You are on page 1of 2

II.

NILALAMAN

Ang mga kabataang nagpapatiwakal ay sa kadahilanang sila ay may depresyon sa


pamilya, sa karelasyon at pag aaral. Nagkakaroon sila ng depresyon sa pamilya dahil
inaabuso, binubugbog o kaya pinagsasalitan ng masama ng kaniyang pamilya. Maaari
ring mapasimulan ito ng mga kaganapan na sobrang stress tulad ng mga problema sa
paaralan, naaapi, pagkawala ng kaibigan, paghihiwalay ng mga magulang o
pagkakamatay ng alagang hayop o miyembro ng pamilya. Ito rin ay nakipaghiwalay
ang kaniyang nobyo/nobya at nasaktan sila ng sobra at haha tong sa pag iisip ng kung
ano-anong nakasasama sa kanya.

Ipinapakita ng mga pag-aaral ng Philippine Mental Health Examination na mataas ang


panganib ng pagpapakamatay sa mga lalaki at babaeng nasa kalagitnaan ng gulang 45
hanggang 50 at 50 hanggang 55. Gayunpaman, lumilikha na ng matinding alon sa
niyayanig na bansa ang pagpapakamatay ng mga binatilyo at dalagita. Ayon sa mga
bagong estadistika, tumataas ang bahagdan ng mga kabataang nagpapakamatay
partikular ang mga nasa edad 15 hanggang 24 dahil sa mga panahong ito, nakararanas
sila ng todong pagkalito at nakararamdam ng asulto ng maraming salik (Jara-Puyod).

Ayon sa National Institute for Mental Health, pahiwatig ng mga salik na ito na ang
mga kabataang gustong magpakamatay ay mayroong mababasang kaguluhang
nauugnay sa isip o sa droga, at mayorya ang mayroong higit sa isang kaguluhan.
Mahalagang maunawaan ang mga sintomas ng ganitong kaguluhan at mabasa itong
maigi para magamot agad ang mga nagbabalak magpatiwakal.

Ipinakikita ng estadistika sa Pilipinas na:Siyamnapung


porsiyento ng mga biktima ng kabataang pagpapakamatay
ang may isang madaling-basahin at aktibong
sakit-pangkaisipan sa panahon ng kamatayan—kalimitang
depresyon, pag-abuso sa droga o kaguluhan sa pag-aasal.
15 porsiyento lamang ng mga biktima ng pagpapatiwakal
ang ginagamot bago mamatay. Sa pagitan ng 26 at 33
porsiyento ng mga kabataan ang dati nang sumubok
magpakamatay (Cuenca 1).
Nasa 3 milyong Pilipino ang nakakaranas ng "depressive disorder", ayon sa pag-aaral
ng World Health Organization at sa impormasyong nakalap ng ABS-CBN
Investigative and Research Group.

Kaugnay nito, nagbabala ang mga espesyalista na hindi biro ang depresyon dahil
maaari itong humantong sa suicide o pagpapakamatay kapag hindi naagapan.

Mahigit 2,000 kaso na ng suicide ang naitala ng WHO sa bansa noong 2012.

Sa buong mundo, ang suicide ang naitatalang pangalawa sa mga pangunahing dahilan
ng pagkamatay ng mga nasa edad 15-29.

You might also like