Professional Documents
Culture Documents
A.P. Module 2ND QUARTER PDF
A.P. Module 2ND QUARTER PDF
Araling Panlipunan
Modyul para sa Mag-aaral
Kagawaran ng Edukasyon
Republika ng Pilipinas
Kasaysayan ng Daigdig
Araling Panlipunan – Modyul para sa Mag-aaral
Unang Edisyon, 2014
ISBN: 978-971-9601-67-8
Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa
Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pama-
halaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o
tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang
nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.
Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na
ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay sa
isang Kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas Copyright Licensing Society
(FILCOLS), Inc. na ang FILCOLS ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagma-
may-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mga
tagapaglathala (publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Br. Armin A. Luistro FSC
Pangalawang Kalihim: Dina S. Ocampo, PhD
Assistant Secretary: Lorna D. Dino, PhD
Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul para sa Mag-aaral
Mag Manunulat: Rosemarie C. Blando, Michael M. Mercado, Mark Alvin M. Cruz, Angelo C.
Espiritu, Edna L. De Jesus, Asher H. Pasco, Rowel S. Padernal, Yorina C.
Manalo,at Kalenna Lorene S. Asis
Mga Konsultant: Wensley M. Reyes at Edgardo B. Garnace
Mga Tagasuri: Pablito R. Alay, Rogelio F. Opulencia, Larry M. Malapit, Mc Donald Domingo M.
Pascual, Jeremias E. Arcos
Book Designer: Conrado Viriña, Visual Communication Department, UP College of Fine Arts
Mga Tagapamahala: Dir. Jocelyn DR. Andaya, Jose D. Tuguinayo Jr., EdD, Rosalie B.
Masilang, PhD, Enrique S. Palacio, PhD, at Armi Samalla Victor
120
Aralin 2: Pag-usbong at Pag-unlad ng mga Klasikal na Lipunan sa America
Africa, at mga Pulo sa Pacific
• Nasusuri ang mga kaganapan sa kabihasnang klasikal ng America
• Naipaliliwanag ang mga kaganapan sa mga klasikal na kabihasnan
sa Africa (Mali at Songhai)
• Nasusuri ang kabihasnang klasikal ng mga pulo sa Pacific
• Naipahahayag ang pagpapahalaga sa mga kontribusyon ng kabi-
hasnang klasikal ng America, Africa, at mga Pulo sa Pacific sa pag-
unlad ng pandaigdigang kamalayan
Aralin 3: Ang Daigdig sa Panahon ng Transisyon
• Nasusuri ang mga dahilan at bunga ng paglakas ng Simbahang
Katoliko bilang isang institusyon sa Panahong Medieval
• Nasusuri ang mga kaganapang nagbigay-daan sa pagkakabuo ng
Holy Roman Empire
• Naipaliliwanag ang mga dahilan at bunga ng mga Krusada sa Pana-
hong Medieval
• Nasusuri ang buhay sa Europe noong Panahong Medieval: Mano-
rialismo, Piyudalismo, ang pag-usbong ng mga bagong bayan at
lungsod
• Natataya ang epekto at kontribusyon ng ilang mahahalagang pang-
yayari sa Europe sa pagpapalaganap ng pandaigdigang kamalayan
Panimulang Pagtataya
121
C. May iba’t ibang uring panlipunan ang isang polis at nahahati ito sa
iba-ibang yunit ng pamahalaan
D. Ang bawat mamamayan ay may bahaging ginagampanan sa isang
polis.
2. Alin sa sumusunod ang tawag sa mga uring panlipunan ng sinaunang
Rome?
A Censor at Praetor C. Patrician at Plebeian
B. Etruscan at Roman D. Maharlika at Alipin
3. Nahahati sa tatlong malalaking pangkat ang mga pulo sa Pacific: ang
Polynesia, Micronesia, at Melanesia. Ano ang kahulugan ng Micronesia?
A. maraming isla C. maitim na mga isla
B. maliit na mga isla D. maitim ang mga tao sa isla
4. Ang Holy Roman Empire ang sinasabing bumuhay sa Imperyong Roman.
Sino ang naging emperador ng imperyo noong 800 CE?
A. Charlemagne C. Clovis
B. Charles Martel D. Pepin the Short
5. Ang Krusada ay isang ekspedisyong militar na inilunsad ng Kristiyanong
European dahil sa panawagan ni Pope Urban II. Ano ang pangunahing
layunin ng Krusada?
A. mapalawak ang teritoryo ng mga Kristiyano
B. mabawi ang Jerusalem sa kamay ng mga Turkong Muslim
C. mapalawak ang kalakalan ng mga bansang Europe
D. mapalawak pa ang kapangyarihan ng Simbahang Katoliko
Para sa bilang 6, suriin ang kasunod na mapa:
http://franceschini.cmswiki.wikispaces.net/Ancient+Greece
122
6. Umusbong ang Kabihasnang Minoan sa Isla ng Crete. Alin sa sumusunod
na pahayag ang nagpapakita ng ugnayan ng heograpikal na lokasyon sa
pag-unlad ng kabihasnan sa islang ito?
I. Nakatulong ang mga nakapalibot na anyong-tubig upang maging
ligtas ang isla sa mga mananakop
II. Nagsilbing daanan ng mga mangangalakal mula sa Europe, Africa,
at Asya ang isla ng Crete
III. Naitatag ng mga mamamayan ng Crete ang sariling kabihasnan dahil
nakahiwalay ito sa Europe
IV. Naimpluwensiyahan ng mga sinaunang kabihasnan ng Africa at Asya
ang Kabihasnang Minoan
A. I at II
B. II at III
C. II at IV
D. I, II, at III
123
Para sa bilang 8, suriin ang sumusunod na pahayag:
-PERICLES
Funeral Oration
A. Kabihasnang Olmec
B. Kabihasnang Maya
C. Kabihasnang Aztec
D. Kabihasnang Inca
124
Para sa bilang 10, basahin at unawain ang comic strip
125
Para sa bilang 11, suriin ang kasunod na larawan:
11. Batay sa larawan, ano ang pangunahing kabuhayan sa loob ng isang Manor?
A. Pakikipagkalakalan
B. Pagsasaka
C. Paglilingkod sa may-ari ng lupa
D. Paggawa ng iba’t ibang kasangkapan
40
Bilang ng populasyon sa milyon
35
30
25
20
15
10
20 40 60 80 1000 1200
126
12. Isa sa mga epekto ng pag-unlad ng sistema ng pagsasaka noong unang
bahagi ng Panahong Medieval ang pagtaas ng populasyon. Batay sa graph,
sa anong mga taon ito naganap?
A. 1000 at 1500 CE
B. 800 at 1000 CE
C. 800, 1000, at 1500 CE
D. 600, 800, at 1000 CE
13. Tinawag na Minoan ang unang kabihasnang nabuo sa Crete. Ito ay yu-
maman sa pakikipagkalakalan sa ibayong dagat. Ano ang pangunahing
dahilan nito?
A. Napakalakas ng puwersang pangmilitar ng Minoan.
B. Napalilibutan ng anyong tubig ang Crete at istratehiko ang lokasyon
nito.
C. Nakarating sa iba’t ibang lugar ang mga produktong mula sa Crete.
D. Napalilibutan ng mga kabundukan ang isla ng Crete.
14. Ang sinaunang Greece ay binubuo ng iba’t ibang lungsod-estado na ang
bawat isa ay malaya at may sariling pamahalaan. Ano ang dahilan ng
pagkakatatag ng hiwa-hiwalay ng lungsod-estado?
A. Iba’t iba ang pinagmulan ng mga sinaunang mamamayan ng Greece.
B. Ang Greece ay nasa timog na dulo ng Balkan Peninsula sa Silangan
ng Europe na isang mabundok na lugar.
C. Mahaba ang mga daungan ng Greece kaya nagkaroon ng maraming
mangangalakal sa bawat lungsod-estado.
D. Iba’t iba ang kulturang nabuo sa Greece kaya iba’t ibang kabihasnan
ang umusbong dito.
15. Ano ang pangunahing dahilan ng pag-usbong ng Rome bilang
pinakamakapangyarihan sa Mediterrenean?
A. Nakatulong ang maunlad na aspetong pang-ekonomiya ng Rome
kung ikukumpara sa mga karatig-lugar.
B. Natalo at nasakop ng Rome ang malalakas na kabihasnan sa
Mediterrenean tulad ng Carthage at Greece.
C. Naipagpatuloy ng Rome ang kalakasan ng kulturang Greece.
D. Wasto ang lahat ng nabanggit.
127
16. Paano nakatulong ang heograpikal na lokasyon ng mga kaharian ng Mali
at Songhai sa pag-unlad nito?
A. Napalilibutan ito ng mga anyong-tubig na nagbigay-daan sa pag-un-
lad ng pagsasaka
B. Nagsilbi itong tagapamagitan ng kalakalan ng ginto, asin, at iba pang
produkto sa pagitan ng kaloob-loobang bahagi ng Africa at ng mga
Arab sa Sahara
C. Nakatulong ang kanilang lokasyon upang mapanatili ang kalayaan
at kaligtasan mula sa banta ng mga mananakop
D. Nagsilbing natural na proteksiyon ng imperyo ang malawak na
disyerto ng Sahara
17. Alin ang naglalarawan sa sinaunang kabuhayan ng mga tao sa mga pulo
ng Pacific?
A. Ang pangunahing kabuhayan ng mga tao sa mga pulo ng Pacific ay
pagsasaka at pangingisda.
B. Ang mga sinaunang mamamayan ng mga pulo ng Pacific ay nanini-
wala sa banal na kapangyarihan o mana.
C. Ang sinaunang relihiyon ng mga tao sa mga pulo ng Pacific ay Ani-
mismo.
D. Ang mga sinaunang pamayanan sa mga isla ay matatagpuan sa mga
lawa o dagat-dagatan.
18. Sa panahon ng Piyudalismo, ang lipunan ay nahahati sa tatlong uri: pari,
kabalyero, at serf. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa serf?
A. May karapatan at kalayaan silang bumuo ng sariling pamilya.
B. Malaya nilang mapauunlad ang kanilang pamumuhay at pamilya.
C. Sila ang bumubuo ng masa ng tao noong Panahong Medieval.
D Itinuturing silang natatanging sektor sa lipunan.
19. “Ang madalas na pagsalakay ng mga barbaro ay nagbigay ligalig sa mga
mamamayan ng Europe. Dahil dito, hinangad ng lahat ang proteksiyon
kaya naitatag ang sistemang Piyudalismo.” Ano ang ipinapahiwatig ng
pahayag?
A. Magulo ang Europe dahil sa pagsalakay ng mga barbaro
B. Sa panahon ng kaguluhan, ang mga tao ay naghangad ng proteksyon
128
C. Mahina ang pamahalaan noon kaya dumami ang mga pangkat
barbaro
D. Ang sistemang Piyudalismo ay sagot sa kahirapan ng mga tao
20. Mahalagang pangyayari sa Panahong Medieval ang paglakas ng Simbahang
Katoliko. Isang bahagi nito ang paglakas ng kapangyarihan ng Kapapahan
(Papacy). Alin sa sumusunod ang higit na naglalarawan sa Kapapahan o
sa Papacy?
A. Ito ay tumutukoy sa tungkulin, panahon ng panunungkulan at
kapangyarihang panrelihiyon ng Papa bilang pinuno ng Simbahang
Katoliko.
B. Tumutukoy din ito sa kapangyarihang politikal ng Papa bilang pinuno
ng estado ng Vatican.
C. Itinuturing ang Papa bilang Ama ng mga Kristiyano na siya pa ring
tawag hanggang sa kasalukuyan.
D. Simbolo ang Kapapahan ng malawak na kapangyarihan ng Simba-
hang Katoliko noong panahong Medieval.
129
ARALIN 1
ALAMIN
Umusbong ang mga sinaunang kabihasnan ng China, India, Mesopota-
mia, at Egypt sa mga lambak-ilog. Ganito rin kaya ang mga kabihasnang
nabuo sa Europe partikular sa Greece at Rome? Alamin sa araling ito
ang kasagutan.
Politiko Artist
Mangangalakal Mandirigma Pilosgio
Kababaihan
130
Makikita sa larawan ang isang tipikal na tagpo sa isang lungsod-estado sa
Europe noong panahong klasikal. Bawat isa ay may tungkuling ginagam-
panan. Kung ikaw ay nabuhay nang panahong iyon, alin sa sumusunod na
tungkulin ang nais mong gampanan? Bakit?
FINAL
FINAL
REVISED
REVISED
INITIAL
INITIAL
131
BINABATI KITA!
Tiyak na nais mo pang mapalalim ang iyong kaalaman tungkol sa mga kabihasnan
noong Panahong Klasikal ng Europe. Sa pagsasagawa ng iba’t ibang gawain
sa modyul na ito, madaragdagan ang iyong dating kaalaman at masasagot ang
iyong mga tanong tungkol sa paksa.
PAUNLARIN
Sa bahaging ito, inaasahang matututuhan mo ang mga kabihasnang nabuo
sa Panahong Klasikal ng Europe, kabilang ang mahahalagang pangyayari
sa bawat kabihasnan at ang mahahalagang kontribusyon ng mga ito sa
paghubog ng pandaigdigang kamalayan. Simulan mo na ang paglalakbay
tungo sa iyong pagkatuto.
GAWAIN 3: Mapa-Suri
Suriin ang mapa upang makita ang kaugnayan ng lokasyon ng Greece sa pag-un-
lad ng kabihasnan nito.
132
? Pamprosesong mga Tanong
1. Ano ang mga anyong tubig na malapit sa Greece?
2. Saang direksyon ng Greece makikita ang Isla ng Crete?
3 Paano nakaimpluwensiya ang lokasyon ng Greece sa pag-usbong ng
Kabihasnang Greek?
133
Suriin ang timeline bilang gabay sa pagtalakay sa Kabihasnang Greece.
431 BCE
Nagsimula ang
Peloponnesian
War
334 BCE
Pananakop ni
499 BCE
Alexander the
Nagsimula ang
Great
Persian War
700 BCE 600 BCE 500 BCE 400 BCE 300 BCE 200 BCE
134
Paglipas ng ilan pang taon na tinataya 1600 hanggang 1100 BCE narating ng
Crete ang kanyang tugatog. Umunlad nang husto ang kabuhayan dito dulot na
rin ng pakikipagkalakalan ng mga Minoan sa Silangan at sa paligid ng Aegean.
Dumarami ang mga bayan at lungsod at ang Knossos ang naging pinakamalaki.
Sa pamayanang Minoan ay may apat na pangkat ng tao: ang mga maharlika,
mga mangangalakal, mga magsasaka, at ang mga alipin. Sila ay masayahing mga
tao at mahiligin sa magagandang bagay at kagamitan. Maging sa palakasan ay
di nagpahuli ang mga Minoan. Sila na siguro ang unang nakagawa ng arena sa
buong daigdig kung saan nagsasagawa ng mga labanan sa boksing.
Gabay na Tanong
135
Ang mga Mycenaean
Bago pa man salakayin at sakupin ng mga Mycenaean ang Crete, nasimulan na
nilang paunlarin ang ilang pangunahing kabihasnan sa Timog Greece.
Ang Mycenaea na matatagpuan 16 kilometro ang layo sa aplaya ng karagatang
Aegean ang naging sentro ng kabihasnang Mycenaean. Ang mga lungsod dito ay
pinag-ugnay ng maayos na daanan at mga tulay. Napapaligiran ng makapal na
paderang lungsod upang magsilbing pananggalang sa mga maaaring lumusob
dito.Pagdating ng 1400 BCE, isa nang napakalakas na mandaragat ang mga
Mycenaean at ito ay nalubos nang masakop at magupo nila ang Crete. Naiugnay
nila ang Crete sa lumalagong kabihasnan sa Greece. Maraming mga salitang
Minoan ang naidagdag sa wikang Greek. Ang sining ng mga Greek ay naimplu-
wensiyahan ng mga istilong Minoan. Ilan sa mga alamat ng Minoan ay naisama
sa mga kuwento at alamat ng mga Greek.
Bagamat walang naiwang mga nakasulat na kasaysayan, ang pagsasalin-salin
ng mga kuwento ng mga hari at bayaning Mycenaean ay lumaganap. Di naglaon
ang mga kuwentong ito ay nag-ugnay sa mga tao at sa mga diyos-diyosan. Ito
ang sinasabing naging batayan ng mitolohiyang Greek. Sa bandang huli, hindi
nailigtas ng mga pader na kanilang ginawa ang mga Mycenaean sa paglusob ng
mga mananalakay.
Mapa
Mapa 1.21.2 Lokasyon ng
Lokasyon ng Kabihasnang
Kabihasnang Mycenaea
Mycenaea
http://en.wikipedia.org/wiki/File:Path3959-83.png
http://en.wikipedia.org/wiki/File:Path3959-83.png
136
Noong 1100 BCE, isang pangkat ng tao mula sa hilaga ang pumasok sa Greece
at iginupo ang mga Mycenaean. Sila ay kinilalang mga Dorian. Samantala,
isang pangkat naman ng tao na mayroon din kaugnayan sa mga Mycenaean ang
tumungo sa timog ng Greece sa may lupain sa Asia Minor sa may hangganan
ng karagatang Aegean. Nagtatag sila ng kanilang pamayanan at tinawag itong
Ionia. Nakilala sila bilang mga Ionian.
Ang mga pangyayaring ito ay tinaguriang dark age o madilim na panahon na
tumagal din nang halos 300 taon. Naging palasak ang digmaan ng mga iba’t ibang
kaharian. Nahinto ang kalakalan, pagsasaka, at iba pang gawaing pangkabuhayan.
Maging ang paglago ng sining at pagsulat nang unti-unti ay naudlot din.
1. ______________________ _________________________
________________________________________________
2. ________________________________________________
________________________________________________
3. ________________________________________________
________________________________________________
4. ________________________________________________
________________________________________________
5. ________________________________________________
________________________________________________
Halaw sa “Araling Panlipunan III, EASE Modyul 4, Pagsibol ng Sibilisasyong Griyego, pp. 10-11
137
Minoan
Mycenean
138
Mula sa labi ng madilim na panahon, unti-unting umusbong sa Ionia ang
isang bagong sibilisasyon na mabilis ding lumaganap sa kabuuan ng Greece.
Ilang pamayanan sa baybayin ng Greece na tinatawag ang kanilang sarili na
Hellenes o Greeks ang nagkaroon ng malaking bahagi sa sibilisasyong ito.
Kinilala ito sa kasaysayan bilang Kabihasnang Hellenic mula sa kanilang
tawag sa Greece na Hellas. Ito ay tumagal mula 800 BCE hanggang 400 BCE
at naging isa sa mga pinakadakilang sibilisasyong naganap sa kasaysayan
ng daigdig.
Sa bahaging ito, alamin mo ang mahahalagang pangyayaring nagbigay-daan
sa pag-usbong, pag-unlad at pagbagsak ng Klasikal na Kabihasnang Greece.
139
tang bomoto, magkaroon ng ari-arian, humawak ng posisyon sa pamahalaan,
at ipagtanggol ang sarili sa mga korte.
Bilang kapalit, sila ay dapat na makilahok sa pamahalaan at tumulong
sa pagtatanggol sa mga polis sa panahon ng digmaan. Ang lahat ng ito,
dagdag pa ang paglago ng kalakalan, ay nagbigay-daan sa pag-unlad ng
mga lungsod-estado. Kasabay nito ang mabilis na paglaki ng populasyon na
naging pangunahing dahilan naman kung bakit nangibang lugar ang mga
Greek. Ang iba ay napadpad sa paligid ng mga karagatang Mediterranean at
Iton. Bagamat napunta sila at nanirahan sa malalayong lugar, di nawala ang
kanilang ugnayan sa pinagmulang lungsod-estado o metropolis.
Mula sa pakikipagkalakalan sa iba’t ibang panig ng daigdig, natutuhan ng
mga Greek ang mga bagong ideya at teknik. Mula sa mga Phoenician ay na-
kuha nila ang ideya ng alpabeto na naging bahagi naman ng kanilang sariling
alpabeto. Ginamit din nila ang mga teknik ng mga Phoenician sa paggawa
ng mas malalaki at mabibilis na barko. Sa mga Sumerian naman ay namana
nila ang sistema ng panukat. Mula naman sa mga Lydian ay natutuhan nila
ang paggamit ng sinsilyo at barya sa pakikipagkalakalan.
polis -
acropolis -
agora -
140
Sparta, ang Pamayanan ng mga Mandirigma
Ang polis o lungsod-estado ng Sparta ay itinatag ng mga Dorian sa Peloponnesus
na nasa timog na bahagi ng tangway ng Greece. Sa lahat ng mga lungsod-estado,
ang Sparta lamang ang hindi umasa sa kalakalan. Ito ay may magandang klima,
sapat na patubig at matabang lupa na angkop sa pagsasaka. Pinalawak ng mga
Spartan ang kanilang lupain sa pamamagitan ng pananakop ng mga karatig na
lupang sakahan at pangangamkam nito. Ang mga magsasaka mula sa nasakop
na mga lugar ay dinala nila sa Sparta upang maging mga helot o tagasaka sa ma-
lawak nilang lupang sakahan. Samakatuwid, naging alipin ng mga Spartan ang
mga Helot. Maraming pagkakataon na nag-alsa laban sa mga Spartan ang mga
helot ngunit ni isa rito ay walang nagtagumpay. Dahilan sa palagiang pag-aalsa
ng mga Helot, nagdesisyon ang mga Spartan na palakasin ang kanilang hukbong
militar at magtatag ng isang pamayanan ng mga mandirigma upang maging
laging handa sa kahit anong pag-aalsang gagawin ng mga Helot.
Ang naging pangunahing mithiin ng lungsod-estado ng Sparta ay magka-
roon ng kalalakihan at kababaihang walang kinatatakutan at may malalakas na
pangangatawan. Ang mga bagong silang na sanggol ay sinusuri. Kapag nakitang
mukhang mahina at sakitin ang isang sanggol ay dinadala sa paanan ng kabun-
dukan at hinahayaang mamatay doon. Samantala, ang malulusog na sanggol ay
hinahayaang lumaki at maglaro sa kani-kanilang bahay, hanggang sumapit ang
ikapitong taon nila. Pagsapit ng pitong taon, ang mga batang lalaki ay dinadala
na sa mga kampo-militar upang sumailalim sa mahigpit na disiplina at sanayin
sa serbisyo militar. Malakas na pangangatawan, katatagan, kasanayan sa pakiki-
paglaban, at katapatan ang ilan sa pangunahing layunin ng pagsasanay. Tinitiis
nila ang mga sakit at hirap nang walang reklamo. Pinapayagan lamang sila na
makita ang kanilang pamilya sa panahon ng bakasyon. Sa gulang na 20, ang
mga kabataang lalaki ay magiging sundalong mamamayan at ipinapadala na sa
mga hangganan ng labanan. Sa edad na 30, sila ay inaasahang mag-aasawa na
ngunit dapat na kumain at manirahan pa rin sa kampo, kung saan hahati na sila
sa gastos. Sa edad na 60, sila ay maaari nang magretiro sa hukbo.
Sa lipunan ng mga Spartan, ang lahat ay nakikiisa upang mapigilan ang mga
pag-aalsa ng mga Helot. Maging ang mga kababaihan ay sinasanay na maging
matatag. Di tulad ng mga kababaihang Greek na limitado ang ginagampanan sa
lipunan, ang kababaihang Spartan ay maraming tinatamasang karapatan. Sila
ang mga nag-aasikaso ng lupain ng kanilang mga asawa habang ang mga ito ay
nasa kampo-militar. Nangunguna din sila sa mga palakasan at malayang nakiki-
paghalubilo sa mga kaibigan ng kani-kanilang mga asawa habang masaya silang
nanonood ng mga palarong tulad ng pagbubuno o wrestling, boksing, at karera.
141
Ang Sparta ang responsable sa pagkakaroon ng pinakamahusay na san-
datahang lakas sa buong daigdig. Sa simula, labo-labo kung makipagdigma
ang mga Greek. Oo nga’t sama-samang nagmamartsa sa lugar ng digmaan,
ang mga sundalo ay isa-isang nakikipaglaban sa mga kaaway hanggang sila
ay manghina at mamatay. Nang lumaon ang mga Griyego, lalo na ang mga
Spartan, ay mas naging maparaan sa kanilang pakikipagdigma. Sa halip na
lumusob ng isa-isa sa mga kalaban, sila ay nananatiling sama-sama sa pag-
kakatayo pasulong man o paurong sa labanan, hawak ang pananggalang sa
kaliwang kamay at espada naman sa kanan. Ang hukbong ito na tinaguriang
phalanx ay karaniwang binubuo ng hanggang 16 na hanay ng mga mandi-
rigma. Kapag namatay ang mga sundalo sa unang hanay, ito ay mabilis na
sinasalitan ng susunod pang hanay. Ang phalanx ay hindi mga bayarang
mandirigma, sila ay tagapagtanggol ng kanilang polis.
142
Sa simula, ang Athens ay
pinamunuan ng hari na inihalal
ng asembleya ng mamamayan at
pinapayuhan ng mga mga konse-
ho ng maharlika. Ang asembleya
ay binubuo naman ng mayaya-
man na may malaking kapang-
yarihan. Ang mga pinuno nito
ay tinawag na Archon na pina-
paburan naman ang mga may
kaya sa lipunan. Larawan 1.1 Ang Parthenon ng Greece
Source: https://encrypted-tbn3.gtastic.com/image?q=tb-
Hindi nagtagal, nagnais ng n:ANd9GcReaw15xp8agCB.TOPpqzMKAPluktN69yhizLwB-
pagbabago ang mga artisano d569YyKmPzc7kg
143
ng mga mahihirap. Nalutas ng repormang
pangkabuhayan ang mga ilang pangunahing
suliranin ng Athens at napaunlad ang kabuhayan
nito. Sa gitna ng malawakang repormang ginawa
ni Solon, hindi nasiyahan ang mga aristokrata.
Para sa kanila, labis na pinaburan ni Solon ang
mahihirap. Sa kasalukuyan, ginagamit ang
salitang solon bilang tawag sa mga kinatawan ng
pambansang pamahalaan na umuugit ng batas.
tyrant - _________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
arcon - __________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
144
Noong 510 BCE, naganap muli ang pagbabago sa sistemang politikal ng Athens
sa pamumuno ni Cleisthenes. Hinati niya ang Athens sa sampung distrito.
Limampung kalalakihan ang magmumula sa bawat distrito at maglilingkod sa
konseho ng tagapayo upang magpasimula ng batas sa Asembleya ang tagagawa
ng mga pinaiiral na batas. Sa kauna-unahang pagkakataon, nakaboto sa Asembleya
ang mga mamamayan may-ari man ng lupa o wala.
Upang mapanatili ang kalayaan ng mga mamamayan ipinatupad ni Cleisthenes
ang isang sistema kung saan bawat taon ay binibigyan ng pagkakataon ang mga
mamamayan na ituro ang taong nagsisilbing panganib sa Athens. Kapag ang
isang tao ay nakakuha ng mahigit 6 000 boto, siya ay palalayasin sa Athens ng 10
taon. Dahil sa ang pangalan ay isinulat sa pira-pirasong palayok na tinatawag na
Ostrakon, ang sistema ng pagpapatapon o pagtatakwil sa isang tao ay tinawag
na ostracism. Bagamat kaunti lamang ang naipaton ng sistemang ito, nabigyan
ng mas malaking kapangyarihan ang mga mamamayan.
Sa pagsapit ng 500 BCE, dahil sa lahat ng mga repormang naipatupad sa
Athens, ang pinakamahalagang naganap ay ang pagsilang ng demokrasya
sa Athens, kung saan nagkaroon ng malaking bahagi ang mga mamamayan sa
pamamalakad ng kanilang pamahalaan.
Halaw sa: Araling Panlipunan III, Modyul 4, Ang Pag-usbong ng Sibilisasyong
Griyego, p. 15-21
Karagdagang babasahin:
Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan Ikatlong
Taon nina Mateo et.al., p. 116-117
145
GAWAIN 7: Paghahambing
Sparta Athens
146
GAWAIN 8: Magbasa at Matuto
147
Ang unang pagsalakay ng Persia sa Greece ay naganap noong 490 BCE
sa ilalim ni Darius. Tinawid ng plota ng Persia ang Aegean Sea at bumaba sa
Marathon, isang kapatagan sa hilagang-silangan ng Athens. Tinalo ng 10,000
puwersa ng Athens ang humigit-kumulang 25,000 puwersa ng Persia.
Ipinagpatuloy ni Xerxes, anak ni Darius ang tangkang pagpapabagsak sa
Athens. Noong BCE, isang madugong labanan ang naganap sa Thermopylae,
isang makipot na daanan sa gilid ng bundok at ng silangang baybayin ng Central
Greece. Pitong libong Greek, tatlong daan sa mga ito ay taga-Sparta sa ilalim ni
Leonidas ang nakipaglaban sa puwersa ni Xerxes. Noong una, inakala ni Xerxes
na madali niyang malulupig ang mga Greek. Hindi niya inasahan ang katapangan
at kahusayan ng mga taga-Sparta sa pakikipagdigma. Sa loob ng tatlong araw,
dumanak ang dugo ng mga taga Persia. Subalit ipinagkanulo ng isang Greek
ang lihim na daanan patungo sa kampo ng mga Greek. Pinayuhan ni Leonidas
ang mga Greek na lumikas habang ipinagtatanggol ng kanyang puwersa ang
Thermopylae. Sa harap ng higit na maraming puwersa ni Xerxes, namatay ang
karamihan sa tropa ni Leonidas.
Sinalakay at sinakop ni Xerxes ang Athens. Subalit dinala ni Themistocles
ang labanan sa dalampasigan ng pulo ng Salamis kung saan ang dagat ay lubhang
makipot. Nahirapang iwasan ng malaking barko ni Xerxes ang maliliit na barko
ng Athens na pilit na binabangga ang mga ito hanggang sa mabutas. Isa-isang
lumubog ang plota ng Persia. Ang nalalabing hukbo ni Xerxes ay tinalo ng mga
alyansa ng mga lungsod-estado ng Greece sa pamumuno ni Pausanias ng Sparta.
Kabilang sa alyansang ito ang Athens, Sparta, Corinth, at Megara.
Halaw sa: Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan Ikatlong Taon nina Mateo et.al.,
pp. 117-118
148
Digmaang Peloponnesian
Nais ni Pericles na manatili ang kapayapaan di lamang sa Athens kundi
maging sa mga kalapit nitong mga lungsod-estado at maging sa Persia. Habang
umuunlad ang Athens, lumawak din ang kanilang kapangyarihan sa kalakalan.
Ito ang naging dahilan kung bakit sa panahon ng Delian League ay naging isang
imperyo ang Athens.
Hindi lahat ng lungsod-estado ay sumang-ayon sa ginawa ng Athens na
pagkontrol sa Delian League subalit wala silang nagawa upang umalis sa alyan-
sa. Kayat ang mga lungsod-estado na kasapi sa Delian League tulad ng Sparta,
Corinth, at iba pa ay nagtatag ng sarili nilang alyansa sa pamumuno ng Sparta
at tinawag itong Peloponnesian League.
Noong 431 BCE, nilusob ng Sparta ang mga karatig pook ng Athens na
naging simula ng Digmaang Peloponnesian. Batid ni Pericles na mahusay na
mandirigma sa lupa ang mga Spartan kung kayat iniutos niya ang pananatili ng
mga Athenian sa pinaderang lungsod. Samantala, inatasan niya ang sandatahang
lakas ng Athens na lusubin sa karagatan ang mga Spartan. Ngunit sinawing-
palad na may lumaganap na sakit na ikinamatay ng libo-libong tao, kasama na
si Pericles, noong 429 BCE.
Lahat ng mga pumalit kay Pericles ay hindi nagtagumpay dahilan sa mga
mali nilang mga desisyon. Isa na rito si Alcibiades. Matapos siyang akusahan
ng mga Athenian na lumalabag sa paniniwalang panrelihiyon, tumakas siya pa-
tungong Sparta upang iwasan ang pag-uusig sa kanya. Doon siya ay naglingkod
laban sa kanya mismong mga kababayan. Di naglaon bumalik din si Alcibiades
sa Athens at siya ay pinatawad at binigyang-muli ng pagkakataong pamunuan
ang sandatahang lakas ng Athens. Bagamat naipanalo niya ang ilang laban nila
sa Sparta, lubhang malakas ang mga Sparta at noong 404 BCE, sumuko ang mga
Athenian. Bilang ganti, ipinapatay ng mga Spartan si Alcibiades.
Ang dalawampu’t pitong taong Digmaan ng Peloponnesian ay isang malaking
trahedya para sa Greece. Nagkaroon ng malawakang pagkawasak ng ari-arian at
pagkamatay ng mga tao. Lumala rin ang suliranin sa kawalan ng hanapbuhay,
pagtaas ng presyo ng mga bilihin, at kakulangan sa pagkain.
Halaw sa: Araling Panlipunan III, EASE Modyul 4, Ang Pag-usbong ng Sibilisasyong Greece, pp. 31-32
149
Ano ang epekto sa Greeece ng hidwaan at digmaan sa Karagdagang Baba-
pagitan ng mga lungsod-estadao nito? Ipaliwanag. sahin:
Kasaysayan ng Daigdig,
Batayan Aklat sa Araling
Panlipunan Ikatlong Taon
nina Mateo et. al. p. 119
Kaganapan (Ano-
ano ang mga
mahahalagang
pangyayari?)
150
? Pamproseng mga Tanong
1. Ano ang pinakamahalagang kontribusyon ng mga Spartan at Athenian
sa daigdig?
2. Alin sa sumusunod na kontribusyon ang may kaugnayan sa kasalukuyan?
Patunayan.
151
Sa edad na 18 taong gulang, ang mga lalaki ay nagsasanay sa militar ng 2 taon
at pagkatapos ay maaari nang maging mamamayan ng Athens at makibahagi sa
pamahalaan nito. Samantala, ang mga kababaihan ay itinuring na mas mababa
sa mga kalalakihan. Hindi sila nabigyan ng pagkamamamayan at hindi maaaring
makibahagi sa pamahalaan. Hindi rin sila maaaring magmay-ari. Ang kanilang
buhay ay umiikot sa mga gawaing bahay at pag-aalaga ng mga anak. Sa edad
na 14-16 sila ay ipinakakasal sa mga lalaking napili ng kanilang mga magulang.
Pagsasaka ang karaniwang ikinabubuhay ng mga Athenian. Ang mga ani ay
kanilang kinakain. Ang mga sobrang produkto ay ipinapalit nila ng iba pang
kagamitang pambahay.
Bagamat marangya at magarbo ang mga gusaling pampubliko, ang mga
tahanan naman ay simple lamang, maging ito ay pag-aari ng mayayaman o
karaniwang tao.
Sa kabuuan, simple lamang ang naging pamumuhay sa sinaunang Greece.
Ngunit mula sa simpleng pamumuhay na ito ay lumitaw ang pinakamahuhusay
na artista, manunulat, at mga pilosopo na tinitingala sa sandaigdigan hanggang
sa ating makabagong panahon.
Ang mga akda ng mga natatanging pilosopong Greek sa larangan ng politika
ay kinilala sa mundo tulad ng “The Republic” ni Plato at “Politics” ni Aristotle.
Maging sa larangan ng arkitektura ay nakilala ang mga Greek. Kahanga-hanga
ang arkitektura ng mga templo. Ang ilan dito ay matatagpuan sa Athens, Thebes,
Corinth, at iba pang siyudad. Ang tatlong natatanging estilo na Ionian, Doric, at
Corinthian ay naperpekto nila nang husto.
Ang pinakamagandang halimbawa ay ang Parthenon, isang marmol na templo
sa Acropolis sa Athens. Ito ay itinayo nina Ictinus at Calicrates at inihandog kay
Athena, ang diyosa ng karunungan at patrona ng Athens.
Ilan sa mga labi ng iskulturang Greek ay matatagpuan din sa mga templo ng
Crete, Mycenaea, at Tiryus. Ang pinakadakilang Greek na iskultor ay si Phidias.
Ang estatwa ni Athena sa Parthenon at ni Zeus sa Olympia ay ilan lamang sa
mga obra maestra niya. Ilan pang mga natatanging iskultura ay ang Collossus
of Rhodes ni Chares at Scopas ni Praxiteles na parehong itinanghal na Seven
Wonders of the Ancient World.
Kinilala rin ang kontribusyon ni Herodotus sa larangan ng kasaysayan. Ang
kanyang mga paglalakbay sa Asya at Sparta ay nakatulong upang maging obra
maestro niya ang Kasaysayan ng Digmaang Persian. Tinawag siyang Ama ng
Kasaysayan. Sinundan ito ng isa pang historyador, si Thucydides. Ilan sa mga
152
isinulat niya ay ang “Anabis”, isang kuwento ng sikat na martsa ng mga Greek
mula sa Babylonia hanggang Black Sea at Memorabilia na kalipunan ng mga
kuwento ng guro niyang si Socrates.
Nagkaroon din ng kaalaman sa makabagong medisina sa sinaunang Greece.
Ang pinakadakilang Greek na manggagamot ay si Hippocrates na kinilala bilang
Ama ng Medisina. Itinaas niya ang larangan ng medisina bilang agham at hindi
bunga ng mahika.
Marami ring Greek ang kinilala at dinakila dahil sa kanilang naging ambag sa
larangan ng agham at pilosopiya. Ang kauna-unahang pilosopiya ay ipinakilala
ni Thales ng Militus. Ayon sa kaniya ang sandaigdigan ay nagmula sa tubig,
ang pangunahing elemento ng kalikasan. Samantala si Pythagoras naman ang
nagpasikat ng doktrina ng mga numero kung saan sinasabi niya na ang bilang
na tatlo, lima, at pito ay masuwerteng mga numero.
Ilang dekada matapos ang Digmaang Persian, isang pangkat ng mga guro
na tinatawag na mga Sophist ang sumikat sa Athens. Nagpakilala sila ng pag-
babago sa mga umiiral na pilosopiya. Ayon sa kanila maaaring turuan ang mga
tao na gumawa ng magagandang batas, makapagsalita, at makipagdebate sa
mga Asembleya. Maraming Athenian ang tumuligsa sa mga pilosopiya ng mga
Sophist. Isa na rito ay si Socrates. Ayon sa kaniya mahalaga na kilalanin mo
ang iyong sarili (know thyself). Ayon sa kaniya dapat na patuloy na magtanong
ang mga tao hinggil sa mga bagay-bagay upang matiyak kung sila ay may mga
kasagutan sa mga katanungang ito.
Ang pamamaraang ito ay kinikilala ngayon na Socratic Method. Di nagustu-
han ng mga Athenian ang ginawang pagtatanong ni Socrates lalo na ang mga
tungkol sa mga diyos-diyosan at ilang patakaran ng Athens. Dahilan dito siya
ay nakulong at nahatulan ng kamatayan. Ngunit bago pa siya naparusahan, siya
ay nagpakamatay sa pamamagitan ng paglason sa sarili. Ang lahat ng mga ideya
ni Socrates ay hindi niya naisulat.
Si Plato, ang kaniyang pinakasikat na mag-aaral, ang nagsumikap na maitala
ang lahat ng dayalogo sa pagitan ng dalawa o mas higit pang tauhan. Ang pinaka-
tanyag ay ang Republic, isang talakayan tungkol sa katangi-tanging polis at ang
uri ng pamahalaan na makapagbibigay ng kaligayahan sa mga mamamayan nito.
Samantala, si Aristotle, ang pinakamahusay na mag-aaral ni Plato, ay
nagpakadalubhasa sa pag-aaral ng halaman, hayop, Astronomiya, at Pisika
na pawang nangangailangan ng masusing pagmamasid. Ayon sa kaniya, ang
alinmang teorya ay maaari lamang tanggapin kung ito ay batay sa masusing
153
pagmamasid ng mga katotohanan. Kinilala si Aristotle na Ama ng Biyolohiya.
Ilan sa mga tanyag niyang aklat ay ang “Poetic,” isang pagsusuri sa mga iba’t
ibang dula-dulaan, ang “Rhetoric” na nagsasabi kung paano dapat ayusin ng isang
nagtatalumpati ang kanyang talumpati, at ang “Politics” kung saan tinalakay ng
mga mamamayan ang iba’t ibang uri ngpamahalaan.
Halaw sa: Araling Panlipunan III, Modyul 4, Ang Pag-usbong ng Sibilisasyong Griyego
154
GAWAIN 12: Magbasa at Matuto
Imperyong Macedonian
Hinangad ni Philip, hari ng Macedonia, na pag-
isahin ang mga lungsod-estado sa Greece sa ilalim ng
kanyang pamamahala. Upang matupad ang kaniyang
hangarin, bumuo siya ng isang hukbo at sinanay sa
pinakamabisang paraan ng pakikipagdigma. Bilang
pagtatanggol ng kanilang kalayaan, sinalakay ng
magkasanib na puwersa ng Athens at ng Thebes
ang Macedonia noong 338 BCE. Madaling tinalo
ni Philip ang hukbo ng dalawang lungsod-estado. Larawan 1.5 Paglalarawan kay Alexander
Ang pagkatalo ng Athens at Thebes ay hudyat ng the Great
http://upload.wikimedia.org/wikipedia/com-
pagtatapos ng kapangyarihan ng mga lungsod-
mons/a/ac/BattleofIssus333BC-mosaic-detail1.
estado. Ang buong Greece, maliban sa Sparta, ay jpg
napasailalim sa kapangyarihan ng Macedonia.
Naging tanyag na pinuno ng Macedonia ang anak ni Philip na si Alexander the
Great. Noong siya ay bata pa lamang, naging guro niya si Aristotle na nagturo sa
kaniya ng pagmamahal sa kultura at karunungan. Habang lumalaki, natutuhan
niya ang kagalingan sa pakikipagdigma. Siya ay 21 taong gulang nang mamatay
ang kanyang ama at naging hari ng Macedonia at Greece. Matalino, malakas ang
loob, at magaling na pinuno si Alexander. Sinalakay niya ang Persia at Egypt
at pagkatapos ay tumungo sa silangan at sinakop ang Afghanistan at Hilagang
India. Nagtatag siya ng imperyo na sumakop sa kabuuan ng Kanlurang Asya,
Egypt, at India. Pinalaganap niya ang kaisipang Greek sa silangan.
Noong 323 BCE, sa gulang na 32 taon namatay si Alexander sa Babylon sa
hindi matiyak na karamdaman.
Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan Ikatlong Taon nina Mateo et.al., p.119-120
155
Gabay na Tanong
Sining at Agham at
Pilosopiya
Arkitektura Teknolohiya
156
Sa pagkamatay ni Alexander the Great, unti-unting humina ang malawak
na imperyong kanyang naitatag. Sa kabilang dako naman ng kanlurang
Europe, isang pamayanan ang unti-unting namumukadkad. Ito ay ang
Rome. Kung ang Greece ay kilala sa taguring the glory that was Greece
makikilala ang Rome sa taguring the grandeur that was Rome. Ano kaya
ang kahulugan nito? Halina’t iyong tuklasin.
157
GAWAIN 14: Magbasa at Matuto
158
Ang Simula ng Rome
1
3
Ang Rome ay itinatag sa kalagitnaan ng Ang kambal ay sinagip at inaruga
ikawalong siglo BCE ng mga unang Roman na ng isang babaing lobo. Nang lumaki
nagsasalita ng Latin, isang sangay ng wikang ang dalawa at nalaman ang kanilang
nabibilang sa Indo-Europeo. Sila ay lumipat pinagmulan, inangkin nila ang trono
sa gitnang Italy at nagtayo ng sakahang at itinatag ang Rome sa pampang ng
pamayanan sa Latium Plain. Tiber River noong 753 BCE.
http://upload.wikimedia.org/
wikipedia/commons/6/6a/She-
wolf_suckles_Romulus_and_
Remus.jpg
4
2
Ang mga Roman ay tinalo ng mga Etruscan,
Ayon sa isang matandang alamat
ang kalapit na tribo sa hilaga ng Rome. Sila
ang Rome ay itinatag ng kambal na
ay magagaling sa sining, musika, at sayaw.
sina Romulus at Remus. Habang
Dalubhasa rin sila sa arkitektura, gawaing metal,
mga sanggol pa lamang, inilagay sila
at kalakalan. Tinuruan nila ang mga Roman sa
sa isang basket at ipinaanod sa Tiber
pagpapatayo ng mga gusaling may arko, mga
River ng kanilang amain sa takot na
aqueduct, mga barko, paggamit ng tanso,
angkinin ng kambal ang kaniyang
paggawa ng mga sandata sa pakikipagdigma,
trono.
pagtatanim ng ubas, at paggawa ng alak.
159
Ang Roman Republic
Sang-ayon sa tradisyon, pinaalis ng mga Roman ang punong Etruscan at nagtayo
ng Republika, isang pamahalaang walang hari.
Noong 509 BCE, namuno si Lucius Junius Brutus at nagtagumpay sa pagtataboy
sa mga Etruscan. Pagkatapos maitaboy ang huling haring Etruscan na si Tarquinius
Superbus, itinatag ni Lucius Junius Brutus ang isang Republika. Tumagal ito mula
509 hanggang 31 BCE.
Sa halip na pumili ng hari, naghalal ang mga Roman ng dalawang konsul na may
kapangyarihang tulad ng hari at nanungkulan sa loob lamang ng isang taon. Bawat isa ay
may kapangyarihang pigilin ang pasya ng isa. Dahil sa pagkakahati ng kapangyarihan ng
mga konsul, humina ang sangay tagapagpaganap. Sa oras ng kagipitan, kinakailangang
pumili ng diktador na manunungkulan sa loob lamang ng anim na buwan. Nagtatamasa
ang diktador ng higit na kapangyarihan kaysa mga konsul.
Republika lamang sa pangalan ang mga pamahalaan dahil laan lamang ito sa mga
maharlika o patrician. Pawang mga patrician ang dalawang konsul, ang diktador, at
ang lahat ng kasapi ng senado. Mga kapos sa kabuhayan ang plebeian at kasapi ng
Assembly na binubuo ng mga mandirigmang mamamayan. Walang kapangyarihan
ang plebeian at hindi rin makapag-aasawa ng patrician.
Halaw sa: Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan, Ikatlong Taon nina Vivar et al. p. 92.
konsul _____________________________________________________
___________________________________________________________
diktador- __________________________________________________
patrician-___________________________________________________
___________________________________________________________
plebeian- __________________________________________________
___________________________________________________________
Para sa karagdagang kaalaman, basahin ang Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan, Ikatlong Taon
nina Mateo et al., pahina 127
160
Tagumpay ng Plebeian Laban sa Patrician
Ayon sa kasaysayan, nagsimulang maghimagsik ang mga plebeian noong
494 BCE upang magkamit ng pantay na karapatan. Nagmartsa sila sa buong
Rome at lumikas sa kalapit na lugar na tinaguriang Banal na Bundok. Doon sila
nagbalak magtayo ng sariling lungsod. Sa takot ng mga patrician na mawalan ng
mga manggagawa, sinuyo nila ang mga plebeian upang itigil ang kanilang balak
sa pamamagitan ng pagpapatawad sa dati nilang utang; pagpapalaya sa mga
naging alipin nang dahil sa pagkakautang; at ang paghahalal ng mga plebeian
ng dalawang mahistrado o tribune na magtatanggol ng kanilang karapatan.
May karapatan ang tribune o mahistrado na humadlang sa mga hakbang
ng senado na magkasama sa mga plebeian. Kapag nais hadlangan ng isang
tribune ang isang panukalang-batas, dapat lamang niyang isigaw ang salitang
Latin na veto! (Tutol Ako!). Sa loob ng isang siglo at kalahati, nagkaroon ng
higit na maraming karapatan ang plebeian. Noong 451 BCE, dahil sa mabisang
kahilingan ng mga plebeian, nasulat ang mga batas sa 12 lapidang tanso at inilagay
sa rostra ng forum upang mabasa ng lahat. Ang 12 Tables ang kauna-unahang
nasusulat na batas sa Rome at naging ugat ng Batas Roman. Sa pamamagitan
nito, nabawasan ang panlilinlang sa mga plebeian at napagkalooban sila ng
karapatang makapag-asawa ng patrician, mahalal na konsul, at maging kasapi
ng senado.
Halaw sa: Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan, Ikatlong Taon nina Vivar et al., p. 92
Para sa karagdagang kaalaman basahin ang Kasaysayan ng Daigdig Batayang Aklat sa Araling Panlipunan, Ikatlong Taon nina
Mateo et al., p. 127-128
161
Paglaganap ng Kapangyarihan ng Rome
Lumaganap ang kapangyarihan ng Rome sa buong Italy matapos ang sunud-
sunod na digmaan mula pa noong 490 BCE. Nasakop ang mga Latino, mga
Etruscan at iba pang pangkat tulad ng Hernici, Volscian, Sabine, at Samnite.
Matapos masakop ang gitnang Italy, isinunod ang lungsod-estado ng Greece
sa timog. Naganap ang unang sagupaan ng Rome at Greece sa Heraclea, Italy
noong 280 BCE. Nagwagi ang Greece dahil tinulungan si Haring Pyrrhus ng
Espirus ng kaniyang pinsang si Alexander the Great at dahil din sa paggamit
ng mga elepanteng kinatatakutan ng mga mandirigmang Roman. Bagamat
nagtagumpay si Haring Pyrrhus, marami sa kaniyang tauhan ang nalipol, kung
kaya sa ngayon, ang isang napakamahal na tagumpay ay tinaguriang Pyrric
Victory. Hindi nagtagal, nagapi si Haring Pyrrhus noong 275 BCE sa Beneventum,
Italy. Roman ang naging reyna ng peninsula ng Italy.
Ang tagumpay ng isang labanan ay hindi lamang nangangahulugan ng panalo
ng Roman at pagtatamo ng kabantugang militar. Kadalasan, naging kaanib
ng Rome ang nagaping kaaway at magiging kolonya ng Rome ang nasakop na
teritoryo. Ang mga hukbong nagapi ay nagiging karagdagang mandirigma para sa
hukbong Roman. Sa ganitong sistema unti-unting lumaganap ang kapangyarihan
ng Rome magmula sa ilog Tiber hanggang sa kabuuan ng Italy. Sumasakop ang
teritoryong Roman mula sa Ariminium at Pisa sa hilaga hanggang sa Kipot ng
Messina sa timog. Sa kabila ng 16 na kilometrong kipot na ito, nakaharap ng mga
Roman sa Sicily ang naging pinakamabigat na kaaway nito ang mga Carthagenian.
Halaw sa Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan, Ikatlong Taon nina Vivar et. al. p. 93
Para sa karagdagang kaalaman, basahin ang Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan,
Ikatlong Taon nina Mateo etal., pahina 128.
162
Digmaang Punic
2 3
Nagdulot ng suliranin sa Carthage ang Nasubok ang kapangyarihan ng Rome
pananakop ng Rome sa bahaging timog ng at Carthage sa tatlong Digmaang
Italy. Nagisisimula pa lamang ang Carthage Punic- salitang Latin na nagmula sa
noon na maging makapangyarihan sa pangalang Phoenicia. Sa digmaang
kanlurang bahagi ng Mediterranean. Itinatag ito napagpasyahan kung sino ang
ang Carthage (Tunis ngayon) ng mga mamumuno sa Mediterranean.
Phoenician mula sa Tyre noong 814 BCE. Nang
sakupin ng Persia ang Tyre, naging malaya
ang Carthage at nagtatag ito ng imperyong
komersiyal na nasasakop ng hilagang Africa,
silangang bahagi ng Spain, pulo ng Corsica,
Sardinia, at Sicily.
1
Sa simula makapangyarihan ang
Carthage sa dagat bagaman pawang
upahan ang mga mandirigma nito
Mapa 1.5 Lokasyon ng Digmaan Punic dahil sa maliit na populasyon. Ang mga
Halaw sa Kasaysayan ng Daigdig,
Roman naman sa simula ay walang
hukbong pandagat ni karanasan sa
Batayang Aklat sa Araling Panlipunan, Ikatlong
digmaang pandagat.
Taon nina Vivar et. al. p. 94
163
Digmaang Mahahalagang Pangyayari Kinahinatnan
Punic
164
• Matapos ang 50 taon, naganap ang • Muling natalo
Ikatlong Digmaang Punic. ang Carthage sa
digmaan.
• Mahalaga ang papel ni Marcus Porcius
Cato, isang pinuno at manunulat na • Kinuha ng Rome ang
Roman, sa pagsiklab ng digmaan. Sa lahat ng pag-aari ng
kanyang pagbisita sa Carthage, nakita niya Carthage sa Hilagang
ang kasaganahan at luho ng pamumuhay Africa.
dito. Batid niyang malakas ang Carthage
at nananatili itong banta sa seguridad ng
Rome. Pagbalik sa Rome, itinanim niya
sa isipan ng Senado at publiko na dapat
wasakin ang Carthage.
Tagumpay sa Silangan
Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Punic, ang mga hukbo ng Rome ay
pumunta sa silangan. Tinalo ng Rome
ang Macedonia. Noong 146 BCE, ang
Macedonia ay naging isang lalawigan
ng Rome. Sa taon ding ito, sinunog ng
Rome ang Corinth at inilagay ang iba
pang lungsod-estado ng Greece sa ilalim
ng pangangasiwa nito.
Mula 133 BCE nagsimulang mapasaka-
may ng Rome ang marami pang lupain.
Sa pagsapit ng 100 BCE lahat ng lupain sa baybayin ng Mediterranean Sea ay
nasakop ng Rome. Dahil dito, hindi kataka-takang tawagin ng mga taga- Rome
ang Mediterranean Sea bilang Mare Nostrum o Aming Dagat.
Halaw sa: Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan, Ikatlong Taon nina Mateo et. al., p. 129
165
Kabihasnang Rome
Sa pagsakop ng Rome sa mga lungsod-estado ng Greece, libo-libong Greek
ang tumungo sa Italy. Tinangay din ng mga heneral ng Rome ang mga gawang
sining at aklat ng Greece sa pagbabalik nila sa Rome. Kumalat ang kabihasnang
Greece sa Rome at maraming Roman ang tumungo sa Athens para mag-aral.
Naimpluwensiyahan ng Greece ang kabihasnang nabuo sa Rome.
Gayunpaman, may sariling katangian ang kabihasnang Rome. Pangunahin
na rito ang kaalaman sa arkitektura, inhenyeriya, at sistema ng pamamahala at
batas.
Panitikan
Kabihasnang Rome
Inhenyeriya Pananamit
Ipinakita ng mga Romano ang kanilang Dalawa ang kasuotan ng mga lalaking Roman.
galing sa inhenyeriya. Nagtayo sila ng mga Ang tunic ay kasuotang pambahay na hanggang
daan at tulay upang pag-ugnayin ang buong tuhod. Ang toga ay isinusuot sa ibabaw ng tunic
imperyo kabilang ang malalayong lugar. kung sila ay lumalabas ng bahay.
Marami sa mga daan na ginawa nila noon
ay ginagamit pa hanggang ngayon. Isang Ang mga babaing Roman ay dalawa rin ang
halimbawa ang Appian Way na nag-uugnay kasuotan. Ang stola ay kasuotang pambahay at
sa Rome at timog Italy. Gumawa rin sila ng palla ay isinusuot sa ibabaw ng stola.
mga aqueduct upang dalhin ang tubig sa
lungsod.
Arkitektura
Ang mga Roman ang tumuklas ng semento. Marunong na rin silang gumamit ng stucco, isang plaster na pampahid at
pantakip sa labas ng pader. Umaangkat sila ng marmol mula sa Greece. Ang arch na natutuhan ng mga Roman mula
sa mga Etruscan ay ginagamit sa mga templo, aqueduct, at iba pang mga gusali. Ang gusali na ipinakilala ng mga
Roman ay ang basilica, isang bulwagan na nagsisilbing korte at pinagpupulungan ng Assembly. Mayroon din silang
pampublikong paliguan at pamilihan na nagsisilbing tagpuan para sa mga negosyo at pag-uusap. Ito ay nasa forum,
ang sentro ng lungsod.
May iba pang gusaling pinatatayo na hanggang ngayon ay makikita pa rin sa Rome. Halimbawa ay ang Coliseum na
isang ampitheater para sa mga labanan ng mga gladiator.
166
GAWAIN 15: Lagumin Mo
167
Mga Pagbabagong Dulot ng Paglawak ng Kapangyarihang Rome
Habang patuloy ang pagkakasangkot ng Rome sa mga usaping panlabas, di-
nagdagan ng Senate ang kapangyarihan at katanyagan nito sa pamamagitan ng
pangangasiwa ng mga kasunduan. Bagama’t ang pagpapatibay ng mga tratado
at deklarasyon ng digmaan ay dapat na isinasangguni sa Assembly, ang lupong
ito ay nagsisilbing tagapagpatibay lamang ng nais ng Senate. Ang monopoly ng
kapangyarihan ng Senate ang nagpalala sa katiwalian sa pamahalaan. Madalas
na gamitin ng mga opisyal na ipinapadala sa mga lalawigan ang kanilang ka-
tungkulan upang magpayaman. Ang mga pagkakataon sa katiwalian ay lumalaki
dulot ng mga kapaki-pakinabang na kontrata para sa kagamitan ng hukbo.
Masama naman ang naging epekto ng mga digmaan sa pagsasaka. Ang timog
na bahagi ng Italy ay lubos na nasira dahil sa pamiminsala na ginawa ng hukbo
ni Hannibal. Nilisan ng maraming magsasaka ang kanilang bukirin. Hindi
sila nakahanap ng trabaho sa malalaking lupain ng mayayaman sapagkat ang
nagsasaka ay mga alipin o bihag ng digmaan. Tumungo ang mga magsasaka ng
Rome upang maghanap ng trabaho ngunit wala namang malaking industriya
ang Rome na magbibigay ng kanilang trabaho.
Ang yaman na pumasok sa Rome mula sa napanalunan sa mga digmaan ay
napakinabangan lamang ng mayayaman. Higit na lumawak ang agwat sa pagitan
ng mayayaman at mahihirap. Binago ng lumalaking yaman ang ugali ng mga
tao tungo sa pamahalaan. Pinalitan ng kasakiman at marangyang pamumuhay
ang tradisyon ng pagsisilbi at disiplina sa sarili.
Halaw sa: Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan, Ikatlong Taon nina Mateo et. al., p. 132-133
168
GAWAIN 16: Magbasa at Matuto
169
Gabay na Tanong:
170
matagumpay na heneral si Caesar. Popular din siya dahil sa mga reporma niya
sa mga lalawigan tulad ng pagbaba ng buwis at pagkakaloob ng lupa sa mga
beterano ng hukbo. Inutusan ng Senate si Caesar na bumalik sa Rome nang
hindi kasama ang kaniyang hukbo. Subalit sinalungat ni Caesar ang utos ng
Senate at bumalik sa Rome na kasama ang kaniyang hukbo. Sa takot nila sa
kapangyarihan ni Caesar, tumakas papuntang Greece ang karamihan sa mga
kasapi ng Senate, kabilang si Pompey. Hinabol sila ni Caesar at natalo nito
ang puwersa ni Pompey. Ginawang diktador si Caesar sa kaniyang pagbalik sa
Rome sapagkat kontrolado na niya ang buong kapangyarihan. Bilang diktador,
binawasan niya ang kapangyarihan ng Senate ngunit dinagdagan naman niya
ang bilang nito, mula 600 naging 900 ang kasapi nito. Binigyan ng Roman
citizenship ang lahat ng naninirahan sa Italy. Sa mga lalawigan, ang pagbabayad
ng buwis ay inayos habang ang pamahalaan ay pinagbuti.
Gabay na Tanong:
Bakit naging tanyag si Julius Caesar?
171
Augustus: Unang Rome Emperor
Bago mamatay si Caesar, ginawa niyang tagapagmana ang kanyang apo sa
pamangkin na si Octavian. Noong 43 BCE, kasama sina Mark Antony at Marcus
Lepidus, binuo ni Octavian ang Second Triumvirate upang ibalik ang kaayusan
sa Rome. Ito ay dahil binalot ng kaguluhan ang Rome mula nang mamatay
si Caesar. Sa pagkakabuo ng Second Triumvirate, tinalo nila ang hukbo nina
Brutus at Cassius.
Sa loob ng sampung taon, naghati sa kapangyrihan sina Octavian at Mark
Antony. Pinamunuan ni Octavian ang Rome at ang kanlurang bahagi ng imperyo,
samantalang pinamunuan ni Antony ang Egypt at ang mga lugar sa silangan na
kinilala bilang lalawigang sakop ng Rome. Si Lepidus ang namahala sa Gaul at
Spain.
Habang nasa Egypt, napamahal kay Antony si Cleopatra, reyna ng Egypt.
Nang dumating sa Rome ang balita na binigyan ni Antony ng lupa si Cleopatra
at balak salakayin ang Rome, bumuo ng malaking hukbo at plota si Octavian
upang labanan si Antony. Naganap ang malaking labanan sa pagitan ng dala-
wang puwersa sa Actium noong 31 BCE. Matapos matalo sa Actium, iniwan ni
Antony ang kanyang hukbo at sinundan si Cleopatra sa Egypt. Nang sumunod
na taon, nagpakamatay si Antony dahil sa maling pag-aakala na nagpakamatay
si Cleopatra. Samantala, dahil nagpakamatay na ang minamahal na si Antony
at sa harap ng pagkatalo kay Octavian, nagpakamatay na rin si Cleopatra.
Si Lepidus ay pinagkaitan ng kapangyarihan. Nawala sa kanya ang pama-
mahala sa Gaul at Spain. Noong 36 BCE, hinikayat niya ang rebelyon sa Sicily
laban kay Octavian subalit tinalikuran siya ng kaniyang mga sundalo. Ipinatapon
ni Octavian si Lepidus sa Circeii, Italy.
Nang bumalik si Octavian sa Rome, nangako siyang bubuhayin muli ang
Republic bagama’t hawak niya ang lahat ng kapangyarihan. Bilang pinuno ng
hukbo, si Octavian ay tinawag na imperator. Noong 27 BCE, iginawad ng Senate
kay Octavian ang titulong Augustus. Ang katagang Augustus ay karaniwang
ginagamit patungkol sa isang banal na lugar o banal na akto. Samakatuwid, ang
titulong Augustus ay nagpapahiwatig ng pagiging banal o hindi pangkaraniwan.
Mula noon, si Octavian ay nakilala sa pangalan na ito. Sa wakas, pagkatapos
ng halos isang siglong puno ng digmaang sibil, ang Rome ay napagbuklod sa
ilalim ng isang pinuno. Inihatid ng pamamahala ni Augustus ang panahon ng
Imperyong Roman.
172
Gabay na Tanong:
Sino-sino ang bumuo sa Second Triumvirate?
173
Umunlad din ang panitikan sa panahon ng Pax Romana. Ang mga makatang
sina Virgil, Horace, at Ovid ay nabuhay sa panahong ito. Sinulat ni Virgil ang
“Aineid,” ang ulat ng paglalakbay ni Aeneas pagkatapos ng pagbagsak ng Troy.
Samantalang binigyang-buhay ni Ovid ang mga mitong Greek at Roman sa akda
niyang “Metamorphoses.” Sinulat ni Pliny the Elder ang “Natural History,” isang
tangkang pag-isahin ang lahat ng nalalaman tungkol sa kalikasan. Sinulat ni
Tacitus ang “Histories at Annals” na tungkol sa imperyo sa ilalim ng pamamahala
ng mga Julian at Flavian Caesar. Sinulat ni Livy simula 27 - 26 BCE ang “From
the Founding of the City,” ang kasaysayan ng Rome.
Pinuno Nagawa
174
Mula sa Dinastiyang Flavian
Pinuno Nagawa
Vespasian (69 - 79 CE) Kinilala ang dinastiyang Flavian sa maayos
na patakarang pananalapi at pagtatayo ng
imprastrukturang tulad ng pampublikong paliguan
at amphitheater para sa mga labanan ng mga
gladiator.
Pinuno Nagawa
Nerva (96 - 98 CE) Nagkaloob ng pautang sa bukirin si Nerva
at ang kinitang interes ay inilaan niya para
tustusan ang mga ulila.
Trajan (98 - 117 CE) Sa panahon ng pamumuno ni Trajan, narating
ng imperyo ang pinakamalawak nitong
hangganan.
Hadrian (117 - 138 CE) Patakaran ni Hadrian na palakasin ang mga
hangganan at lalawigan ng Imperyo.
Antoninus Pius (138 - 161 CE) Ipinagbawal ni Antoninus Pius ang pagpapahirap sa
mga Kristiyano.
Marcus Aurelius (161 - 180 CE) Siya ay isang iskolar at manunulat. Itinaguyod
niya ang Pilosopiyang Stoic. Binibigyang-diin ng
pilosopiyang ito ang paghahanap ng kaligayahan
sa pamamagitan ng pamumuhay ayon sa banal na
kalooban (divine will).
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
Hango sa: Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan, Ikatlong Taon nina Mateo et al., p.
134-137
175
GAWAIN 17: Rome … Sa Isang Tingin
Sanhi Bunga
176
GAWAIN 19: I-R-F Chart
FINAL
FINAL
REVISED
REVISED
INITIAL
INITIAL
BINABATI KITA!
Ngayon ay natapos mo na ang bahagi ng Paunlarin para sa Aralin 1.
Upang mapalalim pang lalo ang iyong kaalaman tunkol sa Panahong Klasikal
sa Europe, maari ka nang magpatuloy sa susunod na bahagi ng modyul na ito.
PAGNILAYAN AT UNAWAIN
Sa bahaging ito, inaasahang higit mong mapalalalim ang iyong kaalaman sa paksa
sa pamamagitan ng kritikal na pagsusuri sa mga impluwensiya ng Kabihasnang
Klasikal sa Europe tungo sa pagbuo ng pandaigdigang kamalayan.
177
GAWAIN 20: E-Postcard
Larawan
Impormasyon
Kahalagahan sa
Kasalukuyan
Muling sagutin ang tanong sa kahon. Isulat sa bahaging “Final” ang iyong sagot.
FINAL
FINAL
REVISED
REVISED
INITIAL
INITIAL
178
BINABATI KITA!
Mahusay mong nagampanan ang gawain sa bahagi ng Pagnilayan at Unawain
sa araling ito.
Ngayon ay mayroon ka nang sapat na pag-unawa tungkol sa mga pangya-
yari na nagbigay-daan pagsibol, pag-unlad at pagbagsak ng mga Klasikal na
Kabihasnan sa Europe. Ang mga aral na iyong natutuhan mula sa araling ito ay
magagamit mo upang maunawaan ang mga susunod na aralin at sa kabuuan ay
pag-unawa sa mga pangyayari sa kasaysayan ng daigdig at ang kahalagahan ng
mga ito sa kasalukuyan.
Magagamit mo ang mga aral ng kasaysayan ng mga Klasikal na Kabihasnang
European sa susunod na aralin. Magsisilbi rin itong gabay upang maunawaan
mo at masuri ang kahalagahan ng kasaysayan ng daigdig sa kasalukuyan.
179
ARALIN 2
PAG-USBONG AT PAG-UNLAD NG
MGA KLASIKAL NA LIPUNAN SA
AMERICA, AFRICA, AT MGA PULO SA
PACIFIC
Ano-ano ang naiisip mo kapag nababanggit ang mga salitang America, ang Africa?
At ang mga pulo sa Pacific? Ano-ano na ang alam mo tungkol sa mga lugar na ito?
Masasalamin sa kasalukuyang kalagayan nito at sa pamumuhay ng kanilang
mamamayan ang impluwensiya ng mga sinaunang kabihasnang naitatag sa mga
kontinenteng ito.
Mapag-aaralan mo sa araling ito ang pag-usbong at pag-unlad ng mga
imperyo sa America, Africa, at mga pulo sa Pacific. Masusuri mo rin kung paano
nakaimpluwensiya ang mga pangyayari at mga tugon sa hamon ng mga sinaunang
mamamayan sa mga nabanggit na kontinente tungo sa pagbuo ng sariling
pagkakakilanlan.
180
ALAMIN
GAWAIN 1: Imbestigasaysayan
1
Ilarawan ang
disenyo 2
Ano ang
iyong
masasabi sa
3 kakayahan
Bakit ng mga
ipinagawa? gumawa?
http://en.wikipedia.org/wiki/File:Chichen_Itza_3.jpg
1
Ilarawan ang
disenyo 2
Ano ang
iyong
masasabi sa
3 kakayahan
Bakit ng mga
ipinagawa? gumawa?
http://hopemarin.files.wordpress.com/2008/05/timbuktu2.jpg
181
GAWAIN 2: SKK - Paglalakbay
Katapusan
Kalagitnaan
Simula
Paano
nakaimpluwensiya
ang mga pangyayari at
mga tugon sa hamon
ng mga sinaunang
mamamayan sa
mga nabanggit na
kontinente tungo sa
pagbuo ng sariling
pagkakakilanlan?
BINABATI KITA!
Sa puntong ito ay nagtatapos na ang bahagi ng Alamin.
182
PAUNLARIN
Gabay na tanong:
1. Kailan umusbong ang mga kabihasnan sa Mesopotamia, Africa, China,
at India?
2. Anong mga lungsod ang naitatag sa Kanlurang Asya noong 3000 BCE?
3. Batay sa timeline, alin ang mas naunang umunlad, ang kabihasnan sa
Mediterranean o sa America? Ipaliwanag.
4. Anong konklusyon ang iyong mabubuo tungkol sa pag-usbong ng mga
kabihasnan sa daigdig?
183
Figure 2.1. Timeline ng Ilang Mahahalagang Pangyayari sa Daigdig (3000 BCE – 500 CE)
Mesopo- Egypt Africa Mediterra- Northern Western Asia India China America
tamia at nean Lands of Europe
Europe
Persia
3000 - Pag-unlad - Pag-unlad Mga guhit sa Pagtayo ng Pagtayo ng Mga unang Mga unang
BCE ng agrikultura ng agrikultura bato sa git- mga batong mga batong magsasaka magsasaka
nang Sahara monumento monumento Pag-usbong Pagtatanim ng
- Pag-usbong Paggawa ng na nagpapaki- sa Malta sa Hilaga at Mga unang ng kabi- mais
ng Sumer palayok ta ng tao Timog Europ siyudad ng hasnang Indus
SI- Jericho at
- Naimbento - Naimbento NAUNANG Catal Huyuk
ang Cu- ang Hiero- PANAHON
neiform at glyphics NG MINOAN
paggamit ng sa Crete
gulong OLD KING-
184
DOM
-Tutankha-
mun
185
Kushite Europe David at
- DARK Haring - Isinilang Confucius
AGES sa Solomon sa si Gautama
Greece Israel (Buddha)
- Pag-unlad
ng mga lung-
sod-estado sa
Greece
500 Ang PER- - Pananakop Digmaang Pu- - Digmaang Paglunsad - Panahon ng Pag-usbong
BCE SIAN ng Imperyong nic sa Pagitan Persian sa ng tangkang warring states ng mga Maya
EMPIRE Persia, ng Carthage pagitan ng Pananakop ng Pananakop ng pananakop ni
sa kaniyang pananakop ni at Rome Greeks at mga Roman mga Roman Alexander sa - Pag-iisa
kalakasan Alexander the Persians sa malaking India ng China sa
Great Natalo at bahagi ng ilalim ni Shih-
Pananakop ni nasakop ng - Pagiging Hilagang Huang Ti
Alexander the - Pamumuno Carthage ang makapangya- Europe
Great kung ng mga Ptole- teritoryo ng rihan ng lung- - Itinayo ang
saan naisama mies Imperyong sod-estado ng Great Wall
ang sa kani- Rome sa Athens
yang teritoryo - Pamumuno Hilagang - CHI’IN
ang Persian ni Cleopatra Africa - Digmaang DYNASTY
Empire Pelopon-
- Pananakop nesian - HAN DY-
ng Imperyong NASTY
Roman - Pamumuno
ni Alexander Naimbento
the Great ang papel
186
-Pag-usbong
ng Rome
GAWAIN 4: Magbasa at Matuto
187
Sa larangan ng ekonomiya, kabilang sa mga produktong pangkalakal ay
mais, asin, tapa, pinatuyong isda, pulot-pukyutan, kahoy, at balat ng hayop.
Nagtatanim sila sa pamamagitan ng pagkakaingin. Ang pangunahing pananim
nila ay mais, patani, kalabasa, abokado, sili, pinya, papaya, at cacao. Dahil sa
kahalagahan ng agrikultura sa buhay ng mga Maya, ang sinamba nilang diyos
ay may kaugnayan sa pagtatanim tulad ng mais gayundin ang tungkol sa ulan.
1. Ano-anong lung-
sod ang makikita
sa timog na ba-
hagi ng Yucatan
Peninsula?
2. Paano nakipag-
kalakalan ang
mga Maya sa iba
pang bahagi ng
Mesoamerica?
Nakamit ng Maya ang tugatog ng kabihasnan matapos ang 600 CE. Subalit
sa pagtatapos ng ikawalong siglo CE, ang ilang mga sentro ay nilisan, ang
paggamit ng kalendaryo ay itinigil, at ang mga estrukturang panrelihiyon
at estado ay bumagsak. Sa pagitan ng 850 CE at 950 CE, ang karamihan sa
mga sentrong Maya ay tuluyang inabandona o iniwan. Wala pang lubusang
makapagpaliwanag sa pagbagsak ng Kabihasnang Mayan. Ayon sa ilang
dalubhasa, maaaring ang pagkasira ng kalikasan, paglaki ng populasyon, at
patuloy na digmaan ay ilan lamang sa mga dahilan ng paghina nito. Maaari
rin na sanhi ng panghihina nito ang pagbagsak sa produksiyon ng pagkain
batay sa mga nahukay na labi ng tao na nagpapakita ng kakulangan sa sapat na
nutrisyon. Ang mga labi ay natuklasang hindi gaanong kataasan samantalang
mas manipis ang mga buto nito.
188
Gayunpaman, ang ilang lungsod sa hilagang kapatagan ng Yucatan ay
nanatili nang ilan pang siglo, tulad ng Chichen Itza, Uxmal, Edzna, at Copan.
Sa paghina ng Chichen at Uxmal, namayani ang lungsod ng Mayapan sa buong
Yucatan hanggang sa maganap ang isang pag-aalsa noong 1450.
189
Paglakas
Pagkawala ng sustansiya
ng lupa. Ang paglaki ng
Ekonomiya at populasyon ay nagdulot ng
Kabuhayan Paglakas suliranin sa suplay ng pagkain.
Figure2.2 Paglakas at Paghina ng Imperyong Mayan. Ipinakikita sa diyagram ang mga sanhi at bunga ng
paglakas at paghina ng Kabihasnang Mayan.
Gabay na Tanong
1. Paano nakabuti at nakasama sa mga Mayan ang kanilang mahusay na sistema
ng pagtatanim?
190
GAWAIN 5: Ipaliwanag Mo
Pamahalaan Relihiyon
Ekonomiya Arkitektura
192
Angkop ang Tenoctitlan sa pagtatanim na siyang pangunahing ikinabubu-
hay ng mga Aztec dahil mayroon itong matabang lupa. Sa kabila nito, hindi
sapat ang lawak ng lupain upang matugunan ang pangangailangan ng mga
mamamayan. Ang hamong ito ay matagumpay na natugunan ng mga Aztec.
1. Ang lupa sa paligid ng mga lawa ay mataba subalit hindi lubos na malawak.
Upang madagdagan ang lupang tinataniman, tinabunan ng lupa ng mga
Aztec ang mga sapa at lumikha ng mga chinampas, mga artipisyal na pulo
na kung tawagin ay mga floating garden.
3. Mais ang kanilang pangunahing tanim. Ang iba pa nilang tanim ay patani,
kalabasa, abokado, sili, at kamatis. Nag-alaga rin sila ng mga pabo, aso, pato,
at gansa.
193
4. Dahil sila ay mga magsasaka, ang mga Aztec ay taimtim na umaasa sa mga
puwersa ng kalikasan at sinasamba ang mga ito bilang mga diyos. Ang pinaka-
mahalagang diyos nila ay si Huitzilopochtli, ang diyos ng araw. Mahalaga
ang sikat ng araw sa pananim ng mga magsasaka kaya sinusuyo at hinahan-
dugan ang naturang diyos. Mahalaga rin sina Tlaloc, ang diyos ng ulan at si
Quetzalcoatl. Naniniwala ang mga Aztec na kailangang laging malakas ang
mga diyos na ito upang mahadlangan ng mga ito ang masasamang diyos sa
pagsira ng daigdig. Dahil dito, ang mga Aztec ay nag-alay ng tao. Ang mga
iniaalay nila ay kadalasang bihag sa digmaan bagama’t may mga mandirig-
mang Aztec na nagkukusang-loob ialay ang sarili.
194
1.5 Makikita sa pahinang ito ang
1.4
graph ng populasyon ng mga
Mga Milyon
Aztec. Ang biglaang pagbaba
1.3 ng populasyon ay dulot ng
1.2
epidemya ng bulutong, pang-
aalipin, digmaan, labis na
1.1 paggawa, at pagsasamantala. Sa
1
kabuuan, tinatayang naubos ang
mula 85 hanggang 95 bahagdan
Populasyon
9 ng kabuuang katutubong
8
populasyon ng Mesoamerica
sa loob lamang ng 160 taon.
7
6
Daang Libo
1500 1520 1540 1560 1580 1600 1620 1640 1660 1680 1700
Taon
Figure2.3. Graph ng Populasyon ng mga Aztec
195
GAWAIN 8: Daloy ng mga Pangyayari
196
4. Magbigay ng kongklusyong magpapatunay na ang nabanggit na kabihasnan
ay maituturing na Kabihasnang Klasikal.
Ang aking mga natutuhan sa araling Madali kong naisakatuparan ang mga
ito ay _____________________________ gawain tulad ng ___________________
___________________________________ ___________________________________
___________________________________ ___________________________________
___________________________________ ___________________________________
___________________________________ ___________________________________
___________________________________ ___________________________________
___________________________________ ___________________________________
197
GAWAIN 11: Magbasa at Matuto
Gabay na Tanong
1. Anong anyong tubig ang matatagpuan sa silangan ng Imperyong Inca?
2. Paano nakatulong ang mahabang kalsada na ipinatayo ng mga Inca
upang mapatatag ang kanilang imperyo?
3. Sa kasalukuyan, bakit mahalaga ang maayos na sistema ng transportasyon?
198
Kabihasnang Inca (1200 - 1521)
Noong ika-12 siglo, isang pangkat ng mga taong naninirahan sa hilagang-
kanlurang bahagi ng Lake Titicaca sa matabang lupain ng Lambak ng Cuzco. Sa
pamumuno ni Manco Capac, bumuo sila ng maliliit na lungsod-estado.
Ang salitang Inca ay nagangahulugang “imperyo.” Hango ito sa pangalan ng
pamilyang namuno sa isang pangkat ng tao na nanirahan sa Andes. Unti-unting
pinalawig ng mga Inca ang kanilang teritoryo hanggang sa masakop nito ang
3,220 kilometro kuwadrado sa kahabaan ng baybayin ng Pacific. Saklaw ng
imperyong ito ang kasalukuyang lupain ng Peru, Ecuador, Bolivia, at Argentina.
Noong 1438, pinatatag ni Cusi Inca Yupagqui o Pachakuti ang lipunang Inca
sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang sentralisadong estado. Sa ilalim ni
Topa Yupanqui (1471 - 1493), pinalawig niya ang imperyo hanggang hilagang
Argentina, bahagi ng Bolivia, at Chile. Napasailalim din sa kaniyang kapangyarihan
ang estado ng Chimor o Chimu na pinakamatinding katunggali ng mga Inca sa
baybayin ng Peru. Sa ilalim naman ni Huayna Capac, nasakop ng imperyo ang
Ecuador.
Gabay na Tanong
1. Ano ang ibig sabihin ng Inca?
2. Sino si Pachakuti?
199
Dahil sa pagdating ni Francisco Pizarro, ang
Espanyol na mananakop ng Inca noong 1532,
ang lupain ng Imperyong Inca ay sumasaklaw
mula sa hilaga sa kasalukuyang Colombia
hanggang sa katimugan sa bahagi ng Chile at
Argentina. Subalit dahil sa mga tunggalian
tungkol sa pamumuno at kawalang kapanatagan
sa mga nasakop na bagong teritoryo, unti-
unting humina ang imperyo. Dagdag pa rito
Francisco Pizzaro ang tila napakalaking saklaw ng Imperyong
Source: http://the Inca na naging malayo mula sa sentrong pangangasiwa
historyjunkie,com/
sa Cuzco. Nariyan din ang malaking pagkakaiba ng mga
francisco.pizzaro-facts/
pangkat ng tao sa ilalim ng kanilang kapangyarihan.
Siya ang namuno sa mga Espanyol sa pananakop sa Imperyong Inca.
Samakatuwid, ang Imperyo ay nasa kaguluhang politikal na pinalubha pa
ng epidemya ng bulutong na dala ng mga sinaunang dumating na conquistador
o mananakop na Espanyol. Sa katunayan, si Huayna Capac, isa sa mga pinuno
ng Inca, ay namatay sa isang epidemya noong 1525. Ang pagpanaw na ito ay
nagdulot ng tunggalian sa kaniyang mga anak na sina Atahuallpa at Huascar.
Sa huli, nanaig si Atahuallpa. Nakilala niya si Pizarro habang naglalakbay ito
patungong Cuzco. Nang lumaon, binihag ni Pizarro ang Atahuallpa at pinatubos
ng pagkarami-raming ginto. Noong 1533, pinapatay si Atahuallpa at makalipas
ang isang taon, sinakop ng mga Espanyol ang Cuzco gamit lamang ang maliit
na hukbo.
Sa kabila ng katapangan ng mga Inca, hindi nila nagawang manaig sa bagong
teknolohiyang dala ng mga dayuhan, tulad ng mga baril at kanyon. Ang ilan sa
mga Inca ay nagtungo sa kabundukan ng Vilcabamba at nanatili rito nang ha-
los 30 taon. Hindi nagtagal, ang huling pinuno ng mga Inca na si Tupac Amaru
ay pinugutan ng ulo noong 1572. Dito tuluyang nagwakas ang pinakadakilang
imperyo sa Andes.
Gabay na Tanong
1. May pagkakatulad ba ang mga Pilipino at mga Inca? Patunayan.
2. Paano si Francisco Pizarro natutulad kay Miguel Lopez de Legazpi sa kasay-
sayan ng Pilipinas?
200
GAWAIN 12: Sino Sila?
201
GAWAIN 14: MAPAsuri
Punan ng tamang sagot ang chart. Pagkatapos, isulat ang iyong paliwanag tungkol
sa pamamagitan ng pagdudugtong ng impormasyon sa pahayag na nasa ibaba.
MAYA
AZTEC
INCA
202
Maituturing na Kabihasnang Klasikal ang naitatag ng mga Maya, Aztec, at
Inca dahil
Heograpiya ng Africa
Mahalaga ang papel ng heorapiya kung bakit ang Africa ang huling pinasok
at huling nahati-hati ng mga Kanluraning bansa. Tinawag ito ng mga Kanluranin
na dark continent dahil hindi nila ito nagalugad kaagad. Nanatiling limitado ang
kaalaman ng mga bansang Kanluranin tungkol sa kontinenteng ito hanggang
noong ika-19 na siglo.
Gabay na Tanong
203
Ang pinakamainit at
pinakamaulang bahagi ng Africa
ay yaong malapit sa equator.
Matatagpuan dito ang rainforest
o isang uri ng kagubatan kung
saan sagana ang ulan at ang mga
puno ay malalaki, matataas, at
may mayayabong na dahon.
Sa hangganan ng rainforest
ay ang savanna, isang bukas
at malawak na grassland o
damuhan na may mga puno. Sa
grassland sa hilaga ng equator
matatagpuan ang rehiyon ng
Sudan. Sa bandang hilaga naman
ng rehiyon ng Sudan makikita
Mapa 2.5 Katangiang Heograpikal ng Africa ang Sahara, ang pinakamalaki
at pinakamalawak na disyerto sa
daigdig. Ang Sahara na malaki pa sa Europe ay hindi natitirahan maliban sa mga
oasis nito. Ang oasis ay lugar sa disyerto kung saan may matabang lupa at tubig
na kayang bumuhay ng halaman at hayop. Tanging sa oasis lamang may mga
maliliit na pamayanan sa Sahara. Hiwa-hiwalay at kalat-kalat ang mga kultura
at kabihasnang sumibol at namayani sa malawak na kontinente ng Africa.
Gabay na Tanong
1. Ano-anong uri ng vegetation at anyong-lupa ang makikita sa kontinente
ng Africa?
2. Bakit mahirap mamuhay sa rehiyon ng Sahara?
3. Paano nakatulong ang heograpiya sa pag-usbong ng mga Imperyo?
204
Ang Kalakalang Trans-Sahara
Gabay na Tanong
1. Saang bahagi ng Africa makikita ang lupain ng mga Carthage?
2. Ano ang ibig sabihin ng caravan?
3. Paano nakarating sa Europe ang mga produkto mula sa Africa?
4. Bakit tinawag na Trans-Sahara ang kalakalan sa Hilagang Africa?
205
Ang Pagpasok ng Islam sa Kanlurang Africa
Morocco
Morocco
Berber
Berber
Sudan at
Sudan at Hilagang
Hilagang
Africa
Africa
Gabay na Tanong
1. Sino ang nagdala ng relihiyong Islam sa Hilagang Africa?
2. Bukod sa pag-unlad ng kabuhayan, anong aspekto ng pamumuhay ng
mga African ang naimpluwensiyahan ng mga Berber?
206
GAWAIN 17: MAPAghanap
Rainforest
Savanna
Disyerto
Oasis
207
GAWAIN 18: Magbasa at Matuto
Ang Kanlurang Africa ay naging tahanan din ng mga unang kabihasnan. Dito
umusbong ang mga imperyo ng Ghana, Mali, at Songhai.
Ang kaharian ng Axum ay sentro ng kalakalan noong 350 CE. Malawak ang
pakikipagkalakalan nito at sa katunayan, ito ay may pormal na kasunduan ng
kalakalan sa mga Greek. Mga elepante, ivory (ngipin at pangil ng elepante), sungay
208
ng rhinoceros, pabango, at pampalasa o rekado ang karaniwang kinakalakal sa
Mediterranean at Indian Ocean. Kapalit nito, umaangkat ang Axum ng mga tela,
salamin, tanso, bakal, at iba pa.
Isang resulta ng malawakang kalakalan ng Axum ay ang pagtanggap nito
ng Kristiyanismo. Naging opisyal na relihiyon ng kaharian ang Kristiyanismo
noong 395 CE.
Gabay na Tanong
1. Anong mga anyong-tubig
ang dinaanan ng mga Axum
sa pakikipagkalakalan?
2. Saang mga kontinte na-
kipagkalakalan ang mga
Axum?
3. Paano ito natutulad at
naiiba sa kalakalang Trans-
Sahara?
209
Malayang nakapagtatanim ang mga tao dulot ng matabang lupa sa malawak
na kapatagan ng rehiyon. Ang pagkakaroon ng sapat na pagkain ay isang
dahilan kung bakit lumaki ang populasyon dito. Sagana rin ang tubig upang
punan ang pangangailangan sa mga kabahayan at sa irigasyon.
Bumili ng mga
Naging maunlad
kagamitang
dahil naging sentro
pandigma na yari sa
ng kalakalan sa
bakal at mga kabayo
Kanlurang Africa
Ang mga kabayo ay
nagbibigay ng ligtas at
mabilis na paraan ng
transportasyon para sa
mga mandirigma nito.
Gabay na Tanong
1. Ano ang naging batayan ng pag-unlad ng Imperyong Ghana?
2. Paano nakatulong ang heograpiya ng Ghana upang umunlad ang
kanilang pamumuhay?
210
at pahilaga patungong Sahara Desert. Hawak nito ang mga ruta ng kalakalan.
Noong mamatay si Sundiata noong 1255, ang Imperyong Mali ang pinakamalaki
at pinakamapangyarihan sa buong Kanlurang Sudan.
Katulad ng Ghana, ang Imperyong Mali ay yumaman sa pamamagitan ng
kalakalan. Nang mamuno si Mansa Musa noong 1312, higit pa niyang pinalawak ang
teritoryo ng imperyo. Sa pagsapit ng 1325, ang malalaking lungsod pangkalakalan
tulad ng Walata, Djenne, Timbuktu, at Gao ay naging bahagi ng Imperyong Mali.
Maliban sa pagpapalawak ng imperyo, naging bantog din si Mansa Musa sa
pagpapahalagang ibinigay niya sa karunungan. Nagpatayo siya ng mga mosque
o pook-dasalan ng mga Muslim sa mga lungsod ng imperyo. Hinikayat niya ang
mga iskolar na pumunta sa Mali. Sa panahon ng kaniyang paghahari, ang Gao,
Timbuktu, at Djenne ay naging sentro ng karunungan at pananampalataya.
Mga Namuno sa
Imperyong Mali
Sundiata Keita
Mansa Musa
Gabay na Tanong
211
Ang Imperyong Songhai
Simula pa noong ika-walong siglo, ang Songhai ay nakikipagkalakalan na
sa mga Berber na taon-taon ay dumarating sa mga ruta ng kalakalan sa Niger
River. Maliban sa kalakalan, dala rin ng mga Berber ang pananampalatayang
Islam. Sa pagsapit ng 1010, tinanggap ni Dia Kossoi, hari ng mga Songhai, ang
Islam. Bagama’t hinikayat niya ang mga Songhai na tanggapin ang Islam, hindi
niya pinilit ang mga ito.
Sa pamamagitan ng Gao at ng Timbuktu, nakipagkalakalan ang Songhai sa
Algeria. Dahil dito, nakapagtatag ng ugnayan ang Songhai sa iba pang bahagi
ng Imperyong Islam.
Noong 1325, ang Songhai ay sinalakay at binihag ng Imperyong Mali. Subalit
hindi ito nagtagal sa pagiging bihag ng Mali. Noong 1335, lumitaw ang bagong
dinastiya, ang Sunni, na matagumpay na binawi ang kalayaan ng Songhai mula
sa Mali. Mula 1461 hanggang 1492, sa ilalim ni Haring Sunni Ali, ang Songhai ay
naging isang malaking imperyo. Sa panahon ng kaniyang paghahari, pinawalak
niya ang Imperyong Songhai mula sa mga hangganan ng kasalukuyang Nigeria
hanggang sa Djenne. Hindi niya tinanggap ang Islam sapagkat naniniwala siyang
sapat na ang kaniyang kapangyarihan at ang suporta sa kaniya ng mga katutu-
bong mangingisda at magsasaka. Gayunpaman, iginalang at pinahalagahan pa
rin niya ang mga mangangalakal at iskolar na Muslim na nananahan sa loob ng
kaniyang imperyo. Sa katunayan, hinirang niya ang ilan sa mga Muslim bilang
mga kawani sa pamahalaan.
212
Ghana Gabay na Tanong Ghana, Mali at Songhai
Ipinag-utos ni haring Al-Bakri na 1. Ano ang naging batayan ng kapangyarihan ng Im- Ang mga imperyong ito ay naging
ibigay sa kaniya ang mga butil ng peryong Ghana, Mali, at Songhai? makapangyarihan dahil sa kalakalan.
ginto at tanging mga gold dust ang 2. Bakit mahalaga ang asin para sa mga African? Pangunahing produkto nila ang gin-
pinayagang ipagbili sa kalakalan. to. Nagsilbi silang tagapamagitan ng
Sa ganitong paraan, napanatili ang mga African na mayaman sa ginto at
mataas na halaga ng ginto. ng mga African na mayaman sa asin.
asin
asin
Pag-isipan!
Iugnay ang Law of
Supply and Demand sa
ipinalabas na kautusan
ni haring Al-Bakri.
213
asin ginto
ginto
ginto
Mali
Nagsilbing sentro ng kalakalan ang Tim-
buktu. Bukod dito, lumaganap rin ang Sa panahong ito, ginagamit ng mga
relihiyong Islam at tumaas ang antas ng African ang ginto upang ipambili
kaalaman dulot ng impluwensiya ng mga ng asin. Ginagamit ng mga African
iskolar na Muslim. Ang Sankore Mosque Pigura 2.6 Infographic tungkol sa Imperyong Ghana, Mali
ang asin upang mapreserba ang
ay ipinagawa ni Mansa Musa noong 1325. at Songhai kanilang mga pagkain.
GAWAIN 19: History Makers
Punan ng tamang sagot ang chart batay sa iyong mga napag-aralan tungkol sa
mga pinuno ng mga Kabihasnan sa Africa.
Ghana
Mali Songhai
Punan ng tamang sagot ang talahanayan. Isulat ito sa loob ng angkop na kolum.
Dugtungan ang kasunod na pangungusap na nasa loob ng kahon.
214
Maituturing na kabihasnang klasikal ang naitatag ng mga Imperyong
Ghana, Mali, at Songhai dahil
MIGRASYONG AUSTRONESIAN
Gabay na Tanong
1. Magbigay ng ilang
sa kasalukuyan na
pinanirahan ng mga
Austronesian.
2. Bakit nandayuhan ang
mga Austronesian sa
http://en.wikipedia.org/wiki/Austronesian_peoples
mga pulo sa Pacific.
215
Ayon sa teorya ng iskolar na si Peter Bellwood, nagmula sa timog China
ang mga Austronesian. Sa hangaring makahanap ng mga bagong teritoryo na
masasaka, umalis sila ng China at nandayuhan simula noong 4000 BCE. Tumungo
sila sa mga lugar na kilala ngayon bilang Taiwan, Pilipinas, Malaysia, Brunei, at
Indonesia. Noong 2000 BCE, may mga Austronesian na tumungo pakanluran
hanggang makarating sa Madagascar sa Africa. Samantala, may mga tumungo
pasilangan at tinawid ang Pacific Ocean at nanahan sa mga pulo ng Pacific.
Unang narating ng mga Austronesian ang New Guinea, Australia, at Tasmania.
Noong 1000 BCE, nanahan ang mga Austronesian sa Vanuatu, Fiji, at Tahiti.
Narating din nila ang Tonga, Samoa, at Marquesas. Tinatayang nasa mga
pulo ng Hawaii sila noong 100 BCE. Pinakamalayo nilang naabot ang Easter
Island, isang pulo sa Pacific na bahagi na ng South America.
Sa pag-aaral ng kabihasnan ng mga pulo sa Pacific, mahalagang tunghayan
ang lipunan ng mga tao rito bago dumating ang mga Kanluranin. Ang lipunan
at kulturang ito ay Austronesian.
POLYNESIA –
MICRONESIA –
maraming isla
maliliit na mga
poly – marami
isla
nesia - isla
micro – maliit
nesia - isla
MELANESIA –
maiitim ang
mga tao dito
mela– maitim
nesia - isla
216
Polynesia
May mga batas na sinusunod upang hindi mawala o mabawasan ang mana.
Halimbawa, bawal pumasok sa isang banal na lugar ang pangkaraniwang tao.
Ang sinaunang kababaihan sa Marquesas ay hindi maaaring sumakay sa bangka
sapagkat malalapastangan niya ang bangka na may angking mana. Gayundin,
ang mga lalaking naghahanda sa pakikipaglaban o para sa isang mapanganib
na gawain ay dapat nakabukod. Bawal silang makihalubilo sa babae at pili lang
217
ang dapat nilang kainin upang hindi mawala ang kanilang mana. Ang tawag sa
mga pagbabawal o prohibisyong ito ay tapu. Kamatayan ang pinakamabigat na
parusang igagawad sa matinding paglabag sa tapu.
Gabay na Tanong
Micronesia
Ang maliliit na pulo at atoll ng Micronesia ay matatagpuan sa hilaga ng
Melanesia at sa silangan ng Asya. Ang Micronesia ay binubuo ng Caroline Islands,
Marianas Islands, Marshall Islands, Gilbert Islands (ngayon ay Kiribati), at Nauru.
Ang mga sinaunang pamayanan dito ay matatagpuan malapit sa mga lawa o
dagat-dagatan. Ito ay upang madali para sa mga tao ang lumabas at maglayag sa
karagatan. Itinatag nila ang kanilang mga pamayanan sa bahaging hindi gaanong
tinatamaan ng bagyo o malalakas na ihip ng hangin.
Pagsasaka ang pangunahing kabuhayan ng mga Micronesian. Nagtatanim
sila ng taro, breadfruit, niyog, at pandan. Sagana ang mga ito sa asukal at
starch na maaaring gawing harina. Pangingisda ang isa pang ikinabubuhay ng
mga Micronesian. May kaalaman din sa paggawa ng simpleng palayok ang mga
lipunan ng Marianas, Palau, at Yap.
Malimit din ang kalakalan ng magkakaratig-pulo. Sa Palau at Yap, bato at
shell ang ginagamit bilang paraan ng palitan. Gumagamit din ang Palau ng batong
ginawang pera (stone money). Sa iba pang mga pulo, nagpapalitan ng kalakal
ang mga tao sa matataas (high-lying islands) at mabababang pulo (low-lying
coral atolls). Ipinagpapalit ng mga taga-high-lying island ang turmeric na ginag-
amit bilang gamot at pampaganda. Samantala, ang mga taga-low-lying coral
atoll ay nakipagpalitan ng mga shell/bead, banig na yari sa dahon ng pandan,
at magaspang na tela na galing sa saging at gumamela. Bilang tela, ginagawa
itong palda ng kababaihan at bahag ng kalalakihan.
218
Animismo rin ang sinaunang relihiyon ng mga Micronesian. Ang mga rituwal
para sa mga makapangyarihang diyos ay kinapapalooban ng pag-aalay ng unang
ani.
Melanesia
Ang Melanesia ay matatagpuan sa hilaga at silangang baybay-dagat ng
Australia. Ito ay kasalukyang binubuo ng New Guinea, Bismarck Archipelago,
Papua New Guinea, Solomon Islands, Vanuatu (dating New Hebrides), New
Caledonia, at Fiji Islands.
Ang mga sinaunang pamayanan dito ay maaaring nasa baybaying-dagat o sa
dakong loob pa. Pinamumunuan ito ng mga mandirigma. Tagumpay sa digmaan
ang pangkaraniwang batayan ng pagpili sa pinuno. Sa maraming grupong
Papuan, ang kultura ay hinubog ng mga alituntunin ng mga mandirigma tulad
ng katapangan, karahasan, paghihiganti, at karangalan.
Taro at yam ang pangunahing sinasaka sa Melanesia. Nagtatanim din dito
ng pandan at sago palm na pinagkukunan ng sago. Pangingisda, pag-aalaga ng
baboy, at pangangaso ng mga marsupial at ibon ang iba pang kabuhayan dito.
May kalakalan din sa pagitan ng mga pulo. Karaniwang produktong kinakalakal
ng mga Melanesian ay mga palayok, kahoy, yam, baboy, asin, apog, gayundin
ang mga gawa nilang bangka.
Naniniwala rin sa animism ang mga sinaunang Melanesian. Ipinababatid ng
diyos ng kalikasan ang mga kaganapan tulad ng tagumpay sa labanan, sakuna,
kamatayan, o pag-unlad ng kabuhayan. Laganap din sa Solomon Islands at
Vanuatu ang paniniwala sa mana.
May sariling katangian at kakanyahan ang mga isla sa Pacific. Nakabatay
ang kanilang pamumuhay sa pakikipagkalakalan sa iba-ibang isla at kontinente.
Bagama’t hindi ito kasing-unlad, kasing-tanyag at kasing-yaman ng mga
kabihasnan at imperyo sa America at Africa, nakaimpluwensiya rin ito sa mga
mamamayang naninirahan sa mga isla sa Pacific at sa mga karatig bansa nito
sa Timog-Silangang Asya sa kasalukuyan.
219
GAWAIN 23: Pagsagot sa Chart
Katapusan
Kalagitnaan
Simula
Paano
nakaimpluwensiya
ang mga pangyayari at
mga tugon sa hamon
ng mga sinaunang
mamamayan sa
mga nabanggit na
kontinente tungo sa
pagbuo ng sariling
pagkakakilanlan?
220
BINABATI KITA!
Ngayon ay natapos mo na ang bahagi ng Paunlarin para sa Aralin 2.
PAGNILAYAN AT UNAWAIN
221
Front Page
Larawan ng Kontribusyon
Katapusan
Kalagitnaan
Simula
Paano
nakaimpluwensiya
ang mga pangyayari at
mga tugon sa hamon
ng mga sinaunang
mamamayan sa
mga nabanggit na
kontinente tungo sa
pagbuo ng sariling
pagkakakilanlan?
222
BINABATI KITA!
Mahusay mong nagampanan ang gawain sa bahagi ng Pagnilayan at Unawain
para sa Aralin 2.
223
ARALIN 3
Isinulat ni Jeanette Winterson ang mga katagang: “In the space between
chaos and shape there was another chance.” Nangangahulugan ito na ang bawat
kaguluhan at pagbagsak ay may kaagapay na panibagong pagkakataon. Marahil
pagkakataon para bumangon, pagkakataon para muling umunlad. Sa pagitan ng
pagbagsak at pagbangon ay isang mahalagang pangyayaring maaaring ituring na
transisyon. Ikaw, sa buhay mo, ano ang maituturing mong mahalagang transisyon?
Pagtutuunan sa Modyul na ito ang mga pangyayari sa Transisyonal na Panahon.
Sa pagitan ng sinauna at makabagong panahon, ano nga ba ang naganap sa
kasaysayan ng mundo partikular na sa Europe? Ano ang epekto ng mga
pangyayaring ito sa pagpapalaganap ng pandaigdigang kamalayan?
Paano nakaapekto ang mga pangyayari sa Transisyonal na Panahon
sa paghubog at pagbuo ng pagkakakilanlan ng bansa at rehiyon sa
daigdig? Halina’t iyo itong tuklasin.
ALAMIN
224
GAWAIN 1: Photo-Suri
225
Bago ang Matapos ang
PAHAYAG
Talakayan Talakayan
1. Sa pagbagsak ng Imperyong Roman at
pananalasa ng iba-ibang pangkat ng mga
barbaro ay natapos ang Sinaunang Panahon
at pumasok ang pagsisimula ng Panahong
Medieval.
2. Si Charlemagne o "Charles the Great” ang
itinuturing na isa sa pinakamahusay na hari
ng Panahong Medieval. Pinamunuan niya
ang “Holy Roman Empire” na sinasabing
muling bumuhay sa Imperyong Roman.
3. Sa panahon ng kaguluhan bunsod ng
pagbagsak ng Imperyong Roman at
pananalakay ng mga tribung barbaro,
naging kanlungan ng mga tao ang
Simbahan. Naging mahalaga ang papel ng
“Kapapahan” o ang tungkulin, panahon
ng panunungkulan at kapangyarihang
panrelihiyon ng Papa bilang pinuno ng
Simbahang Katoliko.
4. Pangunahing layunin ng paglulunsad
ng mga Krusada ang pagpapalaganap
ng relihiyong Kristiyanismo sa iba pang
panig ng daigdig.
5. Ang Piyudalismo ay isang matibay na
sistemang naitatag noong Panahong
Medieval. Itinuturing itong sistemang
politikal, sosyo-ekonomiko, at militar na
sagot sa pangangailangan sa tagapanguna
sa panahon ng kaguluhan.
6. Ang pang-ekonomiyang aspekto ng
Piyudalismo ay tinatawag na Manoryalismo.
Ito ay ang sistemang gumagabay sa
pamumuno ng mga hari sa kanilang
nasasakupan.
7. Bunsod ng pagtaas ng populasyon at
pag-unlad ng kalakalan ay ang pag-un-
lad ng mga bayan. Ang paglago ng
bayan ay nakatulong sa paglago ng
kalakalan at ang paglago ng kalakalan
ay nakatulong din sa paglago ng mga
bayan.
226
8. Maaaring umangat ang isang tao
sa lipunan dahil hindi nakabatay sa
kapanganakan ang antas sa buhay
kundi sa kayamanan ng isang tao.
9. Naging maunlad ang mga manor dahil sa
pakikipagkalakalan sa ibang bayan.
10. Ang mga pangyayaring nagbigay-daan sa
pag-usbong ng Europe ay nakatulong sa
pagkakabuo ng pandaigdigang kamalayan
sa kasalukuyang panahon.
BINABATI KITA!
Sa puntong ito ay natapos mo na ang bahagi ng Alamin.
Natititiyak kong nais mong malaman kung tama ang iyong mga sagot sa
talahanayan. Masasagot ito sa susunod na bahagi ng Modyul. Sa iyong pagtupad
sa iba-ibang gawain, suriin kung tumutugma ba ang iyong mga dating kaalaman
sa mga bagong kaaalaman na iyong matututuhan sa Modyul na ito.
PAUNLARIN
227
GAWAIN 3: Daloy Ng Kasaysayan
228
Suriin ang diyagram tungkol sa pag-usbong ng Europe sa Panahong Medieval
Ang Paglakas ng Ang Holy Roman Ang Paglunsad ng Ang Buhay sa Europe
Simbahang Katoliko Empire mga Krusada Noong Gitnang
Bilang Isang Institusyon Panahon (Piyudalismo,
sa Gitnang Panahon Manorialismo, Pag-
usbong ng mga Bayan
at Lungsod)
229
GAWAIN 4: Magbasa at Matuto
230
Sa kabilang dako, nahikayat naman ang mga barbaro sa kapangyarihan ng
Simbahan. Pumayag sila na binyagan sa pagka-Kristiyano at naging matapat na
mga kaanib ng pari.
Halaw sa: Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat para sa Ikatlong Taon nina Vivar et al.
p. 141-144
231
Tinawag na mga arsobispo ang mga obispo na nakatira sa malalaking lungsod
na naging unang sentro ng Kristiyanismo. Bukod sa panrelihiyong pamamahala
ng kanilang sariling lungsod, may kapangyarihan ang isang arsobispo sa mga
obispo ng ilang karatig na maliit na lungsod. Ang Obispo ng Rome, na tinawag
bilang *Papa, ang kinikilalang katas-taasang pinuno ng Simbahang Katoliko sa
Kanlurang Europe. Kabilang siya sa mga arsobispo, obispo at mga pari ng mga
parokya.
Mula noong kalagitnaan ng ika-11 siglo, pinipili ang mga Papa ng Kolehiyo ng
mga Kardinal sa pamamagitan ng palakpakan lamang, depende kung sino ang
gusto ng matatandang kardinal. Sa Konseho ng Lateran noong 1719, pinagpasyahan
ng mayorya ang paghalal ng Papa.
232
Uri ng Pamumuno sa Simbahan
Maraming mga naging pinuno ng Simbahan ang nakatulong sa pagpapalakas
ng pundasyon ng Simbahang Katoliko Roman at Kapapahan. Ilan lamang sa
mahahalagang tao ng Simbahan at ang kanilang mga nagawa ang makikita sa
talahanayan.
Pinuno / Papa Paraan ng Pamumuno
Constantine the • Pinagbuklod-buklod niya ang lahat ng mga Kristi-
Great yano sa buong imperyo ng Rome at ang Konseho
ng Nicea na kaniyang tinawag.
Papa Leo the Great • Binigyang-diin niya ang Petrine Doctrine, ang
(440-461) doktrinang nagsasabing ang obispo ng Rome, bilang
tagapagmana ni San Pedro, ang tunay na pinuno ng
Kristiyanismo. Sa kaniyang mungkahi, ang emperador
sa kanlurang Europe ang nag-utos na kilalanin ang
kapangyarihan ng obispo ng Rome bilang pinakamataas
na pinuno ng Simbahan. Makalipas ang ilang daang
taon, ibinigay ang pangalang Papa sa obispo ng Rome.
Mula noong kapanahunan ni Papa Leo, kinilala ang
kapangyarihan ng Papa sa lahat ng mga Kristiyano sa
Kanlurang Europe. Tumanggi naman ang Simbahang
Katoliko sa Silangang Europe na kilalanin ang Papa
bilang pinakamataas na pinuno ng Kristiyanismo
http://upload.wikimedia. hanggang sa panahong ito.
org/wikipedia/com-
mons/5/5b/Pope_St._
Leo_IV.jpg
233
Papa Gregory I • Iniukol niya ang kaniyang buong kakayahan at
pagsisikap sa paglilingkod bilang pinuno ng lungsod at
patnubay ng Simbahan sa buong Kanlurang Europe.
234
Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mahusay na pinuno sa pagtatag
ng isang organisasyon? Ipaliwanag.
235
Pinakamahalaga sa mga ginampanang tungkulin ng mga monghe ang
pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa utos ng Papa sa iba-ibang dako ng Kanlurang
Europe. Napag-alaman na natin kung paano napasampalataya sa Kristiyanismo
ang mga Visigoth sa Spain; ang mga Anglo-Saxon sa England, Ireland, at Scotland,
at ang mga German sa ilalim ng direksiyon ni Papa Gregory I. Gayundin, naging
martir si St. Francis Xavier, ang tinaguriang Apostol ng Asia para sa simulain
ng pagpapalaganap ng Kristiyanismo, sa utos ng Papa sa Rome.
Halaw sa : Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat para sa Ikatlong Taon nina Vivar
et al. p. 141-144
Salik sa Paglakas
ng Kapangyarihan
ng Papa
236
? Pamprosesong mga Tanong
1. Batay sa teksto, ano ang pangunahing papel na ginampanam ng Simbahan
noong Gitnang Panahon? Patunayan.
2. Bakit madaling nahikayat ng Simbahan ang mga pangkat barbaro na
yakapin ang Katolisismo?
3. Paano nagkakatulad ang papel na ginampanan ng Simbahan sa kasalukuyan
sa gampanin nito noong Panahong Medieval? Ipaliwanag.
1. __________________________________________
__________________________________________
2. _________________________________________
3
_________________________________________
3. _________________________________________
_________________________________________
1. __________________________________________
2 _________________________________________
2. _________________________________________
_________________________________________
1. _________________________________________
1
_________________________________________
237
GAWAIN 7: Sa Madaling Salita
238
GAWAIN 8: Magbasa at Matuto
481 - Pinag-isa ni Clovis ang iba-ibang tribung Franks at sinalakay ang mga Roman
496 - Naging Kristiyano si Clovis at ang kaniyang buong sandatahan
511 - Namatay si Clovis at hinati ang kaniyang kaharian sa kaniyang mga
anak
687 - Pinamunuan ni Pepin II ang tribung Franks
717 - Humalili kay Pepin II ang kaniyang anak na si Charles Martel
751 - Ang anak ni Charles Martel na si Pepin the Short ay hinirang bilang
Hari ng mga Franks sa halip na Mayor ng Palasyo
239
Si Pope Leo III ang humirang kay Charlemagne bilang “Emperor of the Holy Roman
Empire”. Ayon sa ilang aklat, nangangahulugan ito na ang ideya ng mga Roman ng
isang sentralisadong pamahalaan ay hindi naglaho.
Nang namatay si Charlemagne noong 814 CE, humalili si Louis the Religious.
Hindi nagtagumpay ang pagsisikap nitong mapanatili ang imperyo dahil sa
paglaban ng mga maharlika. Nang mamatay siya, hinati ng kaniyang tatlong anak
ang imperyo sa pamamagitan ng Kasunduan ng Verdun noong 841. Napunta kay
Charles the Bald ang France; kay Louis the German ang Germany; at ang Italy
kay Lothair. Sa pagkakawatak-watak ng imperyo, nawalan ng kapangyarihan ang
mga haring Carolingian sa mga maharlika at nagsimula na naman ang paglusob
ng mga Viking, Magyar at Muslim. Namayani sa Europe ang mga maharlika at
humina ang mga hari. Nagsimula ang isang sistematikong sosyo-ekonomiko,
politiko at militari- ang piyudalismo.
Halaw sa: Kasaysayan ng Daigdig (Batayang Aklat para sa Ikatlong Taon)nina Vivar et al. p. 140-141
Pinag-isa ni
Clovis ang mga
tribong Franks
at sinalakay
ang mga
Romano.
240
? Pamprosesong mga Tanong
241
Sa Panahong Medieval, unti-unting
namayagpag ang Simbahang Katoliko.
Nagsimulang maging Kristiyano ang mga tao
sa Europa, subalit nang bumagsak ang Holy
Roman Empire, nawalan ng malakas na pinuno
ang imperyo. Sa kabilang dako ay nagpapalawak
din ng imperyo ang mga Muslim. Nakuha ng mga
Muslim ang Jerusalem. Bunsod nito, nanawagan
ang Papa ng paglulunsad ng mga Krusada. Alamin
sa susunod na aralin ang mga sanhi at bunga ng
paglulunsad ng mga Krusada.
ANG KRUSADA
Ang Krusada ay isang ekspedisyong militar na inilunsad ng Kristiyanong
Europeo dahil sa panawagan ni Pope Urban II noong 1095. Ito ay isang banal
na labanan ng mga relihiyosong Europeo laban sa mga Turkong Muslim na
sumakop sa banal na pook sa Jerusalem. Mula Jerusalem balak salakayin ng
mga Turkong Muslim ang Imperyong Byzantine kaya humingi ng tulong ang
Emperador ng Byzantine sa Papa sa Rome lalo pa at sa pagsalakay na ito ay
mapalaganap ang relihiyong Islam. Sa panawagan ni Papa Urban, hinimok niya
ang mga kabalyero (knights) na maging krusador at pinangakuan niya ang mga
ito na papatawarin sila sa kanilang mga kasalanan; kalayaan sa mga pagkautang;
at kalayaang pumili ng fief mula sa lupa na kanilang masakop.
Unang Krusada
242
Ikalawang Krusada
Ikaapat na Krusada
Nagkaroon ng iba pang krusada noong 1219, 1224, 1228 ngunit lahat ng mga
ito ay naging bigo sa pagbawi muli sa Holy Land. Sa kabuuan, ang mga krusada
ay pawang bigo, maliban sa una na nahawakan nila ang Jerusalem sa loob ng
isang daang taon at pagkatapos nito ay nanumbalik na naman sa kamay ng mga
Turkong Muslim ang lupain.
243
Mapa 3.1 Ruta ng ilan
sa mga Krusada
Resulta ng Krusada*
244
Gawain 12: History Frame
Kinahinatnan/ Resulta:
Mahahalagang Pangyayari:
Aral na Natutunan:
245
Gawain 13: Lesson Closure
246
Gawain 14: Sa Madaling Salita
Mula sa naging talakayan tungkol sa paksa, sagutin ang tanong sa ikatlong kahon.
247
GAWAIN 15: Comic-Suri
Akoang
Ako angHARI,
HARI,
pagmamay-ari koko
pagmamay-ari angang
lahat ng
lahat nglupain. Subalit
lupain. Subalit
ibinigay ko
ibinigay koang
angibaiba
sa sa
mga BARON.
mga BARON.
Ako
Ako angang BARON,
BARON, dapat
dapat akong
akong
maging TAPAT
maging TAPAT sa HARI dahil
sa HARI dahil ibinigay
ibinigay
niya sa akin
niya akin ang
ang ilan
ilan sa
sa kaniyang
kaniyang
lupain. Dapat
lupain. Dapat maging
maging handa
handa akong
akong
ipaglaban siya
ipaglaban siya at magsanay ng
at magsanay mga
ng mga
KNIGHT. Ibinigay
KNIGHT. Ibinigay koko ang
ang ilan
ilan sa
aking lupain
aking lupain sa aking mga
sa aking mga
KNIGHT.
Akoang
Ako angVILLEIN,
VILLEIN,
ibinigay ng
ibinigay ng KNIGHT
KNIGHTsa sa akin
akin ang ilan sa
ang ilan
kaniyang lupain
kaniyang lupain upang
upang mapagtaniman
mapagtaniman
at paunlarin.
at paunlarin. Tungkulin
Tungkulin kong
kong magbayad
magbayad
ng buwis
ng buwis atat pagkalooban
pagkalooban siya ngng regalo.
regalo.
Hindi ako
Hindi ako maaaring
maaaring umalis
umalis sa lupain na
sa lupain na
kaniyang nasasakupan
kaniyang nasasakupan nang nang walang
walang
pahintulot ngng
pahintulot KNIGHT.
KNIGHT.
Ano ang salitang nababanggit sa lahat ng bahagi ng comic strip? Ano ang
ipinapahiwatig nito?
248
Sa iyong palagay, anong sistema ang umiiral na ipinahihiwatig ng comic strip?
Ipaliwanag. ______________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
Basahin at suriin ang sumusunod na teksto. Sagutin ang mga tanong sa kahon
kaugnay ng tekstong binasa.
Ang Piyudalismo
Mula sa ikasiyam hanggang ika-14 na siglo, ang pinakamahalagang anyo ng
kayamanan sa Europe ay lupa. Kinakailangang pangalagaan ang pagmamay-ari
ng lupa. Pangunahing nagmamay-ari ng lupa ang hari.
Dahil sa hindi niya kayang ipagtanggol ang lahat ng kaniyang lupain,
ibinabahagi ng hari ang lupa sa mga nobility o dugong bughaw. Ang mga dugong
bughaw na ito ay nagiging vassal ng hari. Ang hari ay isang lord o panginoong
may lupa. Ang iba pang katawagan sa lord ay liege o suzerain. Samantala, ang
lupang ipinagkakaloob sa vassal ay tinatawag na fief. Ang vassal ay isa ring lord
dahil siya ay may-ari ng lupa. Ang kaniyang vassal ay maaaring isa ring dugong
bughaw.
Ang homage ay isang seremonya kung saan inilalagay ng vassal ang kaniyang
kamay sa pagitan ng mga kamay ng lord at nangangako rito na siya ay magiging
tapat na tauhan nito. Bilang pagtanggap ng lord sa vassal, isinasagawa ang
investiture o seremonya kung saan binibigyan ng lord ang vassal ng fief.
Kadalasang isang tingkal ng lupa ang ibinibigay ng lord sa vassal bilang sagisag
ng ipinagkaloob na fief. Ang tawag sa sumpang ito ay oath of fealty.
Kapag naisagawa na ng lord at vassal ang oath of fealty sa isa’t isa, gagampanan
na nila ang mga tungkuling nakapaloob sa kasunduan. Tungkulin ng lord na
suportahan ang pangangailangan ng vassal sa pamamagitan ng pagkakaloob ng
fief. Tungkulin din niya na ipagtanggol ang vassal laban sa mga mananalakay
o masasamang-loob at maglapat ng nararapat na katarungan sa lahat ng mga
alitan. Bilang kapalit, ang pangunahing tungkulin ng vassal ay magkaloob ng
serbisyong pangmilitar. Tungkulin din ng vassal na magbigay ng ilang kaukulang
pagbabayad tulad ng ransom o pantubos kung mabihag ang lord sa digmaan.
Kailangan din niyang tumulong sa paghahanap ng sapat na salapi para sa dowry
ng panganay na dalaga ng lord at para sa gastusin ng seremonya ng pagiging knight
249
ng panganay na lalaki ng lord. Ang knight ay isang mandirigmang nakasakay sa
kabayo at nanumpa ng katapatan sa kaniyang lord.
Halaw mula sa: Araling Panlipunan III, EASE Module 9, Sistemang Pyudal sa
Gitnang Panahon sa Europa
250
Isang magandang alaala ng Piyudalismo ang sistemang kabalyero
(knighthood). Kinapapalooban ang kodigo ng kagandahang asal ng mga
kabalyero (chivalry) ng katapangan, kahinahunan, pagiging marangal
at maginoo lalo na sa kaibigan. Nagpapalaganap din ng mga saloobing
Kristiyano ang sistemang kabalyero tulad ng pagtatanggol sa mga naaapi
at paggalang sa kababaihan.
Banal at isang propesyon na pinagpala ng Simbahan ang pagiging
kabalyero. Kalakip nito ang tungkuling ipagtanggol at itaguyod ang
Kristiyanismo.
251
loob na maglingkod sa mga hari at sa mga may-ari ng lupa upang iligtas ang
mga ito sa mga mananakop. Dahil sa hindi umiiral ang paggamit ng salapi, ang
magigiting na sundalo o kabalyero ang pinagkalooban ng mga kapirasong lupa
bilang kapalit ng kanilang paglilingkod. Ang mga kabalyero ang unang uri ng
mga maharlika, tulad ng mga panginoon ng lupa, na maaaring magpamana ng
kanilang lupain.
Mga Serf. Ito ang bumubuo ng masa ng tao noong Medieval Period. Nanatili
silang nakatali sa lupang kanilang sinasaka. Kaawa-awa ang buhay ng mga
serf. Nakatira sila sa maliit at maruming silid na maaaring tirahan lamang ng
hayop sa ngayon. Napilitan silang magtrabaho sa bukid ng kanilang panginoon
nang walang bayad. Wala silang pagkakataon na umangat sa susunod na antas
ng lipunan tulad ng maharlika at malayang tao. Makapag-aasawa lamang ang
isang serf sa pahintulot ng kaniyang panginoon. Lahat ng kaniyang gamit, pati
na ang kaniyang mga anak, ay itinuturing na pag-aari ng panginoon. Wala silang
maaaring gawin na hindi nalalaman ng kanilang panginoon.
252
? Pamprosesong mga Tanong
1. Ano ang ipinapahiwatig ng pagkakaroon ng uring lipunan sa Sistemang
Piyudalismo?
2. Bakit mahalaga ang lupa sa Sistemang Piyudalismo? Ipaliwanag.
3. Sa kasalukuyan, umiiral pa ba ang Sistemang Piyudalismo? Pangatuwiranan
253
manor. Sa kabilang dako ang kanilang panginoon ay dito rin umaasa sa kita ng
pagsasaka sa manor na kaniyang magiging kayamanan.
Ang kastilyo ng panginoong piyudal ang pinakapusod ng isang manor. Maaari
ring ang bahay sa manor ay isang malaking nababakurang gusali o kaya ay
palasyo. Ang lupain sa loob ng manor ay nahahati ayon sa paggagamitan nito.
Kumpleto sa mga kakailanganin ng magsasaka ang mga gamit sa manor. Para
sa mga naninirahan doon, ang mga pangangailangan nila ay napapaloob na sa
manor. Nandiyan ang kamalig, kiskisan, panaderya, at kuwadra ng panginoon.
Mayroon ding simbahan, pandayan, at pastulan. Kung maibigan ng panginoon,
ang mga kaparangan at kagubatan ay kaniyang hinahati ngunit nag-iiwan siya
ng pastulan na maaaring gamitin ng lahat.
254
GAWAIN 19: Photo-suri
255
GAWAIN 20: Magbasa at Matuto
Paggamit ng Salapi
256
Ano-ano ang mga mahahalagang impormasyong makukuha mula sa teksto?
Unang Talata
_______________________________________________
Ikalawang Talata
_______________________________________________
Ikatlong Talata
_______________________________________________
Ikaapat na Talata
________________________________________________
Ikalimang Talata
________________________________________________
257
Ang bayan sa panahong ito ay tinatawag na burgh. Ang mga taong nagtayo
ng kanilang tirahan dito ay karaniwang tinatawag na burgher. Sa France, ang
mga burgher ay kolektibong tinatawag na bourgeoisie.
Ang mga burgher ay kakaiba sa tradisyonal na paghahati ng lipunan batay sa
kanilang ginagawa. Hindi sila lord na may ari ng lupa at nakikidigma. Iba rin sila
sa pari na nagdarasal at sa magbubukid na nagtatanim. Ang mga naninirahan sa
bayan ay nagkakaloob ng produkto at serbisyo na ikinakalakal. Habang dumarami
ang kalakal nila, yumayaman sila at umuunlad ang kanilang pamumuhay. Ang
mga mangangalakal at artisan na ito ay bumuo ng bagong pangkat sa lipunan,
ang gitnang uri o middle class.
Sa bayan maaaring umangat ang pangkaraniwang tao sa lipunan. Yaman
at hindi kapanganakan ang batayan ng pagkakakilanlan. Kadalasan, higit na
mayaman pa ang mga mangangalakal kaysa mga dugong bughaw.
Halaw sa: Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan Ikatlong Taon, nina
Mateo et al., p. 202-203
258
Dahil sa kanilang yaman, lubhang naging mahalaga ang mga merchant guild o
guild ng mga mangangalakal sa pamahalaang bayan. Hinikayat ng mga merchant
guild ang pagkakaroon ng sistema ng kalinisan at pagpapagawa ng mga kanal
para sa dumi. Sinikap nila na magkaroon ng iisang batayan ng timbang at panukat
na maaaring gamitin ng lahat. Minsan, ginagampanan nila ang papel bilang mga
pulis na naglalaan ng proteksyon. Maaari rin nilang impluwensiyahan ang mga
lord na alisin ang toll o bayad ng mga daan sa mga lupain nito.
Nang lumaki ang mga bayan, ang mga artisan ay nagtatag ng sariling guild. Ang
bawat craft o kasanayan ay may sariling guild. Halimbawa, ang mga karpintero,
barbero, panadero, sastre, at iba pang hanapbuhay ay may sariling guild. Ang
sinumang hindi kasapi sa isang guild ay hindi maaaring gumawa ng produkto
na ginagawa ng nasabing guild.
259
GAWAIN 21: Dahilan-Epekto
Pag-unlad ng kalakalan
Paglitaw ng mga
Bourgeoisie
Pagkakaroon ng sistemang
Guild
260
GAWAIN 22: Sa Madaling Salita
Paano nakatulong ang Paano nakatulong ang Paano nakatulong ang Paano nakatulong ang
paglakas ng Simbahang pagkakatatag ng Holy paglulunsad ng mga pag-usbong ng mga
Katoliko sa pag-usbong Roman Empire sa pag- Krusada sa pag-usbong bayan at lungsod sa pag-
ng Europe sa Panahong usbong ng Europe sa ng Europe sa Panahong usbong ng Europe sa
Medieval? Panahong Medieval? Medieval? Panahong Medieval?
261
Bago ang PAHAYAG Matapos ang
Talakayan Talakayan
1. Sa pagbagsak ng Imperyong Roman at
pananalasa ng iba-ibang pangkat ng mga
barbaro ay natapos ang Sinaunang Panahon
at pumasok ang pagsisimula ng Panahong
Medieval.
2. Si Charlemagne o Charles the Great ang
itinuturing na isa sa pinakamahusay na hari ng
Panahong Medieval. Pinamunuan niya ang Holy
Roman Empire na sinasabing muling bumuhay
sa Imperyong Roman.
3. Sa panahon ng kaguluhan bunsod ng pagbagsak
ng Imperyong Roman at pananalakay ng mga
tribung barbaro, naging kanlungan ng mga
tao ang Simbahan. Naging mahalaga ang
papel ng papacy o ang tungkulin, panahon ng
panunungkulan at kapangyrihang panrelihiyon
ng Papa bilang pinuno ng Simbahang Katoliko.
4. Pangunahing layunin ng paglulunsad ng mga
Krusada ang pagpapalaganap ng relihiyong
Kristiyanismo sa iba pang panig ng daigdig.
5. Ang Piyudalismo ay isang matibay na sistemang
naitatag noong Panahong Medieval. Itinuturing
itong sistemang politikal, sosyo-ekonomiko
at militar na sagot sa pangangailangan sa
tagapanguna sa panahon ng kaguluhan.
6. Ang pang-ekonomiyang aspekto ng Piyudalismo
ay tinatawag na Manoryalismo. Ito ay ang
sistemang gumagabay sa pamumuno ng mga
hari sa kanilang nasasakupan.
7. Bunsod ng pagtaas ng populasyon at
pag-unlad ng kalakalan ay ang pag-unlad
ng mga bayan. Ang paglago ng bayan ay
nakatulong sa paglago ng kalakalan at ang
paglago ng kalakalan ay nakatulong din sa
paglago ng mga bayan.
8. Maaaring umangat ang isang tao sa lipunan
dahil hindi nakabatay sa kapanganakan ang
antas sa buhay kundi sa kayamanan ng isang tao.
9. Naging maunlad ang mga manor dahil sa
pakikipagkalakalan sa ibang bayan.
262
10. Ang mga pangyayaring nagbigay-daan sa
pag-usbong ng Europe ay nakatulong sa
pagkakabuo ng pandaigdigang kamalayan
sa kasalukuyang panahon.
BINABATI KITA!
Ngayon ay natapos mo na ang bahagi ng Paunlarin para sa Aralin 3
PAGNILAYAN AT UNAWAIN
263
GAWAIN 24: Bumuo at Matuto
264
? Pamprosesong mga Tanong
1. Ano ang kahalagahan ng mga pangyayari sa pag-usbong ng Europe noong
Panahong Medieval sa kasalukuyan?
2. Paano nakatulong ang mga pangyayaring ito upang mapalaganap ang
pandaigdigang kamalayan? Ipaliwanag
Pag-unlad ng
Pandaigdigang
Kamalayan
BINABATI KITA!
Mahusay mong nagampanan ang gawain sa bahagi ng Pagnilayan at Unawain.
265
ILIPAT AT ISABUHAY
Natitiyak kong lubos na ang iyong kaalaman tungkol sa mga pangyayari
sa daigdig sa mga Klasikal at Transisyonal na Panahon. Sa bahaging ito
ng Modyul, ilalapat mo ang iyong mga natutuhan sa kasalukuyan. Ano
nga ba ang kahalagahan ng mga paksang iyong pinag-aralan sa iyong
buhay bilang isang indibidwal at bilang isang bahagi ng daigdig na iyong
ginagalawan? Isagawa ang sumusunod na gawain.
Product/Performance Video
266
PAMANTAYAN 4 3 2 1
NAPAKAHUSAY MAHUSAY NALILINANG NAGSISIMULA
Pagsusuri sa Komprehensibo at Naipakita ang mahusay Hindi gaanong naipakita Hindi naipakita ang
Pag-unlad ng mahusay ang pagsusuri na pagsusuri sa pag- ang mahusay na mahusay na pagsusuri
Pandaigdigang sa pag-unlad ng unlad ng Pandaigdigang pagsusuri sa pag-unlad ng sa pag-unlad ng
Kamalayan Pandaigdigang Kamalayan Kamalayan sa Pandaigdigang Kamalayan Pandaigdigang Kamalayan
sa pamamagitan ng pag- pamamagitan ng sa pamamagitan ng pag- sa pamamagitan ng pag-
uugnay-ugnay ng mga salik paguugnay-ugnay ng uugnay-ugnay ng mga salik uugnay-ugnay ng mga salik
at epekto ng iba’t ibang mga salik at epekto ng at epekto ng iba’t ibang at epekto ng iba’t ibang
pangyayari. iba’t ibang pangyayari. pangyayari. pangyayari.
Pinaghalawan Ibinatay sa iba-ibang Ibinatay sa iba-ibang Ibinatay lamang ang Walang batayang
ng Datos saligan ang mga kaalaman saligan ang mga saligan ng impormasyon pinagkunan. Ang mga
tulad ng mga aklat, pahay- impormasyon ngunit sa batayang aklat. impormasyon ay ga-
agan, video clips, interview, limitado lamang. wa-gawa lamang.
radio at iba pa.
267
Kaalaman sa Higit na nauunawaan Naunawaan ang paksa. Hindi gaanong naunawaan Hindi naunawaan
Paksa ang mga paksa. Ang Ang mga pangunahing ang paksa. Hindi lahat ng ang paksa. Ang mga
mga panguhaning kaalaman ay nailahad pangunahing kaalaman ay pangunahing kaalaman ay
kaalaman ay nailahad ngunit di-wasto ang nailahad. May mga maling hindi nailahad at natalakay.
at naibigay ang ka- ilan. May impormasyon impormasyon at hindi Walang kaugnayan
halagahan. Wasto at na hindi maliwanag ang naiugnay ang mga ito sa ang mga pangunahing
magkaka-ugnay ang pagkakalahad. kabuuang paksa. impormasyon sa kabuuang
mga impormasyon sa gawain.
kabuuan.
Organisasyon Organisado ang mga Organisado ang mga paksa Walang interaksyon at Hindi organisado ang
impormasyon. Ang sa kabuuan at may maayos ugnayan sa mga kasapi. paksa. Malinaw na
presentasyon ng gawain ay na presentasyon ngunit Walang malinaw na walang preparasyon
malinaw na naipapahayag di masyado nagamit nang presentasyon ng mga ang paksa.
at natatalakay gamit ang maayos ang powerpoint paksa. May owerpoint
makabuluhang powerpoint presentation. presentation. ngunit hindi
presentation. nagamit at nagsilbi lamang
na palamuti sa pisara
Pagkamalikhain Malikhain ang nagawang Malikhain ang nabuong Hindi gaanong malikhain Hindi malikhain ang
video. Bukod sa props at video. Gumamit ng mga ang video. Gumamit ng ipinakitang video.
costume ay gumamit ng props at costume ang mga mga props at costume Kulang sa mga props at
iba’t ibang teknolohiya nagsipagganap. subalit hindi gaanong costume upang maging
tulad ng sound angkop sa kanilang ginawa. makatotohanan ang
effects, digital at visual senaryo.
effects upang maging
makatotohanan ang
268
senaryo.
269
Piyudalismo- isang sistemang politikal, sosyo-ekonomiko, at militar na nakabase
sa pagmamay-ari ng lupa.
Sibilisasyong Minoan-itinuturing na kauna-unahang sibilisasyong nabuo sa
Aegean na nagsimula sa Crete mga 3100 BC o bago isilang si Kristo.
Teotihuacan- nangangahulugan ang katagang ito na “tirahan ng diyos” at isa
ito sa mga unang kabihasnang nabuo sa Valley of Mexico
Tyrant- sa sinaunang kasaysayan, ito ay pinuno ng Athens na nagsusulong ng
karapatan ng karaniwang tao at maayos na pamahalaan
Vassal- taong tumatanggap ng lupa mula sa lord
Villein- kasingkahulugan ito ng salitang serf; ito ang bumubuo ng masa ng
tao noong Panahong Medieval. Nananatili silang nakatali sa lupang kanilang
sinasaka at naglilingkod sa kanilang panginoong may lupa.
SANGGUNIAN
A. Aklat
Antonio, Eleanor D. Pana-Panahon III. Worktext para sa Araling Panlipunan
Ikatlong Taon. Kasaysayan ng Daigdig. Rex Bookstore. 856 Nicanor Reyes St.
St. Manila Philippines. 1999.
Banks, James A. et al. World History. Adventures in Time and Place. Macmillan/
McGraw-Hill 1221 Avenue of the Americas New York, New York 10020. 1997.
pp. 192-218, 422-448.
Beck, Roger B. et al. A Modern History of the World. World History Patterns of
Interaction. McDougal Little Inc. P.O. Box 1667, Evanston Illinois 60204. 1999
. 108-132, 138-166, 388-407
Boehm, Richard G. Our World’s Story. Harcourt Brace & Company, 6277 Sea
Harbor Drive, Orlando Florida 32887-6777.1997. pp. 210-234, 236-266, 336-338.
Camagay, Ma. Luisa T. et al. Kabihasnan ng Daigdig Kasaysayan at Kultura. Vibal
Publishing House, Inc. 1253 Gregorio Araneta Avenue, Quezon City. 2010. pp.
Farah, Mounir A. & Karls, Andrea Berens. World History: The Human Experience.
Glecoe/McGraw-Hill, 936 Eastwind Drive, Westerviell, Ohio 43081. 1999. pp.
Mercado, Michael M. Sulyak sa Kasaysayan ng Daigdig. St. Bernadette Publish-
ing House Corporation. 173 Rodriguez S. Ave. Kristong Hari, 1112 Quezon City.
2009. pp.
270
McCannon John. AP World History. Barrons Educational Series Inc. 250 Wireless
Boulevard Hauppage New York 11788. 2010. pp. 58-61, 67-69.
Millard, Anne. The Usborne Book of World History. Usborne Publishing Ltd. 20
Garrick Street, London WC2E 9BJ. 1995. pp. 24-27, 42-45, 66-73, 86-91, 138-140.
Perry, Marvin. A History of the World. Houghton Miffin Company Boston, Mas-
sahusetts USA. 1989. pp.
B. Module
C. Websites
Colloseum
http://ancientworld2009.wikispaces.com/file/view/coliseum.jpg/92540006/
coliseum.jpg
Gregory I
http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/9/97/Francisco_de_Zur-
bar%C3%A1n_040.jpg
Gregory VII
http://hist2615.wikispaces.com/file/view/Gregory_VII-1.jp-
g/251843136/174x220
271
Mapa ng Minoan at Mycenean
http://franceschini.cmswiki.wikispaces.net/Ancient+Greece
Mauseleum in Timbuktu
http://hopemarin.files.wordpress.com/2008/05/timbuktu2.jpg
Parthenon
https://encrypted- tbn3.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcReawl5Xp8agCB-
TODpqzMKAPIuktNE9yhizLwBds64yykmPzc7kg
Pisistratus
http://en.wikipedia.org/wiki/Cleisthenes
Pyramid of Kukulkan
http://en.wikipedia.org/wiki/File:Chichen_Itza_3.jpg
Punic Wars
http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/7/79/First_Punic_War_264_
BC.png
Solon
http://en.wikipedia.org/wiki/File:Solon2.jpg
272