You are on page 1of 2

Modyul 8: ANG DIGNIDAD NG TAO

“Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin ng iba sa iyo.” Kung ano ang makasasama sa iyo, makasasama
rin ito sa iyong kapwa. Kung ano ang makabubuti sa iyo, makabubuti rin ito sa kaniya.

B akit nga ba kaibigan? Sapagkat siya ay iyong kapwatao. Magkatulad ang inyong pagkatao
bilang tao. Ito ang tunay na mensahe ng gintong aral (Golden Rule). Kinikilala nito ang
karapatan ng bawat indibidwal sa paggalang ng kanyang kapwa.

” Bakit may pagkakaiba ang tao? Bakit may taong mayaman? Bakit
may mahirap? Bakit magkakaiba ang kanilang edad, kasanayang
pisikal, intelektuwal at moral na kakayahan, ang benepisyo na
natatanggap mula sa komersiyo, at ang pagkakabahagi ng yaman?
Maging ang talento ng tao ay hindi pantay-pantay na naibahagi.”

A:
Ang ganitong mga pagkakaiba ang humihikayat sa tao na isabuhay
ang pagiging mapagbigay at mabuti. Ang nais ng Diyos ay yakapin ng
tao ang pagbabahagi ng mga biyaya at regalo na natanggap ng bawat
tao mula sa Kaniya.

Saan ngayon nagkakaroon ng pagkakapantay-pantay ang tao?

A:
Ang pagkakapantay-pantay ng tao ay nakatuon sa kaniyang dignidad
bilang tao at ang karapatan na dumadaloy mula rito.

Ano nga ba ang DIGNIDAD?

A:
Ang dignidad ay galing sa salitang Latin na dignitas, mula sa
dignus, ibig sabihin “karapat-dapat”. Ang dignidad ay
nangangahulugang pagiging karapat-dapat ng tao sa
pagpapahalaga at paggalang mula sa kaniyang kapwa. Lahat ng
tao, anuman ang kaniyang gulang, anyo, antas ng kalinangan at
kakayahan,ay may dignidad. Ang dignidad ng tao ay nagmula sa Diyos; kaya’t

1
ito ay likas sa tao. Hindi ito nilikha ng lipunan at ito ay pangkalahatan, ibig sabihin, taglay ng lahat ng
tao.
Dahil sa dignidad, lahat ay nagkakaroon ng karapatan na umunlad sa paraang hindi makasasakit
o makasasama sa ibang tao. Nangingibabaw ang paggalang at pakikipagkapatiran, dahil sa mata ng
Diyos, pantay-pantay ang lahat. Samakatuwid, kailangan mong tuparin ang iyong tungkulin na ituring
ang iyong kapwa bilang natatanging anak ng Diyos na may dignidad.Mapangangalagaan ang tunay na
dignidad ng tao sa pamamagitan ng pagtingin sa bawat tao na kaugnay ng Diyos.

Ayon kay Propesor Patrick Lee, ang dignidad ang pinagbabatayan kung bakit
obligasyon ng bawat tao ang sumusunod:
1. Igalang ang sariling buhay at buhay ng kapwa. Halimbawa, sa kabila
ng kahirapan sa buhay, hindi gagawin ng isang tao ang magbenta ng sariling
laman o magnakaw na nagpapababa ng sariling pagkatao. Sa kabilang dako,
kailangan mong tandaan na ang iyong kapwa ay hindi dapat gamitin para sa
sariling kapakinabangan.
2. Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos. Karaniwang
naririnig mula sa matatanda na bago mo sabihin o gawin ang isang bagay ay
makasampu mo muna itong isipin. Ano ang magiging epekto sa iba ng iyong
gagawin? Nararapat pa ba itong gawin o hindi na?
3. Pakitunguhan ang kapwa ayon sa iyong nais na gawin nilang
pakikitungo sa iyo. Ang prinsipyong ito ay nagpapatunay na anumang gawin
mo sa iyong kapwa ay ginagawa mo rin sa iyong sarili. Ang paggalangsa
karapatan ng iyong kapwa, pagmamahal, pagpapahalaga sa buhay, kapayapaan,
katotohanan ay ilan sa mga pagpapahalaga tungo sa mabuting pakikipag-
ugnayan.Ang mga ito rin ang nararapat na ipakita mo sa iyong kapwa.

Paano mo maipakikita ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad


ng isang tao?

A:
1. Pahalagahan mo ang tao bilang tao. Ibig sabihin, hindi
siya isang bagay o behikulo upang isakatuparan ang isang bagay
na ibig mangyari. Lalong hindi dahil siya ay nagtataglay ng mga
katangiang mapakikinabangan.
2. Ang paggalang at pagpapahalaga sa dignidad ng tao ay
ibinibigay hangga’t siya ay nabubuhay. Dapat ay patuloy mong
isinasaalang-alang at hinahangad ang lahat ng makabubuti para sa iyong kapwa. Halimbawa,
ang pagmamahal ng anak sa magulang ay dapat walang pasubali o walang hinihintay na kapalit
(unconditional). Hindi nararapat na mabawasan ang paggalang ng anak sa kaniyang mga
magulang kapag ang mga ito ay tumanda na at naging mahina.

You might also like