi totoong relasyon sa kapwa-tao o sa pakikitungo sa kapwa-tao. Maaaring isa itong
hadlang sa pakikipagkawa-tao. Bakit? Dahil sa purmolasyong ito, tanging sarili na lamang ang
nagdidikta kung ano ang angkop na kilos. Ang pinakamasalimuot pa ay, nawawala na ang
pagtingin natin sa kapwa-tao. Kung ang unibersal na batayan ay may pagtukoy sa kilos upang
mapasalahat, at ang “end-in-itself” ay may pagtingin sa halaga ng kapwa sa mababaw na
ugnayan, ang awtonomiya naman ay ang pagiging sarado ng sarili sa dikta ng kapwa-tao sa
panlabas na anyo. Oo, isang maayos na pamamaraan ito dahil nagiging tao ang tao, nag-iisip,
pero hindi na rin siya nagiging bukas sa kapwa. Dito makikita natin na walang gaanong
pakikipagkapwang nangyayari o ugnayang tao-sa-tao at loob-sa-loob, dahil naging sarado ang
sarili sa mga posibilidad sa kanyang pakikitagpo sa kapwa-tao. Kahit nga Diyos ay hiwalay na,

9
J.B. Schneewind, Autonomy, obligation, and virtue: An overview of Kant’s moral philosophy, p. 327.
10
At the center of Kant’s ethical theory is the claim that normal adults are capable of being fully self-governing in
moral matters. In Kant’s terminology, we are “Autonomous.” J.B. Schneewind, Autonomy, obligation, and virtue:
An overview of Kant’s moral philosophy, p. 300.
11
J.B. Schneewind, Autonomy, obligation, and virtue: An overview of Kant’s moral philosophy, p. 309.

7
dahil sa paraang ito, kaya nang manindigan ng tao sa kakayahang mag-isip dala na rin ng
modernong panahaon o panahhon ng kaliwanagan. Sa kabilang dako, Oo, nagiging mulat ang
tao sa kanyang kakayahang mag-isip. Pero ang tanong, napapahalagahan pa ba sa ganitong
paraan ang kapwa-tao? Buhay pa ba ang kalikasan nating makipagkapwa-tao kung ang iniisip
lang natin ay nag sariling kakayahan sa pagkakaroon ng kilos moral at batayang moral na
ipinapataw natin sa ating kapwa? Naging bulag ang sarili sa halaga ng kapwa. Sumusunod na
kinakailangan nating ihiwalay ang ating sarili sa kapwa-tao at sa kontekstong ginagalawan natin.
Walang karahasang12 pisikal ang nangyayari sa batayang ito, ngunit hindi natin nakikitang buo
ang halaga ng kapwa-tao. Hindi natin nabibigyang halaga ang kabuuan mismo ng tao, ang face13
o mukha o mas angkop sabihin na loob,14 ang kalaliman ng tao ayong kay Levinas. Hindi natin
makikita ang kapwa na sa katunaya’y palaging nakakasalamuha natin araw-araw, at sa pag-iral
natin sa mundong ito.

Ayon kay Levinas, may karahasang nangyayari sa ating pakikitagpo sa kapwa, isang kilos
loob na makasarili at gustong mapasarili ang kapwa. Bakit? Dahil gusto nating matugunan ang,
sabihin nalang natin, ang emosyunal na pangangailangan, lalong-lalo na ang kasiyahan. Sa
ganitong kilos, pinapaliit nating ang kabuuan ng kapwa o ang Ka-Iba. Hindi pinapaanyong
masama ni Levinas ang sarili dito, kundi pinapakita niya na likas din sa atin ito, lalong-lalo na sa
relasyon natin sa lipunan. Pero binanggit niya ito upang ipakita na maaaring matauhan o
mamulat ang sarili sa halaga ng kapwa. Binanggit niya ang pakikipag-usap tungo sa pagkatagpo
sa loob ng kapwa, ang mismong kapwa-tao na kinakausap natin. Dito mas nakatuon ang ating
atensyon sa ating kinakausap, at dito din natin nararanasan ang mismo kapwa na hindi kayang
paliitin o gawing bagay (irreducible) ang kanilang pagiging sila, pero hindi ito basta nararanasan
lamang, kundi isa din itong pagpapasya at pagpiling maranasan. Upang makita at maranasan
ang kapwa bilang kapwa mismo ay sa pamamagitan ng mukha, ayon sa unang nabanggit ko, at
ang mukha na ito ay sumisimbulo sa kabuuan mismo ng kapwa-tao, o mas malinaw sabihin na

12
Conatus essendi – that every being by its very being desires to remain, desires to conserve itself, in its being, to
preserve in being, Uduardo Jose E. Calasanz, Ethics With Human Face, p. 163.
13
The face as a rhetorical figure, a metonymy (the part is sudstituted for a whole), he speaks of the whole person –
the person is subtituted for the whole, Eduardo Jose E. Calasanz, Ethics With a Human Face, p. 167.
14
The loob – what is most personal for a person is not just part of a person but stands for the whole, Eduardo Jose
E. Calasanz, Ethics With a Human Face, p. 167.

8
“loob,” at itong pakikitagpo sa loob ay isang bulaga. Isang hadlang sa pagpapakita ng loob ay
ang paglalagay ng kategorya sa kapwa. Paano? Halimbawa, simula pa noong bata pa ako
hanggang sa paglaki ko, halos lahat ng kaibigan ko ay sumusunod sa kung ano ang gusto ko na
makakapagbigay saya sa amin. Pero noong napunta ako sa isang lugar na wala ni isa akong
kakilala at kaibigan, at nagkataon na nakatagpo ako ng isang tao na pwedeng maging kaibigan,
pero sa bandang huli ay palaging hindi siya sumasang-ayon sa gusto ko. Pinapakita dito na may
kategorya tayong pinapataw kung sino ang gusto nating maging kaibigan. Isa pang halimbawa.
May isang taong palagi at paulit-uli mong binoboli o kinukutya, at sa hindi mo inaasahang
pangyayari, bigla lang siyang nagsabi na “tama na brad, dahil nasasaktan ako!” o di kaya’y
sinuntok ka niya. Ito ang sinasabi ni Levinas na bulaga. Hindi natin maiiwasan na may kapwa na
hindi sa lahat ng panaho’y sumasang-ayon sa gusto natin o sa kategoryang pinapataw natin sa
kanila. Dahil kapag tayo ang nasa sentro ng pagtingin natin sa kapwa, nailalagay natin sila sa
kategorya, at bahagi na rin ang paghuhusga, pero ang tanong ni Levinas: paano kung nabulaga
tayo, at tayo na ang tinitignan ng kapwa-tao, ano ang madadama natin? Halibawa. May
naglalakad na seksing babae, at habang naglalakad siya ay tinitigan mo ang kanyang katawan,
tapos sa iyong isipan ay hinuhubaran mo na siya at ang masaklap pa ay may nangyayaring
kalapastanganan sa katawan ng babae sa isipan mo, pero pagkatapos nito, bigla nalang siyang
napatingin sa’yo, ni wala kang masabi kung galit ba siya o hindi, ngunit sa pangyayaring ito ay
nahihiya ka nang tumingin sa babae, maliban nalang kung wala ka talagang hiya. Ang tanong,
nakit ka nahihiya? Ito ang tinutukoy din ni Levinas na bulaga, pero sa bahaging ito, hindi na
isang pagpapakita ang nagyayari, kundi dito na pumapasok ang usapang moralidad ni Levinas,
pero hindi siya gumagawa ng batayang moral dito.

Ayon kay Calasanz, ang kagyat ng pagpapakita na tinutukoy ni Levinas ay hindi simpleng
karanasan ng pagpapakita, kundi isang karanasang moral.15 Isa itong hayag na paliwanag na
hindi nakabatay sa sarili ang moralidad, kundi sa pag-iral ng kapwa-tao, at ito ay kabalintunaan
sa sinabi ni Kant. Kung uunawain natin ang puntong ito, mas nangangahulugan na habang may
kapwa na patuloy umiiral, nararanasan natin ang moralidad, hanggang makarating sa isang
punto na hindi na rin bastang karanasang moral ang nangyayari, kundi isang na ring karanasang

15
Eduardo Jose E. Calasanz, Ethics With a Human Face, p. 169.

9
utos na nagsasabing “Huwag kang pumatay. Rumespeto ka!”16 Mas lumalalim ang punto dito ni
Levinas, hindi lang karanasang moral, kundi isang utos. Ibig sabihin, nakatuon na siya sa kapwa-
tao bilang ugat ng moralidad, at depende sa atin kung tutugon ba tayo sa panawagang ito.
Pinapamulat tayo sa bahaging ito na hindi lang natin agarang inaayon ang ating sarili sa kapwa-
tao o sa isang sitwasyon, kundi mismo sitwasyon ay nananawagan sa atin na tumugon sa
pamamagitan ng mukha ng kapwa o presensya ng kapwa-tao. At dagdag pa sa sinabi ni
Calasanz, hindi gumagawa si Levinas ng isang batayang moral, kundi pinapakita niya sa atin
kung saan nanggagaling ang pamantayang moral na ito.17 Hindi tayo umiiral mag-isa sa
mundong ito, at araw-araw nating nararanasan ang kapwa, gustuhin man natin o hindi. At sabi
ni Levinas, dito umuugat ang karanasang natin sa moralidad, dahil may kapwa. Nabanggit nga
sa mga panayam ni Calasanz si Kant na kung ang batayan niya ay ang kautusang walang-
pasubali sa pagiging moral sa pagsasabing “kailangan kong gawin ito dahil kinakailangan kong
gawin, hindi dahil nakapagbibigay ito ng saya o kaya’y may gamit, pero dahil kinakailangan kong
gawin.” At tanong ni Calasanz; saan nanggaling ang karanasang ito? At kahit si Kant hindi
tinutukoy ang mga ispisipikong pangyayari sa mga ibat-ibang lugar, ibat-ibang sitwasyon kung
saan naririnig ang kautusang walang-pasubali.18 Lumalabas sa puntong ito na sa kabuuan ay
hindi talaga binanggit ni Kant ang indibidwal o halaga ng indibidwal, at mas hayag ito sa
pangatlong purmolasyon niya, ang otonomiya. Kaya lubhang may kakapusan ang pamamaraan
ni Kant kung titignan natin ito sa larangan ng pakikipagkapwa-tao. Dito rin natin mauunawaan
na baliktad ang pamamaraan ni Levinas kay Kant; nasa kapwa-tao ang batayang moral, at hindi
nasa sarili. Mas hayag sabihin na nakatutok si Levinas doon mismo sa kapwa-tao. Nakaugat
naman ang awtonomiya ni Kant sa kakahayan ng taong mag-isip, tao bilang may katwiran o
rasyonal, kaya nga nagkakaroon tayo ng kalayaan dahil hidi nakasalalay ang ating kilos moral sa
panlabas ba dikta. At mas pinaliwanag pa ito ni J.B. Schneewind na “kung tayo ay rasyonal, ang
ating kilos ay palaging may layunin (purpose), at tayo ay tumutugon sa nakapaligid kung saan
tayo kumikilos.”19 Pero kung maging mulat tayo sa loob na tinutukoy ni Levinas, mas lilitaw ang

16
Eduardo Jose E. Calasanz, Ethics With a Human Face, p. 171.
17
Eduardo Jose E. Calasanz, Ethics With a Human Face, p. 170.
18
Eduardo Jose E. Calasanz, Ethics With a Human Face, p. 170.
19
J.B. Schneewind, Autonomy, obligation, and virtue: An overview of Kant’s moral philosophy, p. 319.

10
kalaliman sa kahulugan ng salitang “tugon.” Pinapakita dito na hindi tayo basta-basta
tumutugon sa nakapaligid sa atin, kundi nauunawaan din natin ang nakapaligid sa atin o may
akto ng pag-uunawa. Maaaring ganito din kumikilos ang pangatlong pormulasyon ni Kant; na sa
pamamagitan ng ating pag-iisip, hindi na tayo sumasalalay sa panlabas na batayang moral o
dikta ng labas sa sarili, at sa kilos na ito maaaring maunawaan na natin ang panglabas sa
batayan, kaya nga umaayon sa nakapaligid ang ating kilos. Pero sa palagay ko’y hindi ito sapat
upang maranasan natin ang pakikipagkapwa-tao. Halimbawa sa dayalogo, may pagkakaisang
nangyayari at walang nangingibabaw sa pag-uusap. Walang makasariling pag-uugali at
nakakalimutan na ang sarili dahil nasasakyan ng dalawang tao ang pag-uusap hindi lang sa
salita, pero kahit sa kilos. Ang bawat indibidwal ay may sari-sariling halaga, at pinapakita ito ni
Levinas.

Hayag sabihin sa pagmumuning ito na lubhang pabor ako o mas malapit ang
argumentong ipinapakita ko sa panindigan ni Levinas ngunit sa ganitong paraan, lubhang
tinitingala natin ang mukha ng kapwa upang maging moral. Sa madalig salita, nakabatay sa
kapwa ang kilos moral dahil sa pagtugon ko sa kanilang panawagan. Ibig sabihin, natatakot at
napipigilan na ang naturang gumanap bilang tao dahil sa pag-iral ng kapwa, dahil sila ang
nagdedetermina kung paano tayo kikilos tungo sa kanila. Nererispeto mo ang kapwa dahil ito
ang kanilang dinidikta o panawagan, hindi dahil kapwa-tao kayo. Maaaring ninipis din ang
pakikipagkapwa-tao natin, mawawala ang akto ng paghaya, paghaya ng sarili na kumilos ayon
sa natura ng tao. Kaya sa pakikipagkapwa-tao, nagtatalaban ang argumento ni Levinas at Kant.
Sa anong pamamaraan? Nauunawaan nating kung sino ang nakapaligid sa atin, kung saan natin
pinapataw o isinasagawa ang pagiging moral, moral na kilos. Hindi natin hinihiwalay ang ating
sarili sa kapwa ayon sa otonomiya ni Kant, bagkos nauunawaan natin ang batayang ito sa
mukha ng kapwa na bahagi sa ating pakikitagpo sa mundo ito. Mauunawaan natin na ang
pakikipagkapwa-tao ay layunin mismo ng pagiging moral. Nag-iisip tayo at nauunawaan natin
ang pag-iral ng kapwa bilang layunin mismo at hindi obheto ng pagiging moral. Ang punto dito
ay kung paano natin inaayon ang saili sa kapwa-tao.

11
Sa palagay ko’y angkop sabihin na sa bawat pakikitagpo natin sa kapwa, palaging may
inaangkupan ang ating kilos. Kaya sa pakikipagkapwa-tao, hindi lang tayo nakatuon sa sarili o sa
kapwa, kundi angkop sabihin na sa ating pakikitagpo sa kapwa, kinakailangan natin ang
unibersal at indibidwal o partikular na ugnayan, gaya sa nabanggit ko nang halimbawa na
nangyayari sa pakikipagdayalogo. Walang mataas sa pagitan ng dalawang nag-uusap, bagkos
nasasakyan nila ang diwa ng dayalogo. Para bagang hindi tayo nakayuko kung nakikipag-usap
tayo sa kapwa-tao o ‘di kaya’y nagiging sentro ang sarili sa pakikipag-usap kung saan hindi natin
binibigyan ng karapatan ang kapwa na magsalita. Pangalawa ay hindi lang tayo nakikinig sa
pakikipagdayalogo na nakadenpende na ang lahat sa kapwa-kinakausap o ang nangyayari ay
nagiging taga dikta na ang kapwa-kinakausap sa atin. Bagkos, ang makasarili o ang pagiging
sentro ng sarili at ang pagiging mataas ng kapwa-kinakausap ay nawawala kung nasasakyan ang
tunay na diwa ng dayalogo. Samakatuwid, hindi lang ako nagpapakamoral o kumikilos ng moral
dahil kinakailangan, kundi nauunawaan ko na may kapwa-taong palagi kong nakakasalamuha
araw-araw sa pag-iral ko sa mundong ito. Natatauhan ang sarili, ang ako, na mayroong kapwa-
tao, at nagiging totoo ang ugnayan ko sa kanila. Kung baga, kumikios ako upang maging moral
na hindi nakapikit ang aking mga mata;nakikita ko, nararanasan ko at nadadama ko ang pag-iral
ng kapwa-tao, lalong-lalo na ang kanilang panawagan. Sa panawagang ito, ang pagkabulaga ko
sa mukha ng kapwa-tao, ay mas nauunawaan ko kung bakit ko kinakailangan kumilos moral, at
dito, nagiging angkop ang kilos ko. Hindi nalang basta-bastang kilos moral, kundi may
inaangkupan na ang sarili at ito ang kapwa. Kaya lumilitaw ang ugnayan ko sa kapwa-tao, at
mas hayag na ang pakikipagkapwa-tao.

Hindi lang tayo nakikipagkawa-tao dahil kaya natin, o di kaya’y kinakailangan natin,
bagkos dahil palaging kabilang ang ating sarili sa kapwa. Matatauhan tayo na hindi sapat ang
teorya o ang pagtukoy sa kapwa bilang sukdulan ng pagkakaroon ng mabuting kilos o
pagpapakamoral. May angking kakayahan ang tao na likas sa kanya, likas sa atin, at ito ang
pagiging mabuti, ang pagpapakatao. Natura ng ibon na humuni o aso na kumahol, at higit pa
nito ang natura ng tao; kumilos at mag-isip at dagdag pa nito ay ang kakayahang dumama. Hindi
sa pinagkukumpara ko ang hayop at tao, hayop at tayo, bagkos pinapakita ko lang dito na mulat
tayo sa ating mga ginagawa at sa ating nadadama. Palaging may tinutugunan tayong sitwasyon

12
sa pangaraw-araw nating pakikisalamuha sa kapwa-tao at sa mundo, at isang pamamaraan na
mas naipapasakapwa ang pamamaraang ito ay kung paano natin nerirespeto ang ating kapwa-
tao. Isang ugnayang nagbubuklod sa atin sa kapwa na wlaang hinihingin kapalit, bagkos isang
kilos na likas sa atin.

Konklusyon

Naging matagumpay ang teoryang moral ni Immanuel Kant sa modernong panahon o sa


panahon ng kaliwanagan, at naging mulat ang tao sa kanyang ginagawa. Nabuksan muli ang
kakayahang ng taong umunawa at manindigan gamit ang isip at dahil nito, naging liberal na rin
ang indibidwal. Pero hudyat sa pagkamulat na ito ay ang unti-uting paglaho din ng kalaliman ng
pakikipagkapwa-tao, dahil nagiging makasarili ang ako. Maaaring naging mabuti ang kilos natin,
pero hindi pa rin gaanong napahalagahan ang tao bilang tao mismo. Nagiging tulay ang kapwa-
tao sa layuning magkaroon ng kilos moral. May pagkamalapit man ang batayang moral ni Kant
sa halaga ng kapwa-tao, pero hindi ito sapat upang maging batayan sa pakikipagkapwa-tao. Si
Imanuel Levinas naman, para sa kanya, nakabatay sa kapwa umiiral, sa kapwa-tao o Ka-Iba ang
moralidad, hindi sa paraan na gumagawa siya ng batayang moral, kundi pinapakita lamang niya
kung saan nanggagaling ang pamantayang moral sa pakikitagpo natin sa kapwa. Dahil dito,
nagiging bukas ang sarili sa kapwa, pero maaari ding babaling tayo sa kapwa at makakalimutan
na ang sariling kakayahang umunawa dahil sa pagiging mataas ng kapwa. Ibig sabihin, maaaring
sumalalay na ang ating pagkilos mabuti o ang pagiging moral natin sa dikta o panawagan ng
kapwa sa atin.

Oo, hindi maitatanggi na nakikitagpo tayo sa kapwa-tao, at namumulatan tayo sa


pagiging moral. Hindi dapat sa agarang pamamaraan natin ginagawa ang pagkakaroon ng kilos
moral upang mapasalahat ito, na maging unibersal ang batayan at hindi na titignan ang halaga
ng indibidwal, ibig sabihin, sa paraang otonomiya, makasariling pamamaraang pagpapakamoral,
at hindi ito angkop sa pakikipagkapwa-tao. Maayos ang teorya ni Kant, ang kanyang kautusang
walang pasubali, ngunit may nakakaligtaan itong pagpapahalaga sa kapwa. Oo, nagaganap ang
teoryang ito sa larangan ng kapwa, ngunit sa isang dako, hindi rin naging mulat ang sarili o ako
sa halaga ng aking kinabibilangan. Ang ako na siyang gumagawa ng batayang moral at ang

13
kapwa bilang pinapatawan ng batayang makasarili, at ito ang kabuohan sa teorya ni Kant at mas
nailalaad ang kakulangan sa teoryang ito. Kaya nabanggit ni Levinas sa usaping ito upang
ipaliwanag ang halaga ng kapwa. Magkasalungat din ang pamamaraan ni Levinas at Kant, dahil
mas tinutukan niya ang kapwa sa pagkakaroon ng batayang moral, at halos nakakalimutan na
rin ang sarili. Ngunit sa akto ng pakikipagkapwa-tao, mas lahad na nagtatalaban ang batayan ni
Kant at ang pamamaraan ni Levinas. Nauunawaan natin kung ano ang tama o mali dahil mulat
tayo sa pag-iral ng kapwa-tao at sa kanilang halaga. Kung ating uunawain, makasariling batayan
man o galling sa kapwang batayan ay naiuugnay pa rin natin ang ating sarili sa kapwa-tao. Sa
palagay ko’y, hindi sapat ang batayang unibersal sa paggawa ng mabuti at ang batayang galing
sa kapwa o kanilang panawagan. Baskos sabay ang pamamaraang ito sa pakikitagpo natin sa
kapwa-tao, at dito nagiging angkop ang ating ugnayan sa kapwa-tao at ang ating pakikitungo sa
kanila. Mas nagiging mulat tayo sa ating tinutugon sa panawagan ng kapwa-tao.

14
Bibliography

Primary Sources

Guyer, Paul. The Cambridge to Companion to Kant. Cambridge University Press. 1992.

Denise, Theodore C., Peterfreund, Sheldon P., White, Niholas P. Great Tradition in Ethics.
Belmont California: Wadsworth Publishing Company, 1996.

Secondary Sources

Calasanz, Eduardo Jose E. Ethics with Human Face. Handout notes.

Louden, Robert B. Morality and Moral Theory. Oxford University Press. 1992.

15

You might also like