Professional Documents
Culture Documents
Konseptong Pangwika
Konseptong Pangwika
Aralin 1
Wika - ang namamagitan upang maunawaan ang sarili , karanasan, kapwa tao, paligid, mundo,
obhektibong realidad, politika, ekonimik, at kultura
- daluyan ng kaisipan at kamalayan ng isang lahi, lipi, at lipunan.
- isang sistema ng mga tunog, arbitraryo na ginagamit sa komunikasyong pantao. (Hutch, 1991)
-isang sistema ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog o kaya ay mga pasulat na letra na
iniuugnay natin sa mga kahulugang nais nating ipabatid sa ibang tao (Emmert at Donagby, 1981)
1
Daluyan ng Pagpapakahulugan
1. Ang lahat ng wika ng tao ay nagsisimula sa tunog.
2. Ang simbolo ay binubuo ng mga biswal na larawan, guhit, o hugis na kumakatawan sa isa o
maraming kahulugan.
3. Kodipikadong pagsulat ang sistema ng pagsulat tulad ng paggamit ng cuneiform o tablet ng mga
Sumerian, papyrus ng mga Egyptian, at ang paglitaw ng mga hieroglyph sa sinaunang Ehipto at
ng Alpabetong Phoenician, Griyego, at Romano. Sa atin, nandiyan ang baybayin ng mga Tagalog
at Buhid ng mga Mangyan sa Mindoro.
4. Ang galaw ay tumutukoy sa ekspresyon ng mukha, kumpas ng kamay, at galaw ng katawan o
bahagi ng katawan na nagpapahiwatig ng kahulugan o mensahe.
5. Ang kilos ay tumutukoy sa kung ano ang ipinahihiwatig ng isang ganap na kilos ng tao tulad ng
pag-awit, pagtulong sa tumatawid sa daan at iba pa.
Gamit ng Wika
1. Gamit sa talastasan
2. Lumilinang ng pagkatuto
3. Saksi sa panlipunang pagkilos
4. Lalagyan o imbakan ng kaalaman ng isang bansa
5. Tagapagsiwalat ng damdamin
6. Gamit sa imahinatibong pagsulat
2
- Wikang Pambansaay wikang pinagtibay ng pambansang pamahalaan
ang wikang pambansa ginagamit sa pamamahala at pakikipag-ugnayan
sa mamamayang kaniyang sakop.
- Wikang Panturo ay ginagamit upang makatulong sa pagtatamo ng
antas ng edukasyon. Gaya ng isinasaad sa Probisyong Pangwika ng
Artikulo XIV ng Saligang-batas ng 1987, Seksyon 6 kaugnay ng wikang
panturo na:
“Sek.6 –Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang
nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa mga
umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang mga wika. Dapat magsagawa
ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ilunsad at puspusang
itaguyod ang Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at
bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.”
-Wikang Opisyal ang principal na wikang ginagamit sa edukasyon, sa
pamahalaan, at sa politika, sa komersiyo at industriya.
“Se.7 ng Artikulo XIV ng Saligang-batas ng 1987 na: Ukol sa mga
layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng
Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang itinatadhana na batas, Ingles”
Tinatanggap din ang Ingles ay isa sa wikang opisyal maliban sa Filipino.
Maaari itong gamitin sa pakikipagkomunikasyon at edukasyon, hangga’t
walang batas nagbabawal gamitin ang Ingles sa nasabing sitwasyon,
kaagapay ito ng Filipino bilang wikang opisyal.
b. Wikang Pampanitikan
- Masining at malikhain ang kahulugan ng mga salitang ito
3
Halimbawa: ewan, kelan, musta, meron
Komunikasyon - isang paraan sa pagitan ng mga tao, sa isang tiyak na lugar para sa isang particular na
layunin na ginagamitan ng berbal at biswal na signal para makapagpaliwanag.
(Bouman,2014)
- Ay pagpapahayag, paghahatid, o pagbibigay ng impormasyon sa mabisang paraan.
Isa itong pakikipag-ugnayan, pakikipagpalagayan, o pakikipag-unawaan (Webster)
- Ito ay proseso ng pagbibigay at pagtanggap, nagpapalipat-lipat sa mga indibidwal
ang mga impormasyon, kaalaman, kaisipan, impresyon, at damdamin. Nagbubunga
ang ganitong pagpapalitan ng pagkakaunawaan at kaunlaran ng lipunan (Cruz, 1988)
Antas ng Komunikasyon
1. Intrapersonal – komunikasyon na nakatuon sa sarili o paraan ng pakikipag-usap sa sarili sa
pamamagitan ng dasal, meditasyon, at pagnilay-nilay
2. Interpersonal- komunikasyon na nagaganap sa pagitan ng dalawa o higit pang kalahok.
3. Organisasyonal- komunikasyon ay nagaganap sa loob ng isang organisasyon tulad ng paaralan,
kompanya, simbahan, at pamahalaan sa pagitan ng mga taong may iba’t ibang posisyon o
obligasyon, at responsibilidad.
Tagapagdala (Sender) ang pinagmulan ng mensahe. Dumadaan ang mensahe sa isang Tsanel
(Channel) upang maihatid ito sa patutunguhang tao o destinasyon Tagatanggap (Receiver) ang tao o
institusyong pinadalhan ng mensahe. Nagkaroon ng tugon, puna, o reaksiyon (Feedback) ang
tagatanggap hinggil sa mensahe ng tagapagdala. Ito ay bumabalik sa tagapagdala. Sa pagpapaabot ng
mensahe, maaaring hindi ito maintindihan dahil sa ingay. Ang ingay ang nagiging hadlang sa
komunikasyon dahil maaari itong ingay na likha ng kapaligiran, ng mga tao, at mga bagay. Maaring
internal o sikolohikal dulot ng bagabag sa sarili, pag-aalala, kalituhan ng tagapagdala o tagatanggap.
4
2. Komunikasyong Pasulat – nakabatay sa alpabeto, gramatika at istruktura ng wika at
kumbensiyong pangwika
3. Pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng kompyuter(Computer-mediated communication o
CMD) – tuluyang komunikasyon habang gamit ang e-mail, chat, messenger, at social networking
sites.
Kultura - ayon kay Salazar (1996), ang kultura ay ang kabuuan ng isip, damdamin, gawi, kaalaman, at
karanasan na nagtatakda ng maaaangking kakayahan ng isang kalipunan ng tao, ang wika ay di
lamang daluyan kundi higit pa rito, tagapagpahayag at umpukan-imbakan ng alinmang kultura.
5
Aralin 2
Ang Wikang Filipino ay binubuo ng maraming wika mula sa kasalong wika (Sugbuanong-
Binisaya, Iloko, Kapampangan, Pangasinan, Samar-Leyte, Maguindanao, Tausug, at Tagalog) at
mga banyagang wika (Kastila, Ingles, at Tsino).
Upang mapalakas ang ating pambansang wika, nararapat lamang na mawala ang katawagang
rehiyunal o bernakular/vernacular na wika (Tagalog)
Sinabi ni Ernesto Constantino (1974) na; “ang wikang pambansa ng Pilipinas ay dapat ibatay
hindi sa isang wika lang kundi sa maraming wika ng Pilipinas; pero hindi nito pinupuwersa na isa
mga wikang ito ang gawing nucleus o simula ng wikang pambansa. Sa madaling sabi, sa
pagdedebelop sa wikang pambansa ng Pilipinas batay sa prinsipyong ito (universal approach),
maaaring mag-umpisa sa ilang wika nang sabay-sabay at maaari ding mag-umpisa sa isang wika
lang.”
6
Aralin 3
7
Heterogenous - iba-iba ang gamit ng wika, layunin, at gumagamit
– iba-iba ang gamit, layunin, at gumagamit. Iba-iba ang wika dahil sa lokasyong
heograpiko, pandarayuhan, sosyo-ekonomiko, political at edukasyonal na katangian ng
isang particular na lugar o komunidad na gumagamit ng naturang wika. Hal. Ang
Pilipinas ay halimbawa sa pagiging multilingguwal na nag-iiba-iba ang wika.
8
Aralin 4
9
Sosyolek – ay uri ng wika na nililikha at ginagamit ng isang pangkat o uring panlipunan. Hal. Jejemon
Idyolek – ay natatangi’t espesipikong paraan ng pagsasalita ng isang tao. Minsan nakikilala natin o
nagiging marka sa pagkakakilanlan ng isang tao. Hal. Paraan ng pagsasalita ni Kris Aquino
Unang Wika – wikang natutuhan ng isang tao mula noong kaniyang kapanganakan.
- Batayan para sa pagkakakilanlang sosyolingguwistika ang unang wika ng isang tao
- Tinatawag din itong katutubong wika (L1)
Pangalawang Wika – iba pang wikang pinag-aaralan o natutuhan maliban pa sa unang wika (L2)
- Ang kasalukuyang wikang pambansa na Filipino ang pangalawang wika ng
nakararaming Pilipino
10
Aralin 5
Pasalita Pasulat
Pakikitungo, Pangalakal, Pag-uutos Liham Pangalakal
11
B. PANREGULATORI
Kumukontrol/ gumagabay sa kilos at asal ng iba
Ang regulatoryong bisa ng wika ay nagtatakda, nag-uutos, nagbibigay-direksyon sa atin
bilang kasapi o kaanib ng lahat o ng alinmang institusyon.
Ang wika ay regulatoryo kung mayroon ito ng sumusunod na mga element:
1. Batas o kautusan na nakasulat, nakikita, nakalimbag, o inuutos nang pasalita
2. Taong may kapangyarihan o posisyon na nagpapatupad ng kautusan o batas
3. Taong nasasaklawan ng batas na sumusunod ditto
4. Konteksto na nagbibigay-bisa sa batas o kautusan tulad ng lugar, institusyon,
panahon, at taong sinasaklawan ng batas
12
Pasalita Pasulat
Pagbibigay ng panuto/direksyon/paalala Resipe, Direksyon sa isang lugar, panuto sa
pagsusulit at paggawa ng isang bagay, tuntunin sa
batas na ipinatutupad
C. PANG-INTERAKSIYONAL
Nakapagpapanatili, nakapagtatatag ng relasyong sosyal.
Interpersonal na Komunikasyon- ang pakikipag-usap sa isa o higit pang tao.
Tinutulungan tayong makipag-ugnayan at bumuo ng sosyal na relasyon sa ating
pamilya, kaibigan, o kakilala.
Pasalita Pasulat
Pormulasyong Panlipunan Liham Pangkaibigan
- Pangungumusta, Pag-anyayang Kumain, -Imbitasyon sa Isang Okasyon (Kaarawan,
Pagpapatuloy sa Bahay, Pagpapalitan ng Biro, at Anibersaryo, Programa sa Paaralan)
marami pang iba
D. PAMPERSONAL
Nakapagpapahayag ng sariling damdamin o opinion
Ang “personal” ay mula sa salitang personalidad. Nabuo ang personalidad ng isang tao habang
siya’y nagkakaisip at nagiging bahagi ng isang lipunan.
Ayon sa Sikolohiya, ang personalidad ay kaugnay ng mga pangunahing teorya kabilang ang pag-
uugali, psychodynamic, pangkatauhan, biyolohikal, asal, ebolusyon, at perspektibo sa kaalamang
panlipunan.
Apat na Dimensiyon ng Personalidad (Carl Jung, 1920)
1. Panlabas laban sa Panloob (Extraversion vs. Introversion) – inilalarawan kung paano
nagkakaroon ng enerhiya
2. Pandama laban sa Sapantaha (Sensing vs. Intuition) – inilalarawan kung paano kumukuha ng
impormasyon ang mga tao
3. Pag-iisip laban sa Damdamin (Thinking vs. Feeling) – inilalarawan ang paraan ng ginagamit
ng isang tao sa pagdedesisyon
4. Paghuhusga laban sa Pag-unawa (Judging vs. Perceiving) – inilalarawan ang bilis ng pagbuo
ng desisyon ng isang tao.
Personal bilang pagpapahayag ng sarili
Pasalita Pasulat
Pormal o Di-Pormal na Talakayan, Debate o Editoryal o Pangulong-tudling, Liham sa Patnugot,
Pagtatalo Pagsulat ng Suring-basa, Suring-Pelikula o
Anumang Dulang Pantanghalan
13
E. PANGHEURISTIKO
Naghahanap ng mga impormasyon o datos
Pag-iimbestiga. Pag-eekspiremento kung tama o mali. Natututo tayo sa ganitong proseso ng
pagtuklas sa ating paligid at sa pagkuha ng luma at bagong kaalaman. Heuristiko ang bisa ng
wika sa ganitong sitwasyon.
Kung nais nating ipaliwanag ang datos, impormasyon, at kaalamang ating natutuhan o
natuklasan at kung nais nating iulat ang mga ito sa publiko o kahit kanino, representatibo
naman ang bisa ng wika sa ganitong pagkakataon.
ANG APAT NA YUGTO SA MAUGNAYING PAG-IISIP
- Ayon kay Benjamin Bloom (1956), bukod sa kakayahang pangkaisipan (kognitibo), kailangan
din ang kakayahang pandamdam/pandamdamin (apektibo), at pampisikal (psychomotor).
- Kaugnay ng kakayahang pangkaisipan, may apat na yugto ng maunlad nap ag-iisip na
kailangang matutuhan ng mga estudyante:
A. Paggamit ng Sintido-kumon
- Ang pinakakaraniwang paraan ng pag-iisip at pangangatwiran.
Hal. Kapag makulimlim ang langit, maiisip nating magdala ng payong.
B. Lohikal na Pag-iisip
-binubuo ng 3 uri
5. Kritikal na Pag-iisip
Pasalita Pasulat
Pagtatanong Pananaliksik, at Pakikipanayam Sarbey, Pamanahong Papel, Tesis, at Disertasyon
14
F. PANREPRESENTATIBO
Nagpapahayag ng komunikasyon sa pamamagitan ng mga simbolo o sagisag.
Pasalita Pasulat
Pagpapahayag ng Hinuha o Pahiwatig sa mga Mga Anunsiyo, Patalastas, at Paalala
Simbolismo ng Isang Bagay o Paligid
G. PANG-IMAHINASYON
Ang pagiging malikhain ng tao ay tungkuling nagagampanan niya sa wika. Nalilikha ng
tao ang mga bagay-bagay upang maipahayag niya ang kaniyang damdamin.
Ayon kay Hallday (1973), ang imahinatibong wika ay ginagamit sa paglikha, pagtuklas, at
pag-aliw.
Gamit ng Wika sa Imahinatibong Panitikan
1. Pantasya
2. Mito
3. Alamat
4. Kuwentong-bayan
5. Siyensiyang Piksyon
6.
Pasalita Pasulat
Pagbigkas ng Tula, Pagganap sa Teatro Pagsulat ng Akdang Pampanitikan
15
Aralin 6
3. Proklamasyon Blg. 12
Ipinalabas noong Marso 26, 1954 ni Pang. Ramon Magsaysay ang pagkakaroon ng pagdiriwang
ng Linggo ng Wika mula Marso 29 – Abril 4 (kapanganakan ni Francisco Balagtas).
16