You are on page 1of 1

PAGKAKATULAD NG LIGAL NA PANANAW AT LUMAWAK NA PANANAW NG PAGKAMAMAMAYAN:

------Ang pagkakatulad ng ligal na pananaw at lumawak na pananaw ng pagkamamamayan ay pareho


itong nababatay sa batas at karapatan ng mga mamamayan ng bansa.

Halimbawa:

Bilang Filipino (pinanganak sa Pilipinas: ligal na pananaw) ay may tungkulin siya na sumunod ng batas
trapiko.

Sa gayun ay ang mamamayan na ito ay susunod sa batas trapiko (lumawak na pananaw ng


pagkamamamayan).

Ito ang dalawang pananaw ng pagkamamamayan:

----Ligal na pananaw ng pagkamamamayan.

Ang ligal na pananaw ng pagkamamamayan ay nababatay sa pagiging miyembro o kasapi ng isang bansa
batay sa batas. Halimbawa, ang pagiging Filipino ay nababatay sa dugo (Jus sanguinis) o
paninirahan/kapanganakan (Jus soli).

------Lumawak na pananaw ng pagkamamamayan

Ang lumalawak na pananaw ng pagkamamamayan naman ay nababatay sa pagtugon niya sa kanyang


mga tungkulin sa kanyang lipunan o bansa. Ito rin ay ang paggamit ng kanyang karapatan upang gumawa
ng kabutihan para sa pangkalahatan.

You might also like