You are on page 1of 1

DAVAO CITY

Davao city, lugar na may maingay, mainit at mausok na kalsadang puno ng mga
taong abala sa kanilang mga gawain sa pang araw-araw. Matuwid ang mga daan,
mayroong malapad ngunit meron ding makitid. Matataas na mga gusali at mga
imprastrakturang di mo aakalaing makikita mo dito sa Mindanao. Araw gabi
bumubusina ang mga sasakyan at talagang masasabi mong napaka abala ng mga tao.
Maraming pasyalan at kahit saan ka tumingin ay may mga pagkaing iba-ibang klase.
Iyan ang ipinagmamalaki ng lungsod ng Davao, hindi lang yan ngunit marami pa.

Ang gabi’y kay tahimik na tila ba’y lahat ng tao’y alam na kung ano ang
maidudulot ng ingay sa lugar. Mabait ang mga tao at mapagkakatiwalaan. Ang
Davao ay lugar na mapayapa, kapag ikaw ay titira dito ay talagang hindi ka
magsisisi dahil dito ay madalang lamang ang gulo dahil laha ng basagulero ay nag
bago at tumino

You might also like