You are on page 1of 9

KARAPATANG

PANTAO
A.P Group 2

Jens
Martensson
KARAPATANG PANTAO
► Ang karapatang pantao ay ang mga karapatan
na tinatawag ng tao sa oras pa lamang na
siya ay isilang. Ito ay ang pagtatamasa ng
kaniyang mga pangangailangan upang siya ay
mabuhay.

Jens
Martensson
Kasaysayan ng Pag-unlad ng Konsepto
ng Karapatang Pantao
► 539 B.C.E. – Sinakop ni Haring Cyrus ng Persia at
kaniyang mga tauhan ang lungsod ng Babylon.
Pinalaya niya ang mga alipin at ipinahayag na
maaari silang pumili ng sariling relihiyon.
Idineklara rin ang pagkakapantay- pantay ng lahat
ng lahi. Nakatala ito sa isang baked-clay cylinder
na tanyag sa tawag na “Cyrus Cylinder.”
Tinagurian ito bilang “world’s first charter of
human rights.”
► Kinakitaan din ng kaisipan tungkol sa karapatang
pantao ang iba pang sinaunang kabihasnan tulad
ng India, Greece, at Rome.
► Ang mga itinatag na relihiyon at pananampalataya
sa Asya tulad ng Judaism, Hinduism,
Kristiyanismo, Buddhism, Taoism, Islam at iba pa
ay nakapaglahad ng mga kodigo tungkol sa
moralidad, kaisipan tungkol sa dignidad ng tao at Jens
Martensson
tungkulin nito sa kaniyang kapwa.
Kasaysayan ng Pag-unlad ng
Konsepto ng Karapatang Pantao
► Noong 1215, sapilitang lumagda si John I, Hari
ng England, sa Magna Carta, isang
dokumentong naglalahad ng ilang karapatan ng
mga taga-England. Ilan sa mga ito ay hindi
maaaring dakpin, ipakulong, at bawiin ang
anumang ari-arian ng sinuman nang walang
pagpapasiya ng hukuman. Sa dokumentong ito,
nilimitahan ang kapangyarihan ng hari ng
bansa.
► Noong 1628 sa England, ipinasa ang Petition of
Right na naglalaman ng mga karapatan tulad
nang hindi pagpataw ng buwis nang walang
pahintulot ng Parliament, pagbawal sa
pagkulong nang walang sapat na dahilan, at
hindi pagdeklara ng batas militar sa panahon
ng kapayapaan.
Jens
Martensson
Kasaysayan ng Pag-unlad ng
Konsepto ng Karapatang Pantao
► Noong 1787, inaprubahan ng United States
Congress ang Saligang-batas ng kanilang
bansa. Sa dokumentong ito, nakapaloob
ang Bill of Rights na ipinatupad noong
Disyembre 15, 1791. Ito ang nagbigay-
proteksiyon sa mga karapatang pantao ng
lahat ng mamamayan at maging ang iba
pang taong nanirahan sa bansa.
► Noong 1789, nagtagumpay ang French
Revolution na wakasan ang ganap na
kapangyarihan ni Haring Louis XVI.
Sumunod ang paglagda ng Declaration of
the Rights of Man and of the Citizen na
naglalaman ng mga karapatan ng
mamamayan.
Jens
Martensson
Kasaysayan ng Pag-unlad ng
Konsepto ng Karapatang Pantao
► Noong 1864, isinagawa ang pagpupulong ng
labing-anim na Europeong bansa at ilang
estado ng United States sa Geneva,
Switzerland. Kinilala ito bilang The First
Geneva Convention na may layuning isaalang-
alang ang pag-alaga sa mga nasugatan at may
sakit na sundalo nang walang anumang
diskriminasyon.
► Noong 1948, itinatag ng United Nations ang
Human Rights Commission sa pangunguna ni
Eleanor Roosevelt, asawa ng yumaong
Pangulong Franklin Roosevelt ng United States.
Sa pamamagitan ng naturang komisyon,
nilagdaan at ipinatupad ang dokumentong
tinawag na Universal Declaration of Human
Rights.
Jens
Martensson
URI NG KARAPATAN
► Likas na Karapatan – ito ay ang karapatang kaloob ng Diyos sa tao tulad ng
karapatang mabuhay, magmahal, at isilang.
Halimbawa nito ay ang mabuhay nang malaya, magkaroon ng sariling pangalan,
identidad, pagkakakilanlan, at dignidad, at paunlarin ang iba’t ibang aspekto ng pagiging
tao gaya ng mental, pisikal, at espiritwal.
► Karapatan ayon sa Konstitusyon – ito ay mga karapatang itinadhana ng Saligang
Batas. Maaaring baguhin, dagdagan, at alisin ang mga ito sa pamamagitan ng mga
susog ng konstitusyon.
 Karapatang sibil – karapatan sa buhay, kalayaan, ari-arian, at pantay na
pangangalaga ng batas. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang karapatang maging
malaya, maging ligtas ang sarili at tahanan, pumili ng lugar na titirhan, bumuo ng
pamilya, magkaroon ng ari-arian, sumapi sa samahan o organisasyon at pumili ng
sariling relihiyon.
 Karapatang pampolitika – karapatang nauukol sa pakikipag-ugnayan ng mamamayan
sa bansa. Jens
Martensson
URI NG KARAPATAN
 Karapatang panlipunan – karapatang may kaugnayan sa relasyon ng mga
mamamayan sa isa’t isa. Kasama rito ang pagkakaroon ng matiwasay at tahimik na
pamumuhay, pagpili ng lugar na titirhan, at iba pa.
 Karapatang pangkabuhayan – karapatang magkaroon ng pagkakakilanlan o
hanapbuhay at pagtuklas na maaaring ikaginhawa ng buhay. Ang ilang halimbawa nito
ay ang karapatang paunlarin ang sarili, pumili ng hanapbuhay, lumahok sa
produktibong gawain, edukasyon, at pumili ng propesyon.
► Karapatan ayon sa Batas – ang mga karapatang ito ay ang mga itinadhana ng batas.
Binubuo ito ng mga personal na karapatan at karapatan ng mga grupo ng indibidwal o
kolektibong karapatan na pinoprotektahan ng pamahalaan at institusyong
panlipunan.

Jens
Martensson
Thank
You!

You might also like