You are on page 1of 6

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO V

PANGALAN: _____________________________________________ PETSA:_________________


BAITANG AT SEKSYON:______________________ ISKOR:_________________

Panuto: Basahin at intindihing mabuti ang bawat bilang at sagutin ang mga ito ng mahusay. Isulat ang
titik ng tamang sagot o ibigay ang hininihing kasagutan.

Sa bilang na 1-3, sundin ang hakbang sa pagguhit ng isang bulaklak. Iguhit ang iyong sagot sa
espasyong nakalaan.

1. Gumuhit ng isang bulaklak na may limang talulot (petals) at tatlong dahon.


2. Kulayan ang mga talulot ng pula at berde para sa dahon.
3. Gumuhit ng paso (vase) nito at kulayan ng asul.

Sa bilang na 4-6, magbigay ng 3 hakbang sa pagbabasa ng tahimik.


4.____________________________________________________________________________________
5. ____________________________________________________________________________________
6. ____________________________________________________________________________________

7. Si ate ay _____________ habang naglalaba.


a. nagluluto b. nagluto c. magluluto d. pinagluluto
8. Kami ay masayang _______________ sa dagat noong isang araw.
a. naliligo b. maliligo c. naligo d. kakaligo
9. Ako ay __________ ng bahay mamayang hapon.
a. naglinis b. naglilinis c. maglilinis d. kakalinis
10. __________ ng konsyerto ang magkakaibigan sa Sabado.
a. Manonood b. Nanonood c. Nanood d. Manood
11. ____________ si Nanay ng maraming pagkain noong isang araw.
a. Naghahanda b. Maghahanda c. Pinaghahandaan d. Naghanda

Basahin ang tekstong nasa ibaba at sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Si Andres Bonifacio ay masikap at matalinong mag-aaral. Nagsikap siyang bumasa at
sumulat. Tinulungan niya ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga lathalaing
sinulat ng mga Pilipino.
Bunga ng pang-aabuso, napilitang lumaban si Andres Bonifacio sa mga Espanyol at
kanyang itinatag ang Katipunan. Noong Agosto 23, 1896, nagtipun-tipon ang mga Katipunero sa
Pugadlawin, at sabay-sabay na pinunit ang kanilang sedula bilang tanda ng paglaban sa
pamahalaan ng mga Espanyol.
Bagamat kulang sa armas at kakayahang pang-militar, naitaguyod ni Andres Bonifacio ang
malawakang paghihimagsik laban sa lakas ng Espanyol. Siya ay tinawag na “Ama ng Katipunan”
dahil sa dakilang nagawa niya sa bayan.
12. Bakit sinabing masikap at matalinong mag-aaral si Andres Bonifacio?
a. Siya ay nag-aral sa mga sikat na paaralan.
b. Siya napabilang sa mga matatalinong bata sa kanyang paaralan.
c. Tinulungan niya ang kanyang sarili upang siya ay makapag-aral.
d. hindi sinabi sa teksto ang dahilan
13. Bakit itinatag ni Andres Bonifacio ang Katipunan?
a. Dahil sa pang-aabuso ng mga Espanyol
b. Dahil sa marami siyang tauhan
c. Dahil siya ay isang magiting na kawal
d. Nais niyang maging pinuno ng mga kawal na Pilipino
14. Ano ang pinakaangkop na pamagat ng tekstong iyong binasa?
a. Ang Sigaw sa Pugadlawin c. Andres Bonifacio: Ama ng Katipunan
b. Andres Bonifacio: Magiting na Tao d. Bonifacio: Ang Katipunero
15. Anong grupo ang itinatag ni Bonifacio laban sa mga Espanyol?
a. Kalayaan b. Katipunan c. Kaisahan d. Kapipipinuhan
16. Kailan itinatag ni Bonifacio ang Katipunan?
a. Agosto 24, 1896 b. Agosto 13, 1896 c. Agosto 23, 1896 d. Agosto 10, 1986
17. Dali-daling nilapitan ni Justin ang batang nakadapa at pinatayo nito at sinabing, Nasaktan ka ba?.
Anong klaseng bata si Justin?
a. Matulungin b. mabait c. maalalahanin d. lahat ay tama
18. “Halika ka, bata ka!” ang malakas na sigaw ni Mang Emil sabay hampas ng palo sa kanyang anak
na ni Carlo . Ano ang masasabi mo kay Mang Emil?
a. Siya ay mapagmahal sa anak b. Siya ay mabagsik na ama
c. Siya ay mabait d. Siya ay isang ulirang ama

Basahin ang malikling sanaysay sa ibaba at pagsunud-sunurin ang mga pangyayari ayon dito. Lagyan
ng bilang na 1,2,at 3 patlang bago ang pangyayari.
Sabado ng umaga, maagang nagising si Lito kahit na siya ay walang pasok.Pumunta
siya sa likod ng kanilang bahay at nakita niya ang isang nakatiwangwang na lupa. Naisipan niya
itong pakinabangan sa pamamagitan ng pagtatanim ng halamang gulay.

Binungkal niya ang lupa, inalis ang damo at iba pang bagay na hindi kakailanganin ng
kanyang halamang itatanim.Kumuha siya ng mga buto ng upo at sitaw at mahusay na itananim
ang mga ito at saka diniligan. Araw-araw niya itong binibisita at inaalagaan.Inaalis niya angmga
damong ligaw, pinupuksa ang mga peste, nilalagyan ng organikong pataba at dinidiligan.

Pagkatapos ng ilang buwan, napansin niyang namumunga na ang mga ito. Masayang-
masaya siay sapagkat napakinabangan niya ang kanyang pinagpaguran.Nakakatikim na siya at
ng kanyang pamilya ng masustansiyang pagkain at libre pa.

19. ____________Pagkalipas ng ilang buwan, namunga ang mga halamang gulay.


20. ____________Nakita ni Lito ang nakatiwangwang na lupa at naisipan niyang tamnan ito.
21. ____________Masayang-masaya si Lito ng mamunga na ang kaniyang mga pananim.

22. Ayon sa kuwento, bakit naging Masaya si Lito sa bandang huli?


a. Sapagkat tumubo na ang kanyang halaman.
b. Dahil marami siyang napagbentahan ng gulay.
c. Sapagkat namunga na ang kanyang mga halaman.
d. Dahil gumanda na ang paligid ng kanilang bahay
23. Paano inalagaan ni Lito ang kanyang mga halaman?
a. Dinidiligan niya ito sa araw ng Sabado at Linggo.
b. Binibisita niya ito upang makita kung namunga na.
c. Araw-araw niya itong binibisita, dindiligan, binubutan ng damo, nilalagyan ng pataba at
pinupuksa ang mga peste.
24. May mga pamantasang nagpapa-aral ng libre sa mga matatalinong mag-aaral. Ano ang ibig sabihin
ng libre?
a. mataas ang bayad c. maliit ang bayad
b. doble ang bayad d. walang bayad
25. Mas pinili ni Kyla na mag-aaral sa pampublikong paaralan dahil mas mababa ang matrikula dito.
Ano ang ibig sabihin ng salitang matrikula?
a. pamasahe sa dyip c. bayad sa bahay
b. bayad sa pag-aaral d. bayad sa pagkain
26. Sa patuloy na pagtaas ng mga pangunahing bilihin at produktong petrolyo kaya maraming Pilipino
ngayon ang nahihirapan. Ang bahaging nasalungguhitan ay ang ____________.
a. sanhi b. dahilan c. bunga d. sanga
27. Maraming tao ang nawalan ng tirahan sa Cagayan dahil sa pananalasa ng bagyong Ompong. Ano
ang sanhi ng pagkawala ng tirahan ng maraming tao sa Cagayan?
a. ang pagbaha c. ang pananalasa ng bagyong Ompong
b. ang paglindol d. ang pagpapabaya sa kanilang tirahan
28. Maraming mag-aaral ang humahanga kay James dahil siya ay kutis-labanos. Ano ang kahulugan ng
kutis-labanos?
a. matalino b. anak ng hari c. mabait d. maputi at makinis
29. Si Karylle ay balat-sibuyas tuwing siya ang mapagsasabihan ng aming guro. Siya ay ____________.
a. masayahin b. may balat ng sibuyas c. maramdamin d.nahihiya
30. Nagpapaliwanag ang guro nina Mark tungkol paggawa ng basket samantalang siya ay abala sa
pagdodrowing ng cartoons. Ano kaya ang maaaring mangyari kapag nagpasa sina Mark ng basket?
a. Si Mark ang may pinakamagandang basket.
b. Si Mark ang mauunang magpass ng basket
c. Hindi matatapos ni Mark ang kanyang basket ng maayos
31. Nagbilin ang Nanay ni John bago siya umalis na paliguhan ang kanilang baboy dahil sa sobrang
init ng panahon.Pgkaalis ng kanyang nanay, niyaya siya ng kaniyang kaibigan at maghapon silang
namingwit ng isda sa ilog. Ano ang maaaring mangyari?
a. Matutuwa ang kanyang nanay dahil kakatayin na ang kanilang baboy
b. Magagalit ang kanyang nanay dahil namatay ang kanilang baboy
c. Hindi papagalitan si John dahil siya naman ay namingwit ng isda na kanilang uulamin.

Sa bilang na 32-36, punan ang mga patlang sa sanysay upang mabuo ito.Piliin ang sagot sa loob ng
kahon.
di-gaano kasing-itim di-gasino Mas nakalulungkot
kasimputi Mas sariwa Sariwa pinakamasaya mas masaya

__________ pa ang hangin sa pook. Ang ilog ay malinis at malinaw. Tahimik ang lugar at
payapa. Isa sa ______________________ bahagi ng araw ay ang gabi. Tuwang-tuwa na nag-uusap
ang mga magkakapitbahay sa ilalim ng maliwanag na sikat ng buwan habang masayang- masayang
naghahabulan ang mga bata habang naglalaro ng tumbang preso.

Ngunit, __________ maganda na ang buhay ngayon sa nayon. Ang dating tahimik at payapa
ay magulo at maingay na. _________________ isipin na ang dating malinis at maayos na kapiligiran
ay puno na ng basura. ______________________ na ng usok ang tubig ilog.

Malungkot na sa nayon. Sana maibalik ang dati nitong anyo. Sana

37. Sinimulan nila ang pulong sa pamamagitan ng eleksyon para sa mga magiging lider sa paaralan.
Ano ang ibig sabihin ng eleksyon?
a. tula b. bayanihan c. halalan d. awitan
38. Nagkaroon ng debate ang mga lider ng mga mag-aaral tungkol sa tuntunin na dapat sundin sa loob
ng paaralan. Ang ibig sabihin ng debate ay ________________.
a. pagtatalo b. pagtuturo c. pagluluto d. paghahain
39. Tayo ay nasa isang bansang demokrasya, kaya nagagawa natin ang ating ninanais gawin ayon sa
batas. Ang demokrasya ay ______________.
a. Malaya b. madaya c. masaya d. payapa
Pag-aralan ang bar graph at mapang na nasa ibaba at sagutin ang mga tanong ayon dito.

Mga Punong Naitanim sa Barangay Masipag


70
60
50
40
30
20
10
0
Acacia Malunggay Santol Mangga Mahogany

40. Anong puno ang pinakamaraming naitanim sa Barangay Masipag? ________________


41. Anong puno ang pinakakaunti ang naitanim? ____________________________
42. Ano-ano ang puno ang magkasindami ang naitanim? _____________________________

MAPA NG CAVITE

CITY OF
CITY OF

CITY OF
CITY

CITY

CITY

43. Ilang lungsod ang bumubuo sa Cavite?___________________


44. Ilang bayan ang mayroon sa Cavite? ______________
45. Sa anong lugar sa Cavite ipinagdiriwang ang “Valenciana Festival”? ________________________

Panuto: Punan ng wastong magagalang na pananalita ang bawat patlang.


46. Mam, ___________ pero hindi ko po alam ang sagot sa inyong tanong.
47. _________, pero hindi ko maaaring gawin ang inyong pinapagawa. Masama po ang maging traydor
sa kaibigan.
48. Nais mong malaman ang kahulugan ng isang mahirap na salitang iyong nabasa. Ano ang dapat
mong gamitin?
a. Atlas b. Pahayagan c. Diksiyonaryo d. Ensiklopedya
49. Nalaman mo ang isang balita tungkol sa giyera sa Middle East, ano ang iyong dapat basahin?
a. Peryodiko b. Aklat c. Ensiklopedya d. Diksiyonaryo
50. Nais mong malaman ang tungkol sa bansang Switzerland. Ano ang dapat mong sanggunian?
a. Atlas b. Alamanac c. Ensiklopedya d. Peryodiko
TABLE OF SPECIFICATION (FILIPINO V) SECOND QUARTER

Competencies No. of % No. of Item


Days Items Placement

Nakasusunod sa hakbang ng isang gawain 3 6.25 3 1-3


Nakapagbibigay ng panuto na may 3-5 hakbang. 3 6.25 3 4-6
Nagagamit ng wasto ang pandiwa ayon sa panahunan sa 5 10.42 5 7-11
pagsasalaysay tungkol sa mahahalagang pangyayari.
Naitatala ang impormasyon mula sa binasang teksto. 3 6.25 3 12-14
Nailalarawan ang tauhan batay sa kilos at pagsasalita 2 4.17 2 17-18

Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa tekstong 2 4.17 3 19-21


nabasa.
Nasasagot ang mga tanong na bakit at paano 2 4.17 2 22-23

Naibibigay ang kahulugan ng mga salitang pamilyar at di 2 4.17 2 24-25, 37-


pamilyar 39
Nasasabi ang sanhi at bunga ng pangyayari 2 4.17 2 26-27

Nabibigyang-kahulugan ang mga tambalang salita. 2 4.17 2 28-29


Nahuhulaan ang maaaring mangyari sa teksto gamit ang 2 4.17 2 30-31
dating karanasan/ kaalaman.
Nasasagot ang mga literal na tanong sa nabasang teksto. 2 4.17 2 15-16
Nagagamit ang mga pang-uri sa paglalarawan ng 5 10.42 5 32-36
pamayanang kinabibilanagan
Nabibigyan kahulugan ang bar graph 3 6.25 3 40-42
Nabibigyang-kahulugan ang mapa 3 6.25 3 43-45
Nagagamit ang magagalang na pananalita sa pagtatanggi 2 6.25 3 46-48
Nagagamit ang pangkalahatang sanggunian sa 5 10.42 5 49-50
pagsasaliksik tungkol sa isang paksa
48 100 50
SUSI NG PAGWAWASTO

21. 3
1-3 22. C
23. C
24. D
25. B
26. C
27. C
28. D
29. C
30. C
31. B
4-6
32. Sariwa
- Umupo ng tuwid at maayos. 33. Pinakamasayang
- Magbasa gamit ang mga mata. 34. Di-gaano
- Unawain mabuti ang binabasa. 35. Mas nakakalungkot
36. Kasing-itim
7. A 37. C
8. C 38. A
9. C 39. A
10. A 40. Acacia
11. D 41. Santol
12. C 42. Malunggay at Mangga
13. A 43. 6
14. C 44. 16
15. B 45. General Trias, Cavite
16. C 46. paumanhin po/ patawad po
17. D 47. Paumanhin po/ Patawad po
18. B 48. C
19. 2 49. A
20. 1 50. A

You might also like