You are on page 1of 1

Jerwin B.

Macaraeg
10-Emerald

Gawain 5: Ako Bilang Aktibong Mamamayan


Mga Katangian ng Aktibong Mamamayan
Ligal na Pananaw

Lumalawak na Pananaw
1. Makabayan – Ang pagiging makabayan ng isang tao ang siyang magtutulak sa
kaniya upang maging isang aktibong mamamayan.
2. May pagmamahal sa kapwa – Ang isang aktibong mamamayan ay dapat na
may pagmamahal sa kapwa dahil ang kanilang mga ginagawa sa lipunan ay
hindi lamang para sa kanila kung hindi para sa lahat.
3. May respeto sa karapatang pantao – Isa dapat sa mga katangian ng isang
aktibong mamamayan na may lumalawak na pananaw ang pagkakaroon ng
respeto hinggil sa karapatang pantao.
4. Ganap ang karapatan at tungkulin bilang mamamayan – Ang isang aktibong
mamamayan ay nagagampanan ang kaniyang mga tungkulin bilang isang
mamamayan.
5. May kritikal at malikhaing pag-iisip – Ang isang aktibong mamamayan na may
lumalawak na pananaw ay nagtataglay ng malikhain at kritikal na pag-iisip
upang makagawa o makabuo ng mga hakbang upang makatulong sa pagsasa-
ayos ng lipunan.

Pamprosesong mga Tanong

1. Ano ang iyong konsepto ng isang aktibong mamamayan?

- Ang isang aktibong mamamayan ay lumalahok o sumasali sa mga hakbang


na nagpapabuti sa ating lipunan at makikipag- ugnayan sa pamahalaan
upang higit na mapabuti ang kalagayan ng bansa.

2. Paano mo nasabing ang mga gawaing inilagay mo sa tsart ay nagpapakita ng


pagiging isang aktibong mamamayan?

- Masasabi kung ang mga katangian na inilagay ko sa tsart ay nagpapakita


ng pagiging isang aktibong mamamayan sapagkat sa mga katangian na ito
makikita ang kagustuhan nilang makibahagi upang mapabuti ang kalagayan
at pamamalakad dito sa ating bansa.

3. Gaano kahalaga sa isang lipunan ang isang aktibong mamamayan?

- Ang pagkakaroon ng aktibong mamamayan ay isang mahalagang sangkap


upang mas mapabilis ang pag-unlad ng isang bayan o komunidad at ang
patuloy na pagsasa-ayos nito. Kinakailangan ang mga aktibong mamamayan
dahil sila ang pangunahing nagbibigay ng “kapangyarihan” sa pamahalaan at
sila ang nagsusulong upang makamit nino man ang mga karampatang
benepisyo na nararapat makamit ng lahat ng mamamayan.

You might also like