You are on page 1of 1

Pagkakatulad ng ligal na pananaw at lumawak na pananaw ng pagkamamamayan

-----Ang ligal na pananaw ng pagkamamayanan ay katayuan o kundisyon ng isang indibidwal para


maituring na sya ay tunay na mamayanan o nakatira sa isang estado (citizen) o bansa. Ang Pilipinas ay
binabatayan ang Artikulo IV 1987 ng saligang batas, na kung saan nakapaloob dito ang mga kundisyon na
nagpapatunay na ang isang indibidwal ay tunay na mamamayan ng Pilipinas.

----Ang lumawak na pananaw ng pagkamamayanan ay nakabatay sa pagtugon ng isang indibidwal sa


kanyang mga tungkulin sa lipunan at sa paggamit ng kanyang karapatan sa ikabubuti ng pangkalahatan.

Ang pagkakatulad o koneksyon ng dalawang nabanggit na pananaw ay, lumalawak ang pananaw ng isang
tao mula sa mga ligal na basehan at pananaw ng pagkamamamayan.

Mga halimbawa ng mga gawaing nagpapakita ng lumawak na pananaw ng pagkamamayanan

%Sumunod sa batas, halimbawa ay batas trapiko.

%Laging humingi ng opisyal na resibo sa lahat ng binibili.

%Huwag bumili ng mga ilegal na produkto katulad ng smuggled products. Tangkilikin ang mga lokal na
produkto, at gawang Pilipino.

% Maglahad ng positibong paghahayag tungkol sa sarili at sa sarilig bansa.

% Igalang ang mga awtoridad katulad ng nagpapatupad ng batas trapiko, pulis, at iba pang naglilingkod
sa bayan.

% Itapon ng wasto ang basura. Ihiwalay, I-recycle, pangalagaan ang kapaligiran.

% Gawin ng may katapatan ang tungkulin sa panahon ng eleksiyon.

% Maglingkod ng matapat sa pinapasukang trabaho o kumpanya.

Magbayad ng buwis.

% Tumulong sa mga mahihirap.

% Maging mabuting magulang at anak. % Turuang maging mapagmahal sa bayan ang mga anak.

You might also like